WARNING: RATED SPG/AGE GAP/ CONTRACT MARRIAGE Tiningnan ni Isabella ang kapirasong papel na hawak niya. Nanlaki nang mabasa ang nakasulat doon. "Kayo po ang CEO ng kompanyang ito?" hindi makapaniwalang wika ni Isabella. Ngumiti ng malawak si Maximus. "Yes I am. At mayroon akong offer sa iyo na trabaho. Magiging madali lang ito para sa iyo. Isang taon ang kailangan mong guguluhin dito. At ang trabahong ito ay nagkakahalaga ng twenty million pesos." Halos malaglag ang panga ni Isabella sa kanyang narinig. "P-Po? A-Ano po bang k-klaseng trabaho po iyan?" "I need a contract wife, miss. No feelings involved. Just pure business." *** Hindi niya inakalang lolokohin siya ng kanyang asawa. Sobra siyang nasaktan at nadurog ng pino ang kanyang puso. Hindi niya hahayaang maging masaya ang asawa niya pati na ang kabit nito. Kaya naman umisip siya ng paraan upang makapaghiganti. Isang dalaga ang makakatulong sa kanya upang makapaghiganti na hindi niya aakalaing bibihag din sa sugatan niyang puso. At iyon ay walang iba kundi ang kanyang inaanak.
View MoreMAXIMUS Isang linggo ang lumipas matapos manganak ni Isabella, wala siyang ibang ginawa kun'di ang alagaan at asikasuhin ang kanyang mag-ina. Aminado si Maximus na hindi ganoon kadali ang maging isang magulang lalo na't sa edad niyang iyon, doon pa lang siya naging daddy. "Honey, matulog ka na. Ako na muna kay baby. Ang laki na ng eyebags mo," malambing na wika ng kanyang asawa sabay haplos sa kanyang braso. "No, honey... aalagaan ko kayo ni baby. Ikaw ang dapat magpahinga, hindi ako. Ang gusto ko ay matulog ka lang at kumain. Ako na ang bahala dito," wika niya bago ngumiti. "Hmm... parang hindi mo na kasi kaya, honey eh. Nakikita ko sa mga mata mong inaantok ka na. Ako na muna kay baby, please? Gusto ko rin siyang maalagaan," nakalabing wika ni Isabella. Bumuga siya ng hangin bago inabot sa kanyang asawa ang kanilang anak. Ngumiti nang malawak si Isabella nang buhatin niya ang kanilang anak. "Ang guwapo ng anak natin! Kaso wala yatang nakuha sa akin, ha. Baby pa lang pero nakik
ISABELLA "To-Totoo ba ito? Talagang magiging da-daddy na ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Maximus sa kanya. Mabagal siyang tumango at saka hinaplos ang mukha ng kanyang asawa. "Yes, honey... magiging daddy ka na. Magiging mommy na ako. Hindi ko alam na buntis na pala ako noong umalis ako. Laking pasasalamat ko na napunta ako sa lugar na ito dahil hindi ako masyadong na-stress. Kung nangyari kasi iyon, baka pati si baby naapektuhan. Mabait ang nag-aalaga sa akin dito at nakakausap ko sila palaging maglola." "Nasaan sila? Kailangan ko silang makita at mabigyan ng pabuya dahil hindi ka nila biniyayaan!" bulalas ni Maximus bago tumingin sa kanyang kaibigan. Ngumisi si Johnny. "Hindi mo na pala kailangang punlaan ang asawa mo. Buntis na pala. I'm so happy for you, Maximus. Daddy ka na rin sa wakas!" Naluluhang nginitian ni Maximus ang kanyang kaibigan bago siya bumaling sa asawa at muli itong niyakap. Naluha ring muli si Isabella habang yakap ang asawa. Sa wakas, buo na muli
ISABELAL "Hindi mo naman sinabi sa akin na napakaguwapo pala ng asawa mo at napakayamang tao! Napanuod mo ba ng buo ang interview niya? Grabe! Mahal na mahal ka ng asawa mo! May bayad kaya ang ganiyan, iyong talagang ginusto niyang ipalabas sa T. V! At ginawa niya yan marahil para maraming makaalam at malinis ang pangalan mo!" bulalas ni manang Lora. Hindi makapaniwala si Isabella sa naging aksyon ng kanyang asawa. Pakiramdam tuloy niya, napakaganda niya. Pero kahit na gumawa na ng paraan si Maximus para ilabas ang katotohanan, gusto muna ni Isabella na manatili sa lugar na iyon. Naging komportable na siya doon dahil payapa. Malayo sa mga mapanghusgang tao. Kapag nalulungkot siya, lalabas lang siya at tatanawin ang malinaw na tubig sa dagat. "Mabuti naman at maraming tao ang nakaalam kung ano ang totoo. Hindi na ako mahihiya pang magpakita sa kanila pero ayoko munang umalis sa lugar na ito. Payapa po kasi. Komportable na ako dito tapos nakakausap ko pa kayo. Ang bait niyo po sa ak
CLARA Matapos ang interview ni Maximus, sari-saring komento ang kanyang natanggap. Hindi iyon inasahan ni Clara. Kaya naman dali-dali niyang binura ang kanyang post at saka nag-deactivate ng kanyang social media account. Ngunit maraming netizens ang nakapag-screen shot ng kanyang post pati na ang pangalan niya sa social media. Naka-save rin ang picture niya at kinakalat na ngayon. Siya na ngayon ang bina-bash ng mga tao. At kung anu-anong mga below the belt na salita ang natanggap niya sa mga ito. "Tsk! Tanga-tanga ka rin kasi eh! Sinabihan na kitang huwag kang magpo-post ng ganiyan, nag-post ka pa!" sigaw sa kanya ni Leah. Nagkaayos na silang dalawa matapos i-explain ni Leah na pera lang ang habol niya kay Arthuro. At siya na ang gaganti para kay Clara. Kapag naubos na ang pera ni Arthuro at kapag naging mahirap na ito, basta na lang niya iiwan ang lalaki. "Nadala lang ako ng emosyon ko kaya nagawa ko iyon! Syempre, mahal ko pa rin naman si Maximus! Hindi ko akalain na magpapa-in
ISABELLA Mariing pumikit si Isabella dahil kahapon pa siya nahihilo at saka dahan-dahang naglakad patungo sa kanyang kuwarto doon. Isang linggo ang lumipad simula nang lumipat siya doon, makompleto kaagad niya ang gamit niya. May kama, ref, sala set, dining table at kung anu-ano pang gamit sa bahay. Kakaunti lang ang nabawas sa perang ibinigay sa kanya ni Maximus. Hindi niya alam kung may message ba sa kanya si Maximus sa personal account niya. Binura na kasi niya iyon at wala na siyang balak buksan pa para ma-recover. Dummy account lang ang gamit niya ngayon pero hindi niya masyadong binubuksan dahil ayaw niyang makabasa ng kahit anong magpapasakit ng damdamin niya. "Ineng! Isabella!" tawag ni Lora mula sa labas. Mabagal na lumakad si Isabella patungo sa pinto at saka iyon binuksan. Bumungad sa kanya ang matanda. Pumasok ito sa loob. "Ineng... ang sabi sa akin ng apo kong si Sam, ikaw daw ito?" wika ni manang Lora sabay abot ng cellphone niya. Kinuha iyon ni Isabella at nak
ISABELLA Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang gusto niya, magpakalayo-layo. Gusto niyang maglaho. Ang gusto niya, malayo kay Maximus upang hindi na ito madamay pa. "I'm sorry, Maximus..." umiiyak niyang sabi. Kasalukuyan siyang nakasakay sa bus. Panay ang agos ng kanyang luha at wala na siyang pakialam kung tingnan siya ng katabi niyang pasahero. Nang huminto ang bus, bumaba na rin siya. Kumunot ang noo niya nang matanaw ang malawak na karagatan sa 'di kalayuan. May nilapitan siya kaagad na ale at nagtanong kung may alam ba itong mauupahan. "Sakto! Mayroon! Kaalis lang ng dating umuupa kahapon. Sa tabing dapat iyong bahay. Ayos lang ba sa iyo? Mayroon naman na medyo malayo sa dagat pero ang alam ko medyo mataas ang singil," wika ng ale na pinagtanungan niya. "Ayos lang po na sa tabing dagat. Mas gusto ko nga po iyon para lagi akong maliligo sa dagat," tugon niya sa matanda. "Okay sige. Halika puntahan na natin iyong bahay na uupahan mo. Ikaw lang ba mag-is
ISABELLA Humugot ng malalim na paghinga si Isabella bago nagmaneho pauwi. Naninikip ang dibdib niya sa dami ng nabasa niyang hate comments. Iyon pa naman ang isa sa ayaw ni Isabella at kinatatakutan niya, ang mapahiya sa maraming tao. Minsan na kasing nangyari iyon sa kanya noong napahiya siya sa klase. Pinahiya siya ng kaklase niya sa bagay na hindi niya ginawa. Tinawanan siya ng mga kaklase niya at sobra siyang nahiya. Tumakbo siya pauwi sa kanilang bahay at hindi na pumasok pa pagtapos no'n. Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya nang siya'y makauwi. Ramdam niya ang labis na pag-aalala sa kanya ni Maximus. Sa bisig na siya ng kanyang asawa umiyak ng malakas. Sobrang lala ng pamba-bash na natatanggap niya ngayon. Habang lumilipas ang oras, maraming nakababasa ng post ni Clara. Maraming mga nagko-comment ng negative sa kanya. At kahit ayaw maapektuhan ni Isabella, hindi niya mapigilan. Hiyang-hiya siya. "Ayoko na munang pumasok sa school. Hindi ko kayang humarap sa mga
ISABELLA "Seryoso? Doon ka na talaga nakatira now sa condo unit ni Conrad?" gulat na tanong niya sa kaibigan. "Oo! Noong una nga, super nagulat talaga ako. Akala ko, nagbibiro lang siya pero totoo pala talaga. Alam mo iyong habang tinitingnan ko siya, parang hindi si Conrad ang kausap ko kagabi. Parang ibang tao eh. Parang super bait niya. Nahawaan mo siya ng kaibigan. Simula nang maging kaibigan natin siya, naging mabait siya eh," mabilis na sabi ni Carla. Tumawa ng mahina si Isabella. "Sa tingin ko, mabait naman talaga si Conrad. Siguro kaya lang siya naging pasaway dahil nga sa daddy niya, may hinanakit siya sa daddy. 'Di ba nga mas pabor iyong daddy niya sa kuya niya? At hindi pinapansin ng daddy niya iyong mga achievements niya? Kaya siya naging pasaway kasi nakukuha niya ang atensyon na gusto niya kapag nagpapasaway siya." Tumango-tango si Carla. "Kawawa naman pala siya. Kung gusto niya, suklian ko na lang ng pagmamahal ang kabaitan niya sa akin." Nanlaki ang mga mata
CONRAD "Puwede ka na bang magkwento?" tanong niya kay Carla matapos nitong maubos ang pagkain na in-order niya.Halatang gutom na gutom si Carla dahil naubos nito ang lahat ng pagkain. Napansin din niya ang pagkakaroon nito ng eye bag at halatang walang maayos na tulog. Pati na rin ang pamumugto ng mga mata ng dalaga."Lumayas na ako sa bahay ng tita ko. Hindi ko na kasi kaya ang pang-aalipin niya sa akin. Pagod na pagod na ang katawan ko. Gusto ko lang naman makapagtapos. Oo malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kinupkop niya pero sa tingin ko, nabayaran ko na iyon. Sa araw-araw na pagiging alipin ko sa kanya pati na sa dalawang anak niya, sapat na siguro iyon..." naluluhang wika ni Carla.Napakurap naman si Conrad. "Teka, saan ka nakatira ngayon kung umalis ka?""Doon sa isang kaibigan ko. Isang linggo lang ako puwedeng mag-stay doon. Kailangan ko ring umalis. Kasi babalik na iyong kasama niya sa bahay. Room for rent kasi doon. Mapapagalitan siya ng may ari."Hindi maiwasang m
"Sa tingin mo ba, hindi ka magagawang lokohin ng asawa mo?" tanong ni Johnny kay Maximus. Tumikhim si Maximus bago itinuon ang tingin sa mga sasakyan sa ibaba. Kasalukuyan siyang nakatayo mula sa 15th floor ng malaking gusali na iyon. Pagmamay ari niya ang gusaling iyon. Isa tatlong gusaling naiwan sa kanya ng yumao niyang ama. "Hindi magagawa sa akin iyon ni Clara. Ten years na kaming kasal at sa loob ng mahabang panahong iyon, ni minsan hindi ko siya nahuli o nakitaan man lang ng kahit anong malanding message sa kahit sinong lalaki. Formal na formal siyang makipag-usap sa mga negosyanteng kaibigan namin pati na sa mga lalaking kaibigan niya. Walang halong kung ano. Formal and professional," proud na sambit ni Maximus. Tumango-tango naman ang kanyang kaibigan. "Mabuti naman kung ganoon. At sana nga, hindi niya magawang ipagpalit ka sa kahit sinong lalaki. Alam mo naman sa panahon ngayon, lahat nagloloko. Maganda man o pangit. Mayaman man o mahirap. Kapag may nakita silang kula...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments