MARYCOLE
Pakiramdam ni Marycole ay nakasunod ang tingin ng binata na si Rowan sa likuran niya nang lumakad siya paalis sa komedorMuntik pa siyang matapilok sa pagmamadali nang lakad dahil sa pagkailang.'Easy ka lang kasi Cole, parang tingin lang as if naman sure ka na nakatingin sa likuran mo,' kastigo pa ni Marycole sa sariling kahibangan.Nakahinga siya nang maluwag ng marating niya ang kwarto na hindi lumingon sa binata. Pabagsak na humiga siya sa kama pagkarating sa kwarto.'Bakit naman kaya ganito ang pakiramdam ko?' mahina niyang tanong sa kanyang sarili.'Crush mo noh?' naisip niyang sagot.'Tanda na kaya noon hello,''Matanda ka d'yan pero kinakabahan pag katabi, urgh!' nayayamot niyang bulong habang nakahiga sa kama.Nagkulong na lamang siya sa loob ng kwarto, tiyak na inuman at kwentuhan lang ang gagawin ng mga kasama ng pinsan niya.Ganito ang mga ito pagmayroon birthday ang Isa sa barkada, ito ang favorite na tambayan ng kung sino ang may kaarawan.Dahil hindi siya dalawin ng antok naisip ni Marycole na mag-open ng social media account niya. Tambak ang notification, isa-isa niyang tiningnan na karamihan mga kupal niyang friends ang laman.Naisipan niyang e-stalk si Rowan Martinez, pinuntahan niya ang profile nito napaka gwapo pala talaga nito sa suot na business suit. Tiningnan niya ang personal info. Hotel magnate ang nakalagay. Hmp, mukhang marami itong pinatatakbong hotel sa buong bansa.Nag-scroll pa si Marycole pababa, napataas ang kilay niya ng mayroon siyang makita sa mga post na kaakbay ng binata ang babaeng sexy at malaki ang dibdib.Masaya at inlove sa isa't isa at nakangiti sa camera ang mga larawan. Hindi niya maiwasan ang malungkot kahit wala naman silang kauganayan ng binata.'Mapapala ng mahilig mag stalk,' kantiyaw ng kaniyang isip.Labas na nga lang ako baka may mapaglibangan sa labas. Sa kusina siya tumuloy, alam niyang sa labas ang tambayan ng mga ito at ayaw niyang Makita ang iniiwasan na binata. Nakita niyang abala si Manang Lourdes sa paghahanda ng dadalhin sa labas pagpasok niya sa kusina.Nakangiting nilapitan niya ito."Manang tulungan ko na po kayo," wika niya rito.Lumingon naman agad ang matanda sa kanya at ngumiti."Naku, kaya ko na ito Hija! nagugutom kaba?" tanong nito sa kanya att sandaling iniwan ang ginagawa."Hindi ho Manang, naiinip lang po sa taas,""Tinapay lamang ang iyong kinain, hala umupo ka d'yan at ipaghahain kita. Ang payat gusto pang mag-diet," ani nito sa kaniya."Hindi naman po, mamayang tanghalian na lang po, t-tulungan ko na lang kayo mag-ayos diyan,"Kahit anak mayaman at nag-iisang tagapagmana marunong naman si Marycole sa mga gawaing bahay. Natuto siya sa kanyang yaya, maganda raw sa babae kahit papaano may-alam na trabaho."Siya dahil makulit ka, tulungan mo ako rito maglabas ng pagkain ng mga binata,"Gustong tumanggi ni Marycole dangan nga lang nakahiyaan niyang sabihin sa Manang Lourdes Niya at siya itong namilit na tulungan sa gawain."S-sige ho Manang Lourdes," ani niya rito at lihim na nagdarasal na sana wala roon ang binata kahit napaka imposible.Magkasabay silang naglakad palabas ng kusina ni Manang Lourdes. Tigisang bitbit ng tray na puno na laman ng iba't ibang pagkain.Nagtatawanan ang mga lalaki pagkalabas nila sa pinto. "Andy'an na pala ang pagkain, at maykasama pang magandang binibini," sigaw ni Theo.Sinalubong agad sila ng kaniyang pinsan. Ngunit ang binatang si Rowan ang lumapit sa kaniya at walang babala na hinawakan ang tray na dala niya. Hindi sinasadyang dumantay ang kamay nito sa kamay niya kaya pakiramdam ni Marycole uminit ang mukha sa ng binata."S-sorry," magkasabay nilang sambit pagkatapos ay pinaubaya niya rito ang hawak at nag-iwas siya nang tingin sa binata.Narinig niya ang mahina nitong tawa."Natatakot kaba sa 'kin?" pabulong niyo na tanong sa kaniya."H-hindi po, nagulat lang ako," depensa niyang sagot dito.Narinig ni Marycole na tila hindi nito nagustuhan ang isinagot niya."Tss, palusot," ani nito at seryoso siyang tinitigan nito."Totoo naman po," laban pa niya sa binata.Natigil ang akmang sasabihin niyo sa kaniya nang tawagin ito ng isa sa barkada."Dude bata pa 'yan," sigaw ni Theo."Gago, may tinanong lang ako tsismoso ka talaga," sagot nito ngunit sa kanya nakatitig.Tumingin si Marycole sa hindi kalayuan na cottage. Naroon pala ang mga kasama ng pinsan niya. Bakit 'ata kanina wala naman siyang alam na mayroon babaeng mga kasama ang mga ito.Pinsan niya ang walang partner dahil ito lamang ang walang katabi. Lihim siyang napangiwi nang makita na may babae sa tabing upuan ni Rowan.'Playboy pa 'ata,'Alam ni Marycole lahat ay graduate na ng college ang mga binata. Hula niya ay hindi lalampasan sa dalawampu't tatlo ang mga edad ng mga binata.May-sasabihin ang binatang si Rowan nang tawagin ito ng babaeng mag-isang nakaupo sa may pwesto na iniwan ng binata."Honey ang tagal mo naman, kukunin mo lang ang dala niya at bakit napako kana diyan?" sabi ng babaeng makapal ang nguso at masama ang tingin sa kan'ya.Dahil sa narinig tila itinulos siya sa kinatatayuan si Marycole at nagising sa isang pagkakaidlip."G-girlfriend mo?" utal na tanong niya.Tumagal ang tingin nito sa mukha niya bago sagutin ang tanong niya."Yes, pero-" hindi niya inantay na tapusin ang sagot ng binata, dali-dali nagpaalam nagpaalam dito."S-sige K-kuya," at mabilis siyang pumasok sa loob ng resthouse.Napasinghap siya ng ilang sandali. Bakit pakiramdam niya niya ay daig pa niya ang tinusok ng karayom ng oras na iyon.'Tsk! e, Ikaw lang naman ang assuming kakikilala mo lang crush mo agad,' kastigo niya sa sariling kahibangan.Nang makahinga ng maluwag muling bumalik si Marycole sa kusina, pakiramdam niya kailngan niya ng inumin dahil sa sandaling paninikip ng dibdib."Manang Lourdes, ano po iyang lulutuin niyo?" tanong niya pagkalapit dito. Mabuti at maymakakusap siya dahil gusto niyang mawaglit ang kahibangan sa sarili."Ikaw pala hija, wala inutusan lamang ako ni Wyatt na mag- marinate ng manok at baboy pang ihaw nila,""Bakit 'ata bumalik ka rito? Akala ko magpapaiwan ka roon?" wika nito at sinulyapan siya saglit."May kanya-kaniyang partner ang andoon ayaw ko naman po maging audience nila," matipid na sagot niya kay Manang Lourdes.Nakita niyang mahina tumawa si Manag Lourdes dahil sa alibi niya."Naku ang mga 'yon hindi mga seryoso, ganoon naman sila iba't-ibang babae ang dala pagnagpupunta ang mga 'yon dito," ani ni Manang Lourdes sa kaniya."Mga babaero pala ang mga 'yon," mahinang niyang sambit.Biglang tinigil ni Manang ang ginagawa at nakangiting humarap sa kan'ya."May gusto ka sa isa sa kanila?" tukso nito na siyang dahilan na pamulahan siya ng mukha dahil natumbok nito ang umuusbong niyang damdamin sa binata."N-naku hindi po, i mean wala po. Mga kuya lang ang tingin ko sa kanila," tarantang sagot niya ritoTumango naman ito ngunit sa tingin niya ay hindi satisfied sa sagot niya. Pinalubo niya ang magkabilang pisngi at lihim na napangiwi.'Masyado ba akong obvious kaya ka nahalata ni Manang?' mahina niyang bulong."Mga magandang lalaki naman talaga ang mga binatang 'yon Hija, kaya hindi nakapagtataka na may matipuhan ka. Pero 'wag mo masyado seryosohin at bata ka pa. Kung papanigan ng panahon malay mo Isa sa kanila ang nakalaan sa'yo," masaya nitong sabi.Nang mainip siya sa kusina nagpaalam siya na aakyat ulit ng kwarto at doon na lang magtambay, pero ang totoo naisipan niyang mag-swimming sa likod nang mag-isa. Hindi naman siguro magagawi ang mga kasama ng pinsan niya rito kaya solo niya ang lugar.Pinili niyang isuot ang dala niyang kulay maroon na two-piece at pinatungan ng puting robe, hindi pa ganoon kalaki ang dibdib niya, pero may ilalaban naman kahit papaano.Nagpakasawa si Marycole magpabalik-balik sa paglangoy, pakiramdam niya nasa bathtub lang siya dahil puno ito ng bubble sa buong swimming pool. Hindi niya namalayan ang oras dahil napasarap ang kanyang paglangoy."Alas-dose na ng hapon baka gusto mo nang umahon dya'n?" napalingon siya para tingnan kung sino ang nagsalita."Shit! si Rowan pala ito, taranta niyang sambit at nanlaki ang dalawang mata,"Dahil nakalutang siya, tiyak na roon nakatunghay ang mata ng binata sa hantad niyang katawan. Dahil sa hiya mabilis niyang nilubog ang katawan at hindi makatingin sa kaharap na binata."B-bakit ka n-nandito?" tanong niyang nauutal."Hinahanap ka ng pinsan mo wala ka raw sa kwarto. May kinuha kasi ako sa kusina kaya ako na lang ang nagsabi na tingnan ka kung andito ka alam kong favorite place mo itong tambayan,"Inirapan niya ito ng palihim."Ang akala pa naman niya ito ang naghahanap pinsan niya lang pala," dismayadong bulong ni Marycole."Susunod na ako," walang buhay niyang sagot. Tumigil muna ito at tila nagdadalawang isip na mayroon sasabihin."Antayin na kita," Inabot nito ang kamay sa kaniya. Alanganin ang isip ni Marycole kung tatanggapin ang nakalahad nitong kamay.Dahil gusto rin ng isip niya ay wala sa sarili na nagpahila siya sa binata. Nang makaalis sa tubig ay hindi siya makatingin dito lalo na ng makita niyang tumiim ang tingin sa kaniya."Wala kanang ibang damit maliban d'yan?" panguso nito sa suot niya at tila problemado. Nagtaka siya at bumaling ng tingin dito.'Ano problema nito, wala naman siyang nakikita na masama sa suot niya?'Kahit sa pagkuha nito sa robe niya sa upuan tila ito nahihirapan.'Hindi lang ito pakialamero masungit pa hmp,'MARYCOLE "Ladies first," sabi pa ni Rowan ng alanganin ako kumilos. Hirap at hindi komportable ang kilos ko dahil sa kaniya seryoso aura habang kasabay ko siyang naglalakad upang pumasok kami sa loob ng resthouse nila kuya Wyatt. Dapat kasi hindi ako sumabay namilit pa kasi ito sa akin, pakiramdam ko tuloy nakabantay siya sa bawat paghakbang ko. Lentek! Umayos ka Marycole. Silipin mo nga ang katabi mo chill lang samantalang ikaw nagpapahalata kang apektado dahil kasama mo siya. Edi sana hindi ka nagpapilit ng ayain kang pumasok kung alam mo pala hindi ka komportable. Echosera ka rin Inday arte-arte. Kutya pa ng isip ko. "Ahmm...akyat na po ako," paalam ko pa sa kaniya ng nasa baba na kami ng hagdan. Pinagmasdan muna niya ako bago siya tumango sa akin. Nagalangan pa sana ako umakyat gusto ko pa sana siya makausap subalit nakahiyaan ko naman magsalita sa harapan niya. Pahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan ng biglang pumihit paharap si Rowan sa akin. Nag-antay ako kung me
