The Rejected Wife
Matagal ng inaasam ni Elise na mapansin siya ng kanyang ultimate crush
at ang makaahon sa hirap pero nais niya itong gawin sa sarili niyang pagsisikap pero paano niya gagawin iyon kung pasan niya sa kanyang balikat ang mga kapatid at mga magulang na ini ire pa lamang ata siya ay nakalista na ang mga obligasyun at mga dapat niyang gawin.
Tama, isinilang lamang ata sila para maging sunod sunuran at cash cow ng mga ito. Hindi man lamang niya magawang makabili ng kahit polbos o lipstik para naman masulyapan ng kanyang kababata. Eh paano naman mangyayari iyon gayung wala na ata siyang panahon kahit na ang huminga.
Siya lahat mula sa gawaing bahay hanggang sa pagtatrabaho para may pagkain sa lamesa. Batugang ama, sakitin pero chismosang ina at mga pasaway na kapatid yun ang kalbaryo niya. Pero ang tadhana ni Elise ay nakatakdang magbago ng mabalitaan niya na ang kanya palang yumaong lola at ang lola ng kanyang binatang crush ay matalik na magkaibigan. Perahas may iniwang kasunduan ang dalawa at iisa ang sinasabi doon. Na ipapakasal sila ng kanyang crush sa takdang panahon.
Labis ang naging kaligayahan ni Elise dahil sa wakas may pagkakataon na siyang makasama at mapakasalan ang man of her dreams. Si Kenzo Madrigal. Hindi akalain ni Elise na ang kanyang pinapangarap at ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip ay siya palang magdudulot sa kanya ng bangungot at malalim na sugat sa kanyang puso at kaluluwa. Ngunit sa kanyang bangongot niya ay may sumulpot na
guwapong prinsipe na nakalahad ang mga kamay at gusto siyang tulungang makaahon sa bangongot. Paano ba aabutin ni Elise ang kamay ng lalaking iyon kung ito ay walang iba kundi si Kevin Madrigal ang kapatid na panganay ng kanyang dating asawa?