Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-10
Oleh:  ChinitikoBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 Peringkat. 6 Ulasan-ulasan
15Bab
142Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

KABANATA 1

LIA’S POVHalos hindi na ako makahinga habang pinagmamasdan si Mio na nirerevive ng doctor mula sa bintana ng silid. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinambit ang Diyos upang magmakaawa na sana huwag niyang kunin ang kapatid ko.“Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo, huwag niyo po kunin sa akin ang kapatid ko,” umiiyak kong sabi habang pinipisil ang mga kamay ko, dahil nanginginig na ako sa kaba.Ilang minuto pa lang, tumigil ang doctor at nakita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya, sabay tingin sa mga nurse na kasama niya. Anong nangyari? Nailigtas ba nila si Mio?Paglabas ng doctor, agad akong lumapit sa kanya upang tanungin ang kalagayan ng kapatid ko. Halos hingal pa akong nagsasalita sa harapan niya.“Doc, kumusta po ang kapatid ko? Okay na po ba siya?” nagpapanic kong tanong.“Kumalma po kayo, ma’am. Sa ngayon, stable na po ang condition ng pasyente, ngunit kailangan po natin isagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon,...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
EvanAngelo Opena
Update please, Author! Intriguing yata to
2025-03-19 23:51:57
0
default avatar
Wild heart
magupdate ka na authorrrr pleaseeeee gusto ko din yata ng single dad. nakakakilig naman si Papa Rabino ...
2025-03-19 23:46:34
0
user avatar
Chinitiko
Abangan po ang update natin sa Lunes. Tuloy tuloy na po tayo. Need ko lang ipahinga katawang lupa ko. I love you guys!
2025-03-19 23:44:39
0
user avatar
Sacred Heart
start po tayo ng update next week. pasensya na po sinusumpong na naman po ako ng acid reflux ko. sisikapin nating 2 and more chapters araw-araw this monday ...️
2025-03-19 23:40:40
0
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:10:25
0
user avatar
Mairisian
Highly recommended!!🫶🫶🫶
2025-03-19 02:22:41
0
15 Bab
KABANATA 1
LIA’S POVHalos hindi na ako makahinga habang pinagmamasdan si Mio na nirerevive ng doctor mula sa bintana ng silid. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinambit ang Diyos upang magmakaawa na sana huwag niyang kunin ang kapatid ko.“Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo, huwag niyo po kunin sa akin ang kapatid ko,” umiiyak kong sabi habang pinipisil ang mga kamay ko, dahil nanginginig na ako sa kaba.Ilang minuto pa lang, tumigil ang doctor at nakita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya, sabay tingin sa mga nurse na kasama niya. Anong nangyari? Nailigtas ba nila si Mio?Paglabas ng doctor, agad akong lumapit sa kanya upang tanungin ang kalagayan ng kapatid ko. Halos hingal pa akong nagsasalita sa harapan niya.“Doc, kumusta po ang kapatid ko? Okay na po ba siya?” nagpapanic kong tanong.“Kumalma po kayo, ma’am. Sa ngayon, stable na po ang condition ng pasyente, ngunit kailangan po natin isagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya
KABANATA 2
Paglingon ko, napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—gwapo, matipuno ang katawan, ngunit nasa 40’s na siya. Nakaramdam ako ng init nang maamoy ko ang pabango niya. He looked so fresh, para bang bagong ligo lang siya. Napakalinis kung titignan, kaya hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan siya.“Hey!” sambit niya.Nakaramdam ako ng hiya nang mapagtanto kong saglit akong natulala. Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa lalaking ito?“Y..Yes, Sir. I’m available. You can take me out now. Sa manager po ang bayad,” nakangiting sabi ko.Seryoso siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, tapos naglakad patungo sa counter kung saan naroroon ang aming manager upang magbayad. Pagbalik niya at papalapit sa akin, saglit kaming nagkatitigan. Seryoso at walang emosyon ang tingin niya sa akin, kaya hindi ko siya kayang titigan ng matagal at napayuko na lang ako.“Done. Sumunod ka na lang sa’kin,” malamig na sabi niya.Napakagat-labi na lang ako sa sinabi niya at lumingon s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya
KABANATA 3
Saglit akong natahimik dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Pilit kong ipinapasok sa utak ko ang mga salitang binitawan niya. Tatlong milyon para maging asawa niya sa isang taong kontrata.“Sir, nagbibiro lang po kayo, di ba?” di mapakaniwalang tanong ko.“I’m serious, Lia. I want a wife and a mother of my twins,” sagot niya.Single dad pala siya, ngunit bakit kailangan pa niyang magbayad ng tatlong milyon para lang magkaroon ng asawa at ina ng mga anak niya? Nasaan ang ina ng mga anak niya? Bakit ako pa?Sa gwapo niyang iyan, hindi na naman niya kailangan magbayad para lang magka-asawa. At ang masaklap, sa isang tulad ko pa talaga.“Pero bakit po ako? Alam niyo po ang trabaho ko, at hindi po ako handa na maging ina dahil 21 pa lang po ako,” sabi ko.“I thought you needed money for your sibling, but why does it sound like you are refusing?” sabi niya.“Curious lang po kasi ako, bakit isang kagaya ko pa? I’m sure hindi niyo gugustuhin mapangasawa ang isang babae
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya
KABANATA 4
Ngunit bago pa man ako makapagsalita, biglang tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot. Narinig kong tinatawag niyang "Attorney" ang kausap niya sa kabilang linya.“Okay. Thank you, Atty. Cuanco. We’ll be there in fifteen minutes,” sabi niya.Pagkababa ng phone, tumingin siya sa akin at lumapit. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yumuko na lang ako, naramdaman ko kasi ang matalim niyang titig sa akin.“We need to go. Naghihintay si Atty. Cuanco sa atin. The contract is ready, and we need to sign it,” seryosong sabi niya, saka lumabas ng pintuan.Nagcheck-in lang pala kami dito para alukin niya akong maging asawa, hindi dahil sa gusto niya ng serbisyo ko. Pero aaminin ko, naging magaan ang loob ko ngayong gabi. Bukod sa nakapagpahinga ang katawan ko, nakahanap ako ng solusyon sa problema ko. Hindi ko akalain na sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako pinapabayaan ng Diyos. Dininig niya ang panalangin ko na makahanap ng paraan upang gum
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya
KABANATA 5
Labis na nagulat ang nurse sa naging reaksyon ko, dahil para akong mababaliw sa narinig ko. Ngunit, nagsalita siya ulit ng mahinahon at nakangiti, tinangka akong kalmahin."Ma'am, kumalma po kayo. Ang ibig ko pong sabihin ay wala na po siya sa Room 96 dahil inilipat po siya sa isang VIP room para mas matutukan siya ng mga doktor bago ang operasyon," paliwanag ng nurse.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natuwa ako dahil totoo nga ang sinabi ni Sir Rabino—o dapat ko bang tawaging Dr. Rabino—na magiging asawa ko na.Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Nagkaroon ako ng pag-asa para baguhin ang buhay ko at ng aking kapatid.Agad akong dinala ng nurse sa bagong kwarto ni Mio, at nasurpresa ako sa treatment na ibinibigay nila sa kapatid ko.May nakamonitor sa heartbeat niya at may mga nurse na nagche-check ng electrolytes sa katawan niya. Sobrang nakakatuwa dahil sa wakas, matatapos din ang kanyang pagtitiis sa sakit.Lumapit sa akin si Tiya Vangie at hinaw
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya
KABANATA 6
Nakita ko kung paano mahigpit na niyakap ni Rabino ang kanyang kambal. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang nakatingin sila sa akin na may kuryosidad.“Daddy, who is she?” tanong ng kanyang anak na lalaki.“Leo, Lea, siya ang mommy ninyo,” nakangiting sagot ni Rabino.Tantiya ko’y nasa apat na taong gulang pa lamang sila. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata, kasabay ng unti-unting paglitaw ng ngiti sa kanilang mga labi.“Mommy!” sigaw ng batang lalaki sabay yakap sa akin.Samantala, ang batang babae naman ay naiyak habang nakatitig sa akin, kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.“Kayo po ba ang mommy namin?” nanginginig niyang tanong.Napalunok ako at tinibayan ang aking loob upang magpanggap bilang ina ng kambal.“Oo, ako ang mommy ninyo,” pagsisinungaling ko.Ngunit sa loob-loob ko, ramdam ko ang kirot ng konsensya. Kitang-kita ko sa kanilang inosenteng mga mata ang labis na pangungulila sa kanilang tunay na ina—at heto ako, walang-awang nagsisinungaling dahil
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya
KABANATA 7
"Ginawa? Ano po bang ginawa ng dati niyang asawa?" tanong ko, puno ng pag-uusisa.Napailing si Tiya Vangie bago nagsalita, at hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya."Pinagtaksilan siya ng asawa niya. Pinag-aral niya ito ng ilang taon hanggang sa makapagtapos, ngunit sa huli, nabuntis ito at nanganak. Tinakasan siya, dala ang malaking halaga ng pera mula sa bangko niya. Ang mas masaklap pa, iniwan niya ang kambal nilang sanggol. Nabalitaan na lang niya na sumama ito sa ibang lalaki—matagal na pala siyang niloloko nito," mahabang salaysay ni Tiya Vangie.Natahimik ako, pilit iniintindi ang bigat ng mga sinabi niya. Napakasakit pala ng ginawa ng dating asawa ni Sir Rabino, kaya marahil hindi niya ito magawang balikan.Napatigil ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Tiya Vangie. "Age doesn’t matter, hija. Napakasaya ko na malaman na si Sir Rabino pala ang napangasawa mo," aniya, nakangiti."Pero, Tiya, isang kontrata lang po ang kasal namin—kapalit ng kidney transplant ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya
KABANATA 8
Nagkatinginan kami ni Rabino nang marinig ang tanong ng kapatid ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at napalunok na lang ako ng laway. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga oras na iyon.“I’m Rabino Castillon. I’m your sister’s husband,” mahinahong sabi niya.Ramdam kong nag-init ang buo kong mukha sa narinig ko mula sa kanya. Nakita kong kinilig si Tiya Vangie at gumuhit ang ngiti sa labi nito nang sumulyap ito sa akin.“Husband? May asawa ka na pala, Ate?” di makapaniwalang tanong ni Mio.“Uhmm, pasensya ka na, Mio. Mabilis kasi ang pangyayari at gusto kong mag-focus ka sa pagpapagaling mo kaya hindi ko na nasabi sa’yo na ikinasal na ang ate. Huwag ka sanang magtampo sa akin, ha?” malumanay kong sabi kay Mio.Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang labi bago siya bumaling ng tingin kay Rabino. Nahuli ko naman si Rabino na nakatitig sa akin—halatang binabantayan ang sagot ko. Nakakatakot magkamali sa lalaking ito. Ang pagpapanggap na asawa niya ay hindi talaga madali, pero
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya
KABANATA 9
Napalunok laway ako sa tanong ni Mio at napatingin kay Rabino. Ngunit hindi ko makita ang kahit anong reaksyon sa mukha niya—kalmado lang siyang nakatingin sa akin."Mommy, who is he?" tanong ni Leo."K-Kapatid ko siya, baby," nauutal kong sagot."Manang, pakihatid na lang po sila sa guest room," utos ni Rabino, ngunit mahinahon ang tono ng boses niya.Agad lumapit ang matandang babae at niyaya kami paakyat sa hagdanan. Ngunit pinigilan ako ni Leo na patuloy na kumakapit sa akin."Mommy, let’s play. Lea is looking for you. Come to our room, please," lambing ni Leo."Baby, wait for me there, okay?" malumanay kong sabi."Ihahatid ko lang si Kuya Mio mo sa kwarto niya. Pupuntahan ko kayo ng ate mo sa kwarto niyo, okay?" dagdag ko pa.Sinulyapan ko si Mio at kita sa mukha niya ang pagkalito, ngunit tahimik lang siyang sumunod sa matandang babae na maid. Nagulat kami nang bumukas ang pintuan sa gilid ng hagdanan—isang elevator. Namangha ako dahil sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-01
Baca selengkapnya
KABANATA 10
“Let’s have a dinner, love. Leo, come with us,” Mahinahong sabi niya.Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halik na iyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya na di pa mawala-wala sa pisngi ko. Bakit niya ako hinalikan? At love?Ilang segundo din bago ko narealize na kailangan pala naming magpanggap sa harapan ng mga bata.“Lia?” tawag niya sa akin.Nakita ko ang pagkunot-noo niya nang napatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa naging reaksyon ko sa mga oras na iyon.“Y..Yes Love?” nauutal na tugon ko.“Let’s have a dinner. Si Manang Lourdes na ang bahala kay Lea. Siya na din ang magpapakain sa kanya. Her Nurse will be her in the next 30 minutes,” sabi niya.Napatingin naman ako kay Manang Lourdes na nakangiting tumingin sa akin. Alam kong may kahulugan ang ngiti niyang iyon. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na palabas ng kwarto.Pagdating namin sa dining area ay agad niyang hinila ang silya at niyaya akong umupo rito. Grabe. Dahan-dahan n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-01
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status