
The Lesbian Bride
"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita."
Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga.
Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo.
Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya.
Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata.
Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang.
Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae?
May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?
Read
Chapter: KABANATA 13ALEXIS’S POV“Anak, alam ko, balang araw matututunan mo ring mahalin si Theo,” sabi ni Nanay habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.Mariin akong umiling, hindi nagpatinag sa sinabi niya. “Hindi, Nay. Hindi mangyayari ‘yan. Imposible!”Ngumiti siya habang isinusuot ang hikaw sa magkabila niyang tenga. May kung anong saya sa mukha niya—parang may inaalalang alaala.“Ganyan din ako dati sa papa mo,” aniya, bago marahang hinaplos ang buhok niya.Nagtataka naman ako sa biglaang pagbabago niya. Noon, bihira ko siyang makitang nag-aayos. Hindi siya mahilig mag-ayos ng sarili, mas inuuna niya ang gawaing bahay. Pero ngayon… para siyang ibang tao.“Teka, Nay, bakit ang ayos-ayos niyo? Ang ganda-ganda niyo ngayon, ha!” tanong ko, hindi maitago ang pagtataka.Lumingon siya sa akin at malumanay na ngumiti—isang ngiting parang sa isang dalagang in love, kahit na nasa edad na siyang 48. Nagningning ang kanyang mga mata habang inaayos ang blouse niya, waring may hiya pero sabik sa reaksyon k
Last Updated: 2025-03-05
Chapter: KABANATA 12THEO’S POVNakatayo ako malapit sa bintana, nakatanaw sa malawak na tanawin upang pakalmahin ang aking sarili matapos ang nangyari. Dapat ay tanawin ang iniisip ko, pero p*tangina—hindi ko maiwasang bumalik sa naging kasunduan namin ni Harvey."Maniniwala lang kami na hindi tomboy ‘yang si Alexis kung mabubuntis mo siya sa loob ng tatlong buwan."T*ngina. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi niya. Rinig ko pa rin ang pang-aasar sa boses niya, ang panunuyang ngiti sa labi niya. Hindi na ako nagulat—matagal ko nang alam na may inggit siya sa akin. Noon pa lang, ramdam ko na ang pagnanais niyang tapakan ako, sirain ako sa harap ng tropa namin.Hinahamon niya ako.Gago siya kung iniisip niyang uurungan ko ‘to.Ako si Theo Angelo Garcia. At ang dugong Garcia—hindi kailanman nagpapatalo."Anim na buwan. Give me six months. Kung gusto mo, we can have a deal for one million. What do you think?"Nakikita ko pa rin sa isip ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Harvey, ang pang-uuy
Last Updated: 2025-03-03
Chapter: KABANATA 11“Ano bang pinagsasabi mo, ha? Huy! Hindi mamamatay tao ang bestfriend ko! Isa pa, kalalaki mong tao takot ka sa babae!” inis kong sabi, ngunit hindi ko maitatanggi na kinakabahan ako.“Tumahimik ka!” bulyaw niya.Samantalang si Fate, kahit halata ang panginginig ng kanyang mga kamay, ay hindi natinag."Hindi mo ba talaga ako naaalala, Theo?" tanong niya, pilit na ikinakalma ang nanginginig niyang boses.Nakita ko kung paano tumigas ang panga ni Theo. "What are you talking about?" malamig niyang tugon."Ako ‘yung babaeng nakilala mo sa Isla Dela Rosa. May nangyari sa’tin! At sinabi mong… ikaw ang bahala sa akin at papakasalan mo ako."Biglang bumigat ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, para itong hangin sa loob ng isang silid na unti-unting nauubos.Saglit na natigilan si Theo, ngunit agad niya itong tinawanan nang may pangmamaliit."Talaga? Kung ganun ay isa ka lang sa mga babae ko noon, at I don’t remember anything about you," matigas niyang sabi. "Pero ngayon, si Alexis ang as
Last Updated: 2025-03-02
Chapter: KABANATA 10"Theo, bitawan mo siya!" awat ko, pilit na hinahawakan ang braso niya. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga bago niya tuluyang binitiwan ang lalaki. Kita sa mukha niya ang pagpipigil sa sarili. "Anong nangyayari rito?" Malamig ang boses ni Don Fernando habang palapit sa amin. Agad na umatras si Theo mula sa lalaking hawak niya. Pinisil niya ang sintido niya at pinilit ngumiti. "Wala, Dad. Nagbibiruan lang kami," aniya, kahit halatang hindi totoo. Pero hindi tanga si Don Fernando. Sinipat niya kaming lahat bago ibinalik ang matalim niyang tingin kay Theo. "Mabuti pang umuwi na kayo," madiin niyang sabi. Magsasalita pa sana si Theo, pero nang makita ang matigas na ekspresyon ng ama niya, napalunok siya at tumango. "Fine. Let’s go, Alexis." Hinawakan niya ang kamay ko, pero agad ko iyong hinila palayo. "Hindi ako sasama sa'yo. Uuwi akong mag-isa," malamig kong sagot. "Mag-asawa na tayo. Magkasama tayong uuwi," madiin niyang sabi, tila pinapaalala sa akin ang kasal na hindi
Last Updated: 2025-03-02
Chapter: KABANATA 9Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa dumating ang seremonya ng sayawan. Narinig ko ang kilig na hiyawan ng mga bisita—tila tuwang-tuwa silang panoorin kami ni Theo. Pero sa loob ko, parang pinipiga ang puso ko sa hirap ng pagpapanggap.Hinawakan ni Theo ang kamay ko at hinila ako sa gitna ng dance floor. Napatingin ako sa kanya—nakangisi siya, may halong panunukso sa mga mata. Nagsimula ang mabagal na musika. Napilitan akong ipatong ang kamay ko sa balikat niya habang mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko."Para kang pusang takot sa tubig," bulong niya, may pang-aasar sa tono.Parang tinamaan ako ng kuryente. Gusto ko siyang sapakin, pero sa halip, mariin akong napakapit sa leeg niya. Ramdam ko ang init ng katawan ko at ang amoy ng hininga niya nang magkalapit ang mukha namin. Tangina, buhay nga naman.
Last Updated: 2025-03-01
Chapter: KABANATA 8Hindi ako nakapalag at hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong demonyong bumubulong sa akin na magpaubaya sa lalaking ito. Diyos ko, gusto ko na lang maglaho. Kunin n’yo na lang ako.Pagpasok namin sa loob ng hotel, agad akong binalot ng malamig na hangin mula sa aircon. Nakangiti namang sumalubong at bumati sa amin ang mga staff. Napatingin ako sa kanya para makita kung anong reaksyon niya, pero seryoso lang siyang naglakad papasok ng elevator—parang wala lang sa kanya. Samantalang ako, bawat hakbang ko ay lalong nagpapabilis sa tibok ng puso ko.“Saan mo ba ako dadalhin, ha?! Alam mo bang pwede kitang i-report kahit mag-asawa pa tayo?!” galit kong sabi, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba.Lumapit siya, bahagyang yumuko upang mapantayan ang mukha ko. “If you don’t shut your fucking mouth, mapipilitan akong gawin ang iniisip mo,&rdq
Last Updated: 2025-03-01

Contracted to a Single Dad
Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga.
Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito.
Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia.
Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae.
Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Read
Chapter: KABANATA 15Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya. Suot niya ang isang puting long sleeves na lalong nagpaangat sa kanyang kagwapuhan. Nakafold pa ito hanggang sa kanyang mga braso kaya kita ang suot niyang relo. Ang perpekto niya.“Kumusta si Lea?” tanong niya sabay lagay ng bouquet sa side table.Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko nang ma-realize kong nag-expect akong para sa akin ang bulaklak. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay Lea.“Nag-convulsion siya kanina. Buti na lang naagapan agad ng doktor. Sabi naman ni Dr. Chua, wala na raw dapat ipag-alala,” sabi ko sa kanya.“I think I need to hire a doctor who can watch over her from time to time,” sagot niya.“Pero ‘di ba mas mahal iyon?” tanong ko.“Yeah, but money is just money. Mas mahal ko ang anak ko,” sagot niya.Hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil sa lalim ng pagmamahal niya sa kanyang mga anak. Sa akin pa lang, gumastos na siya ng milyon-milyon para lang magkaroon sila ng ina. Napangiti ako
Last Updated: 2025-04-10
Chapter: KABANATA 14“Mommy, call the doctor now, please!”sigaw ni Leo, nanginginig ang boses niya.Nanginginig ang buong katawan ni Lea at ako'y sobra nang nataranta, hindi ko alam ang gagawin. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan, sabay sigaw kay Manang Lourdes upang humingi ng tulong.“Manang! Manang! Tawagan niyo po ang doctor!” sigaw ko.Dali-daling lumapit si Manang sa akin at nagtanong ng taranta, “Ano bang nangyari?”“Nagconvulsion si Lia, Manang! Please tawagan niyo na ang doctor!” sigaw ko, puno ng takot.Tamang-tama, narinig ko ang doorbell. Agad ko itong binuksan, at bumungad sa akin ang isang lalaki at isang babae. Kilala ko ang babae—siya ang nurse ni Lia. Pero ang lalaki, ngayon ko lang siya nakita.“Dr. Chua, si Lea po nagconvulsion!” tarantang sabi ni Manang Lourdes.Napatingin ako kay Manang at agad binaling ang tingin ko sa lalaki. Tumakbo siya paakyat ng hagdanan patungo sa kwarto ni Lea. Siya pala ang doktor ni Lea, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.Pagdating
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: KABANATA 13Ilang segundo bago naproseso sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya, dahil una sa lahat, hindi ako yung babaeng maipagmamalaki niya sa lahat bilang kanyang asawa. Ikalawa, nagpapanggap lang kami sa harapan ng dalawang bata, kaya hindi na niya dapat ako ipakilala pa sa iba.“Seryoso? Kailangan ko ba talagang pumunta diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.“Yes, and just do what I said. Roland will be here tomorrow for your makeover and whole preparation for tomorrow night. I have to go now, love,” sabi niya sabay halik sa pisngi ko.“Leo, take care of your sister, okay? I love you, baby,” sabi niya sabay halik kay Leo.Pagkaalis niya, umakyat din si Leo patungo sa kwarto at agad kong niligpit ang pinagkainan namin, tapos hinugasan ko na din ang mga pinggan na ginamit namin para gumaan naman ang trabaho ni Manang Lourdes.Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya dahil siya lang mag-isa ang maid dito sa napakalaking mansion at may edad na din siya. Napais
Last Updated: 2025-04-02
Chapter: KABANATA 12Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Alam ko na isa akong bayaran, at kung sino-sino na lang ang mga lalaking nakakatabi ko sa kama. Ngunit sa mga sandaling iyon, parang sumabog ang tibok ng puso ko habang iniisip na magtatabi kaming matulog sa iisang kama. Iba ang pakiramdam. Unang pagkakataon ko itong maramdaman—ang makaramdam ng pagkailang sa isang lalaki.Hindi pwede. Mali ito. Asawa lang niya ako sa kontrata. Asawa niya ako sa kontrata, kaya lahat ng gagawin ko ay bahagi lamang ng trabaho ko.“Mamayang gabi, I want you to sleep beside me, Lia. No excuses. Do your job,” seryosong sabi niya.“Transfer all your things to our room. I will tell Manang Lourdes to assist you,” dagdag pa niya.Agad siyang tumalikod, hindi man lang inantay ang sagot ko. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.Dali-dali kong isinara ang pintuan at sumandal dito. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko. Pinapaalalahanan ko ang sarili ko na matapos ang isa
Last Updated: 2025-04-02
Chapter: KABANATA 11Bigla ko namang nasanggi ang malaking vase na nakalagay sa gilid ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaba nang makita ko si Rabino na napatingin sa direksyon ko. Kinabahan ako ng sobra, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.“Lia?!” sabi niya, nakakunot ang noo, at napatingin siya sa vase na nabasag ko.Halos hindi maipinta ang mukha niya sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko, at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.“S-Sorry, hindi ko sinasadya,” nauutal kong sabi, ang mga kamay ko ay nanginginig.“Do you know how much that is?!” bulyaw niya, ang galit sa boses niya halata. Tumingin siya sa akin ng masama, at ang pagkabigla ko ay nadagdagan ng takot.“Uhmm, magkano ba? Babayaran ko na lang,” natatarantang sagot ko, ngunit ramdam ko ang kabang dumadapo sa aking dibdib.Umiling siya, at kita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Napayuko na lamang ako sa hiya, alam kong mali ang ginawa kong pakikinig sa kanya habang may kausap
Last Updated: 2025-04-01
Chapter: KABANATA 10“Let’s have a dinner, love. Leo, come with us,” Mahinahong sabi niya.Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halik na iyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya na di pa mawala-wala sa pisngi ko. Bakit niya ako hinalikan? At love?Ilang segundo din bago ko narealize na kailangan pala naming magpanggap sa harapan ng mga bata.“Lia?” tawag niya sa akin.Nakita ko ang pagkunot-noo niya nang napatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa naging reaksyon ko sa mga oras na iyon.“Y..Yes Love?” nauutal na tugon ko.“Let’s have a dinner. Si Manang Lourdes na ang bahala kay Lea. Siya na din ang magpapakain sa kanya. Her Nurse will be her in the next 30 minutes,” sabi niya.Napatingin naman ako kay Manang Lourdes na nakangiting tumingin sa akin. Alam kong may kahulugan ang ngiti niyang iyon. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na palabas ng kwarto.Pagdating namin sa dining area ay agad niyang hinila ang silya at niyaya akong umupo rito. Grabe. Dahan-dahan n
Last Updated: 2025-04-01