Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Lihat lebih banyakMAHIMBING pa ring natutulog si Cearina Guzman nang maramdaman niya ang marahang yugyog sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita si Abigail, ang kanyang kaibigan at kasama sa apartment, na nakatayo sa gilid ng kama niya.
"Cearina, gumising ka na. Hiring ngayon sa SummitBridge Global, baka ma-late ka," mahina pero may bahid ng pag-aalala ang boses ni Abigail.
Napabalikwas si Cearina mula sa kanyang pagkakahiga. Ngayon na nga iyon—ang araw na matagal na niyang inihahanda ang sarili. Walang pag-aalinlangan, bumangon siya at agad na naghanda, pero habang nakatitig sa salamin, hindi maiwasang bumalik sa kanyang isipan ang mga alalahanin.
Kailangan niyang makahanap ng trabaho. Wala na siyang ibang option, wala na rin siyang matatakbuhan. Wala na siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya. Simula nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa sakit, natutunan niyang maging isang independent woman. Ang kanyang ama? Bumuo na ng sariling pamilya at tila wala na siyang puwang sa buhay nito.
Mabilis na naglaro sa kanyang isip ang lahat ng nangyari sa nakaraang tatlong taon. Sa edad na bente anyos ay nakapagtapos siya sa kursong Business Administration, ngayong bente tres na siya hindi naging madali ang paghahanap ng trabaho. Ang mundo niya ay lumiliit—ang ipon niya, halos paubos na. Ang tanging alam niya, kailangan niyang magtagumpay ngayon o tuluyan na siyang mawalan ng pangarap at tahanan.
Pagdating niya sa SummitBridge Global, halos bumagsak ang balikat niya.
Ang haba ng pila. Napakarami nilang aplikante—lahat handang makipagsapalaran para sa iisang trabaho. SummitBridge Global ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas, at ngayong nandito na siya, halos hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Ano ba ang laban niya sa mga ito?
"Kaya ko ba talaga ‘to?"
Pero wala na siyang ibang choice. Kailangan niyang subukan.
Habang nakapila, hawak niya ang mga dokumento nang mahigpit, pilit na pinapatahan ang kabang nararamdaman. Nang tinawag ang pangalan niya, ramdam niyang bumigat ang mga paa niya. Pero walang atrasan. Nagsimula siyang maglakad papasok ng opisina.
Pagbukas ng pinto—parang tumigil ang mundo ni Cearina.
Si Ezekiel Wang.
Siya.
Tatlong taon. Tatlong taon mula nang naghiwalay sila. Iniwan niya ng walang kahit anong salita. Ang tanging iniwan niya kay Ezekiel ay sakit. Si Ezekiel, ang dating minahal niya nang buong puso, at iniwan niya kahit ayaw niya—para sa pangarap nito. Pero ano ang alam ng lalaki? Walang alam si Ezekiel kung bakit siya nawala. Walang alam sa sakripisyo na ginawa niya.
Mula sa kanyang kinatatayuan, malamig na tinitigan siya ni Ezekiel. Walang bakas ng emosyon. Ang init ng mga dating alaala ay napalitan ng lamig na parang yelo. Tila ba wala na siyang halaga para sa kanya.
“Ms. Guzman,” malamig na bati nito, walang pag-aalinlangan sa boses. “You’re here for the assistant position?”
Natulala si Cearina sandali bago niya muling naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang dating Ezekiel na minahal niya ay nakatayo sa harapan niya, ngayon ay ibang-iba na. Tumango siya. Walang masabi.
"So, tell me," malamig na tanong ni Ezekiel. “What makes you think you’re qualified for this role?”
Huminga siya nang malalim.
“Nagtapos ako ng Business Administration at may experience na rin ako sa pagiging assistant…” Malakas na kabog ng puso niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili, pero ramdam niyang hindi mapigil ang pagkakaba niya.
Alam niya kung bakit ganoon magtanong si Ezekiel. Alam niyang may natitirang galit ito sa kanya. Ang mga mata nito, tila may laman. Alam niyang si Ezekiel ang tipo ng taong hindi basta nakakalimot. Iniwan niya ito. Hindi na siya nagpakita. Ngayon, eto siya, nag-aapply sa kumpanyang hindi niya inakalang pagmamay-ari nito.
Nagpatuloy si Ezekiel, malamig ang mga tanong. “But do you really think you can handle the pressure here? SummitBridge is no joke, Ms. Guzman.”
Sa bawat tanong nito, nararamdaman ni Cearina ang galit na tila tinatago sa bawat salita. Hindi lang ito isang ordinaryong interview. Ito ang muling pagkikita nilang dalawa—ang ex-boyfriend na minahal niya noon, ngayon ay isang boss na tila handa siyang gapiin.
At wala siyang magawa kundi harapin ang lahat.
“Handa po ako,” sagot niya, sinusubukang gawing matatag ang boses. “Gagawin ko po ang lahat para patunayan na kaya ko.”
Tumango si Ezekiel, pero ang mga mata nito ay sinusukat siya.
“Prove it, then.” Ang bawat salita nito ay tila may bigat. “SummitBridge isn’t for the weak. I hope you know what you're getting yourself into.”
Alam ni Cearina ang nararamdaman ng lalaki. Galit. Tama si Ezekiel, hindi ito basta-bastang kumpanya. Pero handa siya. Kailangang patunayan niya sa sarili at kay Ezekiel na kaya niya. Pero sa bawat sagot niya, alam niyang may distansya pa rin sa pagitan nila—isang distansyang gawa ng kanilang nakaraan.
Lumabas siya ng opisina na parang nabunutan ng tinik sa dibdib, pero ang sakit at bigat ay nananatili. Ang muling pagkikita nila ni Ezekiel ay hindi naging madali, at kahit pa anong pilit niya, hindi niya kayang itago ang katotohanang mahal pa rin niya ito.
Habang papalayo siya sa SummitBridge, pakiramdam niya ay mas lalo siyang bumibigat sa bawat hakbang.
Lahat ng alaala, parang isang pelikulang bumalik bigla sa isipan ni Cearina—lahat ng masasayang sandali, mga pangakong akala niya'y panghabangbuhay na. Pero ngayon, ang dami nang nagbago. Siya pa rin pala ang talo sa huli, kahit na iniwan niya si Ezekiel para sa ikabubuti ng kinabukasan nito.
Huminga siya nang malalim at pabulong na nagtanong sa sarili, "Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?"
Pagdating niya sa kanyang apartment, halos bumagsak siya sa sofa. Pagod—hindi lang sa pisikal, kundi sa emosyon. Pinipilit niyang maging kalmado, pero hindi maiwasang maramdaman ang bigat ng lungkot at sakit sa dibdib. Nang makita siya ng kaibigan niyang si Abigail, agad itong lumapit, ang mga kilay ay nakakunot sa pag-aalala.
"Cearina, anong nangyari? Mukhang hindi maganda," tanong nito habang nauupo sa tabi niya.
Napatingin si Cearina sa sahig, parang sinusubukan i-process ang mga nangyari. “Na-interview ako sa SummitBridge Global kanina... at si Ezekiel ang nag-interview sa akin.”
Halos humigpit ang dibdib ni Cearina nang bigkasin ang pangalan ni Ezekiel. "Ang sakit, Abigail. Akala ko kaya ko, pero nung makita ko siya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Lahat ng alaala namin, bumalik. Yung mga masasaya, pati yung mga sakit."
“Galit pa rin ba siya sa’yo?” tanong ni Abigail, nakatingin nang maigi, halatang curious at nag-aalala para sa kaibigan.
“Oo, siguro. Hindi ko masabi. Pero alam ko na para sa kanya, ako ang nang-iwan. Ako yung babaeng bumitaw, at wala siyang ideya na ginawa ko lang ‘yon para sa kapakanan niya. Para sa future niya.”
Napatigil si Abigail, nag-isip bago sumagot. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Cearina. Hindi mo kailangan maghabol ng validation mula sa kanya. Atsaka, baka wala na siyang pakialam sa past."
“Pero iba pa rin ‘yun eh,” sabat ni Cearina, tila naguguluhan. "What if ma-hire ako? Paano kung araw-araw ko siyang makita? Paano kung maging constant reminder siya ng lahat ng mga nangyari sa amin?"
Huminga siya nang malalim, parang pinipilit intindihin ang sitwasyon. "Okay lang naman sa akin kung hindi ako matanggap. Hindi naman ako umaasa na matatanggap ako sa trabaho, lalo na kung siya pa ang boss."
Pero kahit anong pilit niyang sabihin iyon, alam niyang hindi ganun kadali. Hindi lahat ng bagay kayang takasan.
"Sakaling hindi ako matanggap, edi hanap na lang ng ibang kumpanya. Marami namang opportunities, diba?" tuloy niya, pilit na ini-aassure ang sarili.
Tahimik lang si Abigail, nakatingin sa kaibigan niyang halatang aligaga. "Mahal mo pa rin siya, no?"
Parang kinurot ang puso ni Cearina sa tanong ni Abigail. "Oo eh. Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit ko, hindi ko kayang itago ‘yung nararamdaman ko.”
Nakita ni Abigail ang pangingilid ng luha sa mata ni Cearina. Tumayo siya at yumakap, pinapakalma ang kaibigan. “Cearina, hindi mo kailangan itago ‘yang nararamdaman mo. Pero tandaan mo rin, hindi dapat umikot ang buhay mo sa isang tao lang.”
"Alam ko, pero... paano kung mali ang naging desisyon ko? Paano kung siya pa rin talaga ang para sa akin?" tanong ni Cearina, ang boses niya ay puno ng panghihinayang.
“Tama na. Nandito ako, hindi ka nag-iisa,” sagot ni Abigail, pinipilit ang kaibigan na tingnan ang mas malawak na perspektibo. "Buksan mo ulit ang puso mo, Cearina. Huwag kang magpakulong sa past."
Nagpasalamat si Cearina, pero alam niyang kailangan niya ng mas maraming oras para sa sarili. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang luha, at nagdesisyong subukan mag-move on, kahit masakit.
Binuksan niya ang laptop, at para bang nadala ng curiosity, sinubukan niyang i-search si Ezekiel sa F******k. Nang makita niya ang mga litrato nito, kasama ang isang babae, parang bigla siyang natulala. Mala-artista ang itsura ng kasama ni Ezekiel—at ang saya nila.
Halos maramdaman niya ang inggit na unti-unting bumabalot sa puso niya. Parang bumalik ang pakiramdam na hindi na siya sapat. "Akala ko ba nakamove on na ako?" tanong niya sa sarili.
Tumingin siya sa kisame, pilit na inaayos ang kanyang damdamin. "Kung masaya na siya, okay na ‘yun," pabulong niyang sabi. Pero kahit pilitin niyang magpakatatag, hindi niya maiwasang maramdaman na naiiwan siya sa lahat ng plano at pangarap na dati, silang dalawa ang bumubuo.
Humiga siya sa kama, pinikit ang mga mata, at pinakawalan ang mga luha.
Nang dumating ang araw ng kanilang kasal, ang paligid ay puno ng mga bulaklak, at ang simoy ng hangin ay tila nagdadala ng mga dalang ligaya. Ang simbahan ay nag-uumapaw ng mga kaibigan at pamilya na naghintay sa malaking okasyong ito. Si Cearina, nakasuot ng isang napakagandang puting gown, ay tila isang prinsesa habang lumalakad siya patungo kay Ezekiel, na nag-aantay sa altar. Ang kanyang puso ay tumitibok ng mabilis, puno ng pag-asa at saya.Ang mga mata ni Ezekiel ay punung-puno ng pagmamahal habang tinitingnan niya si Cearina. Minsan, ang mga simpleng bagay ay nagiging pinaka-mahalaga, at sa oras na iyon, naramdaman niya ang hirap at ligaya na nagdala sa kanila sa araw na ito. Ang kanilang mga mata ay nagtagpo, at sa bawat hakbang ni Cearina, ang damdamin sa hangin ay tila nagiging mas matindi.“Cearina, handa ka na ba?” tanong ni Ezekiel habang kinukuha ang kanyang kamay.“Handa na akong magsimula ng bagong buhay kasama ka,” sagot ni Cearina, ang ngiti ay nagliliwanag sa kanyan
Habang unti-unting nagiging tahimik ang paligid, ang liwanag ng mga bituin ay tila nagbibigay liwanag sa kanilang pag-iisa. Si Ezekiel at Cearina ay nakaupo sa paligid ng picnic blanket, nakangiti sa isa’t isa. Ang mga alon ng hangin ay nagdadala ng malamig na simoy, at sa bawat pagsayaw ng mga dahon, tila sinasabi sa kanila na ito na ang simula ng kanilang masayang kabanata.“Sa lahat ng mga nangyari, hindi ko naisip na darating tayo sa puntong ito,” sabi ni Cearina, puno ng damdamin. “Sobrang saya ko, Ezekiel. Sa mga nakaraang linggo, ramdam ko ang pagbabalik ng pagmamahal mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tumingin sa mga mata ni Cearina. “Alam mo, sa bawat araw na lumipas, lalo kitang nakikilala. Ang mga simpleng bagay na ginagawa mo, ang pag-aalaga mo sa akin, at ang mga pangarap natin ay nagbigay inspirasyon sa akin na mas pagbutihin ang ating relasyon. Gusto kong maging mas mabuting tao para sa’yo,” tugon niya, puno ng sinseridad.“Ezekiel, hindi mo kailangan magbago para sa ak
Matapos ang masayang kasal, nagsimula na ang bagong kabanata sa buhay nina Ezekiel at Cearina. Ang kanilang mga bisita ay nag-uwian, nagbigay ng huling pagbati at mga regalo, habang ang mag-asawa ay nanatiling nakatayo sa venue, pinagmamasdan ang kanilang bagong simula. Nais ni Ezekiel na suriin ang bawat detalye ng kanilang araw, pero ang puso niya ay puno ng saya. “Minsan, parang hindi ko maubos maisip na kasal na tayo. Ang saya saya ko, Ezekiel!” ani Cearina, na masayang nakangiti sa kanya. Nakita ni Ezekiel ang mga ngiti sa mukha ng kanyang asawa, at tila ang lahat ng pagod at alalahanin ay nawala.“Talagang totoo ang lahat. Ngayon, mas magiging abala tayo sa mga susunod na araw. Ano sa tingin mo?” tanong ni Ezekiel habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Cearina. “Marami tayong dapat asikasuhin. Kailangan natin ng plano.”“Alam ko. Pero masaya ako dahil tayo ang magkasama sa lahat ng ito,” sagot ni Cearina, na tila napaka-puno ng pag-asa. “Kaya naman hindi ko alintana ang l
Habang patuloy ang kanilang mga plano, sinimulan nilang ipatupad ang kanilang mga ideya para sa kasal. Nag-set sila ng mga meeting kasama ang mga wedding planner at nag-research ng mga posible nilang maging supplier. Kadalasang umaabot ang kanilang mga usapan hanggang madaling araw, puno ng tawanan at mga ideya na lumalabas mula sa kanilang mga isip. “Cearina, sa palagay mo, dapat ba tayong kumuha ng photographer?” tanong ni Ezekiel habang nagbabalot ng mga idea sa notebook. “Oo, mahalaga ang mga litrato, kasi ito ang magiging alaala natin. Pero gusto ko ng photographer na kayang ipakita ang tunay na emosyon ng ating kasal,” tugon ni Cearina. “Gusto ko ang mga candid shots, y’know? Yung mga nakuhanan na hindi napaghandaan.”“Magandang ideya ‘yan. Kaya siguro dapat tayong maghanap ng mga rekomendasyon,” sagot ni Ezekiel habang sinimulan ang listahan ng mga photographer na puwede nilang pagpilian.Habang nagpapatuloy ang kanilang pag-uusap, napansin ni Cearina na unti-unting bumabalik
Sa kabila ng mga naganap na pagtanggap mula sa kanilang pamilya, hindi maikakaila na nagdala ito ng bagong responsibilidad kay Ezekiel at Cearina. Ngayon, hindi lamang sila nagplano para sa kanilang sarili, kundi para rin sa kanilang pamilya. Ang bawat pag-uusap ay nagiging mas seryoso, puno ng mga detalye at mga ideya tungkol sa kanilang hinaharap. Habang patuloy na lumalalim ang kanilang relasyon, unti-unti rin nilang napagtanto ang halaga ng komunikasyon at pag-unawa.Minsan, nagkasama silang umupo sa kanilang paboritong kapehan sa bayan. Ang araw ay maliwanag at mainit, at tila bawat sip ng kanilang kape ay puno ng pangako. “Ano na ang mga susunod na hakbang natin, Ezekiel?” tanong ni Cearina habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid na tila abala sa kanilang buhay.“Sa tingin ko, magandang simulan natin ang mga preparasyon para sa kasal,” sagot ni Ezekiel. “Nais kong makilala mo pa ang mga tao sa paligid natin, at gusto kong makita mong paano mo maipapakita ang iyong mga ideya
Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting bumalik ang sigla sa pagitan ni Cearina at Ezekiel. Matapos ang mga linggong puno ng pag-aalala at tensyon, nagbago ang kanilang sitwasyon. Mula sa malayo at malamig na interaksyon, unti-unti silang nagkabalikan sa dating masaya at magkasintahang relasyon.Isang umaga, nagpasya si Cearina na magluto ng almusal. Nakaramdam siya ng kakaibang saya habang inihahanda ang mga paborito ni Ezekiel. Ang mga simpleng bagay na ito ay naging bahagi ng kanilang buhay na nagbigay-diin sa kanilang ugnayan. Habang pinapainit ang kawali, naisip ni Cearina ang mga masasayang alaala ng kanilang mga oras na magkasama. Madalas silang nagtatawanan, nagkukwentuhan, at nagbabay-bay ng mga pangarap.“Cearina! Ang bango! Ano ‘yan?” tanong ni Ezekiel mula sa likod, na nagdulot ng kilig sa kanyang puso.“Almusal! Lika na, kumain na tayo,” sagot ni Cearina, na may kasamang ngiti. Ipinakita niya kay Ezekiel ang mga nilutong pancake, bacon, at prutas.“Wow, ang saya naman!
Patuloy ang pag-ikot ng oras sa kanilang buhay. Ang mga araw ay puno ng mga proyekto at gawain, at tila walang hanggan ang kanilang mga responsibilidad. Ngunit sa kabila ng mga hamon, ang kanilang pag-ibig ni Ezekiel ay lalo pang tumitibay. Sa bawat oras na magkasama sila, nagiging mas malinaw ang kanilang mga pangarap at ambisyon, hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi para sa mga batang kanilang tinutulungan.Isang umaga, nagpasya si Cearina na dumaan sa paaralan ng mga bata. Alam niyang kinakailangan ng mga estudyante ang inspirasyon at atensyon. Nang makarating siya, tumambad sa kanya ang mga bata na naglalaro sa playground. Ang kanilang mga tawanan at sigawan ay tila himig na bumabalot sa kanyang puso. “Magandang umaga, mga bata!” bati ni Cearina, na sinusundan ng ngiti.“Good morning, Ate Cearina!” sabay-sabay na sagot ng mga bata, puno ng sigla at saya.Nakita ni Cearina ang isang grupo ng mga bata na nakaupo sa ilalim ng puno, tila nag-uusap. Lumapit siya sa kanila. “
Makalipas ang ilang linggo, mas naging abala si Cearina at Ezekiel sa kanilang proyekto. Sa araw-araw na pagtutulungan, unti-unting nahuhubog ang kanilang samahan. Madalas silang magkasama, hindi lamang sa opisina kundi pati na rin sa mga simpleng aktibidad, tulad ng pag-aalaga sa mga kabataan at mga outreach program. Ang kanilang pagtutulungan ay nagbukas ng mas malalim na pag-unawa sa isa’t isa, at sa bawat tawanan at kwentuhan, unti-unti na silang nagiging mas malapit.Isang araw, habang nag-aayos sila para sa isang workshop, nagtanong si Ezekiel. “Cearina, ano ang mga pangarap mo sa buhay?” May ngiti sa kanyang mga labi, ngunit may kaunting pag-aalinlangan.Nang marinig iyon, napaisip si Cearina. “Maraming mga pangarap, Ezekiel. Gusto kong makapagbigay ng inspirasyon sa mga kabataan. Gusto kong makilala ang aking mga nilalaman sa sining at maghatid ng positibong pagbabago,” sagot niya, puno ng damdamin.“Ang ganda ng layunin mo. At tiyak akong makakamit mo iyon. Kasama mo ako sa b
Nagsimula ang kanilang araw na puno ng masayang alaala at mga pangako. Sa mga susunod na linggo, nagpatuloy ang kanilang pagtutulungan sa mga hamon ng buhay at unti-unting lumalim ang kanilang samahan. Ang mga simpleng bagay, tulad ng pag-uusap habang umiinom ng kape o pag-picnic sa mga park, ay naging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na rutina.Isang araw, nagdesisyon si Cearina na dalawin si Ezekiel sa kanyang opisina. Excited siya sa kanyang plano na magdala ng homemade lunch para sa kanila. Habang naglalakad siya patungo sa building, pinapangarap niyang makita ang ngiti sa mukha ni Ezekiel kapag nakita siya. “Maganda ang araw ngayon,” bulong niya sa sarili habang nilalakbay ang makulay na kalye. “Sana magustuhan niya ang lunch na inihanda ko!”Nang makapasok siya sa opisina, nakita niya ang mga tao na abala sa kanilang gawain, pero tila nagdilim ang kanyang paligid nang makita ang malaking balita sa bulletin board—isang malaking proyekto na kailangang ipasa sa loob ng dalawang l
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen