Hidden Love Series 1: Nang magising si Aviannah mula sa isang aksidente, pinili niyang magpanggap na wala siyang naaalala upang manatili sa piling ng isang binatang unang nagpatibok ng kanyang puso. Buo ang loob niyang ipakilala sa ama ang lalaki na siyang nais niyang pakasalan balang araw. Ngunit paano kung may malaman siya sa huli? Magiging matapang pa rin ba siya kung ang lalaking minamahal niya ay kapatid niya pala?
View MoreMabilis na hinanap ng mga mata ni Aviannah ang taong kanyang pakay kung bakit siya naririto ngayon sa party ng lalaking kinaiinisan niya. Mula sa kanyang boutique shop kanina ay dumeretsyo na siya rito dahil importante para sa kanya ang deal sa pamilya Zhang. Pinagtrabahuhan nila ng isang buwan ng kanyang team ang project na ito kaya naman hindi siya makapapayag na hindi ito makuha.“Ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo,” sabi ni Aviannah kina Ruffa at Nimfa.“Sige, doon ako,” ani Nimfa.“Ay sige, doon naman ako sa kabila. Ang daming gwapo eh,” saad naman ni Ruffa saka ito tuluyang umalis sa harapan niya. Napailing na lamang siya saka nagpatuloy sa paghahanap.“Aviannah!” Agad na napalingon si Aviannah nang tawagin siya ng isang pamilyar na tinig.“Yaya…” usal niya pagkalingon niya.“Akala ko ay hindi ka makadadalo sa party ng kapatid mo,” lapit ni Vangie sa kanya.“Wala naman po talaga akong balak na magpunta rito.”“Eh kung ganoon ay bakit ka narito?”“Narito po kasi ngayon si Mrs.
Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-traffic sa kalsada. Ang dami pang hinintuang kanto no’ng driver ng jeep. Napakainit at napakausok,” reklamo niya pa.Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Ruffa, ang baklang staff at designer niya sa kanyang boutique. “Ito, uminom ka na muna.”Agad namang kinuha ni Aviannah ang tubig na binigay ni Ruffa saka ininom.“Ano po bang nangyari? Nasiraan ba kayo ng sasakyan kaya nag-commute kayo?” tanong naman ni Nimfa, ang sales assistant ni Aviannah.“Mabuti pa sana kung ganoon nga lang. Pero hindi. Bukod sa wala akong driver kanina ay may asungot pang sumira ng umaga ko!” inis na wika ni Aviannah.Agad na nagbalik sa isipan niya ang inis niya para kay Andrei nang maalala niyang ito ang dahilan
“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei. Iyon ang pinagpaplanuhan niya ng mabuti kanina, kung paano niya maiiwasan ang lalaki gayoong narito na ito ngayon sa bansa. Pero wala pang ilang minuto ang lumilipas ay kinatok siya ng kanyang ama sa kanyang silid, upang pilitin siyang sumabay sa kanila na mag-agahan.Lahat ng dahilan at palusot na sinabi niya kanina sa kanyang ama ay tila balewala. Dahil nagwagi ito sa huli at ngayon nga ay nasa hapagkainan siya, kasama at kaharap ang lalaking ayaw na talaga sana niyang makita pang muli.Deretsyo lamang siyang nakatingin sa lalaki habang mataman din naman itong nakatitig sa kanya. Na tila ba ineeksamin siya nito ng mabuti dahil ngayon na lamang siya ulit nagpakita rito pagkalipas ng limang
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido ng kanyang ulo habang pinakikinggan ang panenermon ng kanyang yaya Vangie sa kanya.“Oo na nga po, yaya, mali na po kami roon. Pero kasi masyado lang nagkasiyahan ang lahat kaya po ganoon,” nakapikit na sagot niya sa ginang.“Ay kahit pa, kapag alam mong hindi mo na kaya, dapat ay tumigil ka na sa pag-inom,” saad ng yaya Vangie niya sa kanya saka nito inilapag sa harapan niya ang isang mainit na sabaw. “Ito oh, maganda ito para sa may mga hangover.”“Salamat po.” Mabagal na kumilos si Aviannah upang tikman ang sabaw na hinanda ni Vangie sa kanya.“Mamaya ay pababa na ang daddy at ang tita Cristy mo. Ayusin mo ang sarili mo dahil hindi nila alam na umuwi kang lasing kagabi,” pagkuwan ay sabi
“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.Nang matapos sa pag-aaral si Aviannah ay tinahak niya ang pagiging isang fashion designer. At kahit na isang taon pa lamang siya sa larangan na ito ay tila eksperto na siya sa ganda ng mga feedback sa kanya ng mga nagiging kliyente niya, at sa dami na rin ng nagpapagawa at nagtitiwala sa kanya. Kaya naman kahit na isang taon pa lamang siya sa ganitong larangan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang boutique. At proud na proud siya na ang lahat ng iyon ay nagmula sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap. Kahit pa ilang beses na siyang kinukumbinsi ng kanyang ama at ng kanyang madrasta na tumulong na lamang siya sa sariling negosyo ng mga ito.Para kay Aviannah, iba pa rin ang magkaroon siya ng sariling pangalan sa la
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.“Magpapakasal na kami ng Tita Cristy mo,” saad ng kanyang ama sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.Alam naman na niya ang tungkol sa plano at kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan ang girlfriend nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila may kirot pa rin sa puso niya ang bagay na iyon. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga matanggap na may iba nang nilalaman ang puso ng kanyang ama, na dapat ay ang mommy lamang niya.Alam naman iyon ng kanyang ama na hindi niya tanggap ang pagkakaroon nito ng bagong nobya. Pero tila masyado yata talagang na-in love ang daddy niya kung kaya’t nagawa nitong mas piliin ang babae na iyon kaysa sa kanya na sarili nitong anak.Marahang nilunok ni Aviannah ang nginunguya
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.“Magpapakasal na kami ng Tita Cristy mo,” saad ng kanyang ama sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.Alam naman na niya ang tungkol sa plano at kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan ang girlfriend nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila may kirot pa rin sa puso niya ang bagay na iyon. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga matanggap na may iba nang nilalaman ang puso ng kanyang ama, na dapat ay ang mommy lamang niya.Alam naman iyon ng kanyang ama na hindi niya tanggap ang pagkakaroon nito ng bagong nobya. Pero tila masyado yata talagang na-in love ang daddy niya kung kaya’t nagawa nitong mas piliin ang babae na iyon kaysa sa kanya na sarili nitong anak.Marahang nilunok ni Aviannah ang nginunguya ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments