Share

KABANATA 5

Author: Chinitiko
last update Huling Na-update: 2025-02-11 12:08:46

“Hindi mo siya pwedeng pakasalan.”

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang prangkang sinabi ni Fate. Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“Si Theo ang pinakamamahal ko.” Halata ang panginginig sa boses niya, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Iniwan at pinaasa man niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin niya ako.”

Napaatras ako, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.

“At kung ipipilit mong maikasal kay Theo... kalimutan mo na na bestfriend mo ako.”

Parang sinampal ako ng malamig na hangin. Hindi ko akalaing kayang ipagpalit ni Fate ang pagiging magkaibigan namin para lang kay Theo—sa lalaking ilang beses ko nang nakitang sinaktan siya.

“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko habang pilit inuunawa ang bigat ng sinabi niya. “Fate, seryoso ka ba? Gano’n mo na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil kay Theo?”

“Hindi mo kasi naiintindihan! Mahal ko siya!” sagot niya, nangingilid ang luha. “Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”

Napailing ako, ramdam ang poot at panghihinayang. “Unang-una, wala akong gusto kay Theo,” madiin kong sabi.

“Ang kasal na ‘to? Wala akong choice dito! Pinilit lang ako ni Inay dahil may utang kaming isang milyon sa at ito lang ang solusyon! Kung may magagawa lang ako, hinding-hindi ko ipapakasal ang sarili ko sa hambog na ‘yun!”

Napatigil si Fate. Kitang-kita ko kung paano siya naliwanagan sa sinabi ko.

“Hindi mo gusto si Theo…?” bulong niya, tila naguguluhan sa sarili niyang mga iniisip.

“Hindi,” sagot ko nang matigas. “At kung iniisip mong ginusto ko ang kasal na ‘to, nagkakamali ka. Kung may ibang paraan lang para bayaran ang utang namin, matagal ko nang tinakasan ang kasunduang ‘to.”

Ilang sandali siyang natahimik bago bumuntong-hininga. “Sorry,” mahina niyang sabi, yumuko siya at pinahid ang luha sa pisngi. “Akala ko… inaagaw mo siya sa akin.”

Sa wakas, naintindihan na rin niya. O ‘yun ang akala ko—dahil ilang saglit lang, muli siyang tumingin sa akin, ngayon ay may ibang ekspresyon sa mukha.

“Kung gano’n… tulungan mo akong mapalapit kay Theo.”

Napakurap ako. “Ano?”

“Total wala ka namang gusto sa kanya, baka matulungan mo akong makuha ang loob niya.” Sinubukan niyang ngumiti, pero halatang may kaba sa boses niya.

“Kapag nangyari ‘yon, baka balang araw ay matutunan din niya akong mahalin. At ikaw, makakalaya ka rin sa pagiging asawa niya—kapag nakipag-annul na siya sa’yo.”

Napaisip ako. Sa totoo lang, may punto siya. Kung matutulungan ko siyang mapalapit kay Theo, mas magiging madali para sa akin na tuluyang makawala sa kasal na ito. At kung tutuusin, mas gugustuhin ko pang may chance akong magkagusto kay Fate kaysa sa hambog na lalaking iyon.

Napangisi ako at tumango. “Sige, Fate. Tutulungan kita.”

Nanlaki ang mata niya, tila hindi makapaniwala sa mabilis kong pagsang-ayon. “Talaga?”

“Oo naman. Sigurado akong wala akong gusto kay Theo, at kung ang pagtulong sa’yo ang magiging daan para sa parehong kagustuhan natin, edi gawin na natin.”

Napayakap siya sa akin sa sobrang tuwa. “Salamat! Hindi mo alam kung gaano ito kahalaga sa akin.”

Napatawa ako. “Basta tandaan mo, Fate. Kahit kailan, hindi ko magugustuhan si Theo. Itaga mo ‘yan sa bato!”

“Alam ko naman iyon,” aniya, nakangiti.

Kinagabihan, umuwi ako ng bahay at naabutan si Inay na naghahain ng pagkain sa mesa. Masaya niya akong niyaya na kumain, at sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang ganito kabait sa akin. Agad akong umupo at sinimulan ang pagkain.

Pinagsandok pa niya ako, na lalong nagpa-curious sa akin. “Bakit ang dami nating pagkain?” tanong ko.

“Bigay ni Don Fernando,” sagot niya, hindi maitago ang tuwa sa boses niya.

“Sobrang saya ko dahil wala na tayong problema, at excited na excited na rin ako sa kasal mo, anak.”

Napanganga ako. Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit. Kung alam lang nila na may plano na akong kumawala rito…

Pero hindi ako nagpahalata. Sa halip, ngumiti lang ako at tahimik na tinapos ang pagkain ko, iniisip kung paano ko sisimulan ang plano namin ni Fate.

Hindi ko alam kung magiging madali ito, pero isang bagay ang sigurado—wala akong balak maging asawa ni Theo habambuhay.

At kung ang pagpapalapit ni Fate kay Theo ang magiging susi ko sa kalayaan, gagawin ko ang lahat para magtagumpay ito.

Kinabukasan, ginising na naman ako ni Inay sa malakas na pagkatok sa pintuan. May naghahanap daw sa akin—at alam ko na agad kung sino. Malamang si Theo na naman, at sa totoo lang, wala akong gana makipag-usap sa kanya.

Agad kong sinuot ang sumbrero ko, inayos ang magulong buhok, at lumabas nang nakasimangot. Hindi pa man nagsisimula ang araw ko, istorbo na agad siya. Pero nang makita ko ang bisita, nanlaki ang mga mata ko.

Isang magandang babae ang nakaupo sa maliit naming sofa, maayos ang postura, at mukhang mayaman. Pormal siyang ngumiti sa akin at bahagyang tumayo bago nagpakilala.

 "I'm Bianca Espinosa, a fashion stylist.Pinadala ako ni Mr. Fernando Garcia para tulungan kang magsukat at magdala ng gown para sa araw ng iyong kasal.”

Napatigil ako, pilit inuunawa ang sinabi niya. Gown? Stylist? Hindi ko mapigilang mapailing.

Kaugnay na kabanata

  • The Lesbian Bride   KABANATA 6

    Sa paglipas ng mga araw matapos ang aking training kasama si Ms. Bianca, dumating na rin ang araw ng aking kasal.Isinuot na sa akin ang gown, at agad kong naramdaman ang bigat nito at ang aking pagkadismaya. Masikip ito sa bewang, at ang mala-prinsesang disenyo ay malayo sa nakasanayan kong simpleng pananamit.Nagdalawang-isip pa ako kung papayag akong alisin ang aking sumbrero, ngunit wala akong nagawa. Sa harap ng salamin, tumambad sa akin ang aking mahabang buhok hanggang balikat. Para akong ibang tao.Napakababae ng aking pustura, at lalo pa itong tumingkad nang lagyan ako ng makeup at hair extensions ng baklang stylist. Nang matapos sila, halos hindi ko makilala ang aking sarili. Napakaganda ko—kahit ako mismo ay maaaring ma-in love sa sarili kong repleksyon.Isang katok ang pumukaw sa aking pagkamangha. Bumukas ang pinto at pumasok si Fate, kasunod si Inay. Kita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ni Fate, habang si Inay naman ay hindi naitago

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 1

    ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 2

    "I..isang milyon?" Nanginginig ang boses ko habang inuulit ang halagang binanggit niya. Halos lumambot ang mga tuhod ko.Tumango si Nanay, bakas sa mukha niya ang pagod at pangamba. "Kung hindi tayo makakabayad sa loob ng isang linggo, mawawala sa atin ang bahay. Makukulong ako, Alexis."Napaatras ako, hindi makapaniwala. Isang linggo? Kahit magdoble o mag-triple kayod ako sa pamamasada sa buong buhay ko, hindi ko kakayanin 'yon!"Nay, may ibang paraan siguro. Pwede tayong humingi ng palugit—o kaya naman..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alam kong walang ibang paraan."Alexis, ito na lang ang natitirang solusyon." Mahina ngunit matigas ang boses ni Nanay. "Kailangan mong tanggapin ang kasal kay Theo."Napaupo ako sa maliit na sofa , yakap ang sarili. Hindi ko kailanman inisip na darating ako sa ganitong sitwasyon—na ang sarili kong ina ang magtutulak sa akin sa isang kasal na hindi ko ginusto.Napakuyom ako ng kamao. Iniwasan kong umiyak sa harapan ni Nanay. Hindi ko gustong m

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 3

    "Dad wants me to pick you up."dagdag pa niya.Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Theo. Pinapasundo raw ako ng ama niya? At ganito kaaga?"Ni hindi pa nga ako nakakakain o nakakapaghilamos man lang.""I know," sagot ni Theo, parang walang pakialam, saka nagkibit-balikat. "Pero sinabi ni Daddy na sunduin kita ngayon. Wala na akong magagawa kung hindi sundin ‘yon."Napatingin ako sa kanya nang masama. "Magpapalit muna ako at maliligo."Napairap si Theo, sumandal sa sasakyan, at nagmurmurang "Tsk. Ang mga lalaki, hindi maarte. Pwede ka namang maligo sa mansyon."Napangisi ako sa pangmamaliit niyang iyon. "At sino’ng nagsabi sa ‘yong lalaki ako?" Saglit siyang natigilan, pero bago pa siya makasagot, mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso sa banyo.Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. "Ang tigas ng ulo!"Sa inis ko, lalo ko pang pinatagal ang pagligo. Sinadya ko talaga. Naririnig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas, kasabay ng katok ni Inay sa pinto ng banyo."Alexis,

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 4

    Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo nga, Don Fernando. Tingnan niyo nga po ang itsura ko.”Hindi ko kayang suotin ang gown na ‘yon—hindi ko nga kayang isuot kahit simpleng bestida, gown pa kaya? Buong buhay ko, sanay akong naka-maong at polo, malayo sa imahe ng isang babaeng ikakasal sa marangyang kasal na pinaplano ni Don Fernando.Napangisi si Theo, tila nagtatagumpay sa pang-aasar niya. “See? At least may alam ka sa sarili mo.”Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko na pinatulan. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang buhay ko ay hindi na sa akin—kinailangan kong tanggapin ang bagong mundong ginagalawan ko ngayon.“Huwag kang mag-alala, hija,” sabat ni Don Fernando. “Magpapadala ako ng pinakamagaling na make-up artist at stylist para tulungan ka. Sigurado akong magiging maganda ka sa araw ng kasal ninyo.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong mainis. Kahit na anong gawin nila, hindi ako magiging kagaya ng babaeng gusto nilang makita. Pero wala na akong magagawa kundi sun

    Huling Na-update : 2025-02-11

Pinakabagong kabanata

  • The Lesbian Bride   KABANATA 6

    Sa paglipas ng mga araw matapos ang aking training kasama si Ms. Bianca, dumating na rin ang araw ng aking kasal.Isinuot na sa akin ang gown, at agad kong naramdaman ang bigat nito at ang aking pagkadismaya. Masikip ito sa bewang, at ang mala-prinsesang disenyo ay malayo sa nakasanayan kong simpleng pananamit.Nagdalawang-isip pa ako kung papayag akong alisin ang aking sumbrero, ngunit wala akong nagawa. Sa harap ng salamin, tumambad sa akin ang aking mahabang buhok hanggang balikat. Para akong ibang tao.Napakababae ng aking pustura, at lalo pa itong tumingkad nang lagyan ako ng makeup at hair extensions ng baklang stylist. Nang matapos sila, halos hindi ko makilala ang aking sarili. Napakaganda ko—kahit ako mismo ay maaaring ma-in love sa sarili kong repleksyon.Isang katok ang pumukaw sa aking pagkamangha. Bumukas ang pinto at pumasok si Fate, kasunod si Inay. Kita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ni Fate, habang si Inay naman ay hindi naitago

  • The Lesbian Bride   KABANATA 5

    “Hindi mo siya pwedeng pakasalan.”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang prangkang sinabi ni Fate. Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“Si Theo ang pinakamamahal ko.” Halata ang panginginig sa boses niya, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Iniwan at pinaasa man niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin niya ako.”Napaatras ako, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.“At kung ipipilit mong maikasal kay Theo... kalimutan mo na na bestfriend mo ako.”Parang sinampal ako ng malamig na hangin. Hindi ko akalaing kayang ipagpalit ni Fate ang pagiging magkaibigan namin para lang kay Theo—sa lalaking ilang beses ko nang nakitang sinaktan siya.“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko habang pilit inuunawa ang bigat ng sinabi niya. “Fate, seryoso ka ba? Gano’n mo na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil kay Theo?”“Hindi mo kasi naiintindihan! Mahal ko siya!” sagot niya, nangingilid ang luha. “Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Napailing

  • The Lesbian Bride   KABANATA 4

    Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo nga, Don Fernando. Tingnan niyo nga po ang itsura ko.”Hindi ko kayang suotin ang gown na ‘yon—hindi ko nga kayang isuot kahit simpleng bestida, gown pa kaya? Buong buhay ko, sanay akong naka-maong at polo, malayo sa imahe ng isang babaeng ikakasal sa marangyang kasal na pinaplano ni Don Fernando.Napangisi si Theo, tila nagtatagumpay sa pang-aasar niya. “See? At least may alam ka sa sarili mo.”Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko na pinatulan. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang buhay ko ay hindi na sa akin—kinailangan kong tanggapin ang bagong mundong ginagalawan ko ngayon.“Huwag kang mag-alala, hija,” sabat ni Don Fernando. “Magpapadala ako ng pinakamagaling na make-up artist at stylist para tulungan ka. Sigurado akong magiging maganda ka sa araw ng kasal ninyo.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong mainis. Kahit na anong gawin nila, hindi ako magiging kagaya ng babaeng gusto nilang makita. Pero wala na akong magagawa kundi sun

  • The Lesbian Bride   KABANATA 3

    "Dad wants me to pick you up."dagdag pa niya.Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Theo. Pinapasundo raw ako ng ama niya? At ganito kaaga?"Ni hindi pa nga ako nakakakain o nakakapaghilamos man lang.""I know," sagot ni Theo, parang walang pakialam, saka nagkibit-balikat. "Pero sinabi ni Daddy na sunduin kita ngayon. Wala na akong magagawa kung hindi sundin ‘yon."Napatingin ako sa kanya nang masama. "Magpapalit muna ako at maliligo."Napairap si Theo, sumandal sa sasakyan, at nagmurmurang "Tsk. Ang mga lalaki, hindi maarte. Pwede ka namang maligo sa mansyon."Napangisi ako sa pangmamaliit niyang iyon. "At sino’ng nagsabi sa ‘yong lalaki ako?" Saglit siyang natigilan, pero bago pa siya makasagot, mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso sa banyo.Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. "Ang tigas ng ulo!"Sa inis ko, lalo ko pang pinatagal ang pagligo. Sinadya ko talaga. Naririnig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas, kasabay ng katok ni Inay sa pinto ng banyo."Alexis,

  • The Lesbian Bride   KABANATA 2

    "I..isang milyon?" Nanginginig ang boses ko habang inuulit ang halagang binanggit niya. Halos lumambot ang mga tuhod ko.Tumango si Nanay, bakas sa mukha niya ang pagod at pangamba. "Kung hindi tayo makakabayad sa loob ng isang linggo, mawawala sa atin ang bahay. Makukulong ako, Alexis."Napaatras ako, hindi makapaniwala. Isang linggo? Kahit magdoble o mag-triple kayod ako sa pamamasada sa buong buhay ko, hindi ko kakayanin 'yon!"Nay, may ibang paraan siguro. Pwede tayong humingi ng palugit—o kaya naman..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alam kong walang ibang paraan."Alexis, ito na lang ang natitirang solusyon." Mahina ngunit matigas ang boses ni Nanay. "Kailangan mong tanggapin ang kasal kay Theo."Napaupo ako sa maliit na sofa , yakap ang sarili. Hindi ko kailanman inisip na darating ako sa ganitong sitwasyon—na ang sarili kong ina ang magtutulak sa akin sa isang kasal na hindi ko ginusto.Napakuyom ako ng kamao. Iniwasan kong umiyak sa harapan ni Nanay. Hindi ko gustong m

  • The Lesbian Bride   KABANATA 1

    ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status