“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.
Nang matapos sa pag-aaral si Aviannah ay tinahak niya ang pagiging isang fashion designer. At kahit na isang taon pa lamang siya sa larangan na ito ay tila eksperto na siya sa ganda ng mga feedback sa kanya ng mga nagiging kliyente niya, at sa dami na rin ng nagpapagawa at nagtitiwala sa kanya. Kaya naman kahit na isang taon pa lamang siya sa ganitong larangan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang boutique. At proud na proud siya na ang lahat ng iyon ay nagmula sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap. Kahit pa ilang beses na siyang kinukumbinsi ng kanyang ama at ng kanyang madrasta na tumulong na lamang siya sa sariling negosyo ng mga ito.
Para kay Aviannah, iba pa rin ang magkaroon siya ng sariling pangalan sa larangan ng negosyo at makamit niya ang kanyang mga pangarap bilang isang fashion designer. Kaya kahit na may mga sariling negosyo ang kanyang ama ay hindi niya iyon pinakialaman.
“Masaya ako na nagustuhan mo ito. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka talaga magsisisi sa’kin hanggang sa huli,” masayang tugon ni Aviannah sa babae.
“Thank you so much, Ms. Aviannah. I know that you’re the best!” masayang pahayag naman ng babae sa kanya.
Mabilis na lumipas ang buong maghapon at para kay Aviannah, ay magsisimula pa lang ang masayang parte ng araw niya.
Nang matapos siya sa trabaho ay excited niyang isinara ang sariling boutique, upang magtungo sa isang five-star resto-bar, kung saan gaganapin ang isang birthday party para sa kaibigan niyang si Sandra.
“Hey, Avie! Here!” Mabilis na napalingon si Aviannah sa babaeng tumawag sa kanya pagkapasok niya ng resto-bar. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang kaibigang si Jamie na kumakaway sa kanya kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Agad siyang lumapit sa mga ito.
“I’m sorry, I’m late—” paghingi sana niya ng paumanhin na agad din namang pinutol ni Jamie.
“No, it’s okay, Avie. Kaka-start pa lang din naman.”
“That’s good then. Uhm… where’s Sandra by the way?” tanong niya pa kasabay ng marahang paglinga-linga niya sa paligid upang hanapin ang kaibigang nagdiriwang ngayon ng kaarawan.
“Uhm… si Sandra? Uhm… ano kasi…” ani Jamie na tila hindi malaman ang isasagot sa kanya.
“Bakit? May problema ba?”
“Wala namang problema. Pero lumabas lang siya sandali para sunduin si ano—” Hindi na natapos ni Jamie ang sinasabi nito nang bigla nang dumating si Sandra kasama ang isang lalaki.
Bahagyang natigilan si Aviannah nang makita kung sino ang bisitang kasama ng kaibigan.
“Uhm… You’re here na pala, Avie,” marahang bati ni Sandra sa kanya. “Uhm… I invited him here, and I hope it’s okay.”
“Oh, yeah. Of course it’s fine,” tugon naman niya saka siya ngumiti rito.
“Thank you,” Sandra mouthed.
“Hi, Aviannah! How are you? It’s been a while,” saad ng bisitang kasama ni Sandra.
“Hi, Alfred! I’m good. How about you?” ganting tanong naman niya rito.
“I’m good as well,” nakangiting sagot ni Alfred sa kanya.
“That’s good to hear.” At bago pa man umusbong ang awkwardness sa pagitan nila ay kaagad na ulit siyang nagsalita. “Uhm… by the way, this is for you, Sandra. Happy birthday!” aniya sabay abot ng regalo sa kaibigan.
“Thank you so much, Avie!” masayang sabi naman ni Sandra pagkatanggap nito ng regalo mula sa kanya.
“Let’s start the party, guys! Come on!” pagkuwan ay masayang lapit sa kanila ng iba pa nilang mga kasama saka sila masayang nagsalo-salo at nag-inuman.
“Avie, are you okay?” ilang sandali pa’y lapit ni Jamie kay Aviannah.
“Of course, I’m okay. Bakit mo naman naitanong ‘yan?”
“Because you know… Alfred is here.” Binalingan ng tingin ni Aviannah si Alfred na masayang nakikipagsiyahan ngayon sa kanyang mga kaibigan kasama si Sandra.
“Well… we’re goods naman. Kaya it’s okay lang. Saka wala naman kaming masakit na nakaraan, you know…”
“Sa bagay… unlike kay Andrei—” Kusang natigilan si Jamie sa pagsasalita nang mabanggit ang pangalan na iyon. “Oops, I’m sorry.”
“It’s fine, ano ka ba. Palagi ko rin naman naririnig ang pangalan na iyan kina daddy and tita.”
“Sa bagay, for sure palagi niyo rin siyang napag-uusapan sa bahay niyo.”
“Hmm. Not really. Kapag siya na kasi ‘yong topic, umiiwas na ako.”
“So, sa five years… wala na talaga kayong naging pag-uusap?” curious na tanong ni Jamie kay Aviannah.
“Yup. Sa loob ng limang taon, wala na,” marahang sagot naman ni Aviannah sa kaibigan. At hindi maitatanggi ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya dahil sa pinag-uusapan nila ngayon ng kaibigan.
Limang taon na ang lumipas mula nang maka-graduate sila ng senior highschool. Limang taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ng bansa ang lalaking iniibig niya upang mag-aral sa ibang bansa. Limang taon na niya itong hindi nakikita at nakakausap. At sa loob ng limang taon na iyon ay napakarami nang nangyari at nagbago sa kanyang buhay.
Nagkaroon siya ng mas maraming kaibigan, nakapagtatapos siya ng pag-aaral, at nakapagpatayo siya ng sarili niyang boutique. Maraming bagay na ang nangyari at nagbago. At umaasa siyang sana, isa na rin doon ang kanyang damdamin.
Sa dami kasi ng nagbago sa buhay niya, ay tila nananatiling pareho pa rin ng nakaraan ang kanyang damdamin. Bagay na matagal na niyang sinisikap na baguhin. Ngunit anong magagawa niya kung hindi niya mapatay-patay ang damdamin para sa lalaking hindi niya dapat iniibig.
“Well, you deserve so much better, Avie,” pagkuwan ay komento ni Jamie sa tabi niya na ikinalingon niya rito. “I mean, okay na rin ‘yon na hindi na kayo nag-usap. At least, napigilan mo na ‘yong feelings mo para sa kanya, ‘di ba?”
Sandali siyang napatitig sa kaibigan bago tuluyang nakasagot. “O-Oo naman! Syempre naman,” aniya saka siya pilit na ngumiti rito. “Sa loob ng limang taon, napigilan ko ‘yong feelings ko para sa kanya. Na dapat lang naman talaga, ‘di ba?”
Mula nang umalis ng bansa si Andrei ay sinikap na ni Aviannah na magkunwaring wala nang nararamdaman dito. Sa harap ng mga kaibigan niya ay ganoon ang ipinapakita at sinasabi niya.
“So, in that case, baka may chance na kayo ni Alfred ngayon?” tila excited na sabi ni Jamie sa kanya na kanyang bahagyang ikinagulat.
“Huh?”
“Five years ago, ni-reject mo siya dahil kay Andrei. And after no’n, bihira na kayo magkita at magkausap ulit. So, why don’t you try to work things out with him?”
“Alam mo… wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyang bagay. Saka isa pa, look at him with Sandra. Hindi ba at parang mas bagay silang dalawa?” wika niya saka sila sabay na bumalin ng tingin sa kanilang mga pinag-uusapan.
Humalukipkip si Jamie kasabay ng marahang pagngiwi nito na tila ba napapaisip ito ng mabuti dahil sa sinabi ni Aviannah. “Hmm, well, alam mo parang may point ka.”
“Hindi ba? Imagine, sino bang mag-aakala na magiging good friends sila five years ago?” dagdag pa ni Aviannah.
“Parang may something nga sa kanila, ‘no?” saad ni Jamie nang sabay nilang makita kung paano masayang tumingin sa isa’t isa ang dalawa.
“See? I told you!”
“Hoy, Avie! Jamie! Ba’t ba nandyan kayo sa tabi? Dito nga kayo, sumali kayo rito sa amin!” pagkuwan ay tawag sa kanila ni Tin, isa sa kanilang mga kasama sa kasiyahan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Sandra.
Sabay-sabay naman na napalingon ang iba pa nilang mga kasama sa kanila ni Jamie.
