"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita." Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga. Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo. Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya. Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata. Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang. Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae? May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?
View MoreSa paglipas ng mga araw matapos ang aking training kasama si Ms. Bianca, dumating na rin ang araw ng aking kasal.Isinuot na sa akin ang gown, at agad kong naramdaman ang bigat nito at ang aking pagkadismaya. Masikip ito sa bewang, at ang mala-prinsesang disenyo ay malayo sa nakasanayan kong simpleng pananamit.Nagdalawang-isip pa ako kung papayag akong alisin ang aking sumbrero, ngunit wala akong nagawa. Sa harap ng salamin, tumambad sa akin ang aking mahabang buhok hanggang balikat. Para akong ibang tao.Napakababae ng aking pustura, at lalo pa itong tumingkad nang lagyan ako ng makeup at hair extensions ng baklang stylist. Nang matapos sila, halos hindi ko makilala ang aking sarili. Napakaganda ko—kahit ako mismo ay maaaring ma-in love sa sarili kong repleksyon.Isang katok ang pumukaw sa aking pagkamangha. Bumukas ang pinto at pumasok si Fate, kasunod si Inay. Kita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ni Fate, habang si Inay naman ay hindi naitago
“Hindi mo siya pwedeng pakasalan.”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang prangkang sinabi ni Fate. Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“Si Theo ang pinakamamahal ko.” Halata ang panginginig sa boses niya, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Iniwan at pinaasa man niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin niya ako.”Napaatras ako, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.“At kung ipipilit mong maikasal kay Theo... kalimutan mo na na bestfriend mo ako.”Parang sinampal ako ng malamig na hangin. Hindi ko akalaing kayang ipagpalit ni Fate ang pagiging magkaibigan namin para lang kay Theo—sa lalaking ilang beses ko nang nakitang sinaktan siya.“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko habang pilit inuunawa ang bigat ng sinabi niya. “Fate, seryoso ka ba? Gano’n mo na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil kay Theo?”“Hindi mo kasi naiintindihan! Mahal ko siya!” sagot niya, nangingilid ang luha. “Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Napailing
Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo nga, Don Fernando. Tingnan niyo nga po ang itsura ko.”Hindi ko kayang suotin ang gown na ‘yon—hindi ko nga kayang isuot kahit simpleng bestida, gown pa kaya? Buong buhay ko, sanay akong naka-maong at polo, malayo sa imahe ng isang babaeng ikakasal sa marangyang kasal na pinaplano ni Don Fernando.Napangisi si Theo, tila nagtatagumpay sa pang-aasar niya. “See? At least may alam ka sa sarili mo.”Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko na pinatulan. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang buhay ko ay hindi na sa akin—kinailangan kong tanggapin ang bagong mundong ginagalawan ko ngayon.“Huwag kang mag-alala, hija,” sabat ni Don Fernando. “Magpapadala ako ng pinakamagaling na make-up artist at stylist para tulungan ka. Sigurado akong magiging maganda ka sa araw ng kasal ninyo.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong mainis. Kahit na anong gawin nila, hindi ako magiging kagaya ng babaeng gusto nilang makita. Pero wala na akong magagawa kundi sun
"Dad wants me to pick you up."dagdag pa niya.Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Theo. Pinapasundo raw ako ng ama niya? At ganito kaaga?"Ni hindi pa nga ako nakakakain o nakakapaghilamos man lang.""I know," sagot ni Theo, parang walang pakialam, saka nagkibit-balikat. "Pero sinabi ni Daddy na sunduin kita ngayon. Wala na akong magagawa kung hindi sundin ‘yon."Napatingin ako sa kanya nang masama. "Magpapalit muna ako at maliligo."Napairap si Theo, sumandal sa sasakyan, at nagmurmurang "Tsk. Ang mga lalaki, hindi maarte. Pwede ka namang maligo sa mansyon."Napangisi ako sa pangmamaliit niyang iyon. "At sino’ng nagsabi sa ‘yong lalaki ako?" Saglit siyang natigilan, pero bago pa siya makasagot, mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso sa banyo.Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. "Ang tigas ng ulo!"Sa inis ko, lalo ko pang pinatagal ang pagligo. Sinadya ko talaga. Naririnig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas, kasabay ng katok ni Inay sa pinto ng banyo."Alexis,
"I..isang milyon?" Nanginginig ang boses ko habang inuulit ang halagang binanggit niya. Halos lumambot ang mga tuhod ko.Tumango si Nanay, bakas sa mukha niya ang pagod at pangamba. "Kung hindi tayo makakabayad sa loob ng isang linggo, mawawala sa atin ang bahay. Makukulong ako, Alexis."Napaatras ako, hindi makapaniwala. Isang linggo? Kahit magdoble o mag-triple kayod ako sa pamamasada sa buong buhay ko, hindi ko kakayanin 'yon!"Nay, may ibang paraan siguro. Pwede tayong humingi ng palugit—o kaya naman..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alam kong walang ibang paraan."Alexis, ito na lang ang natitirang solusyon." Mahina ngunit matigas ang boses ni Nanay. "Kailangan mong tanggapin ang kasal kay Theo."Napaupo ako sa maliit na sofa , yakap ang sarili. Hindi ko kailanman inisip na darating ako sa ganitong sitwasyon—na ang sarili kong ina ang magtutulak sa akin sa isang kasal na hindi ko ginusto.Napakuyom ako ng kamao. Iniwasan kong umiyak sa harapan ni Nanay. Hindi ko gustong m
ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b
ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments