Share

Chapter 0005.2

last update Huling Na-update: 2024-04-16 13:58:22

Nagtatakang napatingin sa kaniya si Annie. Naguguluhan. 

“Naaalala ko pa noong pinakasalan ko siya ay ikaw ang unang- unang tumutol sa kasal namin pero ngayong nalaman mong naghiwalay kami ay nagagalit ka pa. Hindi ba dapat ay ikaw ang unang maging masaya dahil tuluyan na kaming maghihiwalay?” tanong niya rito.

“Noon iyon, iba na ngayon. Noong una aaminin ko na hindi talaga kita gusto noon para kay Lucas pero noong makilala kita ay nag- iba ang pagtingin ko sayo. Isa pa ay kasal na kayo, ang kasal ay dapat ninyong pahalagahan dahil hindi naman isang laro ang pagpapakasal. At isa pa…” ibinitin nito ang sinasabi at nagpatuloy, “Mas bagay ka pa rin naman para kay Lucas kaysa sa Trisha na iyon.” makahulugang sabi nito sa kaniya bago siya nito tinalikuran. Hindi na niya nagawang magsalita pa o ni sumagot man lang rito.

Naipilig na lamang niya ang kanyang ulo at mabilis na tumalikod din doon upang tawagin na lamang niya ang driver. Kailangan na niyang maiuwi ang kanyang asawa. Mabilis niya namang natawag ang driver at pagkatapos ay tinulungan siya nitong alalayan si Lucas patungo sa kotse. Habang nasa sasakyan ay hindi lubusang maisip ni Annie ang dahilan kung bakit ito naglasing kaya muli na naman siyang napahugot ng malalim na buntung- hininga.

Ilang sandali pa nga ay nakarating na rin sila sa wakas sa kanilang bahay at pinagbuksan sila ng pinto ng driver. Katulad kanina ay tinulungan na naman siya nitong alalayan si Lucas pababa ng sasakyan dahil kung mag- isa lamang siya ay alam niyang hindi niya makakaya lalo pa at mas mabigat ito sa kaniya.

Pagkababa nila ng sasakyan ay mabilis niyang inilagay ang braso ni Lucas sa kanyang balikat at inalalayan itong maglakad ngunit nang mag- angat siya ng kanyang mga mata ay nabigla siya sa lalaking nasa harap nila ng mga oras na iyon walang iba kundi ang Daddy ni Lucas, si Alejandro Montenegro.

“Dad ka- kanina ka pa ba?” halos nauutal na tanong niya rito at pilit na binabalanse ang kanyang timbang.

Nakita niya kung paano nito tingnan si Lucas na nasa tabi niya.

“Lasing na lasing. Hindi man lang marunong magkontrol ng sarili.” napapailing na sabi nito at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.

“Dad hindi naman siya araw- araw na ganito. Nag- inom lang naman siya dahil kasama namin ang mga kaibigan namin para sa selebrasyon ng pangalawang taon ng anibersaryo namin at kaya siya nalasing ng sobra dahil ang mga shot na para sana sa akin ay, ay siya ang uminom.” paliwanag niya rito.

Mabuti na lamang at mukhang nakumbinse niya ito sa kanyang paliwanag.

“Ganun ba.” sabi nito at pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kaniya at inabot ang isnag box. “Kaya ako nagpunta rito para ibigay sayo iyan. Regalo namin ni Papa sa iyo para sa anniversary ninyo. May ginawa pa kasi ako kaya ngayon ko lang iyan nadala sayo, sana ay magustuhan mo. wala akong ibang hiling kundi sana ay maging matatag ang pagsasama ninyong dalawa.” mahabang sabi nito.

Agad naman niyang inabot ang box. “Salamat po at pakisabi rin po kay Lolo na salamat.” sabi niya at hindi niya maiwasan na hindi maantig ang puso niya dahil nag- effort pa talaga ang mga ito para bigyan siya ng regalo.

“Ayaw mo bang buksan at tingnan?” tanong nito sa kaniya ngunit umiling siya at mabilis na ngumiti.

“Kahit na anu man ang laman nito basta galing sainyo ni Lolo ay magugustuhan ko po.” nakangiting sabi niya rito.

Napangiti naman ito at napailing dahil sa sinabi niya. “Isa kang mabuting bata at napaka- simple, higit sa lahat ay napakabait.” puri nito sa kaniya na pagkaraan ng ilang sandali ay dumako kay Lucas ang mga mata nito. “Kung sinasaktan ka niya ay huwag kang matakot na sabihin sa akin o kay Papa dahil hinding- hindi namin siya kakampihan.” 

“Salamat po Dad. tatandaan ko ang sinabi ninyo.” sabi niya rito at ngumiti.

“O siya, iyon lang at aalis na ako. Gabi na rin naman. Magpahinga ka na. Aalis na muna ako.” paalam nito sa kaniya.

Agad niyang sinenyasan ni Annie ang kanilang driver upang ito na muna ang umalalay si Lucas at ipasok sa loob.

“Dad ayaw niyo po ba munang pumasok sa loob?” tanong niya sa ama ni Lucas.

Napailing ito. “Hindi na. Kailangan mo muna siyang asikasuhin at kapag natapos mo na siyang asikasuhin ay matulog ka na rin.” sabi nito at pagkatapos ay tinanguan siya. Nag- umpisa na itong maglakad paalis sa harap niya.

“Mag- ingat po kayo sa daan.” sabi na lamang niya.

Pagkaalis nito ay kaagad siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay at umakyat sa kanilang silid kung saan ay naroon na si Lucas at naabutan niya itong nakahiga sa kanilang kama. Dahil nga hindi pwedeng hindi ito maligo dahil sa sobrang kalasingan nito ay kailangan niya ito liguin. Ibinaba niya ang hawak niya box sa kama at mabilis na hinawakan mga braso nito upang itayo.

Medyo nahirapan pa siyang ibangon ito dahil may kabigatan ito. Mabuti na lang ay naibangon niya ito at naalalayan patungo sa banyo. Pinaupo niya muna ito sa sahig at mabilis na isinindi ang gripo para mapuno ang bathtub. Lumabas muna siya pagkatapos upang kumuha ng towel at pagbalik niya ay naabutan niyang nakahiga na ito sa sahig.

Wala siyang nagawa kundi ang mapailing na lang dahil sa likod ng kagalang- galang nitong anyo ay inaabot rin pala nito ang katulad ng itsura nito ng mga oras na iyon. Lumuhod siya upang gisingin ito.

“Lucas bumangon ka diyan at ng maligo ka.” niyugyug niya ito para magising. “Hoy, gumising ka na diyan.” hindi ito sumagot. Napabuntung- hininga siya. “Kung ayaw mong gumising at bumangon diyan ngayon, bahala ka diyan. Manigas ka diyan sa sahig.” sabi niya rito at mabuti na lang dahil nakinig ito sa kaniya at hirap na hirap na bumangon dahil sa sobrang kalasingan.

Dahil nga hindi rin naman nito kayang maligo mag- isa ay tinulungan na lamang niya itong maligo. Hindi niya maiwasang hindi mapapikit ng maamoy niya ang gel na sabon na siya mismo ang pumili, amoy gatas at amoy mayaman talaga. Ngunit habang pinapaliguan niya ito ay ilang beses din siyang nasuka. Hindi na niya tinagalan pa ang pagpapaligo rito at mabilis na sinuotan ng roba.

Hindi na niya alam kung kaya niyang pang bihisan ito dahil ramdam na niya ang pagod niya. Inihiga na lamang niya ito basta sa kama. Dahil nga tapos na niyang maasikaso ito ay naisip niya na iyon na siguro ang tamang oras para magpahinga na siya. Handa na sana siyang umalis nang bigla na lamang siyang nagulat dahil niyakap siya ni Lucas mula sa knaiyang likod.

“Huwag kang umalis, dito ka na muna matulog sa tabi ko.” mahinang bulong nito at hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tila isang palad na mainit na humaplos sa kanyang puso dahil sa pakiusap nito sa kaniya. Bumilis din ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon.

Ang nararamdaman niyang pagbilis ng tibok ng puso niya ay katulad lang din noong una niyang masilayan ang kagwapuhan nito. Palagi itong mukhang seryoso ngunit madalang lang itong maglambing kaya hindi na niya pinigilan pa o ni makipagtalo man lang rito at nagpaubaya na lamang siya. Ilang araw na lang naman ay maghihiwalay na sila, kung bukas na sila maghihiwalay ibig sabihin ay ito na ang huling pagkakataon na makakatabi niya ito sa pagtulog.

Hahayaan niya na lang muna na makatabi ito sa huling pagkakataon upang kahit na papano ay masaya ang huling sandali nilang magkasama.

“Sige kung iyon ang gusto mo.” mahinang tugon niya rito at pagkatapos ay sumampa na rin sa kama.

Dinampot niya ang kumot at kinumutan niya silang dalawa hanggang sa dibdib. Humarap siya rito at pagkatapos ay tinitigan ang kilay, ilong at labi nito. Ilang araw na lang ay hindi na niya makikita pa ang mukha nito mabuti na lang at ito mismo ang humiling sa kaniya na tumabi siya sa pagtulog rito. Isiniksik niya ang sarili niya rito kung saan ay awtomatiko namang pumulupot ang kamay nito sa kaniya.

Nagising si Annie dahil sa vibration ng kanyang cellphone. Nakapikit pa siya habang hinahanap niya ang kanyang cellphone at mabuti na lang at nahanap niya ito sa ilalim ng kanyang unan. Inaantok pa siya dahil halos hindi siya nakatulog ng maayos. Sinagot niya ito at pagkatapos ay inilagay ito sa kanyang tenga.

“Hello…”

“Annie?” natigilan siya at mabilis na napamulat ng kanyang mga mata nang marinig niya ang tinig ng babae sa kabilang linya. Boses iyon ni Trisha at hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang narinig. Napatingin siya sa hawak niyang cellphone at hindi pala sa kaniya iyon kundi kay Lucas at hindi niya sinasadyang makuha ito at masagot ang tawag na para sana kay Lucas.

Dahil sa kanyang gulat ay mabilis siyang napabangon ng wala sa oras at umupo sa kama. Agad niyang niyugyug si Lucas na nasa kanyang tabi at natutulog pa.

“Hmm…” umungol ito at pagkatapos ay dahan- dahang nagmulat ng mga mata.

“Hinahanap ka ni Trisha…” sabi niya sabay abot niya ng cellphone rito.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Sexylove
bwisit na higad to
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku huwag kang masyadong mabait annie
goodnovel comment avatar
Dyna Eran Da-ayan
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0006.1

    Mabilis na bumangon si Lucas nang marinig niya ang sinabi nito at agad na kinuha mula sa kaniya ang cellphone. Umalis ito sa kama at pagkatapos ay lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. Nanatili siyang nakahiga sa kama at pinanuod lamang ito. Ilang minuto itong nakipag- usap kay Trisha at medyo malayo si Lucas sa kanya kaya hindi niya marinig ang pinag- uusapan ng mga ito.Tanging ang ekspresyon lamang nito ang kanyang nakikita. Pagkatapos nitong tapusin ang tawag ay lumapit sa kaniya si Lucas. Tiningnan niya ito na nakataas ang kilay.“Hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni Trisha. Hindi ba siya nagalit?” tanong niya rito.“Hindi naman. Ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit,” huminto ito at pagkatapos ay sumulyap sa kaniya. “At sinabi ko na mag- asawa tayo kaya normal lang na sa iisang kama tayo matulog.” sabi nito.“Yeah.” sarkistong sagot

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0006.2

    “Doc, ano kasi buntis ako. Safe ba na inumin ko ang mga gamot na ibibigay mo sa akin?” napakunot ang noong tanong nito at muling tumayo. “Papalitan ko itong gamot at sa halip na inumin mo ay bibigyan na lang kita ng pangpahid.” sabi nito at muling naglakad paalis sa harap niya.“Pasensiya na po.” tanging nasabi na lamang niya.Pagkaalis ng doktor ay iyon naman ang eksaktong pagpasok sa loob ni Lucas. Bakas sa mukha nito ang galit kaya napalunok na lamang siya. Malamig na tumingin ito sa kaniya.“Marunong kana palang magsinungaling ngayon Annie.” malamig na sabi nito sa kaniya.Alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang pagsisinungaling niya tungkol sa pag- inom niya ng gamot.Mabilis siyang nag- iwas ng tingin rito at napayiko dahil alam niya na mali talaga siya. “Pasensiya na hindi ko intensiyon na magsinungaling sa

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0007.1

    “Kailan kapa natutong magpa-cute—” hindi pa natatapos magsalita si Lucas nang bigla na lamang silang nauntog pareho dahil sa biglaang pagpreno ng kanilang driver.Mabuti na lamang sa dibdib siya ni Lucas napasubsob dahil kung hindi ay baka nagkabukol na siya ng wala sa oras.“Pasensiya na po Sir hindi ko po sinasadya.” paghingi ng tawad ng driver kay Lucas.Wala naman itong nagawa kundi ang mapabuntung hininga na lamang. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” tanging sabi na lamang nito. Ilang sandali pa ay lumayo siya mula kay Lucas at umayos ng upo.“Kailan ka pa natutong magpa-cute ng ganuon?” muling tanong nito sa kaniya na ikinakibit balikat niya lamang.“Ikaw ang nagsabi sa akin na pakiusapan ka diba?” saad niya na gamit muli ang malambing niyang tinig at pagkatapos ay napangisi.Sa loob ng

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0007.2

    Pagkaalis ni Lucas ay mabilis din naman sinenyasahan ni Trisha ang kasama nitong babae na si Lucy na iwan muna sila sandali. Naiwan silang dalawa na magkaharap. Akmang magsasalita na sana si Annie nang maunahan siya ni Trisha sa pagsasalita.“Ganun talaga si Lucas kapag ako na ang pinag-uusapan handa siyang gawin kahit ano para sa akin.” sabi nito na may halo pang pagmamayabang ang tinig.“Nakita mo naman na sinabi ko ng si Lucy na lang ang kukuha ngunit hindi siya pumayag.” dagdag nito at kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sanang marinig ang mga sinasabi nito at mga susunod na sasabihin pa nito dahil ayaw niyang marinig pa mula rito kung paano ito mahalagahan ni Lucas.Bigla niyang naalala ang mga mahahalagang araw sa kanila bilang mag-asawa. Hindi nga nakakalimutan ni Lucas ang kahit na anumang okasyon sa buhay nila ngunit laging si Kia lamang ang gumagawa ng paraan sa lahat, ang pumipili

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0008.1

    “Oo.” sagot niya dahil magiging asawa naman na niya ang lalaking sinasabi niya na nagugustuhan niya sa matagal na panahon.Pero ngayon ay tila siya nagising sa kanyang panaginip. Kung nagsasabi man ito ng totoo ibig sabihin lang ay una pa lang ay nagsinungaling na sa kaniya si Lucas. Tatlong taon? Napakuyom ang kanyang mga kamay. Gusto niyang matawa dahil sa ginawa niya.Isa lang siyang panakip butas. Halos maiyak pa siya noon sa labis na tuwa dahil tuluyan ng tinanggap ni Lucas na kalimutan na si Trisha at gusto nitong magsimula ng bagong buhay kasama siya ngunit isa lang pala iyong palabas. Napakatanga niya talaga.“You are so naive Annie.” sabi ni Trisha at napailing. “Paano ka niya pakakasalan kung ako ang mahal niya? Isa pa ay alam mo ba kung bakit ka niya binigyan ng kasunduan na magsasama kayo ng tatlong taon pagkatapos ay mag-file ng divorce? Dahil para magkasama kaming

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0008.2

    Hindi siya nakasagot rito at nagpatuloy pa rin ito. “Kung hindi dahil sayo ay matagal na sana kaming kasal ni Lucas at baka nagkaanak na rin kami.”Pinilit niyang maging kalmado sa harap nito sa kabila ng mga sinabi nito sa kaniya. Tumitig siya sa mga mata nito at pagkatapos ay sumagot.“Hindi ako ang may kasalanan ng nangyari sayo kaya huwag mong isisi sa akin. Sadyang naghahanap ka lang talaga ng sisisihin mo sa nangyari sayo.” taas noo niyang sinabi, hindi niya hahayaang apihin siya nito. “Oo alam ko na gustong- gusto talaga ako ni Lolo pero alam ko na may malalim siyang dahilan kung bakit hindi siya pumayag na kayo ang magkatuluyan ni Lucas. Isa pa, kung talagang naabot mo ang qualification para sa apo niya e di sana ay hindi niya ako pinili.” sabi niya rito.Kitang-kita niya ang pagpipigil nito at nasiyahan siya dahil sa nakita niyang reaksiyon nito kaya nagpatuloy siya.&n

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0009.1

    Nang marinig ito ni Trisha ay bakas sa mukha nito ang gulat at pagkataranta. Agad nitong inabot si Lucas at humawak sa laylayan ng damit nito. “Pasensiya na Lucas hindi ko sinasadya.” malungkot na paghingi nito ng pasensiya. “Dapat ay hindi ko na ito inopen pa ulit dahil tapos naman na natin itong pag-usapan. Natatakot lang kasi ako, natatakot ako na baka sa dulo ay hindi pa rin tayo maging magkasama at ang isiping iyon ay tila ba unti-unting papatay sa akin.” mahinang sabi nito at inabot ang kamay nito at hindi nagdalawang isip na hilahin ito upang yakapin sa harap niya mismo. Hindi siya makapniwala, kung kanina ay napalampas niya ito ngayon ay tila ba gusto na niyang sumabog. Ang lakas ng loob nitong yakapin ito sa harap niya samantalang alam naman nito na asawa pa rin siya ni Lucas. Hindi na siya nito inirespeto. Sa kanyang gulat ay may malamig na boses silang narinig na dahilan kung bakit gulat na naghiwalay ang mga ito. “Kailan ka pa nagkaroon ng lakas ng loob na yumakap sa i

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 0009.2

    “Tita pasensiya na pero kahit na papano ay mayroon namang kayamanan ang aming pamilya.” sabi nito. “O talaga?” walang emosyon na tanong nito. “Naniniwala naman ako sa sinasabi mo at ngayon kung may dapat mang maging paborito sa pamilya niyo ay hindi ikaw iyon kundi ang kapatid mo lalo na ngayon na hindi kana makapaglakad. Hindi ka na makatayo ngayon at mas lalong hindi na makasayaw kaya nasisiguro ko na mas mabango na ngayon sa pamilya niyo ang kapatid mo. maipapayo ko lang sayon na kung may ipon ka man ay mas mainam ng huwag mo na lang itong gastusin sa mga walang kwentang bagay at ilaan mo na lang sa mga bagay na kailangan mo sa araw-araw.” mahabang pangaral nito na may halong pangungutya. Hindi nakasagot si Trisha ngunit bakas sa mga mata nito ang galit. “At anong sinabi mo? Bibili ka ng regalo? Katulad ng sabi ko sayo ay ilaan mo na lang ang pambili mo para sa mga gamot mo. huwag kang gumasta para lang magpabango sa mga tao.” dagdag pa nito. Sa loob-loob ni Annie ay tuwang-tu

    Huling Na-update : 2024-04-17

Pinakabagong kabanata

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   EPILOGUE

    Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 163

    Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.4

    Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.3

    “Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.2

    Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.1

    “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 161.5

    Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 161.4

    “Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 161.3

    Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka

DMCA.com Protection Status