“Magbalot-balot ka na ngayon din!” Bungad ni Manang Coring—Landlady ng apartment na tinitirahan ni Xianelle. “Ho?” “Anong ho? Dalawang araw ng lumipas hindi ka pa nagbabayad ng upa! Ano ka sinuswerte?!” Kung gaano naman kahirap kumita ng pera, ganu'n naman kabilis ang magsingil ni Manang Coring sa upa. “Manang Coring, hindi po ba pwedeng maki-usap na muna? Promise, kapag nagkapera ako. Babayaran ko kayo ng buo!” “Kailan ka naman magkakapera, ah? Aber? Kahit maghapon kang maglako ng kung anu-ano sa kalye hindi mo ako mababayaran!” “Manang Coring, ngayon lang po ako na huli ng bayad sa inyo. Sige na naman na ho, kahit bigyan niyo ako ng isang linggo, pangako magbabayad na ako.” Tumaas ang kilay at namewang si Manang Coring. “Hindi! Kung hindi ka makakabayad hangang mamayang alas-singko, aba'y magbalot-balot ka na dahil marami ang gustong kumuha ng apartment mo na kayang magbayad sa oras!” “Alam niyo naman ho ang sitwasyon ko, Manang Coring, intindihin niyo naman ako. Wala akong
Kinabukasan, Bago bumukas ang liwanag sinimulan na ni Xianelle ang maglakad habang mahimbing na natutulog sa bisig si Alas at bitbit ang mga bag kung na saan ang mga damit nila. Pumunta siya sa bayan para magtrabaho. Hindi na pwedeng bumalik sa paglalako ng taho. Kaya ito na siya ngayon sa bayan, nagbubuhat ng mga deliver na isda kay Aling Bebang. “Aling Bebang, ito na ho ang isda niyo!” “Tamang-tama ang dating mo!” Kumuha ito ng pera sa suot nitong apron at kinuha ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin dito, awang-awa ito sa sitwasyon niya dahil naikwento niya ang nangyari sa kanila ni Alas upang tanggapin lang siyang magbuhat ng mga balde-baldeng isda. “Pagpasensiyahan mo na ‘to, Hija. Ito lang ang kaya kung iabot sa iyo.” Nagbaba siya ng tingin sa pera na ibinigay ni Aling Bebang, nakangiti ang ginang na inaabot ang isang libo. “Aling Bebang, ang laki ho nito, baka malugi ang negosyo mo. Hindi ko ho, matatanggap ito.” Umiling na ipinagpilitan ni Aling Bebang kunin niya a
Lumabas ako ng maaga para maghanap ng trabaho upang matustosan ang gastusin namin ni Alas para hindi naman kami masyadong pabigat kay Divine. Tinungo ko ang address ng resto-bar na pinagt-trabahohan ni Divine. Sinabi niyang naghahanap ng waiter ang kanilang manager para sa night shift. Naisip kung maayos na ‘yon dahil hindi kami dapat na sabay na magtrabaho ni Divine dahil walang mag-aalaga kay Alas. “Magandang umaga, ho. Ako po si Xianelle, kaibigan ni Divine.” Sabi ko sa guard. “Pumasok ka na at hinihintay ka na ni Boss.” Napakaganda nitong resto-bar. Sa lawak at ganda ng desinyo nito halatang mga mayayamang tao ang pumapasok sa ganitong lugar pero hindi ‘yon ganu'n karami ang tao kaya na isip ko na madali lang ang trabaho lalo pa’t kaunti lang naman ang kumakain. “Ikaw ba si Xianelle?” Sumalubong sa akin ang isang lalaki. Pinakatitigan niya ako mula ulo hangang paa bago tumingin sa mukha ko at ngumiti. Tumango ako. “Kung ganu'n, ako si Marky pwede mo akong tawaging boss M
“Jusmiyomarimar! Bakit hindi mo pagbigyan?” Nanlumo ako sa sagot na nakuha ko kay Divine pagkatapos kung sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Klint kagabi. “Ikaw na bakla ka! Kaibigan ba talaga kita?!” “Hoy! Hoy! Hoy! Bruha... Wag mong question-in ang pagkakaibigan natin dahil hindi ‘yan ang issue!” Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom bago umupo sa upuan sa harapan ko. “Isipin mo, ah. Bibigyan mo siya ng anak at malaking pera ang kapalit. Magkakapera ka at maipapagamot mo si Alas!” “Oo, nandoon na tayo sa malaking pera ang kapalit pero kailan mo ako nakita na ibenta ang katawan para sa malaking halaga?” Mahal ko si Alas pero mahal ko rin ang sarili ko. Kung mayroon man akong pagmamahal sa sarili ko ‘yon ang irespeto ko ang sarili ko. “Hindi naman katawan ang ibebenta mo! Gagamitin ka niya para mabigyan mo siya ng anak! Teka, sinabi mo na ba sa kaniya ang tungkol kay Alas? Hindi ba gusto niya ng anak sa iyo?” Minsan na iisip kung nakakatulong ba sa akin a
“Pumunta ako rito para sabihing pumapayag na ako!” Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Sinalubong ko ang tingin niyang hindi na alis sa akin. Nakakababa ng sarili ang ginagawa ko. Ang lakas pa ng loob ko na ipagsigawan na hindi ko siya papatulan pero ito ako ngayon nasa harapan niya para humingi ng tulong. “Get naked.” Gusto ko siyang hampasin ng bag na nakasukbit sa balikat ko pero na isip ko na bakit ko naman gagawin ‘yon? “Hihingian mo pa ba ako ng anak kapag sinabi ko sa iyong may anak tayo?” Bakit kailangan niya pa akong buntisin kung may Alas naman na pwedeng maging tagapag-mana niya. “Is that a daughter?” Natigilan ako. Hindi ko mababago ang kagustuhan niya na magkaroon ng anak na babae. Hindi ko na kailangang sabihin pa ang tungkol kay Alas dahil mukha naman siyang hindi interesado na magkaroon ng anak na lalaki. “2 Million, kapalit ng anak na hinihingi mo. You have me in one night.” “I’ll pay triple of your price, in condition...” Nagsalubong ang makapal niyang kilay a
Dalawang beses niyang hinalikan ang pisngi ko dahilan para mapalunok ako. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kaniya. “What do you want to hear from me? Okay, then, yeah. I'm with my other woman.” Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko ng dumapo sa labi ko ang labi niya. My heart beat so fast just like what I fell everytime our lips meet. “Don't blame me, Alexa, you set this things up, so, you shouldn't messing up.” Galit na ibinaba niya ang cellphone pero hindi pa rin inaalis sa akin ang mata niya kaya ako na mismo ang umiwas. Isang napakalaking gago talaga ng lalaking ‘to! Saan siya kaya kinukuha ang kakapalan ng mukha para harap-harapan niyang masabi ‘yan? Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip ang ginawa niya sa akin noon, ganitong-ganito rin pero ang pinagkaiba, nasa cellphone niya sinabi kay Alexa. “Jerk!” Itinulak ko siya ng malakas. Mabilis kung dinampot ang bag ko at naglakad palabas opisina niya. Nang makalabas ako ng building agad akong pumara ng tax
Isang gabi na akong hindi pinupuntahan ni Klint mula ng gabing magtalo kami tungkol kay Alas. Hindi ko naman masabi na natutuwa ako na walang mangyayari sa amin dahil buhay ng anak ko ang nakataya dito. Kailangan kung mabuntis agad at buwan pa ang hihintayin bago makuha ang kabuohang bayad. Nakakausap ko naman si Alas sa phone nitong nakaraang araw pero iba pa rin ang kasama siya. Ang sinabi ko lang sa kaniya ay nagta-trabaho ako bilang kasambahay, hindi pwede ang bata kaya hindi ko siya maaring isama. Nalungkot siya sa sinabi ko pero ipinaliwag ko sa kaniya na ginagawa ko ito upang makaipon ako at hindi na kami maghihiwalay pa pagkatapos nito, magiging maayos siya. “Xian-Xian!” “Baby!” Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. Pinupog ko ng halik ang kaniyang pisngi bago nagbeso kay Divine. Nababagot na ako sa mansion ni Klint na sobrang laki nga wala namang ka buhay-buhay. Imbes na mangulila ako sa anak ko, tinawagan ko na lang si Divine na magkita kami
Kinabukasan, Tanghali na ng magising si Xianelle, mabigat ang kaniyang pakiramdam at ramdam niya ang matinding pagod. Higit sa lahat, mahapdi ang kaniyang pagkababae dahil sa hindi mabilang na inararo ni Klint, magmula pa kahapon hangang nagdamagan. Tinatamad man ay tinungo niya ang banyo. Hinubad niya ang lahat ng saplot sa katawan sa harap ng malapad na salamin. Bumungad sa kaniya ang halos mapuno ng pulang marka ang kaniyang leeg at dibdib. Kumuyom ang kaniyang kamay habang pinagmamasdan ang mga markang iniwan ni Klint. Punong-puno ng galit ang kaniyang puso dahil sa ginagawa nito sa kaniya. Hindi niya kailanman inisip na hahantong siya sa ganito, ang hayaang angkinin siya ng paulit-ulit ng lalaking dahilan ng pagdurusa niya at patuloy pa rin siyang pinapahirapan! Pumailalim siya sa malamig na shower at kinusot ng mabuti ang kaniyang katawan. Isinuot niya ang puting bathrobe bago lumabas ng banyo. Kumalam ang kaniyang sikmura dahil kahapon pa siya walang kain. Hindi na nasu
Mabilis ang takbo ng limousine, limang malalaking lalaki ang nakasakay doon kabilang ang driver at ang kambal na Salvador.Si Alas at Ace na nakagapos ang mga kamay gamit ang tela. Kinakabahan sila dahil kahit na may alam si Ace sa pakikipaglaban, at magaling umasinta si Alas ay munting bata pa rin sila na hindi kayang labanan ang malalaking tao.Napapagitnaan ng dalawang lalaki ang kambal. Sa kanilang harapan ay dalawa pang higanting lalaki na kung makatingin sa kanila ay daig pa silang kakainin ng buhay. Pumasok sa isipan ni Ace ang imahe ng kaniyang Daddy dahilan para lumakas ang loob niya. Naalala ni Ace ang sinabi ng kaniyang Daddy na susuportahan nito ang gusto niyang maging magaling na mangangarate, at hindi ibig sabihin no'n ay uuwi at mag-iipon siya ng medalya at tropeyo. His Daddy just want him to protect himself in all ways."Being a fighter is not all about winning. It's how you learned to fight, protect yourself. Do not depends to your bodyguards, yourself is your grea
“Mr. Daza, I am giving you one more chance. Would you like to continue the partnership with Pendilton Empire but you have to follow the term and condition of my Boss. 50 billion dollars is not a joke, he wants a trustworthy person.” Hindi makapagsalita si Henry. Ang daming gumugulo sa isipan niya. Kung ganu'n ay hindi si Alexa ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng kontrata sa Pendilton Empire kundi ang asawa ng CEO!Sino ang asawa nito?! At bakit kailangan ang anak niya pa ang mamahala na matagal naman itong wala at hindi niya alam kung na saan ito!“Xianelle! Mang-aagaw ka talaga kahit kailan!” Sigaw ni Alexa at sinugod si Xianelle nang sampal at sabunot. “Hindi ka dapat nandidito! Kahihiyan ka sa pamilya!”Nabitawan ni Henry ang microphone dahil nasa harap niya lang pala ang anak niya, nakasuot pang-waitress. Pinagtutulungan ito ni Alexa at nang mga kaibigan nito. Mabilis na dinaluhan ni Lance si Xianelle habang si Scott naman ay hinahawi sina Alexa na huwag makalapit kay Xian
Nakangiting tinapik ni Antonio ang likod ni Klinton habang nakayakap ito sa kaniya. Nang bigyan nito ng distansya ang pagitan nila, marahan siyang tumawa at tipik ang matibay nitong dibdib, tatlong beses ‘yon bago hinawakan ang balikat nito.Akalain mo, matangkad at hindi nagkakalayo ang kakigishan ng kanilang katawan. Nakikita niya ang kabataan dito ngunit higit na mas malakas ang appeal nito sa kaniya.“You grow too fast.” Antonio chuckled. “Parang kailan lang palagi kang nakasiksik sa hita ko, daig ko pa ang manok na may siwsiw pero ngayon...” Sininyasan ni Klinton ang waiter na may dalang tray ng tequila. Kinuha niya ang natitirang dalawang baso roon at ibinigay ang isa sa kaniyang ama.“Kainuman mo na.” Klinton chuckle and raise his glass. “Let's toast, General.”Malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi ni Antonio. “We're indeed living in a different world.”Noon pa man, minsan na lang silang magkita dahil sa trabaho ng kaniyang ama. Naiiwan lamang siya kaniyang Lola na nakatira s
“I'm sure this bastard is a businessman, I think his in the banquet. Let's observed the people there, makukuha natin ang pangalan niya.” Mungkahi ni Ace.“That's a good idea!” Sang-ayon ni Alas.Nagplano ang kambal nang kanilang gagawin. Nagulat sila ng may pumasok na dalawang negosyante. Napakurap-kurap ang mga ito dahil hindi sila pwedeng magkamali na nakita nila ‘yong bata sa event, at ngayon ay dalawa?“Lasing na yata ako?”“Grabe, ako din! Patay na naman ako nito sa erpats ko!” Usapan ng dalawa at lumabas na muli ng banyo.Nagkatinginan si Alas at Ace. Nang makalayo na ang mga ito, nagmamadaling lumabas ng banyo upang isagawa ang kanilang plano.Tumakbo ang kambal papunta sa kabilang pasilyo upang sa hagdan dumaan ngunit agad silang natigilan ng makasalubong nila si Rodrigo.Nagkagulatan silang tatlo. Nagkatinginan si Alas at Ace, mamilog ang kanilang mga mata dahil sa gulat. Nilukob sila ng matinding kaba dahil sa dami ng makasalubong nila ay si Rodrigo pa!‘No! Buking na ang s
Sa dulong bahagi ng hall, sa walang masyadong napapadaan na tao. Nakaupo si Xianelle sa silya habang kaharap si Anton Antonio na hindi niya pa rin lubos maisip na isang Pendilton!“Pasensya na po talaga kayo sa naging reaksyon ko, pati na rin po sa katangahan ko.” Muling hingi ni Xianelle ng paumanhin kay Antonio.“It's Okay. So, let's get straight to the point, Ms. Daza. You still have a work to do and I have business to do too.” Estriktong anito.Huminga ng malalim si Xianelle at ikinuwento niya ang buong pangyayari. Mula sa kung paano napunta sa kamay niya ang isang flashdrive, at kung paano manganib ang buhay nila dahil doon.“Have you ever tried to watch what's inside the flashdrive?” Sunod-sunod na umiling si Xianelle. Kahit isang beses ay hindi niya ‘yon naisip na pakialaman, ang totoo nga niya ay nakalimutan niya kung saan niya iyon nailagay.“Hindi, ang totoo niyang ay hindi ko na matandaan kung saan ko nailagay ‘yon. Kaya nang sumugod sa bahay ang mga armadong lalaki ay wa
Napasinghap ang mga tao, nagbulong-bulongan ang mga ito. Sino bang mag-aakala na ang pinakabatang CEO ng Pendilton Empire ay may anak na? “Who's the mother? I haven't heard anything about this.” “I thought Ms. Alexa was his fiancee? That was the rumor! Seems like the CEO already taken to someone else!”“Poor, Ms. Alexa! I only seen her as panakip butas! A little boy was right. A bitch!” Nakayukong pinakawalan ni Alexa ang braso ni Klinton. Bahagya siyang lumayo sa binata at pasimpleng sinulyapan ng masamang tingin ang batang pinagpipiyestahan ng mata ng lahat.“Cutie little boy!”“His indeed, Mr. Salvador's son, very handsome!”“No wonder...”Mas lalong namuo ang galit sa dibdib ni Alexa nang marinig ang bulong-bulongan ng mga dalagang naroon.Kung hindi lang ito anak ni Klinton ay natikman nito ang galit niya! Anong karapatan nito na ipahiya sa harap ng maraming tao? At isa pa, bakit hindi niya alam ang bagay na 'yon?Namulsa si Klinton, bahagya niyang itinagilid ang ulo habang n
Sa condo ni Klinton, pagsapit ng alas sais ay naghahanda na ang mag-ama upang dumalo sa piging ng pamilya Daza.Parehong black formal tuxedo and pants ang suot ng mag-amang si Klinton at Alas. Inaayos ni Klinton ang mamahalin niyang relo sa pulsuhan nang mahagip ng mata ang anak na hawak ang bowtie.Hindi maipinta ang mukha ni Alas dahil hindi niya iyon alam kung paano isuot. Mabuti na lang kung ganu'n rin ang sa Daddy niya pero hindi, necktie ang suot nito!“Come here, come here . . .” Pinaupo ni Klinton si Alas sa dresser bago isinuot dito ang hawak na bowtie. “Suit you, Man.” “Thank you, Daddy!” Nag-angat ng tingin si Alas. “Isn't it dangerous that I'll come with you, Daddy?”Naisip ni Klinton na kaya iyon nasabi ng anak dahil maaring maulit ang nangyari noon sa airport.“Every place is dangerous, even in our own. That's why you need to know how to protect yourself, do not depends on your guards.” Iyon ang bagay na natutunan ni Klinton sa mundong ginagalawan niya. Madaming magali
Kinabukasan,Tanghali nang magising si Ace, kinukusot ang mga matang lumabas ng silid. Awtomatikong napatakip ng ilong dahil sa mabahong amoy na mula sa niluluto ni Xianelle.“Mommy? What's that bad smell?” Maarteng tanong ni Ace at mas lalong nalukot ang mukha ng makita ang laman ng platong hawak ni Xianelle.Nakangiting nilingon ni Xianelle ang anak at inilagay sa mesa ang ginisa niyang bagoong.“Good morning, baby!” Kinarga ni Xianelle ang anak.“Good morning too, Mommy! Wala kang work?”Maaga naman talagang nagising si Xianelle pero tinatamad siyang bumangon. At naisipan niya na lamang na lumiban. Nagpaalam na siya kay Aidan, ayos naman dito.“Meron pero tinanghali ako ng gising, nagpaalam naman na ako sa boss ko na hindi ako papasok. Kaya hindi mo kailangang mag-alala na nawawalan ako ng work.”“It's good, Mommy, so you can rest naman po.” Tugon ni Ace.Dinala ni Xianelle ang anak sa lababo upang maghilamos at magmumog bago niya ito dinala sa mesa na nakahain na ang pagkain.Nila
Mahimbing nang natutulog si Ace. Bumangon si Xianelle at lumabas ng silid dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok, naisipan niyang manuod na lang ng TV. Binuksan niya ang telebesyon. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng maiinom ngunit nang makita niya ang hilaw na mangga ay agad siyang naglaway na para bang hindi siya makakatulog na hindi ‘yon matitikman. Lumabas si Divine ng silid nang marinig ang boses ng telebesyon. Bilang nang-asim ang mukha ni Divine nang mabungaran si Xianelle na sarap na sarap na kumakain ng hilaw na mangga, walang sawsawan na kahit ano! “Kaloka! Bakla, itinabi ko nga 'yan dahil hilaw pa pero kung kainin mo daig pang sobrang tamis eh, asim na asim nga kami ni Alas, nang kinakain namin ‘yong hinog!” Umirap si Xianelle. “Ikaw ang maasim! Ang sarap-sarap kaya! Saan mo ba ‘to binili? Bili ka pa ah.” Nanunubig ang bagang ni Divine dahil sa hindi niya ‘yon keri na kainin na sobrang puting-puti pa. Umupo siya sa tabihan ni Xianelle at inabot ang kapirasong pape