Kahit anong pag mamahal ang binibigay niya sa asawa niya ay hindi siya nito minahal pabalik, sakit at pagdaranas lang ang binalik nito sa kaniya, Hanggang sa dumating ang pagkakataon na tuluyan siyang umalis sa tabi ng kaniyang asawa at ilang taon ang lumipas ay nagkita silang muli pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya ito maalala dahil sa kaniyang amnesia.
View MoreLiahHalos hindi ko na alam ang gagawin habang pilit kong hinihila si Manang Ana palabas ng boutique. Pero bago pa man kami makalayo, tumigil siya. Bakas sa mukha niya ang galit na pilit niyang pinipigilan.“Manang, alis na tayo, please,” pakiusap ko habang hawak ang braso niya.Tumingin siya sa akin, pero parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Bigla niyang hinarap ang saleslady.“Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal?” tanong niya, mahigpit ang boses.Napangisi ang babae, halatang iniinsulto kami. “Asal? Eh paano ko irerespeto ang tulad n’yo? Obvious namang wala kayong pambili!”Halos gusto kong itulak si Manang Ana palabas, pero bigla niyang itinaas ang kamay niya. Isang malakas na plak! ang narinig ko. Sinampal niya ang saleslady.Napatigil ang lahat. Ang ibang customer ay tumingin sa amin, habang ang ibang staff ay hindi makapagsalita.“Manang! Bakit mo ‘yun ginawa?” tanong ko, gulat na gulat habang hinawakan ang kamay niya.“Hindi ko kayang makita na binabastos ka,” sagot niya
LiahPagkatapos naming mag-grocery, ngumiti si Manang Ana sa akin habang sinisiguradong maayos ang mga pinamili sa trunk ng sasakyan. "Liah, gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi? Parang kanina ka pa tahimik ah," sabi niya, bahagyang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang mahina at tumango. "Opo, Manang. Kahit saan po... basta may chicken."Napahagikhik siya at inalog ang ulo. "Chicken? Sige, sa Jollibee tayo. Alam kong magugustuhan mo."Habang nasa sasakyan kami, tila hindi maiwasan ni Manang Ana na mapansin ang pananahimik ko. Bumaling siya sa akin nang saglit habang maingat na nagmamaneho. "Liah, okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."Saglit akong nagdalawang-isip bago ngumiti. "Wala naman po, Manang. Nag-e-enjoy lang po ako. Ang dami nating nabili."Ngumiti siya nang mas malaki. "Ay oo naman. Siguradong magugustuhan ni Elijah ang mga pinamili natin. Saka, mas mabuti na ring nasasanay ka na dito sa lugar."Tahimik akong tumango at tumingin sa bintana. Ang dami palang ta
LiahMaagang umalis sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan, kaya nagdesisyon akong gumala sa garden para maglibang. Tahimik ang paligid, ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat ko. Pero kahit na wala si Elijah, parang nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya, gaya ng dati—palaging nandiyan kahit wala naman sa harap ko."Liah," tawag ni Manang Ana mula sa likuran. "Samahan mo ako mamaya. Mag-grocery tayo. Maganda rin siguro na makalabas ka at makita mo ang paligid dito."Napatingin ako sa kanya, at may bahagyang excitement akong naramdaman. Matagal ko na rin gustong makalabas sa malaking bahay na ito. "Talaga po? Sige po! Gusto ko rin pong makapaglibot."Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Aba, ayos! Pero ayusin mo na ang sarili mo, hija. Hindi tayo pwedeng magtagal kasi may mga kailangan pang bilhin para sa bahay."Pagkatapos naming mag-ayos, handa na kaming umalis nang biglang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Elijah. May seryosong ekspresyon ang mukha niya, h
LiahMaaga pa lang ay bumangon na ako, naligo, at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, naisipan kong maglakad-lakad muna sa garden. Doon ko nakita sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan—sina Drex, Dark, at Endrick. Nasa ilalim sila ng puno, nagtatawanan habang hawak ang mga tasa ng kape.Napansin ko agad si Elijah. Habang abala sa kwentuhan ang mga kaibigan niya, nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, pero hindi maikakaila ang presensiya niyang nangingibabaw sa grupo. Mukhang may iniisip siya, gaya ng dati.Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga tanong sa isipan ko. Sa halip, nagdesisyon akong bumalik sa loob at pumunta sa kusina.“Good morning, hija,” bati ni Manang Ana, abala sa paghahanda ng almusal.“Good morning po, Manang,” sagot ko habang lumapit. “Mukhang marami po kayong ginagawa. Tulungan ko na po kayo.”Napangiti si Manang Ana. “Naku, kaya ko ‘to, hija. Pero sige, kung gusto mo talagang tumulong, ikaw na lang ang maghiwa nitong sibuyas at bawang.”Habang nagh
Liah Pagkatapos naming mag-ayos mula sa mahabang biyahe, bumaba kami ni Elijah para maghapunan kasama si Manang Ana. Ang mahabang dining table ay punong-puno ng masasarap na pagkain—tinolang manok, sinigang na baboy, at iba't ibang ulam na parang niluto mula sa isang espesyal na okasyon. Tahimik lang si Elijah habang inaasikaso ako. Siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, at pinunasan pa ang gilid ng labi ko nang hindi ko namalayang may sabaw ng sinigang doon. "Eat properly, baby," seryosong sabi niya, pero halata sa boses niya ang lambing. Napangiti ako nang bahagya. "Kaya ko naman mag-ayos mag-isa," sagot ko, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Habang kumakain kami, nagsimula nang magkuwento si Manang Ana. Mukha siyang masaya, na parang sa wakas ay bumalik ang isang nawawalang kapamilya. "Alam mo, hija," simula niya habang nagsasandok ng tinola, "noong nandito ka pa sa mansiyon, napakasipag mong tumulong sa gawaing bahay. Kahit sinasabi ko n
Liah Sa biyahe papunta sa mansion ay hindi na maalis ni Elijah ang kamay niya saakin, humahaplos na ang palad niya sa aking mga hita at braso. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init dahil sa mga haplos niya, dagdag pang tumatama ang mainit niyang hininga sa aking balat habang nagpapahinga ang ulo nito sa aking leeg Pagkarating namin sa mansiyon, hindi ko mapigilang humanga sa lawak at ganda ng lugar. Parang palasyo ang dating nito, may malalaking bintana at malalawak na hardin sa paligid. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin. Para akong batang lumilinga linga habang hila hila ni Elijah ang kamay ko"Careful baby" ani niya ng muntikan na akong madapa dahil sa kapabayaan ko, mabuti nalang at nasapo niya kaagad ang aking bewang "S-sorry" nahihya akong ngumitiPagpasok sa loob, agad kong napansin ang masiglang atmospera ng lugar. Mula sa magagarbong chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa mabangong amoy ng mga bulaklak na nakaayos sa malalaking paso, parang ang saya ng lugar na it
Tahimik ang paligid sa loob ng sasakyan habang bumibiyahe kami papunta sa mansiyon na sinasabi ni elijah. Nakasandal si Elijah sa dibdib ko, mukhang pagod mula sa biyahe at sa lahat ng nangyari ngayong araw. Ang kamay niya ay mahigpit na nakayakap saakinHindi na naman kasama ang tatlo niyang kaibigan dahil sa ibang mga kotse ito sumakay kaninang nakarating kami Habang tinatanaw ko ang mga naglalakihang gusali sa labas, naalala ko ang kwento ni Kara tungkol sa mga mall sa Maynila. “Elijah,” mahina kong tawag, tinutulungan siyang mag-adjust sa posisyon niya para mas komportable siya.“Hmm?” aniya, hindi binubuksan ang mga mata pero alam kong gising pa siya.“Pwede ba nating puntahan yung mall? Gusto ko lang makita kung ano yung sinasabi ni Kara.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip ang mga kwento ni Kara tungkol sa magagarbong tindahan, malalaking escalator, at mga bagay na hindi ko pa nakikita.Dahan-dahang iminulat ni Elijah ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin. “Are yo
LiahTahimik akong naupo sa tabi ni Elijah, pero ramdam ko ang panunukso at matatalim na titig ng tatlo niyang kaibigan na parang hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan. Sa gilid ng mata ko, nakita kong nakakunot pa rin ang noo ni Elijah, ang panga niya’y mahigpit na nakaigting habang nakasandal siya sa upuan, parang inis na inis sa nangyari.“Teka lang,” si Endrick ang unang bumasag sa katahimikan. “I’m sorry, did we miss something?” Napatingin siya sa amin ni Elijah, kaliwa’t kanan ang tingin, parang nag-aabang ng paliwanag.“Hindi naman kami mga tanga, Elijah,” dagdag ni Drex, sabay turo sa direksyon ko. “Huwag mong sabihing totoo ‘to?”“Hindi naman siguro ‘yan part ng household staff orientation, ‘di ba?” si Dark naman, nakaangat pa ang kilay habang nakatingin nang diretso sa akin.Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko’y parang spotlight ang bawat tingin nila sa akin, at hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanila. Nilingon
LiahMasamang masama ang mood ni Elijah habang kumakain siya kasama ng mga kaibigan niya, halos tapunan niya na nga kanina ng kape si Endrick dahil sa inis. Pagkatapos nilang kumain ay sila ang naatasang linisin ang hapagkainan habang ang magkakaibigan ay nasa sala kaya naririnig ang pinag-uusapan nila"Let's go to a bar" yung Drex ang pangalan"Pupunta ako kapag pupunta si Dark" ani nung Endrick at ang sagot naman nung Dark ay "I'll go if Elijah will go" Masamang masama ang tingin ni Elijah na nagsalita"Shut up hindi ako pupunta" sagot nito "Ouch ang cold" komento ni Endrick at binato siya ng pillow ni Elijah "Come on ang tagal na nating hindi nakakapag hangout, huwag kang Kj elijah" ani ni Drex at sumang-ayon ang dalawang kaibigan pa ni Elijah "No, I have my schedule with my wife" si Elijah Nagulat ako ng sikuhin ako ni Kara habang nililinisan ang lamesa kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito, sumulyap muna ako ng isa sa gawi ni Elijah at naabutang abala ito sa
Liah "Elijah please" pagmamakaawa ko sa kaniya habang hinhila niya ako papunta sa loob ng kwartoAlam kong kasalanan ko kaya siya galit na galit ngayon Ramdam ko ang hapdi ng aking braso dahil sa mahigpit niyang pagkaka-hawak dito, hindi siya tumigil sa pang hihila saakin hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto"Aghhhhh" malakas akong napa-sigaw ng itulak niya ako sa kama dahilan para mapa-higa ako dito Tumalbog ang aking katawan sa kama at bago pa man din ako makapag-ayos ay narinig ko ang malakas na pagsara ni Elijah sa pintuan. Mabilis akong napa-upo at tumingin sa kaniya, namuo ang luha sa aking mga mata ng makita ang pag punit niya sa sarili niyang damit "E-elijah" ani ng aking bibig habang pinagmamasdan siya Kitang kita ko ang galit at pagnanasa sa kaniyang mga mata "G-ginawa ko lang naman iyon dahil nakikita kong pinagnanasaan ka niya, hinahaplos niya ang braso mo kaya----" pagtukoy ko sa nangyari sa party na pinuntahan namin kanina dahil sa babae na sinampal ko sa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments