maraming maraming maraming salamat po sa inyo! Dito na po natatapos ang kwento ni Lucas at ni Annie. Hanggang sa muli~ <3
Napalingon siya sa pinto ng banyo nang marinig niya ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula roon at alam niyang si Lucas ay naliligo. Tumayo si Annie mula sa kama habang hawak- hawak niya ang kumot at bahagyang namula pa ang kaniyang mukha ng maalala niya ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ng kaniyang asawa. Bagamat dalawang taon na silang kasal ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya tuwing nagniniig sila. Napatayo siya ng tuwid at binitawan ang kumot na hawak niya nang bigla na lamang tumigil ang tunog ng gripo sa banyo. Ilang sandali pa nga ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Lucas na nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha nang mapatitig sa hubad na katawan nito lalong- lalo na sa mga abs nito. Iniiwas niya ang kaniyang tingin mula rito. Nang makita siya nito na nakatayo sa tabi ng kama ay biglang napatanong ito sa kaniya. “May kailangan ka ba?” tanong nito sa kaniya habang nagp
Tatlong taon ang ipinangako nito ngunit ngayon ay bumalik na ang pinakamamahal nitong babae na sa loob ng dalawang taon nila bilang mag- asawa ay nananatili pa rin pala ito sa puso nito at iyon na ang tamang oras para bumitaw siya sa pagsasama nilang dalawa.Yumuko siya at pagkatapos ay inabot ang divorce agreement na inilapag niya sa lamesa ng ilang sandali. Hindi pa niya natatapos ang kaniyang kinakain ngunit nawalan na siya ng gana dahil sa mga sinabi nito sa kaniya at plano na sana niyang bumalik sa kaniyang silid nang bigla na lamang hilahin ni Lucas ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang pag- alis.Bahagyang may tono ng pagkainis ang boses nito nang pahintuin siya nito.“Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko.” galit na sabi nito sa kaniya. “Kapag nagsabi ka kay Lolo na gusto mo ng makipaghiwalay ay tatanungin niya talaga ang dahilan sigurado ako. Nung nagpakasal ka sakin, di ba sabi mo ay may napupusuan ka sa loob ng maraming taon? Ngayong pinalaya na kita ay hanapin mo na la
Bigla siyang napatitig sa gwapong mukha nito at pagkatapos ay napabulong sa kaniyang isip. ‘Walang iba kundi ikaw iyon Lucas. Sampung taon na kitang minamahal.’ Matinding kirot ang naramdaman ni Annie sa kaniyang puso ng mga oras na iyon. Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at sumagot ng mahinahon. “Hindi na mahalagang malaman mo pa kung sino siya dahil mayroon na siyang ibang mahal at balak na magpakasal muli.” …BAHAGYANG kumunot ang noo ni Lucas nang marinig niya ang sagot ni Annie. “Magpakasal muli? Nag- asawa na siya?” gulat na tanong niya sa naging sagot nito. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya mapapantayan ang lalaking iyon na may asawa na sa puso nito.Bahagya itong tumango. “Napilitan siya sa pagpapakasal sa babaeng pinakasalan niya dahil sa pamilya niya na pakasalan ang isang taong hindi naman niya mahal. Ngayon ay bumalik na ang babaeng totoong minahal nito at malapit na silang ikasal.” sagot nito.Nang marinig niya ang sinabi nito ay hindi niya maiw
Ilang sandali pa nga pagkatapos nilang mag- usap ni Lucas sa telepono ay kaagad na dumating sa kanilang bahay si Kian. Agad nitong inabot sa kaniya ang regalong sinabi nito kaninang magkausap sila sa telepono.Regalo? Muli niyang naitanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa hawak niya. Naghanda siya ng isang regalo niya na ilang araw niyang pinag- isipan kaya nga lang ang nakakalungkot ay hindi nito ito gusto. Aalis na sana si Kian pagkatapos na pagkatapos nitong maibigay sa kaniya ang regalo ni Lucas nang pigilan niya ito.Hinila niya ito hanggang sa kusina at pagkatapos ay binuksan niya ang ref at maingat na inilabas doon ang cake.“Ako mismo ang gumawa nitong cake at gutso kong tulungan mo ako at dalhin natin ito sa kaniya.” sabi niya kay Kian na bahagyang natigilan dahil sa sinabi niya.…Biglang naalala ni Kian ang mga salita na sinabi sa kaniya kanina ng kaniyang boss na si Lucas.“Kung sabihin niya na dalhan mo ako ng cake ay tumanggi ka.” bilin nito sa kaniya kanina.Napatin
“Ingatan mo ang sarili mo…” sabi ni Lucas sa kaniya at bago nito tuluyang ibaba ang telepono.“Sige salamat.” sagot niya rito kahit na hindi niya alam kung narinig ba siya nito.Kahit na mahina lamang ang tinig ni Trisha sa background ay rinig na rinig niya ang binanggit nitong candlelight dinner. Sa kanilang ikalawang anibersaryo ay nakipag- candlelight dinner ito sa iba. Napakasaklap ng kalagayan niya kung tutuusin dahil totoo ngang nagbalik na ang babaeng minahal nito kahit na napakahirap niyang paniwalaan ang bagay na iyon pero iyon ang totoo.At ang katotohang iyon ang sumampal at gumising sa kaniya sa ginawa niyang pantasya niya. Wala na siyang kailangang sabihin pa dahil sa loob ng dalawang taon ay wala pa rin siyang panama kay Trisha. Bakit nga ba kasi iniisip niya na pipiliin siya ni Lucas? Kapag ba sinabi niya rito na buntis siya?Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil sa hindi niya sinabi rito ang tungkol sa pagbubuntis niya kung hindi ay pinahiya niya siguro ang sarili niya
Nagtatakang napatingin sa kaniya si Annie. Naguguluhan. “Naaalala ko pa noong pinakasalan ko siya ay ikaw ang unang- unang tumutol sa kasal namin pero ngayong nalaman mong naghiwalay kami ay nagagalit ka pa. Hindi ba dapat ay ikaw ang unang maging masaya dahil tuluyan na kaming maghihiwalay?” tanong niya rito.“Noon iyon, iba na ngayon. Noong una aaminin ko na hindi talaga kita gusto noon para kay Lucas pero noong makilala kita ay nag- iba ang pagtingin ko sayo. Isa pa ay kasal na kayo, ang kasal ay dapat ninyong pahalagahan dahil hindi naman isang laro ang pagpapakasal. At isa pa…” ibinitin nito ang sinasabi at nagpatuloy, “Mas bagay ka pa rin naman para kay Lucas kaysa sa Trisha na iyon.” makahulugang sabi nito sa kaniya bago siya nito tinalikuran. Hindi na niya nagawang magsalita pa o ni sumagot man lang rito.Naipilig na lamang niya ang kanyang ulo at mabilis na tumalikod din doon upang tawagin na lamang niya ang driver. Kailangan na niyang maiuwi ang kanyang asawa. Mabilis niya
Mabilis na bumangon si Lucas nang marinig niya ang sinabi nito at agad na kinuha mula sa kaniya ang cellphone. Umalis ito sa kama at pagkatapos ay lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. Nanatili siyang nakahiga sa kama at pinanuod lamang ito. Ilang minuto itong nakipag- usap kay Trisha at medyo malayo si Lucas sa kanya kaya hindi niya marinig ang pinag- uusapan ng mga ito.Tanging ang ekspresyon lamang nito ang kanyang nakikita. Pagkatapos nitong tapusin ang tawag ay lumapit sa kaniya si Lucas. Tiningnan niya ito na nakataas ang kilay.“Hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni Trisha. Hindi ba siya nagalit?” tanong niya rito.“Hindi naman. Ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit,” huminto ito at pagkatapos ay sumulyap sa kaniya. “At sinabi ko na mag- asawa tayo kaya normal lang na sa iisang kama tayo matulog.” sabi nito.“Yeah.” sarkistong sagot
“Doc, ano kasi buntis ako. Safe ba na inumin ko ang mga gamot na ibibigay mo sa akin?” napakunot ang noong tanong nito at muling tumayo. “Papalitan ko itong gamot at sa halip na inumin mo ay bibigyan na lang kita ng pangpahid.” sabi nito at muling naglakad paalis sa harap niya.“Pasensiya na po.” tanging nasabi na lamang niya.Pagkaalis ng doktor ay iyon naman ang eksaktong pagpasok sa loob ni Lucas. Bakas sa mukha nito ang galit kaya napalunok na lamang siya. Malamig na tumingin ito sa kaniya.“Marunong kana palang magsinungaling ngayon Annie.” malamig na sabi nito sa kaniya.Alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang pagsisinungaling niya tungkol sa pag- inom niya ng gamot.Mabilis siyang nag- iwas ng tingin rito at napayiko dahil alam niya na mali talaga siya. “Pasensiya na hindi ko intensiyon na magsinungaling sa
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka