Share

KABANATA 6

Author: Chinitiko
last update Last Updated: 2025-03-13 12:35:48

Nakita ko kung paano mahigpit na niyakap ni Rabino ang kanyang kambal. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang nakatingin sila sa akin na may kuryosidad.

“Daddy, who is she?” tanong ng kanyang anak na lalaki.

“Leo, Lea, siya ang mommy ninyo,” nakangiting sagot ni Rabino.

Tantiya ko’y nasa apat na taong gulang pa lamang sila. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata, kasabay ng unti-unting paglitaw ng ngiti sa kanilang mga labi.

“Mommy!” sigaw ng batang lalaki sabay yakap sa akin.

Samantala, ang batang babae naman ay naiyak habang nakatitig sa akin, kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.

“Kayo po ba ang mommy namin?” nanginginig niyang tanong.

Napalunok ako at tinibayan ang aking loob upang magpanggap bilang ina ng kambal.

“Oo, ako ang mommy ninyo,” pagsisinungaling ko.

Ngunit sa loob-loob ko, ramdam ko ang kirot ng konsensya. Kitang-kita ko sa kanilang inosenteng mga mata ang labis na pangungulila sa kanilang tunay na ina—at heto ako, walang-awang nagsisinungaling dahil lamang sa isang kontrata.

"Tinupad ko na ang hiling mo, anak," nakangiting sabi ni Rabino.

“Maraming salamat po, Daddy. Sobrang saya ko pong makilala si Mommy. Mahal ko po kayong dalawa,” naiiyak ngunit nakangiting sabi ni Lea.

Ganoon din ang batang lalaki na si Leo na mahigpit akong niyakap. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay mararamdaman kong isa akong ina. Ngunit sobrang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa, lalo na kay Lea, dahil nakikita ko si Mio sa kanya—si Mio na naging dahilan kung bakit tinanggap ko ang pagiging asawa ni Rabino at ang pagiging ina ng kanyang mga anak.

Ngunit hindi ko maiwasang isipin… nasaan nga ba ang tunay na ina ng mga bata? Patay na ba siya? O nagkahiwalay lang sila?

"Mommy, bakit ngayon lang po kayo? Bakit niyo po kami iniwan noong baby pa lang kami?" tanong ni Leo, nakatingin sa akin ng diretsahan.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Paano ko ipapaliwanag ang isang bagay na ni ako mismo ay walang kasagutan?

"Leo, mag-uusap lang kami ng mommy mo. Bantayan mo muna ang kapatid mo dito, okay?" sabat ni Rabino bago ko pa magawang sagutin ang bata.

Lumapit siya kay Lea at marahang hinaplos ang buhok nito. "Baby Lea, babalikan ka namin dito. Mommy and I need to talk, okay?" malumanay niyang paalam. Tumango lang ang bata, tila naiintindihan ang sinabi ng ama nito.

Gumaan ang loob ko nang makaiwas sa tanong ni Leo. Hindi ko pa yata kayang sagutin ang mga iyon.

Tahimik akong sumunod kay Rabino nang lumabas kami ng kwarto. Dumiretso siya sa veranda at doon huminto. Hawak niya ang balustrada habang nakatingin sa malayo, waring may malalim na iniisip.

"Sa susunod, kapag nagtanong ang mga anak ko, sabihin mong umalis ka ng ibang bansa para magtrabaho at na-deport ka roon kaya hindi ka agad nakauwi," seryoso niyang utos, hindi man lang ako tinitingnan.

Napalunok ulit ako. "Pero saang bansa po ba?" tanong ko, nag-aalangan.

Umiling siya. "Ikaw na ang bahala. Matalino kang babae, Lia. Malaking halaga ang ibabayad ko sa’yo, so please, do your job well," malamig niyang sagot.

Napabuntong-hininga ako. Isa itong malaking hamon para sa akin—ang magpanggap bilang ibang tao. Bilang tunay na ina ng mga anak niya. Ngunit wala akong magagawa kundi sumunod.

Gusto ko sanang tanungin siya tungkol sa tunay na ina ng mga bata, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ang ekspresyon sa mukha niya ngayon ay parang kakainin ako nang buhay kung magpilit pa ako ng tanong. Sobrang dominante ng kanyang boses, at tila wala akong puwang para kuwestyunin siya.

---

"Okay ka lang ba, hija?" tanong ni Tiya Vangie habang nakatingin sa akin nang may pag-aalala.

Kasalukuyan akong nasa ospital ngayon upang tingnan ang kalagayan ni Mio. Nakiusap ako kay Rabino na sa araw ng operasyon ni Mio ay narito ako para sa kanya. Buti na lang at pumayag siya, ngunit hindi ko maiwasang mahati ang aking isipan sa pagitan ng operasyon ni Mio at sa pagpapanggap kong tunay na ina ng kanyang mga anak.

"Kasal na po ako, Tiya," pag-amin ko, mahina ngunit malinaw.

Nanlaki ang mga mata ni Tiya Vangie sa narinig. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang babaeng tulad ko ay mag-aasawa?

"Kasal?! Nagbibiro ka ba, hija? Wala ka namang ipinakilalang nobyo sa akin. Kanino ka ikinasal? Sino ba ang masuwerteng lalaking iyon?" litong-lito niyang tanong habang nakakunot ang noo.

"Seryoso po ako," sagot ko, diretso ang tingin sa kanya. "Ikinasal po ako sa may-ari ng ospital na ito. Kapalit ng kasal namin ay ang kidney transplant ni Mio at tatlong milyong piso."

Namutla si Tiya Vangie sa sinabi ko. Ilang saglit siyang hindi nakapagsalita, tila iniisip kung tama ba ang narinig niya. Ngunit laking gulat ko nang bigla siyang ngumiti—isang ngiti na hindi ko inaasahan. Akala ko ay sesermonan niya ako dahil nagpakasal ako para lang sa pera.

"Si Sir Rabino Castillon… siya ba, hija? Siya ba ang tinutukoy mo?" tanong niya, bahagyang bumaba ang boses.

Napakunot ang noo ko. "Opo, bakit? Kilala niyo po siya?"

Mas lumalim ang ngiti ni Tiya Vangie bago tumango. "Kilalang-kilala ko siya, hija. Sa katunayan, alam ko rin ang ginawa ng dati niyang asawa sa kanya."

Napatigil ako. Biglang nagising ang aking kuryosidad. Ginawa? Ano bang ginawa ng dati niyang asawa?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 1

    LIA’S POVHalos hindi na ako makahinga habang pinagmamasdan si Mio na nirerevive ng doctor mula sa bintana ng silid. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinambit ang Diyos upang magmakaawa na sana huwag niyang kunin ang kapatid ko.“Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo, huwag niyo po kunin sa akin ang kapatid ko,” umiiyak kong sabi habang pinipisil ang mga kamay ko, dahil nanginginig na ako sa kaba.Ilang minuto pa lang, tumigil ang doctor at nakita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya, sabay tingin sa mga nurse na kasama niya. Anong nangyari? Nailigtas ba nila si Mio?Paglabas ng doctor, agad akong lumapit sa kanya upang tanungin ang kalagayan ng kapatid ko. Halos hingal pa akong nagsasalita sa harapan niya.“Doc, kumusta po ang kapatid ko? Okay na po ba siya?” nagpapanic kong tanong.“Kumalma po kayo, ma’am. Sa ngayon, stable na po ang condition ng pasyente, ngunit kailangan po natin isagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon,

    Last Updated : 2025-03-12
  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 2

    Paglingon ko, napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—gwapo, matipuno ang katawan, ngunit nasa 40’s na siya. Nakaramdam ako ng init nang maamoy ko ang pabango niya. He looked so fresh, para bang bagong ligo lang siya. Napakalinis kung titignan, kaya hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan siya.“Hey!” sambit niya.Nakaramdam ako ng hiya nang mapagtanto kong saglit akong natulala. Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa lalaking ito?“Y..Yes, Sir. I’m available. You can take me out now. Sa manager po ang bayad,” nakangiting sabi ko.Seryoso siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, tapos naglakad patungo sa counter kung saan naroroon ang aming manager upang magbayad. Pagbalik niya at papalapit sa akin, saglit kaming nagkatitigan. Seryoso at walang emosyon ang tingin niya sa akin, kaya hindi ko siya kayang titigan ng matagal at napayuko na lang ako.“Done. Sumunod ka na lang sa’kin,” malamig na sabi niya.Napakagat-labi na lang ako sa sinabi niya at lumingon s

    Last Updated : 2025-03-12
  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 3

    Saglit akong natahimik dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Pilit kong ipinapasok sa utak ko ang mga salitang binitawan niya. Tatlong milyon para maging asawa niya sa isang taong kontrata.“Sir, nagbibiro lang po kayo, di ba?” di mapakaniwalang tanong ko.“I’m serious, Lia. I want a wife and a mother of my twins,” sagot niya.Single dad pala siya, ngunit bakit kailangan pa niyang magbayad ng tatlong milyon para lang magkaroon ng asawa at ina ng mga anak niya? Nasaan ang ina ng mga anak niya? Bakit ako pa?Sa gwapo niyang iyan, hindi na naman niya kailangan magbayad para lang magka-asawa. At ang masaklap, sa isang tulad ko pa talaga.“Pero bakit po ako? Alam niyo po ang trabaho ko, at hindi po ako handa na maging ina dahil 21 pa lang po ako,” sabi ko.“I thought you needed money for your sibling, but why does it sound like you are refusing?” sabi niya.“Curious lang po kasi ako, bakit isang kagaya ko pa? I’m sure hindi niyo gugustuhin mapangasawa ang isang babae

    Last Updated : 2025-03-13
  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 4

    Ngunit bago pa man ako makapagsalita, biglang tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot. Narinig kong tinatawag niyang "Attorney" ang kausap niya sa kabilang linya.“Okay. Thank you, Atty. Cuanco. We’ll be there in fifteen minutes,” sabi niya.Pagkababa ng phone, tumingin siya sa akin at lumapit. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yumuko na lang ako, naramdaman ko kasi ang matalim niyang titig sa akin.“We need to go. Naghihintay si Atty. Cuanco sa atin. The contract is ready, and we need to sign it,” seryosong sabi niya, saka lumabas ng pintuan.Nagcheck-in lang pala kami dito para alukin niya akong maging asawa, hindi dahil sa gusto niya ng serbisyo ko. Pero aaminin ko, naging magaan ang loob ko ngayong gabi. Bukod sa nakapagpahinga ang katawan ko, nakahanap ako ng solusyon sa problema ko. Hindi ko akalain na sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako pinapabayaan ng Diyos. Dininig niya ang panalangin ko na makahanap ng paraan upang gum

    Last Updated : 2025-03-13
  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 5

    Labis na nagulat ang nurse sa naging reaksyon ko, dahil para akong mababaliw sa narinig ko. Ngunit, nagsalita siya ulit ng mahinahon at nakangiti, tinangka akong kalmahin."Ma'am, kumalma po kayo. Ang ibig ko pong sabihin ay wala na po siya sa Room 96 dahil inilipat po siya sa isang VIP room para mas matutukan siya ng mga doktor bago ang operasyon," paliwanag ng nurse.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natuwa ako dahil totoo nga ang sinabi ni Sir Rabino—o dapat ko bang tawaging Dr. Rabino—na magiging asawa ko na.Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Nagkaroon ako ng pag-asa para baguhin ang buhay ko at ng aking kapatid.Agad akong dinala ng nurse sa bagong kwarto ni Mio, at nasurpresa ako sa treatment na ibinibigay nila sa kapatid ko.May nakamonitor sa heartbeat niya at may mga nurse na nagche-check ng electrolytes sa katawan niya. Sobrang nakakatuwa dahil sa wakas, matatapos din ang kanyang pagtitiis sa sakit.Lumapit sa akin si Tiya Vangie at hinaw

    Last Updated : 2025-03-13

Latest chapter

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 6

    Nakita ko kung paano mahigpit na niyakap ni Rabino ang kanyang kambal. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang nakatingin sila sa akin na may kuryosidad.“Daddy, who is she?” tanong ng kanyang anak na lalaki.“Leo, Lea, siya ang mommy ninyo,” nakangiting sagot ni Rabino.Tantiya ko’y nasa apat na taong gulang pa lamang sila. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata, kasabay ng unti-unting paglitaw ng ngiti sa kanilang mga labi.“Mommy!” sigaw ng batang lalaki sabay yakap sa akin.Samantala, ang batang babae naman ay naiyak habang nakatitig sa akin, kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.“Kayo po ba ang mommy namin?” nanginginig niyang tanong.Napalunok ako at tinibayan ang aking loob upang magpanggap bilang ina ng kambal.“Oo, ako ang mommy ninyo,” pagsisinungaling ko.Ngunit sa loob-loob ko, ramdam ko ang kirot ng konsensya. Kitang-kita ko sa kanilang inosenteng mga mata ang labis na pangungulila sa kanilang tunay na ina—at heto ako, walang-awang nagsisinungaling dahil

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 5

    Labis na nagulat ang nurse sa naging reaksyon ko, dahil para akong mababaliw sa narinig ko. Ngunit, nagsalita siya ulit ng mahinahon at nakangiti, tinangka akong kalmahin."Ma'am, kumalma po kayo. Ang ibig ko pong sabihin ay wala na po siya sa Room 96 dahil inilipat po siya sa isang VIP room para mas matutukan siya ng mga doktor bago ang operasyon," paliwanag ng nurse.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natuwa ako dahil totoo nga ang sinabi ni Sir Rabino—o dapat ko bang tawaging Dr. Rabino—na magiging asawa ko na.Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Nagkaroon ako ng pag-asa para baguhin ang buhay ko at ng aking kapatid.Agad akong dinala ng nurse sa bagong kwarto ni Mio, at nasurpresa ako sa treatment na ibinibigay nila sa kapatid ko.May nakamonitor sa heartbeat niya at may mga nurse na nagche-check ng electrolytes sa katawan niya. Sobrang nakakatuwa dahil sa wakas, matatapos din ang kanyang pagtitiis sa sakit.Lumapit sa akin si Tiya Vangie at hinaw

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 4

    Ngunit bago pa man ako makapagsalita, biglang tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot. Narinig kong tinatawag niyang "Attorney" ang kausap niya sa kabilang linya.“Okay. Thank you, Atty. Cuanco. We’ll be there in fifteen minutes,” sabi niya.Pagkababa ng phone, tumingin siya sa akin at lumapit. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yumuko na lang ako, naramdaman ko kasi ang matalim niyang titig sa akin.“We need to go. Naghihintay si Atty. Cuanco sa atin. The contract is ready, and we need to sign it,” seryosong sabi niya, saka lumabas ng pintuan.Nagcheck-in lang pala kami dito para alukin niya akong maging asawa, hindi dahil sa gusto niya ng serbisyo ko. Pero aaminin ko, naging magaan ang loob ko ngayong gabi. Bukod sa nakapagpahinga ang katawan ko, nakahanap ako ng solusyon sa problema ko. Hindi ko akalain na sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako pinapabayaan ng Diyos. Dininig niya ang panalangin ko na makahanap ng paraan upang gum

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 3

    Saglit akong natahimik dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Pilit kong ipinapasok sa utak ko ang mga salitang binitawan niya. Tatlong milyon para maging asawa niya sa isang taong kontrata.“Sir, nagbibiro lang po kayo, di ba?” di mapakaniwalang tanong ko.“I’m serious, Lia. I want a wife and a mother of my twins,” sagot niya.Single dad pala siya, ngunit bakit kailangan pa niyang magbayad ng tatlong milyon para lang magkaroon ng asawa at ina ng mga anak niya? Nasaan ang ina ng mga anak niya? Bakit ako pa?Sa gwapo niyang iyan, hindi na naman niya kailangan magbayad para lang magka-asawa. At ang masaklap, sa isang tulad ko pa talaga.“Pero bakit po ako? Alam niyo po ang trabaho ko, at hindi po ako handa na maging ina dahil 21 pa lang po ako,” sabi ko.“I thought you needed money for your sibling, but why does it sound like you are refusing?” sabi niya.“Curious lang po kasi ako, bakit isang kagaya ko pa? I’m sure hindi niyo gugustuhin mapangasawa ang isang babae

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 2

    Paglingon ko, napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—gwapo, matipuno ang katawan, ngunit nasa 40’s na siya. Nakaramdam ako ng init nang maamoy ko ang pabango niya. He looked so fresh, para bang bagong ligo lang siya. Napakalinis kung titignan, kaya hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan siya.“Hey!” sambit niya.Nakaramdam ako ng hiya nang mapagtanto kong saglit akong natulala. Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa lalaking ito?“Y..Yes, Sir. I’m available. You can take me out now. Sa manager po ang bayad,” nakangiting sabi ko.Seryoso siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, tapos naglakad patungo sa counter kung saan naroroon ang aming manager upang magbayad. Pagbalik niya at papalapit sa akin, saglit kaming nagkatitigan. Seryoso at walang emosyon ang tingin niya sa akin, kaya hindi ko siya kayang titigan ng matagal at napayuko na lang ako.“Done. Sumunod ka na lang sa’kin,” malamig na sabi niya.Napakagat-labi na lang ako sa sinabi niya at lumingon s

  • Contracted to a Single Dad   KABANATA 1

    LIA’S POVHalos hindi na ako makahinga habang pinagmamasdan si Mio na nirerevive ng doctor mula sa bintana ng silid. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinambit ang Diyos upang magmakaawa na sana huwag niyang kunin ang kapatid ko.“Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo, huwag niyo po kunin sa akin ang kapatid ko,” umiiyak kong sabi habang pinipisil ang mga kamay ko, dahil nanginginig na ako sa kaba.Ilang minuto pa lang, tumigil ang doctor at nakita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya, sabay tingin sa mga nurse na kasama niya. Anong nangyari? Nailigtas ba nila si Mio?Paglabas ng doctor, agad akong lumapit sa kanya upang tanungin ang kalagayan ng kapatid ko. Halos hingal pa akong nagsasalita sa harapan niya.“Doc, kumusta po ang kapatid ko? Okay na po ba siya?” nagpapanic kong tanong.“Kumalma po kayo, ma’am. Sa ngayon, stable na po ang condition ng pasyente, ngunit kailangan po natin isagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status