Matagal ng inaasam ni Elise na mapansin siya ng kanyang ultimate crush at ang makaahon sa hirap pero nais niya itong gawin sa sarili niyang pagsisikap pero paano niya gagawin iyon kung pasan niya sa kanyang balikat ang mga kapatid at mga magulang na ini ire pa lamang ata siya ay nakalista na ang mga obligasyun at mga dapat niyang gawin. Tama, isinilang lamang ata sila para maging sunod sunuran at cash cow ng mga ito. Hindi man lamang niya magawang makabili ng kahit polbos o lipstik para naman masulyapan ng kanyang kababata. Eh paano naman mangyayari iyon gayung wala na ata siyang panahon kahit na ang huminga. Siya lahat mula sa gawaing bahay hanggang sa pagtatrabaho para may pagkain sa lamesa. Batugang ama, sakitin pero chismosang ina at mga pasaway na kapatid yun ang kalbaryo niya. Pero ang tadhana ni Elise ay nakatakdang magbago ng mabalitaan niya na ang kanya palang yumaong lola at ang lola ng kanyang binatang crush ay matalik na magkaibigan. Perahas may iniwang kasunduan ang dalawa at iisa ang sinasabi doon. Na ipapakasal sila ng kanyang crush sa takdang panahon. Labis ang naging kaligayahan ni Elise dahil sa wakas may pagkakataon na siyang makasama at mapakasalan ang man of her dreams. Si Kenzo Madrigal. Hindi akalain ni Elise na ang kanyang pinapangarap at ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip ay siya palang magdudulot sa kanya ng bangungot at malalim na sugat sa kanyang puso at kaluluwa. Ngunit sa kanyang bangongot niya ay may sumulpot na guwapong prinsipe na nakalahad ang mga kamay at gusto siyang tulungang makaahon sa bangongot. Paano ba aabutin ni Elise ang kamay ng lalaking iyon kung ito ay walang iba kundi si Kevin Madrigal ang kapatid na panganay ng kanyang dating asawa?
View MoreNakita ni Kevin na umupo ito sa karinderia. At tila umorder ng softdrinks. Lalapitan na sana ito ni At yayayain para bumalik sa mansion nang maalala niya ang sinabi ni Jovelyn. Nagkaroon ng pagdadalawang isip si Kevin kung tama bang ibalik niya sa mansyon ang hipag o hayaan na itong tuluyang mahiwalay sa kapatid niya. Nasa sitwasyon si Kevin na pinipilit sundin ang kanyang isipan pero malakas at dumadagondong ang bulong ng kanyang puso. Litong lito na si Kevin, gustong gusto na nyng gamitin ang kanyang kahilingan. Kahilingang pinagbigyan ng kanyang lola. Sa huling sandali ng buhay nito. Hiniling niya iyon matapos niyang malaman na si Elise ay ipapakasal kay Kenzo. Hindi man niya kinontra kahilingan ng kaniyang lola.Meron naman siyang isang kondisyon na hiniling kung saka sakali.At ngayon nasa punto na si kevin na parang gusto niya ng gamitin kahit ang kahilingan na yun. Pero hindi niyo magawa. Isinaalang alang ni Kevin ang damdamin ni Elise para sa asawa nito. Kaya naman, muli
Kung tutuusin ay madaling mapapawalang bisa ni Kenzo ang kasal nila ni Elise. Dahil ang katotohanang sa likod ng kasalan nila ni Elise sa garden ay isang pagkukunwari lang. Formality lang ang ginawang kasal kuno ni Elise at Kenzo sa garden noon sa isang huwes. Ang alam ni Kenzo ay kinausap ng kanyang ina ang huwas na nangdaos ng kasal na huwag irehestro ang kasal nila. Ang ipinasa ng kanyang ina ay ang isa pang kopya ng marriage licence na peke ang mga pirma. Lihim iyon sa pamilya ni Elise na peke ang papeles na pinirmahan ni Elise. Kaya sinadya talaga ng kanyang mama na gawing mabilisang kuno ang kasal para hiidn a makapagprepare pa mga side ni Elise. At dahil agaran na at gahol na sa oras. Naginabot ng mommy niya sng isang peng marraige licence ay hinid ito inusuaa ng pamilys ni Elise.Kaya ang buong akala ng mga ito ay legal ang kasal nilang magasawa. Ang lahat ay nakaplano na ni Donya Antonia. Ang tanging nakakaalam lang ng sekretong iyon ay si Kenzo at ang kanyang ina.Walan
Napatingin naman si Elise sa doktor pagkatapos ay bumaling ang tumingin sa babaeng umalis. Sa mga mata ni Elisa ay naroon ang pagtataka. Siyempre hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng doktor kaya ang doktor na ang nagsalita."Don't worry miss, nasa mabuti kayong mga kamay. That is what i can guarantee you. Maayos ang magiging kalagayan mo rito mababantayan ka rito at Maaalagaan" sabi nito bilang kasagutan sa mga tanogn sa mata ng babae."Kung sino man ang tumutulong sa iyo ngayon o kung sino man siya ang masasabi ko ay may mabuting puso na nagmamalasakit sayo, mabuti siyang tao kaya dont worry. After a month naman ang sa pre- natal check up mo ulit. Sa ngayon ay alagaan mo ang anak mo at ingatan.Ipanatag mo yung loob mo. Magpahinga ka.Bumawi ka ng lakas.Mauuna na muna ako , babalik ako mamaya pagubos ng IV mo.Mga 5 hous pa siguro yan" Sabi sa kanya ng doktor.Naiwang tulala sa malalim na pag iisip si Elise.Iginala muli ni Elise ang silid, naghahanap siya ng personal na gamit o
Nang magmulat ang mata ni Elise ay namangha siya. Nagulat siya kung saan siya naroroon. Inikot niya ang kanyang mga mata at nakita niyang Hindi naman hospital ang kinaroroonan niya. Pagtingin nya sa bandang kaliwa ay nakita niyang may aparador at Pagtingin niya naman sa kabilang side ay nakita niyang may bintanang salamin. Inulit ni Elise na igala ang paningin at nakita niyang maayos ang lugar.Nakaramdam siya din siya ng kakaibang lamig kaya alam niyang bukas ang aircon.Biglang napabalikwas si Elise, biglang bumalik sa kanyang alaala ang lahat. Na wala na nga pala sya sa silid nila ni Kenzo. Wala na siya sa bahay ng mga Madrigal. Muling naalala ni Elise ang nangyari sa kanya, ang huling natatandaan nya ay naroon siya sa may ATM booth at doon na siya nahilo at pagkatapos ay natumba at dumilim ang paningin niya wala na siyang marandaan pa."Teka nasan ako?Anong nangyari?" Pag biglang bangon ni Elise ay naramdaman niyang medyo mabigat pa at makirot pa ang kanyang ulo. Pero at least hi
"Ma, wala naman ho akong magagawa kung ayaw na sa akin, hindi naman ako magmamakaawa dun" sabi ni Elise. "Babalik na lang ako dito at pagkatapos ay maghahanap na lang ako ulit ng trabaho kaya ko naman eh" sabi pa niya."Yan yan yan ang mahirap sayo yang katangahan mo pinaiiral mo huwag pairalin ang pride mo. Ano naman kung magmakaawa ka sa kanya? ano naman kung lumuhod ka sa harapan niya? may pinagsamahan kayot saka ikatwiran mo yung last will and testament ng mga lola niyo? yun ang gawin mo"sabi ng ka ina ni Elise."Ano pang tinatanga mo dyan? bugso lang ng damdamin yan? basta hindi hindi kita matatanggap dito sa bahay?Umuwi ka sa mansion, bumalik ka doon.Bumalik ka sa mga Madrigal dun ka nararapat.Ipaglaban mo yan karapatan mo hiwag lang tanga! Naintindihan mo, ipaglaban mo ang karapatan mo. Bumalik ka don magmakaawa ka humingi ka ng tawad kung may nagawa kang mali o may kasalanan ka man. Magpakumbaba ka" giit ng kanyang ina. Naluha na lang si Elise sa mga narinig."Ma, hindi nyo ma
"Ako rin may sasabihin sayo" sagot sa kanya ni Kenzo na nameywang pa at halos hindi mapakali."Were over Elise paulit ulit ko bang sasabihin? Tama na ang maraming buwan na pagtitiis ko. Tama na ang isang taong sakripisyo. Pala sa lola mo isa lamang itong kasunduan ng kasal pero hindi mo alam na itinali ako at sinakal ng dalwang matandang iyon at ang nakakainis pa may dagdag pa sa kasulatan ng lola ko na kailangag maging mag asawa tayo sa loob ng isang taon bago ko mabuksan ang mana ko"sigaw nito."Fuck! Elise kailangan kitang pagtiisan at kailangan kung pakisamahan ka kahit sukang suka na ako dahil hawak ninyo ng lintek na kasulatan ang pera ko" galit na sabi in Kenzo."Kenzo....!?." hindi makapaniwala si Elize sa lahat ng narinig. Para siyang sinaksak. Totoo ngang palabas lang ang lahat ng mga ipinakita nito nitong nakaraan? Kaya ba madalas na hating gabi na ito umuuwi at kung minsan madalas nasa out of town.Iniiwasan nga ba siya nito at hinintay lamang na lumipas ang isang taon? Ha
