“Oo.” sagot niya dahil magiging asawa naman na niya ang lalaking sinasabi niya na nagugustuhan niya sa matagal na panahon.
Pero ngayon ay tila siya nagising sa kanyang panaginip. Kung nagsasabi man ito ng totoo ibig sabihin lang ay una pa lang ay nagsinungaling na sa kaniya si Lucas. Tatlong taon? Napakuyom ang kanyang mga kamay. Gusto niyang matawa dahil sa ginawa niya.
Isa lang siyang panakip butas. Halos maiyak pa siya noon sa labis na tuwa dahil tuluyan ng tinanggap ni Lucas na kalimutan na si Trisha at gusto nitong magsimula ng bagong buhay kasama siya ngunit isa lang pala iyong palabas. Napakatanga niya talaga.
“You are so naive Annie.” sabi ni Trisha at napailing. “Paano ka niya pakakasalan kung ako ang mahal niya? Isa pa ay alam mo ba kung bakit ka niya binigyan ng kasunduan na magsasama kayo ng tatlong taon pagkatapos ay mag-file ng divorce? Dahil para magkasama kaming
Hindi siya nakasagot rito at nagpatuloy pa rin ito. “Kung hindi dahil sayo ay matagal na sana kaming kasal ni Lucas at baka nagkaanak na rin kami.”Pinilit niyang maging kalmado sa harap nito sa kabila ng mga sinabi nito sa kaniya. Tumitig siya sa mga mata nito at pagkatapos ay sumagot.“Hindi ako ang may kasalanan ng nangyari sayo kaya huwag mong isisi sa akin. Sadyang naghahanap ka lang talaga ng sisisihin mo sa nangyari sayo.” taas noo niyang sinabi, hindi niya hahayaang apihin siya nito. “Oo alam ko na gustong- gusto talaga ako ni Lolo pero alam ko na may malalim siyang dahilan kung bakit hindi siya pumayag na kayo ang magkatuluyan ni Lucas. Isa pa, kung talagang naabot mo ang qualification para sa apo niya e di sana ay hindi niya ako pinili.” sabi niya rito.Kitang-kita niya ang pagpipigil nito at nasiyahan siya dahil sa nakita niyang reaksiyon nito kaya nagpatuloy siya.&n
Nang marinig ito ni Trisha ay bakas sa mukha nito ang gulat at pagkataranta. Agad nitong inabot si Lucas at humawak sa laylayan ng damit nito. “Pasensiya na Lucas hindi ko sinasadya.” malungkot na paghingi nito ng pasensiya. “Dapat ay hindi ko na ito inopen pa ulit dahil tapos naman na natin itong pag-usapan. Natatakot lang kasi ako, natatakot ako na baka sa dulo ay hindi pa rin tayo maging magkasama at ang isiping iyon ay tila ba unti-unting papatay sa akin.” mahinang sabi nito at inabot ang kamay nito at hindi nagdalawang isip na hilahin ito upang yakapin sa harap niya mismo. Hindi siya makapniwala, kung kanina ay napalampas niya ito ngayon ay tila ba gusto na niyang sumabog. Ang lakas ng loob nitong yakapin ito sa harap niya samantalang alam naman nito na asawa pa rin siya ni Lucas. Hindi na siya nito inirespeto. Sa kanyang gulat ay may malamig na boses silang narinig na dahilan kung bakit gulat na naghiwalay ang mga ito. “Kailan ka pa nagkaroon ng lakas ng loob na yumakap sa i
“Tita pasensiya na pero kahit na papano ay mayroon namang kayamanan ang aming pamilya.” sabi nito. “O talaga?” walang emosyon na tanong nito. “Naniniwala naman ako sa sinasabi mo at ngayon kung may dapat mang maging paborito sa pamilya niyo ay hindi ikaw iyon kundi ang kapatid mo lalo na ngayon na hindi kana makapaglakad. Hindi ka na makatayo ngayon at mas lalong hindi na makasayaw kaya nasisiguro ko na mas mabango na ngayon sa pamilya niyo ang kapatid mo. maipapayo ko lang sayon na kung may ipon ka man ay mas mainam ng huwag mo na lang itong gastusin sa mga walang kwentang bagay at ilaan mo na lang sa mga bagay na kailangan mo sa araw-araw.” mahabang pangaral nito na may halong pangungutya. Hindi nakasagot si Trisha ngunit bakas sa mga mata nito ang galit. “At anong sinabi mo? Bibili ka ng regalo? Katulad ng sabi ko sayo ay ilaan mo na lang ang pambili mo para sa mga gamot mo. huwag kang gumasta para lang magpabango sa mga tao.” dagdag pa nito. Sa loob-loob ni Annie ay tuwang-tu
Agad naman na sumagot si Lucas. “Mom bakit ba pinipilit mo kaming gumawa ng bagay na hindi pa kami handa para lang hindi ka mapahiya? Sapat na ba iyong dahilan?” kunot na kunot ang noong tanong nito sa ina. “Wala kang magagawa at ipipilit ko kung ano ang gusto ko. Pagkatapos ng tatlong buwan at wala pa rin ay pupunta tayo sa ospital.” sabi nito at mabilis siyang binalingan. “Bantayan mo siya at kung hindi siya gumawa ng paraan para hindi makipagkooperasyon sa pagkakaroon niya ng anak sa lalong madaling panahon ay sabihin mo lang sa akin at ako ang bahala sa kaniya.” sabi nito. Nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay kasing pula na ng hinog na kamatis ang kanyang mukha at mabilis siyang tumango rito. Samantala si Trisha ay hiyang-hiya na ng mga oras na iyon dahil tila ba sinadya ng ina ni Lucas na sabihin ang mga iyon sa harap niya para insultuhin siya. Kuyom na kuyom ang mga kamay nito ng mga oras na iyon. Nagtiis siyang marinig ang mga iyon kahit na kating-kati na ang kanyang
ILANG sandali pa nga ay nakasakay na siya sa kotse at tahimik lamang siyang nakatanaw sa labas at pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan kasabay nila. “Apo sa tuhod?” mahinang bulong niya na tila ba isang baliw at kinakausap ang sarili niya at pagkatapos ay napahawak sa kanyang puson at marahang hinaplos ito. Sa dalawang taon nilang pagsasama ni Lucas ay magkahiwalay sila ng silid sa bahay nito at iilang beses lamang na magkatabi silang dalawa, kapag gusto lang magpahupa ng pagnanasa si Lucas ay tyaka lamang siya nito tinatabihan. Isa pa ay lagi rin talaga itong nakabantay sa pag-inom niya ng pills dahil minsan ay halos isang linggo na sunod-sunod itong tumatabi sa kaniya. Isa pa minsan din ay gumagamit ito ng condom upang siguruhin na hindi talaga sila makakabuo kaya kung iisipin ay napaka-imposible talaga na mabuntis siya. Bago niya pa man nalaman na buntis siya ay palagi na siyang nahihilo at may time pa hindi na siya halos makatayo kaya nagpasya siya na magpa-chek up mag-isa
“Pasensiya na kayo Mommy hindi ko sinasadya. Medyo sumama lang ang sikmura ko bigla.” paghingi niya rito ng paumanhin at pagkatapos ay nag-angat ng ulo.Ngumiti ito ng bahagya. “Okay lang.” sagot nito at pagkatapos ay bahagyang imwinestra nito na maupo siya at nag-atubiling sumunod siya rito.Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpunta nito roon pero nang mga oras na iyon ay masama na ang kutob niya at bahagyang kinakabahan na siya. Isa pa ay ang ikinakatakot niya ay baka tanungin siya nito tungkol sa kanyang pagsusuka, baka mamaya ay hindi ito maniwala sa idinahilan niya.Ilang sandali pa ay nagsalita ito.“Sigurado ka bang okay ka lang at ayaw mo bang magpadala sa ospital?” tanong nito sa kaniya.Ito na nga ang sinasabi niya. Sa klase nito ay tiyak na mahihirapan siyang paniwalain ito ngunit gagawin niya pa rin ang lahat ng kanyang makakaya upang makalusot rito.“Okay lang po ako Mommy huwag kayong mag-alala. Epekto lang siguro ito ng allergy ko dahil sa hindi ko sinasadyang pa
Abala pa si Lucas sa pagsama kay Trisha na mag-shopping nang bigla na lamang mag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang dinukot ito sa kanyang bulsa at nang makita niya na ang kanyang ina ang tumatawag ay nagdadalawang isip pa siya na sagutin ito pero sa huli ay sinagot niya pa rin ito.“Pauwi na ako ngayon at gusto kong magkita tayo sa mansiyon.” bungad nito sa kaniya.Napahilot siya sa kanyang sentido. “Mommy busy pa akong mamili.” sagot niya rito.“Busy na mamili kasama ang malanding babaeng yan at hinayaan mo ang asawa mo na umuwing mag-isa ni hindi mo man lang inihatid. Kung ayaw mo, babalik ako ulit diyan sa mall at hahanapin ko yang babaeng iyan para ipahiya sa harap ng napakaraming tao.” walang gatol na sabi nito.“Pupunta na ako.” sagot niya rito at hindi na ito nagsalita pa at mabilis na pinatay ang tawag.Nilapitan niya si Trisha. “Babe magg-shopping kana lang muna ng mag-shopping at kapag natapos ka ay tumawag ka sa akin para ipahatid kita sa driver ko.” sabi niya rito.A
“Mas pinapaboran mo ang babaeng iyon ngayon samantalang noong una ay tinalikuran ka niya tapos ngayon ay bumabalik siya para sirain kayo ng asawa mo? Alam mo ba kung ano ang totoong pakay niya?”Dahil sa labis na inis ay hindi na niya ito sinagot pa at tumayo na lamang basta bago nagmartsa paalis sa silid ng kanyang ina. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip kung paano nito nalaman ang tungkol sa mga bagay na iyon.Iisa lang ang pwede niyang pagbintangan at walang iba kundi si Annie. Napakuyom ang kanyang mga kamat at padabog na pumasok sa kotse.PAGKARATING ni Lucas sa bahay nila ay humahangos siyang bumaba ng kotse at kaagad na hinanap si Annie.Kapapasok pa lamang niya sa kanilang bahay nang bigla na lamang siya sumigaw.“Annie!” ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong kabahayan.NAALIMPUNGATAN si Annie dahil sa malakas na sigaw ng kanyang pangalan. Napakusot siya ng kanyang mga mata at dahan-dahang bumangon sa sofa. Lumingon sa kanyang likod
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka