"ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy."Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.
"L-LUIS, tama na. Umalis nalang tayo." Agad na napabaling ang ulo ni Luis sa akin. Ang pikon na ekspresyon niya ay kaagad na napalitan ng naguguluhan. Ngunit, dahan dahan pa rin siyang tumango at tipid na ngumiti sa akin.Halos mawala ang mga mata ko sa gulat at kaba nang mapabaling ang ulo ko sa lalaking ngayon ay hawak hawak na ang kwelyo ni Luis."Al, Huwag mo ng patulan!" rinig kong sigaw ni Damaris na nasa gilid ko na pala at naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang pulso ko. Inilakad niya ako papuntang exit ng Cafe. Habang si Faxon ay inaawat na ang dalawa dahil kaunting tulakan nalang nila ay magsusuntukan na sila.Lumingon ako kila Allen nang nanunubig ang mga mata. Malapit na kami ni Damaris sa labas ng pintuan ngunit tumigil pa rin ako para lang tingnan kung ano na ang nagaganap sa dalawa.Gusto kong tumakbo at puntahan sila para patigilin. Lalo na si Allen. May dugo na siya sa kanyang labi at ang kanyang dibdib ay tumataas baba na."A-Allen…" bulong ko. Nakita kong itinul
"GOD! Ayos lang naman kung maghalikan kayo, e. Basta huwag mo na 'yang ganyan!" halos mapatalon ako dahil sa sigaw ni Mommy. Nandito ako ngayon sa kuwarto nila at nahihiya ako dahil sa nadatnan nilang posisyon namin ni Allen kanina.Masakit pa ang likod ko dahil sa bilis ng pagkakatulak nila kanina sa pintuan."M-Mie, wala, okay? Walang mangyayari. Nadaganan ko lang siya dahil sa pagkakatulak niyo sa pintuan." Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.Narinig ko kaagad ang tikhim ni Mommy. Tiningnan ko siya at nakita kong hindi mapalagay ang mukha niya. Ganoon din kay Daddy. Ngunit, hindi mo masyadong makikita iyon dahil umiiwas siya sa mga mata kong naguguluhan.Galit ba sila?"Bakit?" tanong ko nang nagtataka ang ekspresyon. Ang gulo ng mga mukha nila. Tiningnan ako ni Daddy at saka napabuga ng hangin."Hindi ko alam na mangyayari 'to. Na magagawa niya 'to."Ha?"Sino? Ano'ng ginawa?" nakakunot na ngayon ang noo ko.Bigla bigla nalang silang naging ganito. At kanina pa ako nagtataka kung b
"A-ALLEN?" tawag ko sa nakagapos ngayon sa katawan ko. Nakayakap pa rin ng mahigpit sa akin si Allen at mukhang walang balak akong pakawalan sa mga bisig niya."I-Ijo? Pwede ba naming mahiram muna si—" nabigla ako nang magsalita si Mommy sa gilid ko. Ngunit, mas nagulat ako nang agad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Allen at saka mabilis na lumingon kay Mommy.Nakita kong napayuko kaagad si Mommy nang makalingon na si Allen sa kanya. Nakita kong sinulyapan muna ako ni Allen bago tumango kay Daddy na ngayon ay nasa likod na ni Mommy. Wala na siyang kausap at sa tingin ko, kanina pa nakalabas ang mga lalaking kausap niya kanina."A-Allen…saan ka?" tanong ko nang maglakad siya papuntang pintuan nitong kuwarto.Lumingon siya sa akin at saka ako ilang segundo na tiningnan sa mata. Nakita kong ngumiti siya bago napailing iling na humarap ulit papuntang pintuan.Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.Halos sampalin ko na ng pagkalakas lakas ang ulo ko dahil sa naisip ko.Paano niya
HINDI na ako lumabas o sumunod man lang kay Mommy nang bumalik siya sa labas ng kuwarto at pumuntang kainan nitong resort kung saan daw nandoon si Daddy.Sigurado akong nadoon din si Luis dahil kasama nila si Tito Fanio. Ayokong pumunta doon at makipagplastikan sa kanya at sa Mama niyang wala ng alam kung hindi pagalitan o tanungin si Mommy ng milyon milyong mga tanong about sa pagkakaibigan nila ni Tito Fanio.Napatingin ako sa malapit na lamesa dito sa kama. May maliit na orasan doon at halos mag gagabi na pala dahil sa tagal na nagkulong ako dito sa kuwarto. Kanina pang lunch lumabas si Mommy at ngayon, mag gagabi na ng hindi ko man lang napansin.Umalis ako sa kama at naglakad papuntang teresa nitong kuwarto. Balak ko munang magpahangin para naman kahit sandali ay mawala sa isipan ko ang dalawa.Ngunit, bago ako humakbang roon. Napatingin na ako sa pinto nang medyo may ingay na nabuo roon. Tiningnan ko muna ang nasa labas ng pinto. At nong masiguradong walang tao, pumunta na akong
