Hindi nakakapagsalita si Allen Holmes na nakilala ni Anthara Murillo bilang isang weird na lalaki. Humingi ito ng tulong sa kanya at nagawa nitong madaliin ang pagdadalawang isip niya. Nakapag desisyon siya agad. Tutulungan niya si Allen kahit na hindi ito makapag salita. Kahit na hindi nito maipaliwanag kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila habang tumatagal silang nagsasama. Mas lumalalim ang ugnayan, mas nagiging mainit ang nararamdaman. Ngunit dahil sa mga emosyon na dumadaloy sa kanila, paano kung ang tahimik ay makapagsalita? Paano kung ang nahihirapan magsabi ng damdamin, makapag kuwento? Paano kung ang bilyonaryong hindi makapagsalita ay sa wakas maibabahagi na ang mga nilalaman ng kanyang puso at isipan?
View MoreILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo
Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy
MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit
Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam
"NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.
Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m
"BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina
TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi
DALI-DALI kong iniwas ang paningin ko sa lalaking kausap ng mga magulang ko malapit sa pintuan ng bahay namin. Kaunting sulyap lang naman sana ang gagawin ko, bakit ang tagal ng mga mata kong bumitaw sa perpekto niyang tindig!Hay nako!Tumayo ako sa pagkakaupo sa malapad na sofa. Naglakad ako at hindi pinahalata ang pagsulyap muli sa matangkad at mukang mahiyaing lalaki na nakatayo sa gilid ng isa ding maskuladong lalaki katulad niya. Umupo ako sa kaharap na sofa na inupuan ko din kanina. Pasulyap sulyap lang ako at paulit ulit ng tayo para umupo na naman sa kaharap na sofa.Tiningnan ko ulit ang lalaki. Nakayuko lang ito at parang sawang sawa ng nakatayo. Kanina ng lumingon ito sa akin, iba ang ekspresyon nito. Ibang iba ngayon sa pagkakayuko at pakikinig niya sa mga usapan ng matatanda sa harap niya.Sa ikalawang pagkakataon, muntik na akong tumakbo ng mabilis at sampalin ng malakas ang lalaking kanina lang ay sinusulyap sulyapan ko lang, ngayon ay lumingon na naman sa ikalawang be...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments