Simula pagkabata ay lihim ng minamahal ni Marycole si Rowan Martinez. Ngunit hindi ito makita ng binata, kahit na magpapansin siya dito ay dedma lang ang beauty niya. Hanggang sa sumapit ang debut niya at hiniling sa lalaki na maging last dance niya ngunit binigo siya nito. Mula noon ay iniwasan na niya ito dahil tanggap niya na kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan. Hanggang sa nagtungo siya ng ibang bansa upang tanggapin ang opportunity na maging isang sikat na modelo. Paano kung may pagkakataon na matupad ang matagal na niyang inaasam na pagibig? Susugal kaya si Marycole kung alam niyang simula noon ay hindi niya maaangkin ang puso nito. Paano niya paninindigan ang nakatago niyang pagmamahal sa lalaki kung araw-araw niya ito makakasama at makikita? Paano kung lingid sa kaalaman niya ay pareho silang may damdamin sa isa't -isa? Mananatili kaya nilang maitatago ang siyang sinisigaw ng kanilang puso? How does Marycole Barraca keep from Rowan Martinez that she is Secretly in love with him from a long time?
View MoreMatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a
Tunog ng telephone ang nagpagising kay Marycole sa kasarapan ng kan'yang tulog. Naghihikab na sinagot niya ito sa right side ng kaniyang higaan habang nanatiling nakahiga."H-hello..," wika niya na halatang inaantok pa."Anak ang Papa mo sinugod namin sa ospital kaninang hatinggabi dahil sa biglaan paninikip ng kaniyang dibdib, medyo stable naman ang pakiramdam niya ngayon ayon sa doctor," mahabang litanya ng Mama niya sa kabilang linya.Tiningnan niya ang orasan sa dingding pasado alas-siyete ng umaga. At kung hindi siya nagkakamali alas-kwarto na ng hapon ngayon sa Pilipinas."Mabuti naman Ma, at ayos na ang kalagayan ni Papa,""Pero anak, pinauuwi ka ng iyong ama sa lalong madaling panahon. Madalas ka niyang tanungin kung nakontak na raw ba kita," ani agad ng Mama ni Marycole sa kaniya."Ma..! Alam mo naman na hindi ganoon kadaling maiwan ang mga commitment dito. Three months pa ang expired ng kontrata ko," sagot pa ni Marycole sa kanyang, Mama. Ngunit narinig niyang tila bumuntong-...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments