Warning (R18) SPG Novel... Akala ni Ranzzel Layaoen, ang pinakamalaking dagok sa buhay niya ay ang pagkawasak ng kanyang pamilya at puso. Pero mas matindi pa pala ang kapalit—isang kasal na walang pagmamahal sa isang billionaire director doctor kilalang coldhearted at nakatali sa wheelchair, si Vincentius Vaughn. Para lang mailigtas ang negosyo ng pamilya, pumayag siyang maging asawa niya… kapalit ng isang kontrata. Ngunit nang matagpuan niya si Vincentius sa dalampasigan—walang malay, may amnesia, at higit sa lahat… nakakalakad—unti-unting nagbago ang lahat. Sa simpleng buhay na malayo sa lungsod, natuklasan niya ang isang bagong Vincentius—maalaga, mapagmahal, at tila matagal na siyang minahal noon pa man. Pero paano kung bumalik ang kanilang nakaraan? Paano kung ang totoong banta sa kanilang buhay ay hindi pa tapos? At paano kung ang akala niyang panandaliang kasunduan ay isa palang pag-ibig na itinadhana?
Lihat lebih banyakRanzzel's Point of View* Hindi ako makatulog at nakatingin lang ako ngayon sa dagat na makikita sa bintana namin. Naalala ko ang sinabi ni Vincentius sa akin kanina. Nagtatago kami ngayon dahil sa mga kalaban ni Vincentius at hindi din naman siguro ako ang target nila noh? Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa dagat. Pero may koneksyon na ako kay Vincentius kaya kailangan ko na ding mag-ingat sa ganitong bagay. "Wife?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Vincentius at natigilan ako nung nakatayo siya ngayon sa madilim na part. Naalala ko na naman ang nangyari sa may kwarto na nakatingin sa akin ang malalamig niyang mga mata. "H-Hubby...." Pinilit kong ikalma ang boses ko para hindi siya magtaka sa bagay na yun. Lumapit siya sa akin at tumabi siya sa akin at niyakap niya ako na kinagulat ko. "Bakit?" "Di ka ba makatulog?" "Hindi eh pero maya-maya matutulog na din ako. Ikaw matulog ka na dahil napagod ka kaya boung araw." Napatingin siya sa akin at hina
Ranzzel's Point of View* Nagluluto ako ngayon ng ulam at napansin ko na may kaguluhan sa labas na kinakunot ng noo ko. Baka si Vincentius! Agad kong in-off ang niluto ko at agad akong tumakbo papunta sa labas ng bahay. "Hubby? Nasaan ka?" Napatingin ako sa unahan at may mga nagkakaguluhan sa unahan kaya agad akong pumunta doon at nakita ko si Vincentius na may iniligtas na bata. "Teka... Anong nangyari?" "Nalunod ang bata. Malalaki kasi ang alon at mabuti nandidito ang Asawa mo at kinuha niya ang anak ko sa dagat." Umiiyak na ani ng isang babae. At pinakalma ko siya ngayon. "Magiging maayos po ang anak ninyo. Dahil magaling na doctor po ang Asawa ko." Napatingin naman kami nang biglang umubo ang bata at nagpalakpakan naman sila. "Anak! Salamat!" Niyakap nito ang anak nito at napangiti na lang kami. "Kailangan pa ring matingnan ko siya baka may tubig sa baga niya," ani ni Vincentius. Dahan-dahan naman itong napatango at niyakap nito ang anak nito. Kahit wala siyang maala
3rd Person's Point of View*Nag-aalalang nakarating ngayon ang grandpa ni Vincentius sa mansion dahil narinig nito ang nangyari sa apo na nawawala ito."Damn, nasaan ang apo ko!"Ilang araw na pinaghahanap ng mga tauhan nila ang kinaroroonan ni Vincentius at hindi pa din nila ito nakikita.Dumating naman si Silver sa mansion at nag-aalalang nakatingin sa grandpa nito."Grandpa, narinig ko po na nawawala si Tito. Nasaan siya?""Yan din ang inaalam ko. Sana nasa maayos lang ang apo ko. Gawin mo ang lahat mahanap lang siya. Hindi siya pwede mamatay!""Okay po, hahanapin ko po si Tito."Agad namang lumabas si Silver at napangiti siya habang naglalakad hanggang makarating siya sa sasakyan niya at agad niyang pinatakbo ang sasakyan.Kasabay nun ay ang pagtawag niya sa dad niya sa kabilang linya. "Dad, nandidito na si Grandpa.""Hmm... Gawin mo ang lahat ng sasabihin niya para once malaman na niya na wala na ang Vincentius na yun ay sa atin na mapupunta ang mana nito.""Yes, dad. Nahanap na
Ranzzel's Point of View*Hindi ako makasagot habang nakayuko ako at hindi tiningnan ang mga mata niya.Narinig ko napabuntong hininga siya habang nakatingin sa akin.Galit ba siya sa akin? Papatayin na ba niya ako ngayon? Naramdaman ko na nanginig na naman ang katawan ko lalo na ang kamay ko."I'm sorry...""Bakit ka humihingi ng sorry?"Napatingin ako sa kanya na may takot sa mukha ko baka kasi kung ano ang gagawin niya.Napabuntong hininga na lang siya at hinawakan niya ang kamay ko na kinatigil ko.Interwised pa yun at hinila niya ako pero hindi naman masakit yung hila lang na uuwi kami.Anong gagawin niya? Hindi naman niya ako papagalitan diba? Ito ang problema sa akin yung nauna ang iniisip ko ngayon.Hanggang makarating kami sa bahay namin at sinirado niya ang pintuan.Napayuko naman ako at naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko.Baka kung ano ang gagawin niya sa akin. Ito yung nangyari sa akin nung unang gabi na nagkita kami."Wife."Napatingin ako sa mga paa niya na dahan