HINDI ko na mabilang kung ilang ulit ko ng binasa ang kontrata na ibinigay sa akin ni Allen nong nasa teresa pa kami ng kuwarto.Kagat kagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakahiga sa kama at hawak hawak ang papel na ngayon ay medyo nakusot na.Gusto kong lumabas at puntahan sa kabilang kuwarto si Allen para isauli itong kontrata dahil sa nag aalinlangan pa akong permahan. Ngunit, nahihiya ako dahil ayoko namang bulabugin siya sa pagtulog niya. Malapit ng mag alas dose ng gabi at naisip ko na baka tulog na si Allen.Nakakahiya kung magising ko pa siya.At saka, ayokong mag isip siya ng kung ano dahil lang sa magkatapat kami ng kuwarto. Nakakagulat man isipin na sa kanya pala iyong kuwartong napasukan ko nong umaga, hindi ko pa rin siya kayang tanungin kung papaano siya napunta nalang bigla bigla dito sa resort.Masyado siyang mabilis.Hindi lang sa mga galaw, pati na din sa pagdesisyon."Come on, Thara. Titingnan lang natin," pamimilit ko sa sarili ko.Hindi ko man maintindihan ku
"OKAY..." huminga ako ng malalim at saka paulit ulit na binulong ang mga sasabihin ko kay Mommy 'pag nakalabas na ako ng banyo.Ngunit, nang bubuksan ko na sana ang pintuan, mukha niya kaagad ang bumungad sa akin. Halos pamulahan ako dahil sa klase ng titig niya sa akin. Kung makatingin siya ay parang wala na siyang balak na palabasin ako dito sa kuwarto niya.Allen."T-Thara, anak..." binaling ko sa nag mamay ari ng nanginginig na boses ang paningin ko. Nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin habang nakatayo sa gilid ni Allen.So, alam niya ngang nandito ako?!Kaagad akong napalunok at balak na sanang magpaliwanag, ngunit nakita kong tumango nalang siya bigla at saka ako niyakap."Anak, S-Sorry, ha? Sorry kasi nakapabaya kong Ina," sinabi niya, muntik ng mawala ang kanyang boses dahil sa klase ng tono na pinakawalan niya.Naguguluhan man, pilit ko pa rin na pinatahan si Mommy. Para kasing...hindi ko ramdam ang mga pinagsasasabi niya. Parang...hindi naman ako ang tinutukoy niya sa mga
MATAPOS makalabas ng building. Dumiretso kaagad kami sa kainan nitong resort. Kitang kita ko kaagad ang mukhang malinis na dagat. Medyo malayo iyon sa amin kaya medyo nanghinayang ako."Ano'ng gusto niyong kainin?" rinig kong tanong agad nong Paul pagkakita ng mga upuan at lamesa sa isang malapad at malaking silungan.Nakita kong halos lahat ng upuan, bakante. Buong room nga siguro ng building na pinags-stay-an namin, e bakante din. Mukhang walang katao tao rito sa resort except sa amin."Kahit ano, ako naman magbabayad, e." Naramdaman kong humiwalay sa pagkakagapos sa akin si Damaris. Naglakad siya at maya maya sinulyapan kami ng katabi ko na magkadikit pa rin.Naiwas ko kaagad ang paningin ko sa babae dahil sa halakhak niya habang nang aasar na pinagmamasdan ang kamay ni Allen na ngayon ay nasa bewang ko pa din. Sinulyapan ko si Allen at laking tuwa ko nang hindi niya man lang binigyang pansin ang pang aasar ni Damaris sa amin.Napakaseryoso ng mukha niya. Para siyang may malalim na
ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo
Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy
MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit
Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam
"NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.
Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m
"BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina
TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi