[𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 1] Xianelle Hearter Daza was in love to a man she never expect to easily fall in love with her. They're opposite to each other. She came from the wealthy family with the strict and dominant that’s why there relationship was secret. She love him the most that’s why she even give herself on him without hesitation. The next day, after they shared the memorable night. He didn’t show himself to her. She even lost communication for a month. Until one day she discover that her boyfriend got her pregnant! Money. Fame and businesses is valuable to her parents. Her father believe that she's carrying the child of shameless guy and disgrace to the family. She still had a choice to save her child. And that is to be with the father of her baby. But she never expect that her boyfriend will say; “Abort it, Xianelle. If you value that kid more than the good life you had, well, I’m not that stupid as you are. I’m not going to choose you and your kid over my family reputation.” —Klint Axis Salvador. Ngunit paano kung sa muli nilang pagkikita alokin siya nito ng malaking halaga kapalit ng isang supling na babae. Is she can forever hide Alizardior Klinton Axis “AKAS” Salvador Pendilton’s unwanted son?
View MoreAlas tres na ng madaling araw gising na gising pa rin si Xianelle na para bang hindi siya galing sa trabaho na hindi makaramdam ng pagod at antok dahil sa pag-iisip.Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya o hindi si Klinton upang sabihin ang kaniyang kailangan. Nakahiga siya sa maliit na kama habang hawak-hawak ang kaniyang phone, nakatitig sa larawan nitong ipinadala sa kaniya. Sa tabihan niya, mahimbing na natutulog na anak, nakaunan ito sa kaniyang braso at mahigpit na nakayakap.“Baby... Anong gagawin ko?” Para namang masasagot siya nito.“Call! Call ako diyan!”Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang anak nang gumalaw ito at nagsalita habang tulog. Nanaginip ito na parang nakikipag-pustahan.Bumuntong hininga siya. “Alas naman e.” Nitong mga nakaraang araw ay nagiging sakit ng ulo ito. Madalas itong magpasaway at nakikibarkada sa mga binatilyo na malayo ang agwat ng edad.Nag-aalala siya na sa mura nitong edad matuto ito ng mga kalokohan o kaya mapasama sa mga gulo lalo pa't hi
Dumating na ang order na pagkain. Tahimik lamang na kumakain si Xianelle. Napansin ni Aidan ang pananahimik ni Xianelle tanda na apektado ito sa narinig.Niyaya niyang lumabas si Xianelle upang malaman kung bakit ito mag-isa sa buhay at mas lalong hindi kapakapaniwala na palubog na ang kompanya ng pamilya Daza.“Xian, ayos ka lang?” Sumandal si Aidan sa silya. “You didn't tell me the reason why you're living away from your family.”“It's a long story, Aidan.” Tipid na ngumiti si Xianelle. “Matagal na ‘yon at ayaw ko ng alalahanin pa ang mga nangyari. Ang mahalaga sa akin ay kung ano ako ngayon at kung anong meron ako ay masaya ako at mas pipiliin ko ang ganitong buhay.”“Your father dedicate his whole life raising his business, he gave everything. Are you not afraid of losing your family business?”Natigilan si Xianelle. “Aidan...”She cared alot about of her father business that's why she's making a way to help. Isang tao lang ang inaasahan niyang makakatulong sa kaniya at hindi na s
Dalawang linggo ang nakalipas...Huminto ang sinasakyang taxi ni Xianelle sa tapat ng Turner Mall kung saan siya nagta-trabaho bilang sales lady. Inabot ang bayad at bumaba ng taxi. Napatingin siya sa pambisig niyang relo, nanlaki ang kaniyang mga mata na limang minuto na siyang late!Sa isang linggo niyang pagta-trabaho bilang sales lady ay palagi siyang late kung dumating at sa araw na 'yon ang pinakamalala. Nais niya namang pumasok ng tama sa oras pero palagi pa rin siyang nahuhuli dahil sinisigurado niya na maayos na iiwan ang anak sa bahay.Nagmamadaling pumasok si Xianelle sa mall at halos takbuhin niya na ang elevator na paakyat na.“Sandali!” Pigil niya na animo'y hihinto 'yon para sa kaniya.Pipigilan niya sana itong magsara ng maunahan si Xianelle na pigilan ang pinto ng lalaking nasa loob ng elevator.Tumayo ng tuwid si Xianelle ng makita at makilala kung sino ang lalaki sa loob ng elevator. Walang iba kundi ang gwapong binata na may-ari ng Turner Mall na siyang nagbigay ri
Sa Madrid Spain,Palakad-lakad si Klinton sa labas ng operating room, tahimik namang nakatayo sa gilid si Rodrigo at Denmark. Hindi mapakali si Klinton dahil halos tatlong oras ng isinasagawa ang operation ng kaniyang anak.“Boss—” Natigilan si Denmark na animo'y nagkamali sa address na dapat itawag sa amo. “I mean, my Lord...”Kung sa bansang Pilipinas si Klinton ay isang negosyante na may kompaya na bilyon-bilyon ang kinikita. Sa Spain ito ang pinakamakapangyarihan at kinakatakotan ng mga kapwa bigatin at mayayamang pamilya dahil isa itong tagapag-mana ng Founder ng pinakamaling organization sa buong Asia.Sa kasalukuyan ay isa ito sa pitong makapangyarihan na pumapangalawa sa founder, at balang araw ito ang magiging una sa lahat dahil sa taglay nitong galing at abilidad sa pagpapatakbo ng organization.“My Lord, uminom ka muna.” Inabot ni Denmark ang hawak niyang malamig na bottled water.“Damn it! Bakit napakatagal—Hindi pa natatapos magreklamo si Klinton ng bumukas ang pinto ng
Sa bahay ni Divine,Malakas na isinara ni Xianelle ang pinto at kinandado ito ng maigi. Malalim na ang gabi pero kumakatok pa rin sa pintuan si Renzi at Cyrus na pilit siyang kinumbensi siya ng dalawa na bumalik sa mansion ni Klinton.Napatampal si Xianelle sa kaniyang noo at nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Nakasandal siya sa nakasarang pinto.Nang makauwi siya kanina ay naghihintay na ang dalawang gwapong binata sa kaniya at hindi siya pumayag na bumalik dahil hindi ang mga ito ang nais niyang makausap.Samantala, si Renzi at Cyrus sa labas ng pinto ay walang balak na sumuko na kumbensihin si Xianelle na umuwi sa mansion ni Klinton.“X! Parang awa mo na... Bumalik ka na please!” Pagsusumamo ni Renzi habang paulit-ulit na kinakatakot ang pinto.“Please, X! Ikamamatay ko kapag hindi ka bumalik, parang awa mo na...Umuwi ka na baby!”Napangiwi si Cyrus sa mga pinagsasabi ni Renzi. Tinapik niya ang balikat ni Renzi at sinabing siya naman. “Hindi kasi ganiyan! Watch and learn f
Nang malaman ni Xianelle na dadalo si Klinton sa burol ni Zarchx, imbes na sabihin ang kaniyang pakay ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama siya kay Klinton. At pinagsisihan niya 'yon dahil hindi niya akalain na makakatanggap siya ng sampal at masasakit na salita mula sa Ina ni Zarchx.Si Xianelle ang sinisisi ng ina ni Zarchx dahil iniisip nito na kung hindi ito dumating ng gabing 'yon sa Paraiso De Pendilton, hindi aalis sina Zarchx.Hindi pa natatapos ang seremonya ay umalis na si Xianelle. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa mansion ni Klinton upang kunin ang kaniyang mga gamit. Habang nasa byahe ay panay ang iyak ni Xianelle. Panay naman ang sulyap kay Xianelle ng driver ng taxi na puno ng pagtataka.Nasasaktan si Xianelle na makita ang labis-labis na pangungulila ng asawa ni Zarchx. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin, wala siyang mukhang maihaharap. Sinisisi niya ang sarili dahil may isang bata na lalaki na walang ama.Huminto ang taxi sa labas ng gate ng mansion ni
Nang araw ding 'yon dinala ni Xianelle ang anak sa doktor upang mapatingnan nito dahil may sakit ito sa puso at inisip niya rin na baka nagkaroon ito ng trauma sa nangyari sa kanilang mag-ina. Sinamahan siya ni Divine, kahit na kakalabas din nito ng hospital dahil sa mga natamong pasa. Hindi siya nito hinayaang mag-isa lalo pa't nalaman nito na ang sugat na natamo niya ay mula sa baril. Sa loob ng clinic ng doktor ni Alas. Nakaupo si Xianelle sa silya, nakakandong sa kaniya si Alas. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang naghihintay ng resulta ng mga test na isinagawa kay Alas. Samantala, si Ace na nagpapanggap na Alas. Pulang-pula ang mukha dahil ayaw niya sa lahat ay ang dinala siya sa doktor na wala naman siyang sakit. Sa Spain, buwan-buwan siyang pinapatingnan ni Rodrigo sa doktor at bago mangyari 'yon, mahabang pilitan muna. Hindi niya akalain na maging sa puder ng Mommy niya kailangan rin pala? Sa isip-isip niya ay hindi na kailangan pang gawin 'yon sa kaniya dahil alam
Sa Madrid Spain, Sa isang tanyag na hospital, kasalukuyang naka-admit si Alas na nagpapanggap bilang Ace Salvador... Nakatayo si Klinton sa labas ng ICU, kung saan pinagmamasdan ang anak mula sa malapad na salamin habang si Rodrigo ay tahimik sa gilid na pinagmamasdan ang amo na hindi mapanatag. Akala ni Klinton, sapat na ang limang taon upang maging bakal ang kaniyang puso ngunit si Ace lang pala ang makapagpapadurog nito. Sa pagkakataong 'yon, pakiramdam niyang pusong mamon siya at nadudurog ito na nakikita na nasa ganu'ng kalagayan si Ace, madaming nakakabit na tobo sa katawan nito. Hindi mapanatag ang loob ni Klinton, at hangang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nagkaroon ng ganu'ng sakit ang anak niya! Binalingan niya si Rodrigo na siyang pinakatiwalaan niya ng anak niya. “May hindi ka ba sinasabi sa akin? Bakit nagkaganito si Ace?! Didn't I tell you always monitor my son's health?” Malamig na tanong ni Klinton kay Rodrigo. Kung alam niya lang na may ganu
Kinabukasan, Nang pumasok sa loob ng silid na inuokopa ni Xianelle ang isang kasambahay na may dalang pagkain, nakikita niyang nababalotan ng lungkot ang mukha nito ibang-iba kagabi na may ngiti itong pinagsisilbihan siya. “Ma'am, magandang umaga. Sabi ni Doktora makakatulong ito sa pagbilis ng pagaling ng sugat niyo. Kumain ka muna..." Mabait na anito. “Maraming salamat po. Na saan po ako?” Nang magising siya ng umagang 'yon, nagtataka kung saan siya dinala ni Lance at LV dahil sigurado siya na hindi siya dinala sa hospital or hotel. Ang desinyo ng silid na inuokopa niya ay masyadong elegante at napakalaki no'n. “Nasa Paraiso ka, Ma'am. Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa lugar na ito.” Paninigurado ng Mayordoma. “Paraiso?" Nagugulohang tanong ni Xianelle. “Oo, Paraiso De Pendilton, 'yon ang ngalan ng mansion na ito na pag-aari ng mga Pendilton.” Pendilton... Natigilan si Xianelle at nanlaki ang kaniyang mga mata! Animo'y echo na paulit-ulit niyang naririnig ang apilyedong
Sa isang park ay may isang dalaga na naka-upo sa bench habang naghihintay sa kaniyang kasintahan. Bakas sa maganda nitong mukha ang lungkot at pag-aalala. Mahigit isang buwan itong hindi nagparamdam sa kaniya kaya nahihirapan siya sa mga nagdaang araw. Madaming nangyari na hindi inaasahan. Madami silang dapat pag-usapan na magpapabago sa kanilang buhay. Klinton Axis Salvador is the name of her boyfriend. Mula ito sa pamilya na masasabi mong nasa tuktok ng tatsulok ang status ng buhay nito. Kilalang-kilala ito sa University dahil isa ito sa sikat na grupo ng kalalakihan na hinahangaan ng mga kababaehan. He's known as a playboy but he changed for her. She appreciates the effort, surprises he made for her to show his sincerity it's means a lot to her. Isang pares ng panlalaking sapatos ang huminto sa karapatan niya. Ang pamilyar na amoy nito ang nanuot sa kaniyang ilong. Nag-angat siya ng tingin. Halos maluwa ang maganda niyang mata ng makita ang itsura nito. Gusot-gusot ang suot...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments