Share

Chapter 25:

last update Last Updated: 2025-04-20 23:19:00

Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.

“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.

“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?

Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.

Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Too Wrong to Love   Chapter 67:

    “Ano naman ba kasi sa’yo kung magkasama kami? Isa pa, nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan mong kaya kami nandito ay para sa trabaho. Kaya malamang madalas at halos araw-araw kaming magkakasamang dalawa,” inis na sabi ni Aviannah kay Andrei.“That’s why I’m here.”“Ano?”“Kumain ka na.”Napasinghap si Aviannah sa inis. “Wow. Ang bilis mo naman mag-change topic ah.”“Huwag mong sabihing nag-dinner ka na rin kasama niya?”Napahigit ng malalim na paghinga si Aviannah. Hindi niya lubos maunawaan si Andrei sa mga inaasal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa kung paano at sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.“Kung nag-dinner nga ako kasama siya, ano naman ba sa’yo?”“So, kumain ka na nga?”“Oo—” Natigilan si Aviannah sa pagsagot niya sana nang biglang kumalam ang sikmura niya. “Uhm…” napalunok siya na ikinangisi naman ni Andrei.“Maupo ka. Ipagluluto kita,” wika nito sa kanya.“Hindi na,” mabilis na sagot naman niya rito. “Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. May sarili akong pag

  • Too Wrong to Love   Chapter 66:

    “Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at malaman na nasa katabing unit niya lamang si Andrei, ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki. Suot niya pa rin ang mataray na awra niya para dito.Marahang humigit ng malalim na paghinga si Andrei habang seryosong nakatingin kay Aviannah. At pagkuwan ay humalukipkip ito.“Okay sige, isa-isahin natin. Una, bakit mo ako susundin? Kasi kuya mo ako.”Kaagad na kumunot ang noo ni Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Ano?” Napasinghap siya. “Talagang feel na feel mo ang pagiging kuya ko?”“Hindi naman sa ganoon. Pero… ano mo ba kasi ako gusto?” tila mapang-asar na tanong ni Andrei kay Aviannah.“Ano?”“Pangalawa, hindi mo nga naman sinabi na ipaghanda kita ng lunch, pero ipinaghanda pa rin kita. Hin

  • Too Wrong to Love   Chapter 65:

    “Kung gusto mong ipagluto kita, pritong itlog lang ang maihahain ko sa’yo,” mapang-asar na sabi ni Aviannah kay Andrei nang makabalik sila sa unit ni Aviannah.“Samahan mo na rin ng hotdog, may binili ako rito,” tanging tugon naman ni Andrei kay Aviannah saka nito inayos at itinabi ang mga pinamili nila.Ang akala ni Aviannah ay maaasar ang lalaki sa kanya, pero parang ayos lang pala rito kahit na pritong itlog lang ang lutuin niya para dito.“Seryoso ka ba?” tila si Aviannah pa ang naasar sa huli.“Huh?” lingon ni Andrei kay Aviannah.“Kung aalis ka na ngayon dito at sa labas ka kakain, mas masarap ang makakain mo kaysa sa pritong itlog at hotdog.”“At least luto mo. Kaya mas pipiliin ko pa rin ang pritong itlog at hotdog,” tanging tugon naman ni Andrei saka ito matamis na ngumiti sa dalaga.“Ano bang trip mo?” inis na tanong ni Aviannah.“Huh? Hindi ako nangti-trip. Seryoso ako.”“Ah talaga ba? Seryoso ka pala.”“Palagi akong seryoso pagdating sa’yo,” tugon pa ni Andrei na siyang ba

  • Too Wrong to Love   Chapter 64:

    Wala talaga sa intensyon ni Aviannah na ma-lock si Andrei sa loob ng unit niya. Kaya naman agad niyang tiningnan ang smart lock feature ng unit niya, at nakita niyang naka-activate ang child lock kaya naman nag-automatic itong mag-lock pagkasara niya rito mula sa labas kanina.“Bakit ba naka-activate kasi ito,” mahinang bulong ni Aviannah sa sarili saka niya pinindot ang deactivate button ng child lock settings.“See? I’m not lying. Na-lock ako rito sa loob,” sabi pa ni Andrei.Napatikhim si Aviannah. “H-Hindi ko naman sinasadyang ma-lock ka rito. Ikaw naman kasi. Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot? Tapos bigla ka na lang pumasok dito sa loob kanina. Ayan tuloy.”“Alam mo, bakit hindi ka na lang kaya mag-sorry kaysa ang dami-dami mo pa ring sinasabi dyan.”“Bakit naman ako magso-sorry? Eh hindi ko nga sinasadya.”“Pero ikaw pa rin ang responsible sa pagkaka-lock ko rito sa loob,” sagot ni Andrei kay Aviannah.“Pero kasalanan mo pa rin dahil in the first place, hindi ka malo-lo

  • Too Wrong to Love   Chapter 63:

    “What are you doing here?!” gulat na tanong ni Aviannah kay Andrei na prenteng nakatayo lamang sa harapan niya.“it’s time for dinner,” tanging saad lamang ng lalaki sa kanya.“What?” kunot ang noong tanong niya rito saka siya napasinghap. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Bakit ka nandito?”“Bakit? Bawal ba ako rito?” balik na tanong ni Andrei sa kanya na hindi niya malaman kung bakit parang iniinis siya nito.“Kung hindi ka sasagot ng ayos, get lost,” inis na sabi niya rito kasabay ng akmang pagsara niya ng pinto rito. Pero agad iyong pinigilan ng lalaki.“Fine. Nandito ako para bantayan ka,” sagot ni Andrei sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.“What?” kunot-noong tanong niya.“Iyon ang gusto ni tito.”“Really?” tila hindi niya makapaniwalang ulit na tanong sa lalaki.“Yes,” simpleng sagot naman ni Andrei sa kanya saka ito biglang humakbang palapit sa kanya na agad naman niyang ikinaatras. At ang sumunod na lamang na alam niya ay dere-deretsyo na itong nakapasok sa loo

  • Too Wrong to Love   Chapter 62:

    “Nasaan na sila?” alalang tanong ni Alfred kay Jamie pagkababa nito ng sasakyan. Tila mabuting sinusuri ang paligid upang hanapin sina Aviannah at Sandra, na ayon kay Jamie, ay kapwa nakainom.“Pasensya ka na, Alfred, inihatid na kasi sila ni Andrei,” nahihiyang tugon ni Jamie kay Alfred.“What?” kumunot ang noo ni Alfred. Sa totoo lang ay hindi niya alam na kasama pala ng mga ito si Andrei. Tumawag lamang kasi siya kay Aviannah kanina dahil may itatanong siya rito tungkol sa lakad nila bukas patungo ng Mindoro. Ni hindi rin niya alam kung bakit nasa ganitong klaseng lugar ang mga ito at kung ano ang ginagawa nila rito.“Andrei insisted kasi. Wala na rin akong nagawa pa kanina kahit na sinabi ko nang papunta ka na para sunduin kami. Pasensya ka na, naabala ka pa tuloy. Hindi ko rin kasi alam ang number mo. Tatawagan sana kita kanina para sabihing ‘wag ka nang tumuloy pa. Hindi ko rin nakuha sa cellphone ni Avie ang number mo. Kaya pasensya na talaga,” mahabang paliwanag pa ni Jamie.H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status