Tunog ng telephone ang nagpagising kay Marycole sa kasarapan ng kan'yang tulog. Naghihikab na sinagot niya ito sa right side ng kaniyang higaan habang nanatiling nakahiga.
"H-hello..," wika niya na halatang inaantok pa."Anak ang Papa mo sinugod namin sa ospital kaninang hatinggabi dahil sa biglaan paninikip ng kaniyang dibdib, medyo stable naman ang pakiramdam niya ngayon ayon sa doctor," mahabang litanya ng Mama niya sa kabilang linya.Tiningnan niya ang orasan sa dingding pasado alas-siyete ng umaga. At kung hindi siya nagkakamali alas-kwarto na ng hapon ngayon sa Pilipinas."Mabuti naman Ma, at ayos na ang kalagayan ni Papa,""Pero anak, pinauuwi ka ng iyong ama sa lalong madaling panahon. Madalas ka niyang tanungin kung nakontak na raw ba kita," ani agad ng Mama ni Marycole sa kaniya."Ma..! Alam mo naman na hindi ganoon kadaling maiwan ang mga commitment dito. Three months pa ang expired ng kontrata ko," sagot pa ni Marycole sa kanyang, Mama. Ngunit narinig niyang tila bumuntong-hininga ito kaya slight siyang na konsensya."Kahit na saglit lang? Kailangn ka ng Daddy mo ngayon anak, kailan ka uuwi? Pag wala na ang 'yong Ama?!" patuloy na sermon ng Ina sa kaniya."Hindi naman sa ganoon Mom, hindi ko naman basta pwedeng baliin ang kontrata ng gan'on lang kabilis, ako naman ang hahabulin ng modeling agency," katwiran pa niya sa Ina na nanenermon sa kabilang linya.Isa siyang sikat na ramp model at naka base sa London. Bihira ang nabibigyan ng ganitong opportunity para makilala sa modeling world at isa si Marycole ang mapalad sa nasabing career.Nakapanghihinayang kung basta na lamang niya ito bibitawan. Hindi rin biro ang pinagdaanan niya para maabot kung ano ang narating niya ngayon.Dito na siya nanirahan sa loob ng five years, walang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanya bilang isang top model sa buong bansa."Okay Ma, i will try, sasabihin ko kaagad sa manager ko ang tungkol dito," pagsuko ni Marycole sa kanyang Mama.Sana mabigyan siya nang early vacation. Plan niya rin naman na mag bakasyon ng ilang araw pagkatapos kaniyang kontrata.Pakikiusapan na lang niya ang manager na e, move ng maaga ang binabalak niyang bakasyon."Aasahan namin iyan anak ha!" inikot niya mata dahil mukhang umaasa na ang Ina sa kaniyang pag-uwi.'Good luck self kung papanigan ka ni Manager,' Napabuntung-hininga bulong ni Marycole.Halatang excited naman ito at binabaan agad siya ng phone ng masigurado na uuwi talaga siya. Ayaw pa sana niyang umuwi ng Pilipinas dahil sa isang tao na labis siyang sinaktan.'Ikaw lang kasi ang umasa kaya move-on na,' kontra agad ng kaniyang isip.Napakurap si Marycole ng bumalik sa ala-ala noong lihim siyang nagmamahal sa binata.Labing walong taon siya noon nang umpisa siyang ma- inlove sa binata at ang akala niya ay possible din na magkagusto ito sa kaniya ay hindi nangyare.Abala ang lahat ng tao sa mansyon ng mga Barraca dahil sa pag diriwang ng labing walong kaarawan ng nag-iisang anak at tagapagmana ng Barraca textile company na matatagpuan sa Antipolo Rizal.Excited ang lahat lalo na ang birthday celebrant na bakas sa mukha ang labis na saya.Napaganda nito at lalo pang tumingkad ng maayusan ng hired na stylist para sa debut nito.Namangha siya sa kanyang nakita sa harap ng salamin. Feeling niya siya ang pinakamaganda sa lahat dahil sa ayos niya 'yon. Morena ang kulay ng kanyang makinis na balat at sa edad na Disiotso may taas na siyang five six. Biniyayaan din siya ng balingkinitan na katawan na kinaiingitan ng mga kaedaran niyang dalaga.Karamihan ay nagsasabi payat daw siya ang iba naman ay ayos lang. Ito naman ang katawan na papasa pang modelo.Hindi na siya makapag-antay na makasayaw ang binata. Siguro mas makisig ang hitsura nito ngayon. Gwapo at matcho na ito, pero ngayon mas lalo na siguro dahil ngayon lang niya makikita na naka suot ito ng tuxedo.Madalas na simpleng t-shirt at maong pants lang ang madalas na suot ng binata. Halos naman ganoon ang suot kasama ng mga kaibigan nito ngunit walang tulak kabigin sa panlabas na anyo. 'Wag ng idagdag ang kanilang kasikatan sa pagpapatakbo ng mga sariling negosyo.Nilapitan siya ng nakangiti Ina na kakarating lang. Hinaplos nang marahan ang mukha niya."Dalaga ka na talaga, anak ko. Panigurado pipilahan ka ng mga manliligaw," Nakangiti nitong sabi habang nakahaplos sa buhok niya."Ma...!""Oo na nag-Iisang lalaki lang ang crush mo at gusto mo maging boyfriend at balang araw ay maging asawa. Kabisado ko na 'yan anak sa araw-araw mo na k'wento sa 'kin," kaya naman pareho silang nagtawanan na mag Nanay.Yumakap siya sa kanyang Mama. Napakabait nito, maituturing niya na best friend kahit kaliit-liitan na detalye ay nasasabi niya sa Ina. Lahat ng lihim niya ay alam nito. Mama niya ang gumawa ng paraan upang maging escort niya si Rowan sa kaniyang debut. Ang ultimate dream niya. Ang akala niya noon ay simpleng crush lang pero habang tumatagal ay mahal niya na ang binata. Kung iisipin ay masyado pa siyang bata, sa edad nitong twenty five pero sadyang assuming siya at patuloy na umaasa na balang araw mapapansin siya ng binata.Nagumpisa ang paghanga niya sa binata nang isama siya ng pinsan niyang si Wyatt sa kaarawan ng isa sa kaibigan nito. Mula noon naging stalker na siya nito, kahit na magazine ay pinapatos niyang bilhin pagka ito ang cover at itatago sa kwarto. Halos lahat ng mga magazine basta kasama ang binata nakikipag-unahan ang dalagita sa kopya.Kahit sa social media account hindi niya pinalampas sa pag-stalk sa nasabing binata. Masisi ba siya kung lahat ng katangian na hahanapin ng isang babae ay nasalo nito.Nag-umpisa nang mag anunsyo ang emcee sa kaniyang party, in fithteen minutes ay pormal ng mag-uumpisa ang cottillion. Nagumpisang pagpawisan si Marycole dahil hindi pa dumadating ang binata.Pinilit niyang ngumiti sa mga bisita at hindi pinahahalata na tensyonado siya sa oras na 'yon.Alam niya darating ito, dahil pinuntahan niya ito noong isang lingo bago sumapit ang birthday party niya. Personal niyang inabutan ito ng invitation at nangako rin naman ang binata sa kan'ya na darating ito.Okay in count of one to ten ay official nang u-umpisahan ang pagdiriwang.Hindi alintana ni Marycole ang pagbilang ng host. Ang tanging nasa isip ay bakit wala pa ang binata rito. Gusto niya umiyak sa harap ng mga tao, pinilit niya lamang na pigilan ito. Kahit ngumiti siya sa masayang mga bisita ay hindi naman umabot sa malungkot niyang mata.Aakalain ng mga bisita na masaya siya sa bonggang party na ito. Pero ang totoo sugatan ang kaniyang puso.Hinatid siya ng magulang sa gitna ng pavilion at ang Papa niya ang unang kasayaw hanggang sa matapos ang pang labing-pitong niyang kasayaw ay lumapit ang pinsan niya."Happy birthday Princess,"Hinalikan siya nito sa noo at inalalayan sa gitna ng bulwagan, pinsan niya ang naging last dance na dapat ang binatang si Rowan."Cheer up, Princess. Sayang ang mamahalin na make up kung malulusaw sa iyong luha.""Kuya siguro ang pangit ko? Kasi hindi siya sa 'kin magkagusto," sumbong niya sa Pinsan.Malapit silang magpinsan dahil pareho lang silang nag-iisang Anak, kaaya madalas noon sila ng Ina sa bahay niyo para mag laro silang dalawa.Ang problema ayaw siya nito kalaro dahil Pitong taon ang tanda nito sa kanya at kung hindi siya nagkakamali magkakasing edad lang silang magkakaibigan."Kahit kaibigan ko 'yon sasapakin ko siya para sayo." Tumawa siya sa sinabi ng pinsan, alam niya naman na hindi nito gagawin 'yon. Mga mag-be-bestfriend ang mga iyo at hindi natitibag.Kinabukasan nagpunta ang binata sa kanilang bahay, hindi niya ito hinarap masyado nitong nasakatan ang puso niya. Lalo na at nalaman niya, na kaya hindi ito nakarating dahil sa girlfriend nito na maarte.Lumipas pa ang mga taon hindi na niya pinansin ang binata. Nagkaroon naman siya ng boyfriend pero mabilis lang ang relasyon. Break agad ang kinahahantungan nila. Siguro a-aminin niya hindi pa siya totally nag move-on sa lihim na damdamin para sa binata.Nagtapos siya ng collage na pinutol ang komunikasyon dito. Nang may nag offer na modeling, tinanggap niya ito para makalimot na din sa sugatan niyang puso. Kahit na malayo sa pamilya niya ay kinaya niya ito.Pero Isa lang ang hindi siya sigurado, kahit lumipas ang mga taon ang binata pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso.MARYCOLEKasama ng kanyang apat na barkadang lalaki, ay masayang naglalakad palabas si Marycole sa eskwelahang pinapasukan."Cole, antayin namin na dumating ang sundo mo bago kami umuwi," wika ng kaniyang mga kaibigan.Madalas pagkamalan na manliligaw niya ang mga ito. Lalo na si Jethro na siyang maloko sa kanilang lima, at bukod tanging tumatawag sa kanya ng babe, na siyang madalas taasan ng kilay ng mga babaeng may crush dito.Hindi niya naman kagustuhan ang maging malapit sa mga ito sadya lamang na mas komportable siya na lalaki ang kaibigan niya, ayaw din niya sa mga babae at lahat maarte walang ginawa ang palaging magpa-cute sa mga boys."Ako na ang bahala dito sa babe ko mga tol, mauna na kayo," wika ni Jethro sabay akbay kay Marycole."Tsk! Para-paraan tayo noh," wika niya sa kaibigan, sabay siko sa tagiliran."Ouch! Naman babe- hindi pa ako naguumpisa sa panliligaw sa'yo under mo agad," wika nito sa kanya.Tinawanan lamang niya ang kalokohan, at inalis ang brasong nakaakbay sa
MARYCOLEMadilim pa nang siya ay sunduin ng pinsan sa kanilang bahay. Nang nasa biyahe na sila dinalaw nang antok si Marycole kaya naman naisipan niyang umidlip habang nasa biyahe sila."Kuya, gisingin mo na lang ako pag andoon na tayo," wika niya sa pinsan at umayos ng puwesto sa pag-upo."Kawawa naman ako nito, ang akala ko may kausap ako sa buong biyahe," sagot ng pinsan niya na si Kuya Wyatt at kunwari pang nalukot ang mukha nito."Sorry na agad Kuya kong pogi at macho, hindi ko lang kayang labanan ang antok ko," naghihikab pa na sagot ni Marycole sa pinsan.May sinasabi pa ito subalit pumikit na siya at hindi na niya pinagkaabalahang pakinggan ang huling sinabi nito."Pambihira kaya sinama para may madaldal sa daan." ani nito na bubulong-bulong.Halos lampas dalawang oras ang biyahe mula Antipolo papuntang Laguna kaya mahaba ang naging tulog niya."Princess, gising na andito na tayo." Mahinang tapik nito sa balikat niya. Inaantok na umayos siya ng upo. Hindi na niya inantay na pa
MARYCOLEPakiramdam ni Marycole ay nakasunod ang tingin ng binata na si Rowan sa likuran niya nang lumakad siya paalis sa komedor Muntik pa siyang matapilok sa pagmamadali nang lakad dahil sa pagkailang.'Easy ka lang kasi Cole, parang tingin lang as if naman sure ka na nakatingin sa likuran mo,' kastigo pa ni Marycole sa sariling kahibangan.Nakahinga siya nang maluwag ng marating niya ang kwarto na hindi lumingon sa binata. Pabagsak na humiga siya sa kama pagkarating sa kwarto.'Bakit naman kaya ganito ang pakiramdam ko?' mahina niyang tanong sa kanyang sarili.'Crush mo noh?' naisip niyang sagot. 'Tanda na kaya noon hello,''Matanda ka d'yan pero kinakabahan pag katabi, urgh!' nayayamot niyang bulong habang nakahiga sa kama.Nagkulong na lamang siya sa loob ng kwarto, tiyak na inuman at kwentuhan lang ang gagawin ng mga kasama ng pinsan niya.Ganito ang mga ito pagmayroon birthday ang Isa sa barkada, ito ang favorite na tambayan ng kung sino ang may kaarawan.Dahil hindi siya dal
MARYCOLE "Ladies first," sabi pa ni Rowan ng alanganin ako kumilos. Hirap at hindi komportable ang kilos ko dahil sa kaniya seryoso aura habang kasabay ko siyang naglalakad upang pumasok kami sa loob ng resthouse nila kuya Wyatt. Dapat kasi hindi ako sumabay namilit pa kasi ito sa akin, pakiramdam ko tuloy nakabantay siya sa bawat paghakbang ko. Lentek! Umayos ka Marycole. Silipin mo nga ang katabi mo chill lang samantalang ikaw nagpapahalata kang apektado dahil kasama mo siya. Edi sana hindi ka nagpapilit ng ayain kang pumasok kung alam mo pala hindi ka komportable. Echosera ka rin Inday arte-arte. Kutya pa ng isip ko. "Ahmm...akyat na po ako," paalam ko pa sa kaniya ng nasa baba na kami ng hagdan. Pinagmasdan muna niya ako bago siya tumango sa akin. Nagalangan pa sana ako umakyat gusto ko pa sana siya makausap subalit nakahiyaan ko naman magsalita sa harapan niya. Pahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan ng biglang pumihit paharap si Rowan sa akin. Nag-antay ako kung me
MARYCOLELate ako gumising kinabukasan kaya naman nagmamadali ang kilos ko at tumatakbo ng pababa sa hagdanan. Nasa baba pala si Nana Sally na matagal ng kasambahay at naging katuwang ni Mama sa pag-aalaga noong maliit pa ako. Sinita ako nito dahil linampasan ko lang siya ng lakad upang maaga ako pumasok sa eskwela."Hija! Hindi ka mag-a-almusal?" tanong niya sa akin na meron pagtataka sa mukha niya.Ngayon lang ako hindi kakain ng umaga dahil sa puyat kagabi, late akong nagising kanina."Bakit naman kasi ang lalaking 'yon, ay ayaw umalis sa isipan ko. Nakakapagod ang ginagawa nito na pabalik-balik sa isip ko't nakakahilo," mahina kong sabi."Huh? Meron ka sinabi Marycole?" ani ni Nana parang naulinigan ang pagbulong-bulong ko."Po? W-wala po Nana, ibig ko pong sabihin sa school na lang po ako kakain dahil late po ang gising ko. Bye po Nana," natataranta kong sagot sa kaniya. My gosh naintindihan kaya ni Nana, 'yon? Bubulong-bulong ko pang sabi habang mabilis na lumakad palabas ng baha
MARYCOLETahimik lang ako sa kinauupuan ko habang nasa biyahe kami ni Rowan pauwi ng bahay. Minsan tinatapunan ko siya nang tingin subalit mabilis din ako iiwas dahil nahuhuli niya ako sa ginagawa ko.Parang hindi 'ata huhupa ang ulan pakiwari ko lalo pa lumalakas kita ko na ang mataas na tubig sa kalsada na tingin ko ay abo siguro 'yon hanggang kalahati ng binti ko.Matinding katahimikan ang namayani sa amin dalawa ni Rowan. Tanging tunog ng sasakyan niya at ang malakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Nang hindi ako nakatiis sa nakaka bingi katahimikan ay tinanong ko siya kung bakit siya ang nagsundo sa akin ngayon."Uhm, K-kuya, bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagkalukot ang mukha nito bago siya sumagot sa akin. "Tss, Kuya talaga?!" bulong nito. Napanguso ako at nagkunwari na walang narinig."Maysakit daw ang driver n'yo, tumawag ang Yaya mo kay Wyatt na sunduin ka. 'Yon nga lang natapat na may lakad siya kaya pinakiusapan ako na s
MARYCOLELakad takbo ang ginawa ko upang hindi ako mahuli sa klase ko ngayon umaga.Sukat ba naman na inantay ko ang sobrang gabi nang interview ni Rowan kahapon kaya hating-gabi rin ako natulog.Guest ito sa isang business talk show, at dahil isa ako dakilang stalker ng lalaki, ay nagtiyaga ako magpuyat kahit na kailangan kong gumising ng maaga ngayon, ay balewala 'yon sa akin mapanood ko lang si Rowan.Five o'clock ng umaga ang gising ko at halos lampas isang oras ang biyahe mula sa Antipolo hanggang dito sa Makati, kung saan ay grade twelve na ako.Tatlong buwan na lang pala ay mag de- debut na ako. Pero dalawang taon ko ng kilala si Rowan at sa loob ng mga taon na 'yon ay patuloy akong lihim na nagmamahal sa binata. Kung dati ay crush ko lamang siya ngayon ay sigurado na ako, wala ng ibang magugustuhan maliban sa kaniya.Kahit na nga mayroon ng girlfriend ang binata, patuloy pa rin ako humahanga sa kaniya. At nag-aantay pa nga, na animo tanga umaasa na balang araw magkakaroon ng k
MARYCOLEHindi pa din makapaniwala si Marycole na kasama siya ni Rowan sa formal na pagbubukas ng enchanted hotel and golf club ng buong Martinez clan. Pakiramdam niya sobrang importante niya sa binata. Sa dami ng naging babae nito siya ang napiling isama sa okasyon na iyon. Kaya sobra n'yang saya ng araw na iyon kahit na nga panandalian lang iyon wala naman siguro masama ang minsan na mangarap sa katulad niyang may lihim na pagmamahal sa binata.Panaka-naka ay sinusulyapan ni Marycole si Rowan habang sila ay bumibiyahe. Nagtataka siguro ang binata sa 'kinikilos niya kaya naman hindi nakatiis ang binata ay ito na ang kusang nagtanong sa kaniya."May problema baby?" tanong nito sa kanya. Napalunok pa si Marycole dahil kay lambing ng boses ni Rowan kinailangan pa niyang tumikhim bago siya makasagot ng tama rito."A-andoon din ang mga kaibigan mo? Hindi ba nakakahiya lalo na sa pamilya mo at sinama mo pa ako kahit hindi namam kailangn," mahaba niyang sabi.Tumaas ang sulok ng labi nit
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a