MARYCOLE
Kasama ng kanyang apat na barkadang lalaki, ay masayang naglalakad palabas si Marycole sa eskwelahang pinapasukan."Cole, antayin namin na dumating ang sundo mo bago kami umuwi," wika ng kaniyang mga kaibigan.Madalas pagkamalan na manliligaw niya ang mga ito. Lalo na si Jethro na siyang maloko sa kanilang lima, at bukod tanging tumatawag sa kanya ng babe, na siyang madalas taasan ng kilay ng mga babaeng may crush dito.Hindi niya naman kagustuhan ang maging malapit sa mga ito sadya lamang na mas komportable siya na lalaki ang kaibigan niya, ayaw din niya sa mga babae at lahat maarte walang ginawa ang palaging magpa-cute sa mga boys."Ako na ang bahala dito sa babe ko mga tol, mauna na kayo," wika ni Jethro sabay akbay kay Marycole."Tsk! Para-paraan tayo noh," wika niya sa kaibigan, sabay siko sa tagiliran."Ouch! Naman babe- hindi pa ako naguumpisa sa panliligaw sa'yo under mo agad," wika nito sa kanya.Tinawanan lamang niya ang kalokohan, at inalis ang brasong nakaakbay sa kanya.Hindi naman nagtagal ay dumating ang sundo niya. Ngunit hindi ang driver, ang pinsan niya pala gamit ang sasakyan na siyang minamaneho ng kanilang driver."Ayan na pala sundo ko mga tol," wika ni Marycole sa kanyang mga kaibigan. 'Yon ang nakasanayan niyang tawag sa mga asungot niyang barkada.Bumaba ang pinsan niyang si Wyatt mula sa sasakyan at nakipagbiruan sa mga kaibigan niya."Mabuti naman at pinagtitiyagaan ninyo itong samahan. Ang totoo, hindi kayo manliligaw ng pinsan ko?" Tanong nito sa mga lalaki."Naku Kuya, 'yan ang hindi namin gagawin, hindi namin 'yan katalo si Cole, bunso namin sa grupo at kopyahan ng assignment," Nakatawang wika ng mga ito."Kuya, alis na tayo nagugutom na ako." Sabi niya sa pinsan. baka abutin ang kwentuhan ng gabi mga tsismoso pa naman ang mga ito.Nagpaalam siya sa mga kaibigan at naunang sumakay sa nakaparadang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay lumapit ang pinsan niya at nakangiting pumasok sa loob ng driver seat."Sigurado ka Princess hindi mga manliligaw ang mga 'yon." Tanong ulit ng pinsan niya."Ulit-ulit ka Kuya, wala pa sa mga 'yon ang matitipuhan kong lalaki." Nakanguso niyang sagot sa pinsan.Mahina naman na tumawa at ginulo ang buhok niya. "Kuya...!" naasar na wika niya sa pinsan. Ayaw niyang ginugulo ang buhok, hindi pa naman uso ang suklay sa kanya."Aba, at ayaw nang guguluhin ang buhok! siguro may nagugustuhan na ang paborito kong pinsan." Biro nito, ngunit inikutan niya lang ng mata ang sinabi nito."Paborito talaga Kuya? Parang hindi ko alam na ako lang ang pinsan mo." Sabay silang nagtawanan."Bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa'kin?" tanong niya sa pinsan."Aayain kita bukas sa birthday ng Isa kong kaibigan, sa bahay niyo ako galing kanina, wala naman si Tita, kaya ako nalang ang nagpresenta sa driver na magsundo sa'yo.""Ako na lamang ang mag-paalam kay Mama, Kuya. Anong oras ba?" tanong niya sa pinsan."Maaga tayo Princess, ayaw kong abutan ng traffic. Hindi naman tayo malayo at Laguna lang 'yon," wika ng pinsan niya."Sa private resort n'yo Kuya?" Tanong niyang excited. Matagal na ulit ng huli siyang nakapunta. Gustong-gusto niya doon dahil kahit gabing-gabi ay nakakaligo siya dahil mayroon hot spring ang mga swimming pool ng resort."Sige Kuya, ako na ang bahala bukas! Sunduin mo ako ng ala-sais ng umaga."Sabado bukas kaya naman pwede siyang mamasyal. Hindi lamang siya papayagan ng Mama niya pagmayroon pasok sa eskwelahan."Magdala ka nang extra na damit at doon tayo matutulog. Lingo ng umaga tayo uuwi." Sabi ng pinsan niya.Sinabi ng pinsan niya na ilan lang ang bisita gusto lang nitong isipin ng mga babae na mayroon siyang dalang date lalo na daw sa mga naghahabol sa kanya.Pagdating niya sa bahay ay hinanap niya kaagad ang kanyang ina. Hindi na tumuloy ang pinsan niya at may-importante na kakatagpuin.Sa kwarto ng magulang siya dumeretso at hindi niya makita sa bab ang mga ito.Dalawang katok niya sa pinto ay pinagbuksan siya ng kaniyang Ina."Mama, kanina pa po kayo dumating?" tanong niya sa ina. Inakbayan siya nito at naglakad silang dalawa palapit sa kama na magkaakbay na mag-ina."Magkasunod lang anak, nabanggit nga ni Nana Sally ang pinsan mo," wika ng Mama niya. Dahil nasa gilid na sila ng kama ay humiga muna siya bago sumagot sa ina."Opo, magpapaalam sana para bukas at isasama ako sa kanilang resort sa Laguna." Nakangiti niyang sagot sa Ina."Naku! 'yang pinsan mo, for sure may babae na pinagtataguan kaya hatak-hatak ka na naman kung saan-saan," wika ng mama niya."Please... Mommy, ang sexy mo po ngayon Ma," wika niya kaya pinanliitan siya nito ng mata."Kunwari ka pa talaga Hija, para payagan," nakataas ang kilay na sabi nito sa kan'ya.Pinigilan niyang tumawa, alam kasi niya na hindi siya matitiis ng Mama niya kapag naglambing na siya rito.Niyakap niya ito. "Papayag na 'yan," lambing pa niya sa Ina. Hindi naman nagtagal ay napapayag niya ang ito kaya mabilis siyang bumangon at lumabas ng kwarto.Narinig pa niyang tinawag siya, na nauto raw niya ito ngunit ginantihan lang niya nang pasigaw na I love you Mommy.Dahil maaga pa, hinanda na niya muna ang dadalhin at maya-maya ay maaga siyang maghahapunan nang makatulog siya ng maaga.Pagkatapos niyang mag-ayos kinuha niya ang kaniyang phone at tiningnan ang social media account niya.Napataas ang kilay ng makita ang latest post ng mga epal niyang mga kaibigan.Nanlaki ang mata niya dahil nakapaskil ang list ranking ng third quarter sa school nila. Nasa pangalawa siyang rank. Shared post galing sa kanilang school.Nakita niya si Jethro ang nag-post One hour ago. Siguro nasa school pa ang mga iyon ng ma-post. Maraming mga comment sa post ng kaibigan niya."Congrats, Cole deserve. Syempre babe ko 'yan sagot ni Jethro. Ang galing ng bunso namin," mga comment nila sa latest post. Ang iba hindi niya binasa.Mga tsismoso talaga at hindi nauunahan ng latest na balita. Tinabi niya ulit ang phone at naisipan niyang magtungo ng kusina. Sa lunes na niya sasabihin sa tiyak na iiyak ulit ito sa labis na tuwa.Pagdating niya sa kusina nakita niyang abala ang matagal na nilang kasambahay na si Nana Sally abala ito na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Masaya siyang naglakad at yumakap sa tagiliran nito."Nana,""Aysus, naman ang batang ito, wala ka naman siguro hihilingin at alam mo na wala akong pera." Sabi nitong nakatawa."Na-miss lang po kita,"Dalawang araw itong umuwi sa kanila at namatay ang bayaw nito, kaninang umaga lang ito dumating. Late na siya sa school kanina kaya hindi niya pinagkaabalahang kausapin."Siya upo na roon," pagtataboy nito sa kaniya.Bukod sa kanyang Ina ay malapit ito sa kaniya. Maliit pa lamang siya ito na ang nakagisnan niyang Yaya at kasama nila sa bahay.Nang matapos siyang kumain ay nag-paalam agad siyang aakayat, binilin na lamang niya ito na sabihin sa Ina na tapos na siyang kumain."Parang excited ka 'ata ngayon, Hija?" tanong nito sa kaniya bago umalis sa harap nito."Hindi naman po Nana, matagal lang na hindi ako nakakapasyal sa Laguna, diba tayong lahat ang nagpunta noong nakaraang taon? At hindi na naulit." Depensive na sagot niya sa Nana Sally."Sabagay ang ganda nga naman doon, Hija, o siya, akyat na at ako na ang bahala rito,""Nana, nagmamadali?" kunwari pa niyang sagot dito."Sabi mo aakayat ka na!""Sabi ko nga Nana," at tumalikod na siya rito patungo sa kaniyang kwarto. Nakangiti pa si Marycole habang paakyat sa hagdan at iniisip na kaagad ang gagawin niya bukas kapag naroon na siya sa resort ng pinsan. Bago matulog saulado niya ang mga activities na gagawin.MARYCOLEMadilim pa nang siya ay sunduin ng pinsan sa kanilang bahay. Nang nasa biyahe na sila dinalaw nang antok si Marycole kaya naman naisipan niyang umidlip habang nasa biyahe sila."Kuya, gisingin mo na lang ako pag andoon na tayo," wika niya sa pinsan at umayos ng puwesto sa pag-upo."Kawawa naman ako nito, ang akala ko may kausap ako sa buong biyahe," sagot ng pinsan niya na si Kuya Wyatt at kunwari pang nalukot ang mukha nito."Sorry na agad Kuya kong pogi at macho, hindi ko lang kayang labanan ang antok ko," naghihikab pa na sagot ni Marycole sa pinsan.May sinasabi pa ito subalit pumikit na siya at hindi na niya pinagkaabalahang pakinggan ang huling sinabi nito."Pambihira kaya sinama para may madaldal sa daan." ani nito na bubulong-bulong.Halos lampas dalawang oras ang biyahe mula Antipolo papuntang Laguna kaya mahaba ang naging tulog niya."Princess, gising na andito na tayo." Mahinang tapik nito sa balikat niya. Inaantok na umayos siya ng upo. Hindi na niya inantay na pa
MARYCOLEPakiramdam ni Marycole ay nakasunod ang tingin ng binata na si Rowan sa likuran niya nang lumakad siya paalis sa komedor Muntik pa siyang matapilok sa pagmamadali nang lakad dahil sa pagkailang.'Easy ka lang kasi Cole, parang tingin lang as if naman sure ka na nakatingin sa likuran mo,' kastigo pa ni Marycole sa sariling kahibangan.Nakahinga siya nang maluwag ng marating niya ang kwarto na hindi lumingon sa binata. Pabagsak na humiga siya sa kama pagkarating sa kwarto.'Bakit naman kaya ganito ang pakiramdam ko?' mahina niyang tanong sa kanyang sarili.'Crush mo noh?' naisip niyang sagot. 'Tanda na kaya noon hello,''Matanda ka d'yan pero kinakabahan pag katabi, urgh!' nayayamot niyang bulong habang nakahiga sa kama.Nagkulong na lamang siya sa loob ng kwarto, tiyak na inuman at kwentuhan lang ang gagawin ng mga kasama ng pinsan niya.Ganito ang mga ito pagmayroon birthday ang Isa sa barkada, ito ang favorite na tambayan ng kung sino ang may kaarawan.Dahil hindi siya dal
MARYCOLE "Ladies first," sabi pa ni Rowan ng alanganin ako kumilos. Hirap at hindi komportable ang kilos ko dahil sa kaniya seryoso aura habang kasabay ko siyang naglalakad upang pumasok kami sa loob ng resthouse nila kuya Wyatt. Dapat kasi hindi ako sumabay namilit pa kasi ito sa akin, pakiramdam ko tuloy nakabantay siya sa bawat paghakbang ko. Lentek! Umayos ka Marycole. Silipin mo nga ang katabi mo chill lang samantalang ikaw nagpapahalata kang apektado dahil kasama mo siya. Edi sana hindi ka nagpapilit ng ayain kang pumasok kung alam mo pala hindi ka komportable. Echosera ka rin Inday arte-arte. Kutya pa ng isip ko. "Ahmm...akyat na po ako," paalam ko pa sa kaniya ng nasa baba na kami ng hagdan. Pinagmasdan muna niya ako bago siya tumango sa akin. Nagalangan pa sana ako umakyat gusto ko pa sana siya makausap subalit nakahiyaan ko naman magsalita sa harapan niya. Pahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan ng biglang pumihit paharap si Rowan sa akin. Nag-antay ako kung me
MARYCOLELate ako gumising kinabukasan kaya naman nagmamadali ang kilos ko at tumatakbo ng pababa sa hagdanan. Nasa baba pala si Nana Sally na matagal ng kasambahay at naging katuwang ni Mama sa pag-aalaga noong maliit pa ako. Sinita ako nito dahil linampasan ko lang siya ng lakad upang maaga ako pumasok sa eskwela."Hija! Hindi ka mag-a-almusal?" tanong niya sa akin na meron pagtataka sa mukha niya.Ngayon lang ako hindi kakain ng umaga dahil sa puyat kagabi, late akong nagising kanina."Bakit naman kasi ang lalaking 'yon, ay ayaw umalis sa isipan ko. Nakakapagod ang ginagawa nito na pabalik-balik sa isip ko't nakakahilo," mahina kong sabi."Huh? Meron ka sinabi Marycole?" ani ni Nana parang naulinigan ang pagbulong-bulong ko."Po? W-wala po Nana, ibig ko pong sabihin sa school na lang po ako kakain dahil late po ang gising ko. Bye po Nana," natataranta kong sagot sa kaniya. My gosh naintindihan kaya ni Nana, 'yon? Bubulong-bulong ko pang sabi habang mabilis na lumakad palabas ng baha