Maingay at nagkakasiyahan ang lahat sa sala. Alas otso na ito ng gabi ngunitcmay mga tao pa rin. Masaya si Elise dahil maraming bisita at maraming pagkain. Mga bandang alas siete ay tinawag siya ng kanyang biyenan at pinalapit kay Kenzo at pinapwesto sila sa gitna ng living room. Pagkatapos ay inutusan si Jovelyn na dalhin ang cake.Hiniling ng kanyang biyenan na ulitin daw nila ni Kenzo ang cake ceremon, tulag noong paghihiwa nila ng cake katulad ng naganap noong kasal nila.Malapad ang ngiti ng kanyang biyenan at kapansin pansin ang mga bagong suot na alahas at bagong kulay at ayos ng buhok nito. Mamula mula din ang balat nito sa mukhan na tila ba nagpa bottocks. Samantala namumula nmaan ang tisoy na mukha ni Kenzo na malapad ang pagkakangiti. Kakaiba ang awra ng asawa niya ngayon. Para bang genuine ang ngiti hindi katulad ng mga nakaraang buwan na parang palaging streess. Pinagbigyan nila ni Kenzo ang kahilingan ng ina bagamat nahihiya ay nakiayon si Elise. Magkasabay silang huma
Masiglang nagpaalam si Elise kay Jovelyn na aakyat na para magbihis. Pag akyat sa hagdan ay nakasalubong niya si Kevin nakabihis ito na tila may lakad. Nagtama ang kanilang mga paningin at nagkatinginan silang dalawa. Si Elise ang hindi nakatiis at siya ang unang nagsalita. "May lakad ka Kevin?" mahinahon niyang tanong. Sumagot naman si Kevin pero nakakunot ang noo at hindi inilayo sng tingin sa kanya. "Yes, nagyaya lang yung isang kaibigan ko baka may puntahan lang kaming isang bar. May kailangan ka ba?" tanong nito kanya na tila matamlay. "Ah wala naman ah kung okay lang sana makauwi ka agad kasi may okasyon sa bahay ngayon" sabi ni Elise. "Okasyon?? ah, Oo nga pala, anniversary nyo nga palang mag asawa. Wow, nagcelebrate pa talaga sila. Ayos din noh! one year na pala kayo?" sabi ni Kevin na hindi mo malan king nang iinia o natutuwa. "Anyway congratulation, hangad ko ang mas marami pang taon.bPasensya na baka ako makasama sa celebration may mahalaga akong lakad kesa sa
"But it does not matter Elise, mayaman na ako, may mana na ko sa tatay ko pa lang. mapera na ako. Ang kapatid ko ay wala walang kaya kailangan nya yon. Kaya kung pwede lang huwag mo kaming pagtularin ni Kenzo. Iba yung dahilan ni Kenzo iba yung dahilan ko" sabi ni Kevin. "Kaya ikaw ang tataungin ko Elise, Okay ka lang ba?" tanong ni Kevin. Umiling iling si Elise. Ilang beses siyang umiling sabay muling umiyak at sumubsob sa dibdib ni Kevin. Hindi naman masabi ni Elise ang takot niya sa posibleng maganap. Ang mga takot niya na baka ngayon na nakuha na ng ng mga Madrigal ang kailangan nito sa kanya, ngayon nawala na ng pumipigil kay Kenzo para manatili sa tabi nya ay baka tuluyan na siyang mawala at itaboy ng kanyang asawa. Wala namang pakialam sana si Elise sa sarili. Kung damdamin niya lang ang masusunod matatag siya, manhid na ata siya pero maraming alalahanin si Elise.Una na rito ay kapag pinaalis siya ni Kenzo sa bahay nai to ay hindi niya makikita si Kevin hindi na niya marara
"Happy Anniversary Love, kanina pa kita hinihintay umuwi. May sorpresa ako sayo" bati ni Elize sa kanyang asawa na kanina pa niya hinihintay umuwi. Madalas itong gabi na umuwi at nasanay na siya. Ahh mali sinanay na pala niya ang sarili na ganito na ito umuwi. Pero ngayon gabi ay mas late na itong umuwi halos ala una na nga ng madaling araw kung tutuusin."What so Happy about that?" pasinghal na sagot ni Kenzo.Nanahimik si Elise, sanay naman na siyang ganito ang trato ng kanyang asawa, sa ilang pagkakataon na kung tutuusin mabibilang lamang sa kanyang mga daliri na itinuring siya nitong asawa mas madalas pa nga na itinuturing siya nitong parang utusan lamang.No choice si Elise bukod kase sa asawa na siya nito ay mahal niya si Kenzo. Bukod pa sa mga suwapang niyang pamilya na tila nakajackpot sa nangyari sa kanya. Wala ng ginawa ang mga ito kundi ang sulsulan siyang magpakabait at maging masunurin upang maging matagumpay daw ang buhay niyang mayasawa"May sorpresa ako sayo love hali
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments