“You’re what? You’re leaving?” Kunot ang noo na tanong ni Ark kay Aviannah.“Y-Yes, dad,” marahan na tugon ni Aviannah.“What do you mean? Where are you going?” sunod-sunod na tanong pa ni Ark.“Uhm…” Binitiwan ni Aviannah ang mga hawak na kubyertos saka hinarap ng ayos ang ama upang makapagpaalam dito. “Alfred offered me a project, Dad. He is a brand ambassador for a luxury brand, and he wants me to come with him to collaborate with them. And uhm… it’s in Mindoro. So, I might stay there for two months,” mahabang sabi niya.Sandaling hindi umimik si Ark na tila ba malalim na nag-iisip, ngunit maya-maya lang ay muli itong nagtanong sa anak. “And… you want to go with him?”“I want to take the opportunity, dad. So, yes. I want to go with him,” tugon ni Aviannah.“And when will you guys leave?”“This weekend po sana, but I was invited on Khyline’s birthday party on Sunday, kaya po baka Monday na lang po kami umalis.”Tumango-tango naman si Ark. “Alright. Sige, you can go with him and do t
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?"Nagitla si Aviannah nang marinig ang tinig ng kanyang galit na ama. Dahil doon, pinilit niya ang sarili na tumayo ng tuwid kahit pa hilong-hilo siya dahil sa epekto ng alak na ininom niya mula sa kasiyahan na pinanggalingan niya.Humigit siya ng malalim na paghinga saka siya marahan na lumingon sa kanyang ama."Answer me, Aviannah," muling wika ng kanyang ama.Nagpatikhim siya saka niya ibinuka ang kanyang mga labi upang magdahilan at magsinungaling. "I'm with my friends—""You're with your friends? What kind of friends they are? Mga kasama mo sa pag-cu-cutting class mo?" galit na putol nito sa kanya."What?" kunot-noong tanong niya sa kanyang ama."Akala mo ba ay hindi nakakarating sa akin ang mga pinaggagagawa mo? Wala ka na raw ibang ginawa kung 'di ang mag-skip sa mga klase mo. Pinapasukan mo lang kung ano ang gusto mong pasukan na klase.""Wow. Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa bawat ginagawa ko?" Hindi niya napigilan ang sarili a
"How's your school going?" nakangiting basag ni Cristy sa katahimikan nila ni Aviannah habang nagmamaneho siya ng sasakyan.Pinagbuksan niya kanina si Aviannah ng pintuan ng sasakyan sa passenger seat pero mas pinili ng bata na maupo sa backseat. Nagmukha tuloy siyang driver nito pero balewala para sa kanya ang bagay na iyon.Pagkagaling niya sa trabaho ay naisipan niyang silipin ang anak ng kanyang nobyo. Ilang araw na kasing problemado si Ark sa anak nito dahil sa pagiging pasaway nito na hindi na nito maunawaan pa. Alam naman ni Cristy na hindi siya gusto ni Aviannah, ramdam na ramdam niya iyon sa pakikitungo nito sa kanya kahit pa hindi nito sabihin. Pero nakahanda siyang gawin ang lahat para mapatunayan dito na malinis ang hangad niya sa relasyon nila ni Ark."Well, it's great. Thanks for asking," walang buhay na tugon naman ni Aviannah sa naging tanong ni Cristy. Bored na bored si Aviannah dahil sa halip na makagimik pa siya kasama ng kanyang mga kaibigan, ay napaaga lamang ang
Kumunot ang noo ni Alfred kay Aviannah. "W-What? Beast?""Yeah. My own Beast. I mean... my own prince charming," tugon ni Aviananh saka niya muling ininom ang margarita niya."Wow," manghang sabi ni Alfred sabay inom rin nito sa sarili nitong inumin. "So, you're looking for your true love?""Mukhang kahit sino naman, 'di ba? Ganoon ang gusto? Ang matagpuan mismo nila ang taong magpapatibok sa puso nila. Hindi 'yong papayag ka na lang na magpakasal sa taong hindi mo naman kilala.""Well, you have a point," pagsang-ayon nito sa kanya. "Kaya nga ako, heto at ginagawa ko ang lahat para kilalanin siya," dagdag pa nito."What? Don't tell me..." pinaningkitan niya ang lalaki habang tila bigla namang kinabahan ito sa sasabihin niya."W-What?" kabadong tanong nito sa kanya kasunod ng paggalaw ng lalamunan nito."Don't tell me na ipinagkasundo ka rin ng parents mo na maikasal sa taong hindi mo naman kilala?" deretsyong tanong niya rito.Sa isang iglap ay naglaho ang bakas ng kaba sa mukha ng la
Hindi nawawala ang malakas na pagkabog ng dibdib ni Aviannah, lalo pa nang tuluyan na siyang makasakay sa loob ng eroplanong magdadala sa kanya patungo sa Palawan. Rumerehistro sa isipan niya ang posibleng galit na itsura ngayon ng kanyang ama dahil sa ginawa niya. Kung may sakit na high blood lamang ito ay panigurado siyang inaatake na ito ngayon at baka isumpa na rin siya nito.Mahigit isang oras ang lumipas at ang naging byahe niya patungo sa kanyang destinasyon. Hindi niya iyon namalayan dahil sa pagiging abala ng isipan niya sa pag-iisip sa galit niyang ama. Kung mapipigilan niya lamang sana ang kanyang ama sa gusto nito ay hindi naman siya tatakas at aalis ngayon. Ngunit mukhang kahit na anong gawin niyang pagkausap dito ay desidido na talaga ito sa gusto nito, kaya nauwi na siya sa pagdedesisyon na tuluyang tumakas upang hindi matuloy ang nais nito para sa kanya.Hindi siya makapapayag na basta na lamang maikasal sa lalaking ni pangalan ay hindi naman niya alam. Gusto niyang ma
"Kuya, nasaan ka na? Hindi na raw kaya ni Jake."Mas lalong binilisan ni Andrei ang pagpapatakbo sa motor niya matapos marinig ang sinabi ni Tonya sa kanya mula sa kabilang linya. Suot niya ang earphone sa kanyang magkabilang tainga at katawagan si Tonya, habang nagmamadali siya sa pagmamaneho patungo sa eskwelahan ng mga bata."Sabihin mo malapit na ako. Ayaw naman niya kasing dyan na maglabas. Kaya ayan at magtiis siya," sagot niya kay Tonya saka niya tinapos ang tawag.Pagkadating niya ng eskwelahan ay kaagad niyang nakita ang magkapatid na sina Tonya at Jake na kapwa nakaupo sa tabi ng gate."Kuya!" masayang sambit ni Tonya, habang si Jake naman ay tila namimilipit sa sakit ng tyan.Kaagad na lumapit si Andrei sa dalawang bata. "Ano? Kaya mo pa?" tanong niya kay Jake."Hindi na po, kuya. Tara na po!" sagot ni Jake sa kanya na ikinatawa niya saka ito naunang umangkas sa motor niya."Napakatakaw mo kasing bata ka. Iyan tuloy ang napala mo!" naiiling at natatawang sabi niya rito saka
Matinding pagkahilo ang naramdaman ni Aviannah nang tumama sa kung saan-saan ang katawan niya. Nang imulat naman niya ang kanyang mga mata ay kulay pula ang nakikita niya. Dugo. Maraming dugo sa kanyang noo na tumutulo pababa sa kanyang mga mata. Mas lalo siyang nanghina sa kanyang nakitang mga dugo sa sarili. Lalo pa nang maramdaman niya ang pagkirot at ang pagsakit ng buo niyang katawan.Pinilit niyang makakilos hanggang sa unti-unti niyang maramdaman ang nanghihinang paggalaw ng kanyang katawan. Sa lakas ng pagkabagsak ng sinasakyang taxi ay tumilapon siya sa labas at mabuti na lamang at puro lupa at damo ang sumalo sa kanya. Iyon nga lang at tumama rin ang katawan niya sa ilang sanga ng punong-kahoy roon. Kaya naman puro sugat at galos din ang natamo niya sa kanyang buong katawan.Ang buong akala niya kanina ay katapusan na niya. Pero salamat sa Diyos dahil humihinga pa rin siya hanggang ngayon. Kaya kahit na labis siyang nanghihina ay pinilit niya ang sarili na muling makakilos a
Lumipas ang ilang sandali hanggang sa tuluyan nang magdilim. Labis na nababahala si Andrei dahil sa pasyenteng nasa kanilang tahanan. Nababahala siya para sa lolo niya lalo pa at nalaman nitong may mga taong gustong manakit sa pasyenteng kinupkop nila. Ayaw na sana niyang umalis at pumasok muna sa trabaho pero kailangan."Uy, Pare! May chicks na naghahanap sa iyo kanina," bungad na bati ni Rome pagkalapit nito sa kanya.“Huh? Anong chicks sinasabi mo dyan?""Ito oh. Nahulog mo raw ito sa room no'ng magandang babaeng nag-check in dito sa atin kahapon," saad ni Rome sabay abot sa kanya ng name tag niya."Ah. Si Ms. Birthday Girl," usal niya."Birthday niya kahapon?" mabilis na tanong ni Rome."Noong isang araw," simpleng sagot naman niya."Sayang at hindi ko alam. Hindi ko tuloy siya nabati," panghihinayang na sabi nito sa kanya. "Ang ganda niya, 'no?" dagdag pa nito sa kanya.Nagkibit-balikat siya sa kaibigan. "Hindi ko alam.""Huh? Anong hindi mo alam? Hindi mo ba nakita gaano siya ka
Nagising si Aviannah nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha, dahil sa paglipad ng kurtina mula sa bintana. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang kakaibang itsura ng silid.Napabalikwas siya ng bangon nang maisip kung nasaan siyang lugar. Pero kaagad ding nagbalik sa isipan niya ang sitwasyon niya ngayon. Oo nga pala at wala siya sa kanyang sariling silid sa kanilang tahanan. Oo nga pala at nasa ibang lugar at nasa ibang bahay siya.Hahanapin sana niya ang cellphone niya pero naalala niyang wala na nga pala ito. Dahil walang kahit isang natirang gamit sa kanya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Aksidente na sinadya para mamatay siya.Napahigit siya ng malalim na paghinga. Kumusta na kaya ang kanyang ama at ang kanyang mga kaibigan na kanyang iniwanan? Paano nga ba siya makababalik sa dating buhay kung may nagtatangka na sa buhay niya?Naputol sa pag-iisip si Aviannah nang marahan niyang makita ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng sili
Tila wala nang ibang marinig si Aviannah nang mga sandaling iyon, kung ‘di ang pag-iingay lamang ng kanyang puso dahil sa naging pakilala sa kanya ni Drei sa babaeng nagngangalang Rowena. Hindi niya alam kung bakit ang simpleng bagay na iyon ay nagbigay ng kung anong haplos sa puso niya. Na para bang ang espesyal ng dating no’n sa kanya dahil tila naramdaman niya ang pagproktekta nito sa kanya.Dahil doon ay hindi na niya magawang alisin pa ang mga tingin sa binata. Kung hindi pa muling magsalita si Rowena ay tuluyan nang mapapako ang mga titig niya rito.“Kinakapatid?” tanong muli ni Rowena sabay balin nito ng tingin sa kanya. “Pero… ngayon ko lang siya nakita rito.”“Uhm… hindi kasi siya taga-rito. Narito lamang siya para magbakasyon,” tugon ni Andrei sa tanong ni Rowena.“Ganoon ba?” tatango-tangong sambit ni Rowena habang nakatingin pa rin ito sa kanya at tila mabuti siyang sinusuri. “Hi, ako si Rowena. Girlfriend ako ni Drei!” pagkuwan ay pakilala ng babae sa kanya kasabay ng pag
"Ako na po ang magbubukas!" excited na sabi ni Jake saka ito tumakbo patungo sa pintuan upang buksan iyon. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Aviannah ay awtomatiko siyang napatago. Kumabog sa kaba ang dibdib niya dahil sa tila takot na baka kung sino na ang nandyan. Naiisip niya kasi ang lalaking muntik nang pumatay sa kanya."Ate..." alalang tawag ni Tonya sa kanya."Hi, Jake!""Ate Rowena...""Nasaan na ang Kuya Drei mo?" Narinig ni Aviannah ang isang hindi pamilyar na tinig ng babae na kausap ni Jake."Ate, okay ka lang po? Bakit po? May problema po ba?" pagkuwan ay sunod-sunod na tanong naman ni Tonya pagkalapit nito sa kanya."Uhm... wala naman, Tonya. Ayos lang ako. Akala ko lang kasi kung sino ang dumating," sagot niya rito."Umalis po si Kuya Drei, hinatid lang po sandali si Lolo Gener sa bayan," narinig nilang tugon ni Jake sa kung sino mang kausap nito."Ah ganoon ba? Kung ganoon ay tayo na sa bahay. Sigurado naman na susunod din doon ang Kuya Drei niyo. Nasaan na pal
Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Aviannah si Tonya at si Jake sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Pero sinaway siya ni Mang Gener sa pagkilos niya."Ija, hayaan mo na lang sila ang kumilos dyan.""Oo nga po, ate. Kaya na po namin 'to," sabi pa ng batang si Jake sa kanya."P-Pero—""Ang mabuti pa ay maupo ka na lamang doon at magpahinga. Hindi pa magaling ang mga sugat mo kaya mas mabuting huwag mong biglain ang sarili mo sa pagkilos," putol pa ni Gener sa nais niyang sabihin.Sa huli ay wala na nga siyang nagawa pa kung 'di ang sumunod na lamang sa gusto nito. Naupo siya sa upuang kahoy sa sala ng bahay.Habang abala sa pagkilos ang tatlo ay marahan niyang iginala ang kanyang mga mata, upang mapagmasdan ng malaya ang bawat sulok ng bahay na kinaroroonan niya ngayon. Gawa sa kahoy ang bahay at hindi iyon kalakihan. Mayroon iyong dalawang kwarto at ang isa nga doon ay ang tinutulugan niya.Nang matapos sa pagkilos sina Tonya at Jake ay dali-dali namang gumawa ng mga homework ang m
Nang dahil sa trahedyang nangyari kay Aviannah ay nawala ang lahat ng pera at gamit niya. Wala na rin ang cellphone niya kaya paano niya pa makakausap ang mga kaibigan niya?"Ilang araw na kaya mula nang umalis ako sa amin?" malungkot at mahinang pagtanong niya sa kanyang sarili. Sigurado siyang galit na galit na talaga ang kanyang ama sa kanya. Na baka nga tuluyan na siyang itakwil nito pagkatapos ng ginawa niyang pagtakas. "I'm so sorry, dad. Pero hindi ko alam kung makababalik pa ba ako sa iyo pagkatapos ng lahat," malungkot na usal niya pa.Ilang sandali pa ang lumipas nang magambala siya sa kanyang pagmumuni-muni, dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Inayos niya ang sarili saka tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang batang babae. Bumungad ito ng nakangiti kaagad sa kanya habang may hawak itong isang baso ng tubig."Hi po, ate. Baka po nauuhaw kayo. Inom po muna kayo," magalang na alok sa kanya nito.Tamang-tama dahil pagkagising pa lang niya kanina ay nakaramdam n
Unti-unting nagising ang diwa ni Aviannah mula sa tila matagal na pagkakahimlay. Ramdam niya ang pagsakit ng buong katawan niya na tila ba binugbog ito ng husto. Bukod doon ay kumikirot din ang ulo niya at ang mga sugat niya.Pero salamat sa Diyos at buhay siya! Salamat sa Diyos dahil kahit nararamdaman niya ang mga sakit na iyon ay buhay naman siya ngayon.Maya-maya pa ay marahan na niyang iminulat ang mga mata niya. At sa pagmulat niya ay tila isang anghel ang bumungad sa kanya. Namilog ang mga mata niya at tila nahirapan siyang alisin ang buong atensyon at tingin sa gwapong binata na nasa harapan niya ngayon. Bukod doon ay kaagad ding nakaramdam ng kakaibang pagkabog ang dibdib niya dahil sa pagtatama ng mga tingin nila sa isa't isa. Kakaibang pagkabog na tila ngayon niya lamang naramdaman sa buong buhay niya.At maya-maya lang ay may isang batang babae ang dumating. "Kuya Drei, tawag ka na ni lolo kakain na raw. Sabi mo susunod ka na—" Natigilan sa pagsasalita ang batang babae nan