MARYCOLETahimik lang ako sa kinauupuan ko habang nasa biyahe kami ni Rowan pauwi ng bahay. Minsan tinatapunan ko siya nang tingin subalit mabilis din ako iiwas dahil nahuhuli niya ako sa ginagawa ko.Parang hindi 'ata huhupa ang ulan pakiwari ko lalo pa lumalakas kita ko na ang mataas na tubig sa kalsada na tingin ko ay abo siguro 'yon hanggang kalahati ng binti ko.Matinding katahimikan ang namayani sa amin dalawa ni Rowan. Tanging tunog ng sasakyan niya at ang malakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Nang hindi ako nakatiis sa nakaka bingi katahimikan ay tinanong ko siya kung bakit siya ang nagsundo sa akin ngayon."Uhm, K-kuya, bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagkalukot ang mukha nito bago siya sumagot sa akin. "Tss, Kuya talaga?!" bulong nito. Napanguso ako at nagkunwari na walang narinig."Maysakit daw ang driver n'yo, tumawag ang Yaya mo kay Wyatt na sunduin ka. 'Yon nga lang natapat na may lakad siya kaya pinakiusapan ako na s
MARYCOLELakad takbo ang ginawa ko upang hindi ako mahuli sa klase ko ngayon umaga.Sukat ba naman na inantay ko ang sobrang gabi nang interview ni Rowan kahapon kaya hating-gabi rin ako natulog.Guest ito sa isang business talk show, at dahil isa ako dakilang stalker ng lalaki, ay nagtiyaga ako magpuyat kahit na kailangan kong gumising ng maaga ngayon, ay balewala 'yon sa akin mapanood ko lang si Rowan.Five o'clock ng umaga ang gising ko at halos lampas isang oras ang biyahe mula sa Antipolo hanggang dito sa Makati, kung saan ay grade twelve na ako.Tatlong buwan na lang pala ay mag de- debut na ako. Pero dalawang taon ko ng kilala si Rowan at sa loob ng mga taon na 'yon ay patuloy akong lihim na nagmamahal sa binata. Kung dati ay crush ko lamang siya ngayon ay sigurado na ako, wala ng ibang magugustuhan maliban sa kaniya.Kahit na nga mayroon ng girlfriend ang binata, patuloy pa rin ako humahanga sa kaniya. At nag-aantay pa nga, na animo tanga umaasa na balang araw magkakaroon ng k
MARYCOLEHindi pa din makapaniwala si Marycole na kasama siya ni Rowan sa formal na pagbubukas ng enchanted hotel and golf club ng buong Martinez clan. Pakiramdam niya sobrang importante niya sa binata. Sa dami ng naging babae nito siya ang napiling isama sa okasyon na iyon. Kaya sobra n'yang saya ng araw na iyon kahit na nga panandalian lang iyon wala naman siguro masama ang minsan na mangarap sa katulad niyang may lihim na pagmamahal sa binata.Panaka-naka ay sinusulyapan ni Marycole si Rowan habang sila ay bumibiyahe. Nagtataka siguro ang binata sa 'kinikilos niya kaya naman hindi nakatiis ang binata ay ito na ang kusang nagtanong sa kaniya."May problema baby?" tanong nito sa kanya. Napalunok pa si Marycole dahil kay lambing ng boses ni Rowan kinailangan pa niyang tumikhim bago siya makasagot ng tama rito."A-andoon din ang mga kaibigan mo? Hindi ba nakakahiya lalo na sa pamilya mo at sinama mo pa ako kahit hindi namam kailangn," mahaba niyang sabi.Tumaas ang sulok ng labi nit
MARYCOLE"Hello," sagot ko sa tumatawag na si Jethro. Anong balita kaya ang sasabihin sa akin at himala napatawag."Babe, sigurado ka bang pupunta si Rowan mo?" tanong nito sa akin na hindi ko maiwasan magtaka kung bakit niyon nasabi ng bestfriend ko sa akin. Hindi naman siguro mag-oo si Rowan sa Mama ko kung hindi sigurado ang binata rito."Bakit naman hindi ako sigurado? Si Mama ang unang nagimbita sa kanya at kahapon din ay personal kong pinuntahan sa kanyang condo unit niya," kunot ang noo ko na sagot sa bestfriend ko."Good," tipid niyang sagot na ikinairap. Anong problema ng balukalaw na ito at meron paandar na ganito."At ikaw 'wag mo din sabihin na hindi ka pupunta. Pag hindi ka a-attend wala ka nang magandang bestfriend," pananakot kong sabi sa kaniya."Hindi 'yon mangyayare at ayaw ko na umiyak ka, pag hindi kita siputin." Sagot ni Jethro sa akin na kahit sa phone lang ay narinig ko ang pag ngisi nito."Mabuti naman at malinaw sa'yo," I softly chuckled."Matulog kana at nan
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a