“Oo nga! Ba’t ba kayo nandyan? Natakas kayo sa shot, ano?” wika naman ni Anie, isa rin sa kanilang mga kasama.
“Oy, hindi kami natakas sa shot ah. Ito na nga at papunta na dyan!” sagot ni Jamie saka sila nagtungo sa mga kaibigan.
Aviannah had fun with her companions that night. Kaya naman hindi niya matanggihan ang mga ito sa tuwing pinapainom siya ng mga ito.
“No half measures, darling—make it a full one!”
“Go, Avie!”
Masayang inubos ni Aviannah ang laman ng shot glass na hawak niya at itinaas pa ito sa ere para ipakita sa mga kasama niya.
“Woah! You’re the best, Avie!”
“Guys, I think Avie has had enough. That will be her last shot,” pagkuwan ay sabi ni Sandra sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan.
“Bakit naman? Kaya pa naman ni Aviannah ‘yan,” ani Tin.
“Oo nga, Sandra. Besides, it’s your birthday naman. Hayaan mo lang kaming magkasiyahan dito,” Segunda naman ni Anie saka siya muling nagsalin ng inumin sa shot glass na pinaiikot nila. “Tin, it’s your turn!” masayang balin pa nito sa kasama nilang si Tin.
“Okay lang ako,” pagkuwan ay bulong ni Aviannah kay Sandra saka ito ngumiti. At nagpatuloy nga lang ang kasiyahan nilang lahat.
Hindi alam ni Aviannah kung nakailang shot ba siya bago niya maramdaman ang unti-unting paggalaw ng kanyang paligid.
“Avie, shot mo na,” wika ni Jamie na agad na tinutulan ni Sandra.
“That’s enough, Jamie. Hindi na kaya ni Aviannah. At ikaw rin. Look at yourself,” ani Sandra sabay kuha ng shot glass mula kay Jamie.
“Uy, kaya ko pa naman ah,” makulit na singit ni Aviannah sa dalawa niyang kaibigan habang pilit na kinukuha sa kamay ni Sandra ang shot glass.
“No, Avie. You should stop,” saway ni Sandra.
Ang ilan sa kanilang mga kasama ay bagsak na rin, ang iba naman ay nagpasundo na sa kani-kanilang mga driver pauwi.
“Are they okay?” lapit naman ni Alfred.
“No. They’re not okay,” sagot ni Sandra.
“So, how are we going to take them home?”
“I can take Jamie home to them since I'll be passing by their house. But… for Avie—”
“I can take her, then,” mabilis na putol ni Alfred kay Sandra.
“Sure ka? Pero kasi… nag-text na ako sa yaya niya na ipasundo na lang siya sa family driver nila—”
“It’s okay. Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa kanila. I’ll call his dad,” muli ay putol ni Alfred kay Sandra habang pinag-uusapan si Aviannah na ngayon ay nakayupayop na sa table dahil sa labis na kalasingan.
“O-Okay, sige.” Sa huli ay wala nang nasabi pa si Sandra sa nais na gawin ni Alfred.
Katulong ang family driver nina Sandra, ay maingat nilang inakay si Jamie palabas ng resto-bar.
“Aalis na kami. Ikaw na ang bahala kay Avie,” paalam ni Sandra kay Alfred.
“Sure. Ingat kayo. Happy birthday ulit,” nakangiting tugon naman ni Alfred.
Matamis na ngumiti si Sandra pabalik sa lalaki. “Salamat.”
Akmang hahakbang na sana paalis si Sandra nang bigla siyang matigilan dahil sa kanyang nakita. Bumakas din ang gulat sa mukha ni Alfred nang mapalingon sa isang lalaking seryosong naglalakad ngayon palapit sa kanila.
“You? What are you doing here?” malalim na tanong ni Alfred sa lalaki nang huminto ito sa tapat niya.
Bumaba ang tingin ng lalaki sa natutulog na si Aviannah na naroon pa rin sa table.
“I’m here to pick up my sister,” seryosong sagot ng lalaki kay Alfred.
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido ng kanyang ulo habang pinakikinggan ang panenermon ng kanyang yaya Vangie sa kanya.“Oo na nga po, yaya, mali na po kami roon. Pero kasi masyado lang nagkasiyahan ang lahat kaya po ganoon,” nakapikit na sagot niya sa ginang.“Ay kahit pa, kapag alam mong hindi mo na kaya, dapat ay tumigil ka na sa pag-inom,” saad ng yaya Vangie niya sa kanya saka nito inilapag sa harapan niya ang isang mainit na sabaw. “Ito oh, maganda ito para sa may mga hangover.”“Salamat po.” Mabagal na kumilos si Aviannah upang tikman ang sabaw na hinanda ni Vangie sa kanya.“Mamaya ay pababa na ang daddy at ang tita Cristy mo. Ayusin mo ang sarili mo dahil hindi nila alam na umuwi kang lasing kagabi,” pagkuwan ay sabi
“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei. Iyon ang pinagpaplanuhan niya ng mabuti kanina, kung paano niya maiiwasan ang lalaki gayoong narito na ito ngayon sa bansa. Pero wala pang ilang minuto ang lumilipas ay kinatok siya ng kanyang ama sa kanyang silid, upang pilitin siyang sumabay sa kanila na mag-agahan.Lahat ng dahilan at palusot na sinabi niya kanina sa kanyang ama ay tila balewala. Dahil nagwagi ito sa huli at ngayon nga ay nasa hapagkainan siya, kasama at kaharap ang lalaking ayaw na talaga sana niyang makita pang muli.Deretsyo lamang siyang nakatingin sa lalaki habang mataman din naman itong nakatitig sa kanya. Na tila ba ineeksamin siya nito ng mabuti dahil ngayon na lamang siya ulit nagpakita rito pagkalipas ng limang
Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-traffic sa kalsada. Ang dami pang hinintuang kanto no’ng driver ng jeep. Napakainit at napakausok,” reklamo niya pa.Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Ruffa, ang baklang staff at designer niya sa kanyang boutique. “Ito, uminom ka na muna.”Agad namang kinuha ni Aviannah ang tubig na binigay ni Ruffa saka ininom.“Ano po bang nangyari? Nasiraan ba kayo ng sasakyan kaya nag-commute kayo?” tanong naman ni Nimfa, ang sales assistant ni Aviannah.“Mabuti pa sana kung ganoon nga lang. Pero hindi. Bukod sa wala akong driver kanina ay may asungot pang sumira ng umaga ko!” inis na wika ni Aviannah.Agad na nagbalik sa isipan niya ang inis niya para kay Andrei nang maalala niyang ito ang dahilan
Mabilis na hinanap ng mga mata ni Aviannah ang taong kanyang pakay kung bakit siya naririto ngayon sa party ng lalaking kinaiinisan niya. Mula sa kanyang boutique shop kanina ay dumeretsyo na siya rito dahil importante para sa kanya ang deal sa pamilya Zhang. Pinagtrabahuhan nila ng isang buwan ng kanyang team ang project na ito kaya naman hindi siya makapapayag na hindi ito makuha.“Ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo,” sabi ni Aviannah kina Ruffa at Nimfa.“Sige, doon ako,” ani Nimfa.“Ay sige, doon naman ako sa kabila. Ang daming gwapo eh,” saad naman ni Ruffa saka ito tuluyang umalis sa harapan niya. Napailing na lamang siya saka nagpatuloy sa paghahanap.“Aviannah!” Agad na napalingon si Aviannah nang tawagin siya ng isang pamilyar na tinig.“Yaya…” usal niya pagkalingon niya.“Akala ko ay hindi ka makadadalo sa party ng kapatid mo,” lapit ni Vangie sa kanya.“Wala naman po talaga akong balak na magpunta rito.”“Eh kung ganoon ay bakit ka narito?”“Narito po kasi ngayon si Mrs.
“Oh, Aviannah, mabuti at narito ka na.”“Hi, Yaya!” nakangiting bati ni Aviannah pagkapasok nito ng gate ng kanilang mansyon.Sinulyapan naman ni Vangie ang magarang sasakyan sa labas na siyang naghatid pauwi sa alaga niya. “Sino iyong naghatid sa iyo?” tanong ni Vangie kay Aviannah habang sinusundan niya ito papasok sa loob. Dumeretsyo si Aviannah sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge at inumin.“Uhm… si Alfred po,” simpleng sagot ni Aviannah na bahagyang ikinatigil ni Vangie.“Ano? Tama ba ako ng narinig? Si Alfred ba kamo ang naghatid sa iyo rito?”“Yes, yaya. Why?”“Ah wala naman. Pero bakit ka niya hinatid? Ibig sabihin ba’y siya ang kasama mo sa maghapon?” usisa pa ni Vangie kay Aviannah.“What?”“Ang aga mo kasing umalis kanina. Pagpunta ko sa kwarto mo para alukin ka ng almusal ay wala ka na.”“I was in the shop early in the morning, yaya.”“Tapos? Paanong hinatid ka ni Alfred dito?”“Nagkita kami.”“Bakit naman kayo nagkita?”“Wait nga lang po, yaya. Bakit paran
“Y-Yes, dad,” marahang sagot ni Aviannah sa ama kasabay ng pag-iwas niya ng tingin kay Andrei.“That’s good then,” tugon ng kanyang ama sa kanya na para bang natuwa ito sa nakuhang sagot mula sa kanya.“Who’s Alfred, hon?” pagkuwan ay singit na tanong naman ni Cristy.“’Yong anak ni Mr. and Mrs. Guden.”“Oh, really? That Alfred—” Hindi itinuloy ni Cristy ang sasabihin, pero ganoon pa man ay gets na ni Aviannah kung ano ang nais nitong sabihin.Si Alfred. Ang lalaking nais na ipagkasundo sa kanya ng kanyang ama.“Yes, Alfred Guden. That’s him,” simpleng tugon naman ni Ark kay Cristy habang ngumunguya ito ng pagkain.Hirap na napalunok ng pagkain si Aviannah kasabay ng muling pagdapo ng kanyang paningin kay Andrei, na ngayon ay may mas matalim na mga tingin sa kanya. Bagay na hindi niya alam kung bakit nakapagbibigay iyon ng kakaibang pagkabog sa kanyang dibdib. Na para bang sinasabi ng mga titig nito sa kanya na may nagawa siyang pagkakasala rito.“Well, I’m glad to know that you two a
“I don’t know what got into me that I ended up making that promise to her. Nababaliw na yata talaga ako!” pagmumukmok ni Aviannah sa harapan ng kanyang mga kaibigan.“It’s okay, Avie. I know awkward for you ‘yong moment na iyon. Imagine, ini-invite ka ng girlfriend ng lalaking minahal mo sa party nito. Kahit ako hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko no’n,” wika ni Jamie.“Saka sinabi mo naman na you will try lang. Hindi ka pa naman nag-commit sa kanya na pupunta ka talaga, ‘di ba? Kaya, huwag ka nang pumunta if you’re not comfortable with it,” sabi naman ni Sandra.Kasulukuyan silang nasa isang fine dining restaurant to have their lunch together. Iyon nga lang at hindi pa nase-serve sa kanila ang in-order nilang pagkain.“Iyon na nga eh. But she even texted me earlier this morning para i-remind ako sa Sunday. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit na girlfriend siya ni Andrei, eh hindi ko magawang mainis sa kanya. Like… parang ang bait niya kasi masyado para mald
“Ay sus ginoo!” Nagulat si Vangie nang makita si Andrei sa sulok ng veranda sa madilim na bahagi.“Ate Vangie…” ani Andrei kasabay ng marahan nitong pagkamot sa ulo.“Ikaw pala ‘yan. Bakit nandyan ka sa dilim at sa sulok? Anong ginagawa mo dyan?” tanong naman ni Vangie habang sapo-sapo nito ang dibdib.“Pasensya na po kayo kung nagulat ko po kayo. Hindi po kasi ako makatulog kaya nagpapahangin lang po ako rito,” tugon ni Andrei kay Vangie.“Ganoon ba? Eh gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas? Ganoon kasi ang ginagawa ko kay Aviannah sa tuwing umuuwi siyang pagod at hindi agad makatulog.”“Naku, hindi na po. Okay lang naman po ako. Siguro maya-maya’y dadalawin na rin po ako ng antok.”“Sigurado ka?”“Opo, salamat po,” nakangiting sagot ni Andrei.“Oh, siya sige. Ikaw ang bahala.”“Ano po palang gagawin niyo rito sa labas?”“Pauwi na kasi si Aviannah, sasalubungin ko.”“Ganoon po ba?” Marahang tumikhim si Andrei saka muling nagtanong sa ginang. “Uhm… ganitong oras po ba lagi umuuwi si
Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa
Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng
Ilang beses nang paulit-ulit na dumuduwal si Aviannah sa loob ng maliit na banyo, habang hawak-hawak niya ang tyan niya. Hindi siya makapaniwala na naubos niya ang lahat ng ampalayang ipinakain ni Andrei sa kanya. Nakailang sabi pa siya sa kanyang sarili na hindi siya mauuto ng gwapong lalaki kahit na pa anong gawin nito. Pero tila lahat yata ng sinabi niya ay kinain niya lang din sa huli dahil bumigay siya rito. Na para bang natanggal ang lahat ng angas niya sa katawan sa isang sabi lamang nito sa kanya.Lasang-lasa niya ang pait ng gulay na pinakaayaw niyang kainin. Na kahit na ilang basong tubig pa ang inumin niya ay tila hindi nahuhugasan no’n ang lasa sa dila niya.“Ate Belle? Okay ka lang po ba d’yan?” pagkuwan ay katok sa kanya ni Tonya mula sa labas ng banyo.“O-Oo, Tonya. Okay lang ako,” sagot niya rito.“Sigurado ka po ba, ate? Baka po may iba po kayong kailangan?” alalang tanong pa rin sa kanya ng batang si Tonya.“Okay lang ako, Tonya. Huwag ka nang mag-alala,” marahang tu
Nagising si Aviannah nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha, dahil sa paglipad ng kurtina mula sa bintana. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang kakaibang itsura ng silid.Napabalikwas siya ng bangon nang maisip kung nasaan siyang lugar. Pero kaagad ding nagbalik sa isipan niya ang sitwasyon niya ngayon. Oo nga pala at wala siya sa kanyang sariling silid sa kanilang tahanan. Oo nga pala at nasa ibang lugar at nasa ibang bahay siya.Hahanapin sana niya ang cellphone niya pero naalala niyang wala na nga pala ito. Dahil walang kahit isang natirang gamit sa kanya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Aksidente na sinadya para mamatay siya.Napahigit siya ng malalim na paghinga. Kumusta na kaya ang kanyang ama at ang kanyang mga kaibigan na kanyang iniwanan? Paano nga ba siya makababalik sa dating buhay kung may nagtatangka na sa buhay niya?Naputol sa pag-iisip si Aviannah nang marahan niyang makita ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng sili
Tila wala nang ibang marinig si Aviannah nang mga sandaling iyon, kung ‘di ang pag-iingay lamang ng kanyang puso dahil sa naging pakilala sa kanya ni Drei sa babaeng nagngangalang Rowena. Hindi niya alam kung bakit ang simpleng bagay na iyon ay nagbigay ng kung anong haplos sa puso niya. Na para bang ang espesyal ng dating no’n sa kanya dahil tila naramdaman niya ang pagproktekta nito sa kanya.Dahil doon ay hindi na niya magawang alisin pa ang mga tingin sa binata. Kung hindi pa muling magsalita si Rowena ay tuluyan nang mapapako ang mga titig niya rito.“Kinakapatid?” tanong muli ni Rowena sabay balin nito ng tingin sa kanya. “Pero… ngayon ko lang siya nakita rito.”“Uhm… hindi kasi siya taga-rito. Narito lamang siya para magbakasyon,” tugon ni Andrei sa tanong ni Rowena.“Ganoon ba?” tatango-tangong sambit ni Rowena habang nakatingin pa rin ito sa kanya at tila mabuti siyang sinusuri. “Hi, ako si Rowena. Girlfriend ako ni Drei!” pagkuwan ay pakilala ng babae sa kanya kasabay ng pag
"Ako na po ang magbubukas!" excited na sabi ni Jake saka ito tumakbo patungo sa pintuan upang buksan iyon. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Aviannah ay awtomatiko siyang napatago. Kumabog sa kaba ang dibdib niya dahil sa tila takot na baka kung sino na ang nandyan. Naiisip niya kasi ang lalaking muntik nang pumatay sa kanya."Ate..." alalang tawag ni Tonya sa kanya."Hi, Jake!""Ate Rowena...""Nasaan na ang Kuya Drei mo?" Narinig ni Aviannah ang isang hindi pamilyar na tinig ng babae na kausap ni Jake."Ate, okay ka lang po? Bakit po? May problema po ba?" pagkuwan ay sunod-sunod na tanong naman ni Tonya pagkalapit nito sa kanya."Uhm... wala naman, Tonya. Ayos lang ako. Akala ko lang kasi kung sino ang dumating," sagot niya rito."Umalis po si Kuya Drei, hinatid lang po sandali si Lolo Gener sa bayan," narinig nilang tugon ni Jake sa kung sino mang kausap nito."Ah ganoon ba? Kung ganoon ay tayo na sa bahay. Sigurado naman na susunod din doon ang Kuya Drei niyo. Nasaan na pal
Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Aviannah si Tonya at si Jake sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Pero sinaway siya ni Mang Gener sa pagkilos niya."Ija, hayaan mo na lang sila ang kumilos dyan.""Oo nga po, ate. Kaya na po namin 'to," sabi pa ng batang si Jake sa kanya."P-Pero—""Ang mabuti pa ay maupo ka na lamang doon at magpahinga. Hindi pa magaling ang mga sugat mo kaya mas mabuting huwag mong biglain ang sarili mo sa pagkilos," putol pa ni Gener sa nais niyang sabihin.Sa huli ay wala na nga siyang nagawa pa kung 'di ang sumunod na lamang sa gusto nito. Naupo siya sa upuang kahoy sa sala ng bahay.Habang abala sa pagkilos ang tatlo ay marahan niyang iginala ang kanyang mga mata, upang mapagmasdan ng malaya ang bawat sulok ng bahay na kinaroroonan niya ngayon. Gawa sa kahoy ang bahay at hindi iyon kalakihan. Mayroon iyong dalawang kwarto at ang isa nga doon ay ang tinutulugan niya.Nang matapos sa pagkilos sina Tonya at Jake ay dali-dali namang gumawa ng mga homework ang m
Nang dahil sa trahedyang nangyari kay Aviannah ay nawala ang lahat ng pera at gamit niya. Wala na rin ang cellphone niya kaya paano niya pa makakausap ang mga kaibigan niya?"Ilang araw na kaya mula nang umalis ako sa amin?" malungkot at mahinang pagtanong niya sa kanyang sarili. Sigurado siyang galit na galit na talaga ang kanyang ama sa kanya. Na baka nga tuluyan na siyang itakwil nito pagkatapos ng ginawa niyang pagtakas. "I'm so sorry, dad. Pero hindi ko alam kung makababalik pa ba ako sa iyo pagkatapos ng lahat," malungkot na usal niya pa.Ilang sandali pa ang lumipas nang magambala siya sa kanyang pagmumuni-muni, dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Inayos niya ang sarili saka tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang batang babae. Bumungad ito ng nakangiti kaagad sa kanya habang may hawak itong isang baso ng tubig."Hi po, ate. Baka po nauuhaw kayo. Inom po muna kayo," magalang na alok sa kanya nito.Tamang-tama dahil pagkagising pa lang niya kanina ay nakaramdam n
Unti-unting nagising ang diwa ni Aviannah mula sa tila matagal na pagkakahimlay. Ramdam niya ang pagsakit ng buong katawan niya na tila ba binugbog ito ng husto. Bukod doon ay kumikirot din ang ulo niya at ang mga sugat niya.Pero salamat sa Diyos at buhay siya! Salamat sa Diyos dahil kahit nararamdaman niya ang mga sakit na iyon ay buhay naman siya ngayon.Maya-maya pa ay marahan na niyang iminulat ang mga mata niya. At sa pagmulat niya ay tila isang anghel ang bumungad sa kanya. Namilog ang mga mata niya at tila nahirapan siyang alisin ang buong atensyon at tingin sa gwapong binata na nasa harapan niya ngayon. Bukod doon ay kaagad ding nakaramdam ng kakaibang pagkabog ang dibdib niya dahil sa pagtatama ng mga tingin nila sa isa't isa. Kakaibang pagkabog na tila ngayon niya lamang naramdaman sa buong buhay niya.At maya-maya lang ay may isang batang babae ang dumating. "Kuya Drei, tawag ka na ni lolo kakain na raw. Sabi mo susunod ka na—" Natigilan sa pagsasalita ang batang babae nan