Sealed Marriage with a Disabled Billionaire

Sealed Marriage with a Disabled Billionaire

last updateLast Updated : 2025-04-11
By:  Aurora SolaceUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
11 ratings. 11 reviews
83Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pagbabayad mo sa utang na loob na sinasabi ng pamilya mo? Simula nang malaman na hindi siya ang tunay na anak ng pamilya Lopez, nagbago ang buhay niya. Siya si Eloise Jane, na ang akala ng lahat ay ang nag-iisa at tunay na anak ng mga Lopez. Itinakwil siya pagkatapos, at upang mabayaraan ang pag-aalala ng mga Lopez sa kanya, kailangan niyang magpakasal sa mayamang lalaki. Si Cozmo Dominguez, nag-iisang tagapagmana sa pinakamayamang pamilya sa lungson. Ngunit sa kabila ng lahat ng meron siya, isa lang ang hindi niya kayang gawin---ang makalakad. Magagawa kaya siyang matulungan ni Jane, o kaya niya bang tanggapin si Jane sa buhay niya?

View More

Latest chapter

Free Preview

1 - Written Deal

"Lumayas ka!"Kasabay ng malamig na tinig, nabasag ang baso sa kanyang paanan.Buti na lang at mabilis nakaatras si Eloise, kung hindi, mababasa ang kanyang pantalon. Mabuti na rin at pantalon ang suot niya, kaya’t hindi siya nasugatan ng bubog.Tumingin siya sa lalaking mukhang gulo-gulo at bugnot na nakaupo sa carpet malapit sa kama—siya mismo ang naghagis ng baso para palayasin siya.Ang bago niyang asawa, si Cosmo Dominguez.Dapat hindi si Eloise ang mapapangasawa niya, kundi ang kapatid nitong si Elaine Lopez. Ngunit mula sa pagiging anak ng pamilya Lopez, biglang naging ampon lamang si Eloise. Wala na siyang halaga sa pamilya, at hindi na siya mahal ng mga magulang niya.Sa huli, napilitan siyang ipakasal kay Zedrix Montes, ang anak sa labas ng pamilya Montes, bilang pasasalamat ng pamilya Lopez sa pagpapalaki sa kanya ng dalawampung taon.Pero biglang gusto na ni Elaine na siya na mismo ang magpapakasal kay Zedrix. Ayaw naman ng pamilya Lopez na tuluyang mawala ang kaugnayan ni...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Aurora Solace
Happy 1k views 🫶🏻
2025-04-08 13:15:33
0
user avatar
LiaCollargaSiyosa
More update pa po, Miss A! 🫶🏻
2025-03-27 06:26:07
0
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:05:44
0
user avatar
Lexa Jams
Nice story, author!
2025-03-16 12:37:16
1
user avatar
Middle Child
highly recommended
2025-03-13 22:06:38
1
user avatar
Levantandose
nice... ...
2025-03-12 15:40:29
1
user avatar
Ellise
Support and recommended!
2025-03-12 15:14:43
1
user avatar
Twinkling Stardust
highly recommended 🩷
2025-03-12 13:45:39
1
user avatar
Alshin07
Recommended !
2025-03-12 13:36:50
1
user avatar
Mairisian
Must read 🫶🏼
2025-03-12 01:39:11
2
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-03-12 01:28:33
1
83 Chapters
1 - Written Deal
"Lumayas ka!"Kasabay ng malamig na tinig, nabasag ang baso sa kanyang paanan.Buti na lang at mabilis nakaatras si Eloise, kung hindi, mababasa ang kanyang pantalon. Mabuti na rin at pantalon ang suot niya, kaya’t hindi siya nasugatan ng bubog.Tumingin siya sa lalaking mukhang gulo-gulo at bugnot na nakaupo sa carpet malapit sa kama—siya mismo ang naghagis ng baso para palayasin siya.Ang bago niyang asawa, si Cosmo Dominguez.Dapat hindi si Eloise ang mapapangasawa niya, kundi ang kapatid nitong si Elaine Lopez. Ngunit mula sa pagiging anak ng pamilya Lopez, biglang naging ampon lamang si Eloise. Wala na siyang halaga sa pamilya, at hindi na siya mahal ng mga magulang niya.Sa huli, napilitan siyang ipakasal kay Zedrix Montes, ang anak sa labas ng pamilya Montes, bilang pasasalamat ng pamilya Lopez sa pagpapalaki sa kanya ng dalawampung taon.Pero biglang gusto na ni Elaine na siya na mismo ang magpapakasal kay Zedrix. Ayaw naman ng pamilya Lopez na tuluyang mawala ang kaugnayan ni
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
2 - The Agreement
Napakunot ang noo ni Cosmo sa hulinga salitang narining mula kay Eloise. Ang unang dalawang kondisyon ay normal lang. Dahil mag-asawa sila, natural lang na magpanggap sila bilang isang masayang mag-asawa sa harap ng iba. Isa pa, bilang official niyang asawa, kung hahamakin si Eloise ng mga Lopez, para na ring binastos si Cosmo. Kaya normal lang na siya ang magsilbing pananggalang ni Eloise.Pero ang ikatlong kondisyon—iniisip na agad ni Eloise ang tungkol sa divorce? Kakakuha lang nila ng marriage certificate, pero iniisip na niyang makipaghiwalay?Tulad ng sinabi niya noon, napilitan lang siyang pakasalan si Cosmo. Ayaw niya, pero wala siyang magawa.Para kay Cosmo, ang pagpapakasal sa isang babaeng hindi niya gusto ay nakakainis. Natural lang na gusto rin niyang makipaghiwalay. Pero ang pinagtataka niya, bakit si Eloise ang unang bumanggit nito. Naisahan siya. Para bang mas gusto pa ni Eloise na layuan siya. Para kay Cosmo, isang insulto iyon sa kanyang pride.Pinigilan niya ang k
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
3 - Meeting The Family
Narinig ni Eloise ang nagsalita—si Caroline Dominguez. Kilala niya ito, matalik na kaibigan ni Elaine at katuwang niya sa pang-aapi kay Eloise noon.Akala ni Caroline na si Elaine ang ipapakasal kay Cosmo, ngunit laking gulat niya nang si Eloise pala ang napiling mapangasawa nito.Noong itinuturing pang tunay na anak ng mga Lopez si Eloise, kilala siya bilang isang matalino at may maraming tagahanga. Dahil dito, tinagurian siyang "The First Princess of Tagaytay." Kahit pa anak ng pamilya Dominguez si Caroline, madalas siyang ikumpara kay Eloise, dahilan para lalo niyang kamuhian ito.Ngunit nang malaman niyang hindi naman pala tunay na anak ng mga Lopez si Eloise, hindi niya ito tinigilan sa pangungutya. Iniisip niyang wala nang halaga si Eloise nang mawala ang apelyidong Lopez nito. Hindi na siya makakapag-asawa ng isang mayamang pamilya at malamang, mag-aasawa lang ng isang pangkaraniwang negosyante.Pero hindi niya inasahan na magiging asawa ito ng pinsan niyang hinahangaan niya—si
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
4 - Sealed Agreement
Narinig ni Cosmo ang sinabi ni Eloise at agad siyang tumingin dito, bahagyang nagulat.Si Cosmo ay isang taong mahilig sa kalinisan. Kahit pa may sugat siya sa mga binti, hindi niya kayang hindi maligo araw-araw. Dati, isang lalaking nurse ang inatasang magpunas ng kanyang katawan, pero ngayong may asawa na siya—si Eloise mismo—nais ni Tania na siya na ang gumawa nito upang mapalapit sila sa isa’t isa.Hindi naman talaga nais ni Eloise na magkaroon ng kahit anong damdamin para kay Cosmo. Alam niyang isa lang itong kasal na wala namang pundasyon ng pagmamahal, kaya wala siyang balak magpakahirap para palaguin ang isang relasyong hindi niya pinangarap. Ang gusto lang niya ay mabago ang kanyang kapalaran.Parang hindi makapaniwala si Cosmo sa narinig niya. "Ano ang sinabi mo?"Nang titigan siya ng lalaki, namula nang bahagya ang kanyang mga tainga dahil sa hiya. "Sinabi ng mama mo na alagaan kita... Alam niyang mahilig ka sa kalinisan kaya sinabi niyang dapat kitang punasan gabi-gabi..."
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
5 - The Beginning
Galit si Zedrix sa kanyang ina dahil sa pagiging walang hiya—nakipagrelasyon sa isang lalaking may asawa, nabuntis, at isinilang siya, dahilan para taglayin niya ang mantsa ng pagiging isang anak sa labas.Galit si Zedrix sa kanyang ama dahil sa pagpapanggap na isang ulirang asawa, kahit may pamilyang naghihintay sa bahay habang patuloy siyang naghahanap ng aliw sa iba. Hindi niya man lang naibigay sa kanyang mga anak ang isang buo at maayos na tahanan.Galit si Zedrix kay Georgina Montes sa pagiging malupit—kahit alam niyang nagloloko ang asawa niya, mas pinili niyang kumapit sa kanyang posisyon bilang legal na asawa, at walang awang pinahirapan ang bawat babaeng naging kabit ng asawa niya, kabilang na ang ina ni Zedrix.Sa totoo lang, galit si Zedrix sa lahat ng tao sa paligid niya—pati na rin sa sarili niya. Pinangarap niyang pabagsakin ang pamilya Montes.Noong si Eloise pa lang ang fiancee ni Zedriz, gumawa ito ng paraan para ituwid ang pag-iisip nito. Pero sa huli, napagtanto ni
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
6 - Sasha, the friend
Nasa isang coffee shop sina Eloise at Sasha, at nang dumating sila, naka-order na si Sasha ng paborito niyang kape at cake.Kahit napag-usapan na nila kagabi sa cellphone si Cosmo, halatang puno pa rin ng interes si Sasha tungkol sa kanya.Hindi inanunsyo nina Eloise at Cosmo sa publiko ang kanilang kasal. Tanging ang pamilya Lopez at Dominguez lang ang nakakaalam, at si Sasha lamang ang pinagsabihan ni Eloise tungkol dito.Hindi talaga sang-ayon si Sasha sa desisyon ni Eloise na pakasalan si Cosmo, lalo na't sa tingin niya'y wala na itong silbi ngayon.“Ikaw na nga ang pinalaki nila, tapos nagawa pa nilang maging gano'n kabagsik? Kung gusto ka nilang pagbayarin sa utang na loob, bakit hindi na lang ibang lalaki na maayos ang kalagayan ang ipakasal sa'yo?” Galit na sambit ni Sasha. Ngunit kalmado si Eloise, dala ng mga pinagdaanan niya sa buhay, “Kung wala rin namang pagmamahal, kahit sino na lang ang mapangasawa. Wala rin namang pinagkaiba. Gagawin ko lang ang hinihiling nila.”Naal
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
7 - Special Dress
Si Aries at Sasha ay matalik na magkaibigan mula pagkabata—masasabi ring childhood sweethearts. Ngunit sa ngayon, tanging galit at pagkainis na lang ang natitira sa pagitan nila.Hindi na mabilang kung ilang beses nang nangyari ito—kung paano muling ipinagtanggol ni Aries si Lilian nang walang pag-aalinlangan, habang mariin naman niyang sinisisi si Sasha.Sanay na si Sasha sa ganitong sitwasyon, kaya napangisi siya nang may halong pangungutya. "Bakit ako magso-sorry? Dahil lang sinabi mo? Sigurado ka bang makikinig ako sa’yo?"Ni ang sariling ama niya ay hindi niya pinakikinggan, tapos si Aries pa kaya?Lalong nag-init ang ulo ni Aries nang makita niyang tila wala lang kay Sasha ang sitwasyon. "Sasha, nanakit ka ng tao at ayaw mo pang humingi ng tawad! Saan napunta ang tamang asal mo? Maniwala ka’t sa hindi, ipapaalam ko 'to kay Tito!"Napatawa si Sasha nang walang pakialam. "Isusumbong mo? Aries, ilang taon ka na ba? Konting bagay lang, tatakbo ka na agad sa nakakatanda sa’yo?" Inira
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more
8 - Obligation
Araw-araw niyang sinusubukang tumayo. Kahapon nga lang, nang makita siya ni Eloise, sinubukan na naman niya. Pero gaya ng dati, wala ring nangyari—bumagsak lang siya sa sahig nang kahiya-hiya.Muli siyang bumalik sa wheelchair at inis na pinalo ang armrest nito. Narinig niya ang tinig ng isang babae, "Huwag kang magmadali, dahan-dahan lang."Napatingala siya sa gulat at nakita si Eloise. Bigla niyang ibinaba ang mukha at malamig na nagtanong, "Bakit ka pumasok?"Inosenteng sagot ni Eloise, "Kumatok ako, tapos pinapasok mo ako."Hindi nakapagsalita si Cosmo. Tama naman siya—siya mismo ang nag-utos na pumasok. Pero inakala niyang si Jiro iyon, kaya wala siyang ekspresyon sa mukha.Lumapit si Eloise at napansin ang isang papel sa maliit na mesa. Malamang, ito ang prenuptial agreement na siya mismo ang nag-draft at ipinaabot ni Jiro.Walang emosyon na iniabot iyon ni Cosmo sa kanya. "May dinagdag akong ilang terms. Basahin mo. Kung wala kang reklamo, pirmahan mo na."Habang binabasa ni El
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more
9 - Teasing
Hindi naman likas na mapagsamantala si Eloise, at hindi rin siya kailanman naghangad na gamitin ang kahinaan ng iba.Pero sa sitwasyong ito, kung saan hindi makapanlaban si Cosmo at tila anumang oras ay mawawalan na ng kakayahan sa sarili niyang katawan, hindi niya maiwasang makita itong nakakatuwa.Bahagyang itinaas ni Eloise ang kanyang baba at mapanuksong ngumiti. “May suporta ako mula sa mama mo, bakit hindi ko susubukan?”Mabilis na umatras si Cosmo gamit ang kanyang wheelchair, pero bumangga siya sa pader. Napalitan ng inis at kawalan ng magawa ang ekspresyon niya—isang pakiramdam na ayaw na ayaw niyang maramdaman.Tinitigan niya si Eloise—mapupulang labi, maputing kutis, mukhang mabait, pero halatang may ibang intensyon.Sa loob lang ng dalawang araw nilang magkasama, lumabas na ang tunay niyang motibo?Hindi siya kasing-inosente ng pinapakita niya. Ang sinasabi niyang hindi siya interesado sa pera o sa kanya ay isang malaking kasinungalingan.Huminga nang malalim si Cosmo, unt
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
10 - The Other Past
Sa loob ng itim na velvet na kahon, may isang pares ng cufflinks na may disenyong simple ngunit elegante, pinapalamutian ng asul na diyamante. Isa itong tahimik ngunit marangyang regalo.Sa tabi nito, may isang maliit na card na may sulat-kamay na mensahe gamit ang malambot at malayang estilo ng pagsulat. Ang pirma rito ay pinirmahan lamang gamit ang inisyal—CRD.Kung si Caroline ang nagbigay nito, siguradong hindi siya maglalagay ng card. Malamang, ipinasa lamang ito ni Caroline mula sa ibang tao.Sa unang tingin pa lang, halatang napakamahal ng cufflinks na ito, isang malinaw na indikasyon kung gaano pinahahalagahan ng nagbigay ang taong pinagbigyan.Diretsahang sinabi ni Eloise, “Ang ganda ng cufflinks. Bagay sa’yo.”Nakalapag lang ito sa mesa, kaya agad niyang napansin. Pero kung hindi niya ito dapat makita, alam niyang mas mabuting magpanggap na hindi niya iyon napansin.Hindi sumagot si Cosmo. Sa halip, bumagsak ang tingin nito sa mga bulaklak na hawak ni Eloise—isang bouquet ng
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status