Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight

last updateLast Updated : 2024-10-21
By:   LadyAva16  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
70Chapters
20.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY No woman could tame a Sandoval like Gaston Pierre, but she did so without even realizing it. The playboy son of a powerful family in Davao vowed to himself that he would not be involved with any woman. For him, women are simply distractions. Before meeting her, he used to play around. Everything around him is a joke, all in good fun. But when he met the young and innocent woman in their hacienda, everything changed. Her innocence and pure heart enchanted him. She redefined his life. He now sees life differently than he did before. She gave him direction, a guide. Camilla is now the light of his life, his everything. But, like all love stories, theirs was tested. Fate played a part. An accident happened. He lost his sight. Living in the dark for years, he punished himself and sought no refuge. He enjoyed living in darkness because it allowed him to see the light. In the darkness, he can see her shine. She's the only light that has kept him alive for years. She is the only star he wants to see every night, but she is nowhere to be found. How long will he wait? Can he still find what's missing? Will the stars align to give another chance to the love they failed to protect? Or will he forever live in darkness, unable to see the brightest stars tonight?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Mula sa mataas na bahagi ng burol na kinatatayuan ko ngayon tanaw ko kung gaano kalawak ang lupang sinasakupan at pag-aari ng mga Sandoval. Hindi maabot ng paningin ko ang hangganan ng lupain nila sa sobrang lawak nito. Ang ulap ng nagkukulay dagat, ang luntiang tanawin, ang mataas na sikat ng araw ay nagbibigay sa akin ng kapayaan. Malayong malayo sa buhay na aking kinagisnan, ang buhay na aking tinakasan at ang buhay na pilit kong kinakalimutan.Sa haciendang ito natagpuan ko ang kapayapaang matagal ko ng pinagdarasal. Dito ako magsisimula ng bago kong buhay kasama ang kaisa-isang taong tunay na nagmalasakit sa akin ang kapatid ng lolo ko si lolo Ignacio.Dito tahimik, payapa at disiplinado ang mga tao. Payak man ang pamumuhay pero makita mo sa kanila ang kasiyahan at ang pagiging kontento.Tanaw ko mula dito sa burol ang nagtatayugang mga puno ng niyog na sumasakop sa pinakamalaking bahagi ng lupa ng hacienda. Sa kabilang bahagi nito makikita ang iba't ibang uri ng mga prutas na...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Celerina San Juan
One of the best roller coaster story that i read!! Green Flag ang lalaki. That why i super like. Walang cheating kaya hands down ke Author! Highly recommended!! Much love author!! Xoxo
2024-11-23 14:46:15
1
user avatar
Arceli Galamgam
Anu po title nung Kay Gustavo Orion sandoval Ms.A
2024-09-07 21:37:40
1
user avatar
Michelle Olaguera Estares Meneses
Ang unang Sandoval na umatungal na parang baka..one of the Best story of Sandoval siblings .........
2024-08-15 02:17:45
1
70 Chapters
Prologue
Mula sa mataas na bahagi ng burol na kinatatayuan ko ngayon tanaw ko kung gaano kalawak ang lupang sinasakupan at pag-aari ng mga Sandoval. Hindi maabot ng paningin ko ang hangganan ng lupain nila sa sobrang lawak nito. Ang ulap ng nagkukulay dagat, ang luntiang tanawin, ang mataas na sikat ng araw ay nagbibigay sa akin ng kapayaan. Malayong malayo sa buhay na aking kinagisnan, ang buhay na aking tinakasan at ang buhay na pilit kong kinakalimutan.Sa haciendang ito natagpuan ko ang kapayapaang matagal ko ng pinagdarasal. Dito ako magsisimula ng bago kong buhay kasama ang kaisa-isang taong tunay na nagmalasakit sa akin ang kapatid ng lolo ko si lolo Ignacio.Dito tahimik, payapa at disiplinado ang mga tao. Payak man ang pamumuhay pero makita mo sa kanila ang kasiyahan at ang pagiging kontento.Tanaw ko mula dito sa burol ang nagtatayugang mga puno ng niyog na sumasakop sa pinakamalaking bahagi ng lupa ng hacienda. Sa kabilang bahagi nito makikita ang iba't ibang uri ng mga prutas na
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
Chapter 1
" Camilla, dinig mo ba ang balita?" tanong ni Amor. Tumigil pa ito sa pangunguha ng mga ligaw na bulaklak para lang humarap sa akin. Bahagya lang akong sumulyap sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong balita ang ibig niyang sabihin. Sa dami kasi ng mga kinukwento niya sa akin hindi ko na maalala kung alin dun ang tinutukoy niya.Si Amor ang una kong naging kaibigan dito. Scholar din siya ng mga Sandoval at parehas kami ng paaralang pinapasukan. Education ang kinuha niya dahil gusto niya daw maging guro, habang ako naman ay nursing dahil gusto kong magtrabaho sa hospital. Isa pa nagagandahan ako sa mga nurses lalo na kapag naka-uniporme na ang mga ito kaya gusto kong gumaya.Andito kami kami ngayon sa mababang bahagi ng burol. Hindi na kami tumuloy doon sa taas dahil natatakot akong baka bumalik na naman yong lalaking kulay asul ang mata at magpakita sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa makalimutan ang ginawa niyang pagkukunwari. Takot na takot pa naman ako noon, yun pala nagpa
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
Chapter 2
Agad kong iniwas ang tingin kay Amor dahil ayoko sa ganun topic. Palgi ko na lang kasi naririnig yan. Porke ba maganda ang kutis mayaman agad, paano na lang kaming mahihirap wala ng karapatan?"Wala sa sabon yan Amor, nasa pagligo yan." biro ko para maiba ang topic namin. " Hilod lang sapat na, samahan mo na din ng dasal." Biglang nanlaki ang mga mata nito sa akin kaya lalo akong natawa. "Ligo at dasal ang kailangan gawin Mor mga sampung beses.""Ganyan din naman ang ginagawa ko ah, umabot na nga siguro isang milyon pero waley parin, may kasamang hilod pa nga eh." pakikisakay nito sa biro ko. "Pero siguro kahit anong gawin ko hindi na ako puputi kagaya mo."Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Amor pati ang kutis niya. Morena ito, kulay itim ang buhok, medyo singkit ang mata, tamang tangos lang ng ilong at medyo may kakapalan ang labi niya, pero maganda naman ito para sa akin."I don't get why your standard of beauty is being white. Hindi porket, morena ka, hindi ka na maganda. Mas
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
Chapter 3
Inis na inis pa rin ako pagdating ko sa bahay namin ni Lolo. Sino ang hindi maiinis kung ang lalaki palang pinapantasya ng kaibigan ko at ang nakababatang senyorito ay iisa lang pala sa lalaking nagnanakaw ng halik sa akin. May lakas na loob pa talaga itong pagtawanan ako sa harap ng kaibigan ko kanina. Hambog! Akala niya naman gwapong-gwapo ako sa kanya. Si Amor din naman kasi,masyadong nagpapahalata. Feeling tuloy ng kumag na yun siya ang pinaka gwapong maligno sa balat na lupa.Akala niya siguro lahat ng babae dito sa lugar nila mahuhumaling sa kagwapuhan niya. Pwes ibahin niya ako. Kahit kulay asul pa ang mga mata niya, hindi ako madadala sa karisma niya. Never! never! never! "Apo, andyan ka na pala." tawag ni lolo ng mapansin nyang dumating na ako. "Mag-init ka ng tubig, pupunta si senyorito dito mamaya may pag-uusapan kaming mahalaga." sabi nito at lumabas ng bahay para siguro mag-abang kay senyorito...Gustavo?Napaisip pa ako dahil hindi naman binanggit ni Lolo kung sinong se
last updateLast Updated : 2024-08-08
Read more
Chapter 4
"Lo, ang sarap naman ng apo mo..."Natigil ako sa tangkang paglabas pagkarinig ko sa boses ng nagsasalita sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ang malokong senyorito na naman ang kausap ni lolo Ignacio ngayon. Alas sais palang ng umaga andito na naman siya? Wala bang ibang magawa ang senyoritong ito kundi ang mambwesit ng tao?At anong sabi niya? Masarap ako? Bastos!"...I mean ang sarap ng suman na gawa ng apo mo, Lo."Susugurin ko sana ito, mabuti na lang at binawi niya agad. Hindi man lang nahiya, senyorito pa namang naturingan. Wala sa ayos ang bunganga."Masarap talaga magluto ang batang yan? Swerte ko nga at dumating si Camilla sa buhay ko, bukod sa matalino na, masipag pa. Lahat ng gawain dito sa bahay siya na ang gumagawa, mula pagluto, paglaba at paglinis.""Oo nga Lo, mukhang mabait yong apo niyo. Masarap pa...magluto ng ulam. Ang sarap nung tilapya ni Camilla kagabi." May nakabuntot pang tawa sa sinabi niya kahit wala naman akong nakitang nakakatawa.Tilapya ni Camilla...P
last updateLast Updated : 2024-08-08
Read more
Chapter 5
Iniwan ko siya saglit para kunin ang kalamansing napitas ko kagabi. Gagawa na lang ako ng juice habang naghihintay maluto ang talong. Ang tubig na gagamitin ko ay ang tubig na ginamit ka sa pinakuluang kong talbos ng kamote. "Hala magic! Bakit nag-iba ang kulay ng juice, Cam?" amuse nitong tanong sa akin pagkatapos kung pigain ang kalamansi sa pinagkuluan ng camote tops at naging kulay pink ito."Anong tawag sa juice na yan? First time ko makakita ng ganyan ah, nag-iiba ang kulay." parang bata nitong sabi, gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Malamang first time niyang makikita nito dahil hindi naman ito uso sa mansion nila. Malamang sa malamang, fresh fruit juice ang iniinom nila doon. "'To naman, di ako sinasagot, nagtatanong lang e." kunwari nagtatampo nitong sabi kaya napairap ako. "Camote tops juice, senyorito. Ginamit ko ang tubig na pinagkuluan ng talbos ng camote." sagot ko sa kanya."Wow naman! Pwede pala ganun?" tumango lang ako. "Pwede painom? Nauuhaw ako e."Ang
last updateLast Updated : 2024-08-08
Read more
Chapter 6
Gaston Pierre Sandoval, ang matanda, hambog at makulit senyorito ay hindi talaga ako tinantanan buong araw. Konting-konti na lang talaga mabubuhagan ko na ito. Kanina niya pa ako pinepeste, mula sa bahay hanggang dito sa niyogan.Kahit sa pamumulot namin ng mga tuyong dahon ng niyog nakaagapay pa rin ito sa akin. Pakanta-kanta habang nakasakay sa kabayo niya. Pati tuloy mga kasamahan kong skolars ay napapatingin na din sa amin. Hiyang-hiya na ako pero ang mahal na senyorito mukhang tuwang-tuwa pa ito pero hindi lang pinapahalata."Leave that, Camilla." saway niya sa akin ng makita niyang hihilahin ko na yung malaking dahon ng niyog. Masungit akong lumingon sa kanya. Bakit ba pinapakialaman niya ang trabaho ko? As if naman hindi ako sanay sa ganito. Isa pa ayokong mahalata ng mga kasamahan kong may special treatment siya sa akin pero ayaw talaga papipigil ni senyorito."Kaya ko na po, ito senyorito. Sanay na po ako dito." magalang kong sabi kahit deep inside gusto ko na siyang patulan
last updateLast Updated : 2024-08-14
Read more
Chapter 7
"Tell your friends to take the food the helpers prepared for our picnic later." diritso nitong sabi. Dama ko ang gulat ng mga kaibigan ko dahil hindi ko pa naman nabanggit sa kanila na sasama si senyorito. Nakalimutan ko ay hindi pala, hindi ko talaga binanggit dahil hindi ko naman sure kung seryoso siya kanina.But here he is now, confirming. At ako itong parang nalagay sa alanganin. Bakit ba kasi sasama pa siya sa amin? Hindi namin kami close, lalo na ng mga kaibigan ko."Sama po kayo sa amin senyorito?" di napigilang tanong ni Amor. Nagtatanong pa ang mga mata ni Amor na bumaling sa akin dahil hindi sumagot si senyorito sa kanya. "You didn't tell them, Camilla?" may kakaiba sa boses ni senyorito. Hindi ko mapangalanan pero nakadama ako ng takot. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo, nagpaalam na si senyorito kay lolo na sasama siya sa atin ngayon." mahinahon kong sabi sa mga kaibigan ko. Ayoko mang isama si senyorito pero natatakot akong baka totohanin niya ang sinabi niyang ipapas
last updateLast Updated : 2024-08-15
Read more
Chapter 8
"Camilla, akala ko naman naligaw na kayo ni senyorito! Ba't ang tagal niyo? Ano bang ginawa niyo?"Sunod-sunod na tanong sa akin ni Amor pagkalapit ko sa kanila pero mahina lang ang boses niya, sapat lang na kaming dalawa ang makakarinig. Lumagpas ang tingin niya sa akin, hinahanap ng mga mata ang kasama ko. Iniwan ko kasi si Senyorito Gaston na ngayon ay nagtatali pa sa kabayo niyang si Rodrigo doon sa unahan. Sa tagal naming tumigil ni senyorito Gaston doon sa hindi ko alam saang parte ng hacienda hindi na ako magtataka kung magtatanong sila. Kainis kasi ang senyorito, mapag-angkin na nga paladesisyon pa. Ang dami pang bawal na akala mo naman ay kung sinong makapagbawal. Maypa-marka-marka pang nalalaman. Yan tuloy huli kaming dumating. Nakakahiya sa mga kaibigan ko. Baka isipin nilang nagpapahayahay lang ako.Nauna ngang dumating sina Amor, Meling, Jepoy at Longlong dito sa tagpuan namin. Nag-iihaw na ng isda ang mga lalaki habang si Amor at Meling naman ay nag-aayos ng mga pagkain
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more
Chapter 9
"Camilla apo, may pinadala ang Senyorito Gaston." Tumigil ako sa pagtutupi ng mga damit pagkarinig ng pangalan niya. Ilang araw ko na itong hindi nagpapakita dito sa amin. It's not that it's his obligation to show up here pero hindi ko alam parang may kulang. Kahit na wala naman ginagawa ang senyorito kundi ang asarin at kulitin lang ako.Dati wala naman akong pakialam, kaya nga wala akong masyadong kaibigan dito sa hacienda dahil wala ring nagkakalakas loob na dumalaw sa akin maliban kina Longlong at Jepoy. Pero ngayon pakiramdam ko talaga may kulang simula nung hindi na siya nadalaw dito sa amin.Nung araw na naligo kami sa ilog, hinatid niya lang ako pauwi pero after nun hindi na ito nagpakita sa akin. Hindi na rin ito pumupunta at nanggugulo dito sa bahay sa tuwing umaga kaya hindi na kami nagkita. Naging busy din ako dahil pumunta akong university nitong nakaraan para magpa-enroll. "Ano po yun, Lo?" tanong ko. Si Lolo ay nasa harap ng salamin kanina pa sinusuklay ang bagong g
last updateLast Updated : 2024-08-17
Read more
DMCA.com Protection Status