MARYCOLE
"Ladies first," sabi pa ni Rowan ng alanganin ako kumilos. Hirap at hindi komportable ang kilos ko dahil sa kaniya seryoso aura habang kasabay ko siyang naglalakad upang pumasok kami sa loob ng resthouse nila kuya Wyatt. Dapat kasi hindi ako sumabay namilit pa kasi ito sa akin, pakiramdam ko tuloy nakabantay siya sa bawat paghakbang ko. Lentek! Umayos ka Marycole. Silipin mo nga ang katabi mo chill lang samantalang ikaw nagpapahalata kang apektado dahil kasama mo siya. Edi sana hindi ka nagpapilit ng ayain kang pumasok kung alam mo pala hindi ka komportable. Echosera ka rin Inday arte-arte. Kutya pa ng isip ko. "Ahmm...akyat na po ako," paalam ko pa sa kaniya ng nasa baba na kami ng hagdan. Pinagmasdan muna niya ako bago siya tumango sa akin. Nagalangan pa sana ako umakyat gusto ko pa sana siya makausap subalit nakahiyaan ko naman magsalita sa harapan niya. Pahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan ng biglang pumihit paharap si Rowan sa akin. Nag-antay ako kung meron siya sasabihin baka nahihiya lang magsabi ngunit tahimik lang nakatingin sa akin kaya ako na ang naglakas loob na nagtanong sa kaniya. "Why?" tanong ko rito. Hindi ko maiwasan na magtaas ng kilay sa kaniya dahil ni isang salita ay walang sinabi sa akin. Tss anong problema ng lalaking 'to? "Bakit nga?!" tanong ko ulit. Sinamahan ko pa iyon ng iritableng boses upang malaman niya na naiinip ako. "Ah, wala next time nalang, s-sige basa ang suot mo umakyat kana at baka matuyo pa sa katawan mo," sabi lang nito sa akin. Tila pa nahihiya dahil napapakamot ito sa kaniyang batok. I sighed deeply. Tiningnan ko muna siya bago naiiling na nagpaalam. "Ok, aakyat na ako," Wala akong imik na umakyat sa itaas. Binilisan ko lumakad upang makarating sa kwarto ko. Mabilis ako nag banlaw pagkarating ko roon at nang makatapos, sinuot ko ang maong short na kalahati sa hita ko at tenernohan ko ng kulay old rose crop top blouse. Lumabas ako ng kwarto ng masilip ko sa salamin na maayos na ang itsura ko. Nasaan kaya si kuya Wyatt? Mukhang pinabayaan na ako noon ah. Siguro meron 'yon, babae na dinala rito sa Villa, kaya hindi na ako naalalang hanapin. Mm.. hanapin ko na lang. Una kong naisip na puntahan ay sa labas ng bahay sa pagbabakasakaling naroon pa ang pinsan ko. Wala ng tao sa cottage kaya bumalik ako sa bahay. Baka naroon ang pinsan ko sa kaniya kwarto, roon na lang ako pupunta. Umakyat akong muli sa itaas at tinahak ang daan patungo sa kwarto ng pinsan ko. Tahimik pa ako pakanta-kanta ng napamulagat ang mata ko sa aking naulinigan. Malakas na daing ang narinig ko sa katabing kwarto ng pinsan ko. Nakabukas nang kaunti ang pinto nito. Out of curiosity, nakaisip ako silipin kung ano ang nangyayari sa loob ng kwarto at bakit parang may nasasaktan na ewan. "Oh my God! Baka meron kaibigan si kuya Wyatt, na mag-jowa at nag-aaway," nasambit ko habang humahakbang patungo roon sa pinto. "Rowan?" bulong ko. Gusto ko na lamang lumubog sa lupa na aking kinatatayuan ng mga oras na 'yon. Si Rowan may kasamang babae at kaanuhan nito. Gumuhit ang sakit sa dibdib ko Kahit hindi dapat. Gusto kong umiyak ng oras na yon kahit wala naman akong karapatan. Napalunok ako at unti-unti umatras upang lumisan sa pinto. Sinisi ko pa ang aking sarili bakit kasi ang tsismosa ko 'yan ang napapala ko kahit sa pagiging curious, 'di Ikaw rin ang talo. Patakbo walang ingay ako umalis sa tapat ng kwarto na okopado ni Rowan, sa takot ko na makita nito nanunubok ako. Kasama ang girlfriend niya. Hayss, bakit naman naisipan ko pa 'yon. Sising sisi na kausap ko sa aking sarili. Hindi ko rin maiwasan ang kabahan nang maisip si Rowan. Paano kung napansin ako ng binata? Waah anong gagawin ko? Wag sana niyang mapansin dahil nakakahiya talaga. Huminga muna ako nang malalim ng nasa tapat na ako ng pintuan sa kwarto ng pinsan ko. Nasa tapat na ako ng pinto. Kakatok na sana ako pero bumukas naman 'yon. Katakot-takot na irap ang ibinigay ko kay kuya Wyatt, nabungaran ko dahil pinabayaan ako, nakagawa tuloy ako ng bagay na hindi dapat. Wah… "Princess, kanina pa kita hinahanap," wika ni kuya Wyatt, nakatitig sa mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya dinaan sa pa cute na ngiti ang ginawa nito sa akin. "Okay ka lang?" muli niyang tanong. Hindi agad ako sumagot nagiwas ako tingin pero maya-maya ay sumagot din. "A-ayos lang Kuya, nasa likod lang po ako at mag-isang nag-swimming," Humalakhak ito sa sinabi ko. "Sorry. Hinanap kita kanina hindi kita nakita, kaya pinasabay ko kay Rowan, na daanan ka sa tambayan mo at ilang oras na kitang hindi nakikita. Patungo siya ng kusina kaya pinadaanan kita," wika niya. "As if naman na alam mong may kasama ka! If I know you're busy with your friends. Kaya nakalimutan mo agad ako," sabi ko sa kanya na tunog nagtatampo. "Nagtampo naman agad ang favorite cousin ko. Don't worry para maalis mawala ang tampo mo, How about online shopping for your favorite Prada bags? Name your request," Sabi ni Kuya sa akin. Namilog pa ang mata ko. "Really, hindi 'yan scam kuya?" nakanguso ko tanong dito. Tumawa nang malakas ang pinsan ko dahil may naalala ito. "Never kita ulit, e April fools." Nakatawa niya sabi. Sinamaan ko agad si Kuya ng tingin at iniwan upang tumuloy ako sa kwarto nito. Umupo sa kama. nagtaka pa si Kuya Wyatt pero hinayaan na lang ako at meron tumawag dito. Tatambay ako sandali para makaiwas sa katabing pinto. Mahirap na baka kung ano ulit ang makita ko. Guusto ko maiwasan ito, habang hindi pa tuluyang nahuhulog ang loob ko sa binata. ------- Rowan Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa galit dito sa kasamang babae. Hindi ko akalain na ganito ang plano nito. Sa totoo lang hindi ko ito niyaya patungo rito sa kwarto, nabigla nga rin ako ng pumasok na wala akong kaalam-alam. 'yon pala nakalimutan ko i-lock. Dammit! "What are you doing?! P'wede ba, lumabas kana sa kwarto ko, kung ayaw mong ako ang mismo ang kumaladkad sa 'yo palabas nitong kwarto!" bulyaw ko sa kaniya. Fuck! Nakita kong dumaan si Marycole kanina rito at naabutan kami na parang may ginagawang milagro ng babae. Hindi ko napaghandaan ang halik at tumabi ang babaeng ito sa'kin. Matagal na kaming break nito, mula ng piliin niya ang career niya sa ibang bansa. Ngunit hindi ko alam bakit nagbalik pa ito. Fvcking sh-t! Ano ba ang gagawin ko ngayon? Problemadong ako napahilot sa aking sentido. Hindi ko malaman sa aking sarili kung bakit pagdating kay Marycole ay ayaw kong ito ay ma- disappoint sa akin. Pagdating sa dalaga, nagiging ibang tao ako. Ayaw kong makita ni Marycole na babaero ako baka magiba ang tingin nito sa akin. Bullshit! Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, unang kita palamang ako sa dalagita ay naligalig na ang isipan ko. first itong nangyari sa akin. Kahit sa mga previous na mga babaeng nakarelasyon ko, ay hindi nangyari ang ganitong pakiramdam. Kabado kapag nariyan siya at hinahanap ko ang amoy niya kapag malayo ito. "Fvck! Ang bata pa ni Marycole para sa akin. So... meaning pwede kapag dalaga na siya abangan mo na Rowan?" tukso ko pa isipan ko. Parang baliw na palakad-lakad ako sa loob ng kwarto at nag-iisip kung paano ko ipapaliwanag ang nakita nito kanina. Nahilot ko ng wala sa oras ang bridge ng ilong ko sa sobrang prostration. "Tsk! Feeling mo Rowan, tatanungin ka? Ni Marycole. Malay mo nagkamali lang ang dalagita at dito nagpunta, kaya kung ano ang nakita ay hindi mahalaga sa kanya," Nabaling ang tingin ko sa babaeng dumaan sa tapat ng kwarto ko. Tila ba may iniiwasan ang dalaga, dahil mabilis ang paghakbang upang makalayo sa tapat ng kwarto ko. Lihim akong napangiwi dahil guilty feelings ko. Marahil 'yong nakita nito kanina kaya nahihiya ang dalaga. Pasalamat ako at umalis din si Nadine kanina ng sitahin ko ito upang lumayas. Hindi ako bumabalik sa mga babaeng nagiging ex-girlfriend ko. Kahit mga kaibigan ko ay ganoon din ang role pagdating sa mga babae. Naging kasintahan ko si Nadine, noong nag-aaral pa lamang kami ng college. Naging classmate ko ito sa isang subject, aaminin kong minahal ko naman ito noong may relasyon pa kami. Dahil hindi naman siguro ako masasaktan ng gano'n-gano'n lang ng ipagpalit niya ako sa pangarap nitong maging isang sikat na modelo sa ibang bansa. Winaglit ko sa isip ko ang inis kay Nadine. Lumabas ako ng kwarto at sinundan si Marycole. Nag-alis ito ng bara sa lalamunan upang lingunin ako. Malaking hakbang ang ginawa ko para pumantay ako rito. "Nakita ka na ni Wyatt?" kunwaring tanong ko sa kanya. Marahang itong tumango. "Uhm, yes Kuya, why po?" sagot niyang hindi nakatingin sa akin. "Damn," mahina kong mura sa isipan. Nang maisip na takot ito sa akin, pumikit ako sandali bago tumingin at magsalita. "May itatanong lang ako, baby?" mahina kong sabi. Nakita kong nag-blush ito kaya lihim ako nagdiwang sa kasiyahan. Pareho kaming nagpakiramdaman sa isa't isa ng ilang sandali. At tila nag iisip ng sasabihin. "P-paano Kuya?" nauutal niyang sabi. "Shit, kinilig naman ako," saad ng isip ko. "Tinawag ka lang ng baby?" "Oh problema roon?" Hindi ko inantay na magsalita ulit si Marycole at nagmamadaling ako pumasok sa loob ng kwarto na labis ang saya. Kalma lang self. Rowan Martinez. Hindi bagay sa'yo ang kiligin dammit inis kong kastigo sa aking sarili. Nakatulong na nga lamg baka magka Nang sumagi sa isipan ko iyon, ay tila ako na tauhan sa aking kahibangan.MARYCOLELate ako gumising kinabukasan kaya naman nagmamadali ang kilos ko at tumatakbo ng pababa sa hagdanan. Nasa baba pala si Nana Sally na matagal ng kasambahay at naging katuwang ni Mama sa pag-aalaga noong maliit pa ako. Sinita ako nito dahil linampasan ko lang siya ng lakad upang maaga ako pumasok sa eskwela."Hija! Hindi ka mag-a-almusal?" tanong niya sa akin na meron pagtataka sa mukha niya.Ngayon lang ako hindi kakain ng umaga dahil sa puyat kagabi, late akong nagising kanina."Bakit naman kasi ang lalaking 'yon, ay ayaw umalis sa isipan ko. Nakakapagod ang ginagawa nito na pabalik-balik sa isip ko't nakakahilo," mahina kong sabi."Huh? Meron ka sinabi Marycole?" ani ni Nana parang naulinigan ang pagbulong-bulong ko."Po? W-wala po Nana, ibig ko pong sabihin sa school na lang po ako kakain dahil late po ang gising ko. Bye po Nana," natataranta kong sagot sa kaniya. My gosh naintindihan kaya ni Nana, 'yon? Bubulong-bulong ko pang sabi habang mabilis na lumakad palabas ng baha
MARYCOLETahimik lang ako sa kinauupuan ko habang nasa biyahe kami ni Rowan pauwi ng bahay. Minsan tinatapunan ko siya nang tingin subalit mabilis din ako iiwas dahil nahuhuli niya ako sa ginagawa ko.Parang hindi 'ata huhupa ang ulan pakiwari ko lalo pa lumalakas kita ko na ang mataas na tubig sa kalsada na tingin ko ay abo siguro 'yon hanggang kalahati ng binti ko.Matinding katahimikan ang namayani sa amin dalawa ni Rowan. Tanging tunog ng sasakyan niya at ang malakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Nang hindi ako nakatiis sa nakaka bingi katahimikan ay tinanong ko siya kung bakit siya ang nagsundo sa akin ngayon."Uhm, K-kuya, bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagkalukot ang mukha nito bago siya sumagot sa akin. "Tss, Kuya talaga?!" bulong nito. Napanguso ako at nagkunwari na walang narinig."Maysakit daw ang driver n'yo, tumawag ang Yaya mo kay Wyatt na sunduin ka. 'Yon nga lang natapat na may lakad siya kaya pinakiusapan ako na s
MARYCOLELakad takbo ang ginawa ko upang hindi ako mahuli sa klase ko ngayon umaga.Sukat ba naman na inantay ko ang sobrang gabi nang interview ni Rowan kahapon kaya hating-gabi rin ako natulog.Guest ito sa isang business talk show, at dahil isa ako dakilang stalker ng lalaki, ay nagtiyaga ako magpuyat kahit na kailangan kong gumising ng maaga ngayon, ay balewala 'yon sa akin mapanood ko lang si Rowan.Five o'clock ng umaga ang gising ko at halos lampas isang oras ang biyahe mula sa Antipolo hanggang dito sa Makati, kung saan ay grade twelve na ako.Tatlong buwan na lang pala ay mag de- debut na ako. Pero dalawang taon ko ng kilala si Rowan at sa loob ng mga taon na 'yon ay patuloy akong lihim na nagmamahal sa binata. Kung dati ay crush ko lamang siya ngayon ay sigurado na ako, wala ng ibang magugustuhan maliban sa kaniya.Kahit na nga mayroon ng girlfriend ang binata, patuloy pa rin ako humahanga sa kaniya. At nag-aantay pa nga, na animo tanga umaasa na balang araw magkakaroon ng k
MARYCOLEHindi pa din makapaniwala si Marycole na kasama siya ni Rowan sa formal na pagbubukas ng enchanted hotel and golf club ng buong Martinez clan. Pakiramdam niya sobrang importante niya sa binata. Sa dami ng naging babae nito siya ang napiling isama sa okasyon na iyon. Kaya sobra n'yang saya ng araw na iyon kahit na nga panandalian lang iyon wala naman siguro masama ang minsan na mangarap sa katulad niyang may lihim na pagmamahal sa binata.Panaka-naka ay sinusulyapan ni Marycole si Rowan habang sila ay bumibiyahe. Nagtataka siguro ang binata sa 'kinikilos niya kaya naman hindi nakatiis ang binata ay ito na ang kusang nagtanong sa kaniya."May problema baby?" tanong nito sa kanya. Napalunok pa si Marycole dahil kay lambing ng boses ni Rowan kinailangan pa niyang tumikhim bago siya makasagot ng tama rito."A-andoon din ang mga kaibigan mo? Hindi ba nakakahiya lalo na sa pamilya mo at sinama mo pa ako kahit hindi namam kailangn," mahaba niyang sabi.Tumaas ang sulok ng labi nit
MARYCOLE"Hello," sagot ko sa tumatawag na si Jethro. Anong balita kaya ang sasabihin sa akin at himala napatawag."Babe, sigurado ka bang pupunta si Rowan mo?" tanong nito sa akin na hindi ko maiwasan magtaka kung bakit niyon nasabi ng bestfriend ko sa akin. Hindi naman siguro mag-oo si Rowan sa Mama ko kung hindi sigurado ang binata rito."Bakit naman hindi ako sigurado? Si Mama ang unang nagimbita sa kanya at kahapon din ay personal kong pinuntahan sa kanyang condo unit niya," kunot ang noo ko na sagot sa bestfriend ko."Good," tipid niyang sagot na ikinairap. Anong problema ng balukalaw na ito at meron paandar na ganito."At ikaw 'wag mo din sabihin na hindi ka pupunta. Pag hindi ka a-attend wala ka nang magandang bestfriend," pananakot kong sabi sa kaniya."Hindi 'yon mangyayare at ayaw ko na umiyak ka, pag hindi kita siputin." Sagot ni Jethro sa akin na kahit sa phone lang ay narinig ko ang pag ngisi nito."Mabuti naman at malinaw sa'yo," I softly chuckled."Matulog kana at nan
ROWAN POV'S"Fuck! what the hell?! Nadine!" Malakas na sigaw ko sa babae. Tang-na! Paano na ito tiyak na magagalit siya sa akin. Damn sigurado sinusumpa na ko ni Marycole sa mga oras na 'to. Ang tanga mo Rowan, hindi ka nag-iingat."Shit, what now Rowan? Ang laki mong gago. Nauto ka ng ex- girlfriend mo," nagbabagang tingin ang ibinigay ko kay Nadine. Kapal ng mukha nito nakatayo pa sa harapan ko kahit na sinigaw-sigawan ko na. Fvcking sh-t! Kung hindi lang masamang manakit ng babae kanina ko pa sinakal ng nasa harapan kong babae. "Get out! 'Wag mong antayin na ako mismo ang kumaladkad sa'yo palabas nitong condo ko," malamig ang boses na sabi ko sa kaniya.Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang stress dammit ano kaya ang inaantay ng babaeng 'to at hindi pa lumalayas. Tinitigan ko siya ng nakamamatay na tingin."Let me explain Rowan please? Nagawa ko lang 'yon dahil sobrang mahal kita. Kung 'yon ang tanging paraan para malayo ka sa babaeng 'yon hinding hindi ko pagsisihan 'yon," umiiy
MARYCOLE"I'm home," mahina kong sambit pagdating ng eroplano sinasakyan ko sa NAIA. Matagal na taon din ng huli kong nasilayan ang Pinas. Kumusta na kaya siya?Damn! Napatampal ako sa aking noo. Peste bakit siya agad ang pumasok sa isipan ko, argh. 'Kalma ka Marycole, hindi dapat dahil matagal ka ng naka move on diba? Of course I swear baka nga hangin na lang siya sa paningin ko kapag nakita ko siya ulit. Ows bakit defensive ka kung wala na? Pang-a-asar ko pa sa aking sarili. Hindi na nga talaga, kahit nakita ko pa siya ngayon. Sh*t bakit ko ba pinag-aksayahan ng isip ang hudas na iyon. Umayos ako ng upo at inabala ko ang sarili ko manood sa mga kasamahan nakasakay sa loob ng eroplano.Nag-antay muna ako nakababa na ang lahat ng pasahero bago humanda upang ako naman ang bumaba. Ngayon pa talaga ako kinakabahan my gosh. Upang panandalian mawala ang kabadong bente dibdib, pinalubo ko ang magkabilang kong pisngi I sighed deeply. 'tsaka bumaba ng dahan-dahan.Iginala ko ang mga mata ko sa
ROWAN "Hello Ms. Bocago. Cancel all my appointments may importante akong lakad ngayon,""Pero Sir Martinez, may meeting po kayo mamayang 2pm kay Mr. Atienza," laban pa ng sekretarya ko sa kabila linya.Dammit! Hindi ko naisip 'yon kahapon. Paano ba ang maganda gawin? Importante si Mr. Atienza subalit gano'n din si Marycole. Darating 'yon ngayon araw, at magsundo rin sa kaniya. Ako ang nagpresenta sa Mommy niya at Daddy niya na bahala magsundo.Natagalan ako magisip subalit iisa lang talaga ang tanging solusyon. Iisa ang kailangan kong I give up."Ms. Bocago. Are you still there?""Yes Sir,""Okay, ganito na lang move mo na lang next week ang meeting ko kay Mr. Atienza," mabilis kong sagot sa sekretarya ko. Napailing pa ako dahil giniit nito ang nasabing meeting."Sir? Ano po kasi Sir Rowan. Importante daw po kayo makausap–""Narinig mo naman siguro ang sinabi ko?" saad ko, sa kaniya na may kasamang authoritative kong boses."Narinig mo?'"Yes po,""Okay mabuti at nagkakaintindihan tay
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a