MARYCOLELate ako gumising kinabukasan kaya naman nagmamadali ang kilos ko at tumatakbo ng pababa sa hagdanan. Nasa baba pala si Nana Sally na matagal ng kasambahay at naging katuwang ni Mama sa pag-aalaga noong maliit pa ako. Sinita ako nito dahil linampasan ko lang siya ng lakad upang maaga ako pumasok sa eskwela."Hija! Hindi ka mag-a-almusal?" tanong niya sa akin na meron pagtataka sa mukha niya.Ngayon lang ako hindi kakain ng umaga dahil sa puyat kagabi, late akong nagising kanina."Bakit naman kasi ang lalaking 'yon, ay ayaw umalis sa isipan ko. Nakakapagod ang ginagawa nito na pabalik-balik sa isip ko't nakakahilo," mahina kong sabi."Huh? Meron ka sinabi Marycole?" ani ni Nana parang naulinigan ang pagbulong-bulong ko."Po? W-wala po Nana, ibig ko pong sabihin sa school na lang po ako kakain dahil late po ang gising ko. Bye po Nana," natataranta kong sagot sa kaniya. My gosh naintindihan kaya ni Nana, 'yon? Bubulong-bulong ko pang sabi habang mabilis na lumakad palabas ng baha
MARYCOLETahimik lang ako sa kinauupuan ko habang nasa biyahe kami ni Rowan pauwi ng bahay. Minsan tinatapunan ko siya nang tingin subalit mabilis din ako iiwas dahil nahuhuli niya ako sa ginagawa ko.Parang hindi 'ata huhupa ang ulan pakiwari ko lalo pa lumalakas kita ko na ang mataas na tubig sa kalsada na tingin ko ay abo siguro 'yon hanggang kalahati ng binti ko.Matinding katahimikan ang namayani sa amin dalawa ni Rowan. Tanging tunog ng sasakyan niya at ang malakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Nang hindi ako nakatiis sa nakaka bingi katahimikan ay tinanong ko siya kung bakit siya ang nagsundo sa akin ngayon."Uhm, K-kuya, bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagkalukot ang mukha nito bago siya sumagot sa akin. "Tss, Kuya talaga?!" bulong nito. Napanguso ako at nagkunwari na walang narinig."Maysakit daw ang driver n'yo, tumawag ang Yaya mo kay Wyatt na sunduin ka. 'Yon nga lang natapat na may lakad siya kaya pinakiusapan ako na s
MARYCOLELakad takbo ang ginawa ko upang hindi ako mahuli sa klase ko ngayon umaga.Sukat ba naman na inantay ko ang sobrang gabi nang interview ni Rowan kahapon kaya hating-gabi rin ako natulog.Guest ito sa isang business talk show, at dahil isa ako dakilang stalker ng lalaki, ay nagtiyaga ako magpuyat kahit na kailangan kong gumising ng maaga ngayon, ay balewala 'yon sa akin mapanood ko lang si Rowan.Five o'clock ng umaga ang gising ko at halos lampas isang oras ang biyahe mula sa Antipolo hanggang dito sa Makati, kung saan ay grade twelve na ako.Tatlong buwan na lang pala ay mag de- debut na ako. Pero dalawang taon ko ng kilala si Rowan at sa loob ng mga taon na 'yon ay patuloy akong lihim na nagmamahal sa binata. Kung dati ay crush ko lamang siya ngayon ay sigurado na ako, wala ng ibang magugustuhan maliban sa kaniya.Kahit na nga mayroon ng girlfriend ang binata, patuloy pa rin ako humahanga sa kaniya. At nag-aantay pa nga, na animo tanga umaasa na balang araw magkakaroon ng k
MARYCOLEHindi pa din makapaniwala si Marycole na kasama siya ni Rowan sa formal na pagbubukas ng enchanted hotel and golf club ng buong Martinez clan. Pakiramdam niya sobrang importante niya sa binata. Sa dami ng naging babae nito siya ang napiling isama sa okasyon na iyon. Kaya sobra n'yang saya ng araw na iyon kahit na nga panandalian lang iyon wala naman siguro masama ang minsan na mangarap sa katulad niyang may lihim na pagmamahal sa binata.Panaka-naka ay sinusulyapan ni Marycole si Rowan habang sila ay bumibiyahe. Nagtataka siguro ang binata sa 'kinikilos niya kaya naman hindi nakatiis ang binata ay ito na ang kusang nagtanong sa kaniya."May problema baby?" tanong nito sa kanya. Napalunok pa si Marycole dahil kay lambing ng boses ni Rowan kinailangan pa niyang tumikhim bago siya makasagot ng tama rito."A-andoon din ang mga kaibigan mo? Hindi ba nakakahiya lalo na sa pamilya mo at sinama mo pa ako kahit hindi namam kailangn," mahaba niyang sabi.Tumaas ang sulok ng labi nit
MARYCOLE"Hello," sagot ko sa tumatawag na si Jethro. Anong balita kaya ang sasabihin sa akin at himala napatawag."Babe, sigurado ka bang pupunta si Rowan mo?" tanong nito sa akin na hindi ko maiwasan magtaka kung bakit niyon nasabi ng bestfriend ko sa akin. Hindi naman siguro mag-oo si Rowan sa Mama ko kung hindi sigurado ang binata rito."Bakit naman hindi ako sigurado? Si Mama ang unang nagimbita sa kanya at kahapon din ay personal kong pinuntahan sa kanyang condo unit niya," kunot ang noo ko na sagot sa bestfriend ko."Good," tipid niyang sagot na ikinairap. Anong problema ng balukalaw na ito at meron paandar na ganito."At ikaw 'wag mo din sabihin na hindi ka pupunta. Pag hindi ka a-attend wala ka nang magandang bestfriend," pananakot kong sabi sa kaniya."Hindi 'yon mangyayare at ayaw ko na umiyak ka, pag hindi kita siputin." Sagot ni Jethro sa akin na kahit sa phone lang ay narinig ko ang pag ngisi nito."Mabuti naman at malinaw sa'yo," I softly chuckled."Matulog kana at nan
ROWAN POV'S"Fuck! what the hell?! Nadine!" Malakas na sigaw ko sa babae. Tang-na! Paano na ito tiyak na magagalit siya sa akin. Damn sigurado sinusumpa na ko ni Marycole sa mga oras na 'to. Ang tanga mo Rowan, hindi ka nag-iingat."Shit, what now Rowan? Ang laki mong gago. Nauto ka ng ex- girlfriend mo," nagbabagang tingin ang ibinigay ko kay Nadine. Kapal ng mukha nito nakatayo pa sa harapan ko kahit na sinigaw-sigawan ko na. Fvcking sh-t! Kung hindi lang masamang manakit ng babae kanina ko pa sinakal ng nasa harapan kong babae. "Get out! 'Wag mong antayin na ako mismo ang kumaladkad sa'yo palabas nitong condo ko," malamig ang boses na sabi ko sa kaniya.Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang stress dammit ano kaya ang inaantay ng babaeng 'to at hindi pa lumalayas. Tinitigan ko siya ng nakamamatay na tingin."Let me explain Rowan please? Nagawa ko lang 'yon dahil sobrang mahal kita. Kung 'yon ang tanging paraan para malayo ka sa babaeng 'yon hinding hindi ko pagsisihan 'yon," umiiy
MARYCOLE"I'm home," mahina kong sambit pagdating ng eroplano sinasakyan ko sa NAIA. Matagal na taon din ng huli kong nasilayan ang Pinas. Kumusta na kaya siya?Damn! Napatampal ako sa aking noo. Peste bakit siya agad ang pumasok sa isipan ko, argh. 'Kalma ka Marycole, hindi dapat dahil matagal ka ng naka move on diba? Of course I swear baka nga hangin na lang siya sa paningin ko kapag nakita ko siya ulit. Ows bakit defensive ka kung wala na? Pang-a-asar ko pa sa aking sarili. Hindi na nga talaga, kahit nakita ko pa siya ngayon. Sh*t bakit ko ba pinag-aksayahan ng isip ang hudas na iyon. Umayos ako ng upo at inabala ko ang sarili ko manood sa mga kasamahan nakasakay sa loob ng eroplano.Nag-antay muna ako nakababa na ang lahat ng pasahero bago humanda upang ako naman ang bumaba. Ngayon pa talaga ako kinakabahan my gosh. Upang panandalian mawala ang kabadong bente dibdib, pinalubo ko ang magkabilang kong pisngi I sighed deeply. 'tsaka bumaba ng dahan-dahan.Iginala ko ang mga mata ko sa
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a