“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”
Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido ng kanyang ulo habang pinakikinggan ang panenermon ng kanyang yaya Vangie sa kanya.
“Oo na nga po, yaya, mali na po kami roon. Pero kasi masyado lang nagkasiyahan ang lahat kaya po ganoon,” nakapikit na sagot niya sa ginang.
“Ay kahit pa, kapag alam mong hindi mo na kaya, dapat ay tumigil ka na sa pag-inom,” saad ng yaya Vangie niya sa kanya saka nito inilapag sa harapan niya ang isang mainit na sabaw. “Ito oh, maganda ito para sa may mga hangover.”
“Salamat po.” Mabagal na kumilos si Aviannah upang tikman ang sabaw na hinanda ni Vangie sa kanya.
“Mamaya ay pababa na ang daddy at ang tita Cristy mo. Ayusin mo ang sarili mo dahil hindi nila alam na umuwi kang lasing kagabi,” pagkuwan ay sabi pa ni Vangie sa kanya.
“Mabuti naman po at hindi naman po ako sinumbong ni Mang Lito—”
“Hindi rin naman alam ni Lito na lasing kang umuwi kagabi eh,” putol sa kanya ni Vangie na bahagyang ikinatigil niya.
“Po? Eh kung ganoon… ibig sabihin po ba ay hinatid pa ako ni Sandra dito kagabi?”
“Hindi rin.”
“Huh?” Kumunot ang noo niya. Sigurado din naman siya na hindi si Jamie ang pwedeng maghatid sa kanya dahil wala itong dalang sasakyan kagabi. Isa pa ay alam niyang pareho silang nalasing na dalawa dahil wala silang tigil sa pag-shot. Dahil doon ay saka naman niya naisip si Alfred. Humigit siya ng malalim na paghinga saka muling nagsalita. “Kung ganoon ay si Alfred siguro ang naghatid sa akin dito kagabi. Mabuti na lang din at hindi niya tinawagan si daddy—”
“Hindi rin si Alfred,” putol muli ni Vangie sa kanya.
May pagtataka siyang tumitig sa kanyang yaya saka muling nagsalita. “Kung hindi si Mang Lito, hindi si Sandra, at hindi rin po si Alfred… ay sino po ang nag-uwi sa akin dito sa bahay kagabi?” tanong niya.
“Ang kuya mo,” deretsyong sagot naman ni Vangie na siyang agad na ikinasamid ni Aviannah.
“Ay sus maryosep! Ano ka bang bata ka?” tarantang sabi naman ni Vangie saka siya nito mabilis na inabutan ng inuming tubig.
Agad iyong kinuha ni Aviannah at ininom.
“What did you say?!” pagkuwan ay gulat na tanong niya matapos makabawi sa sarili.
“Oh? Bakit ba gulat na gulat ka diyan? Hindi ba nasabi sa iyo ng daddy at tita Cristy mo? Na kahapon ang dating ng kuya mo?”
“K-Kuya ko?” nauutal na tanong niya sa kanyang yaya.
“Oo. Ang kuya Andrei mo. Nandito na siya. Umuwi na ang kuya Andrei mo at siya ang sumundo sa iyo kagabi sa resto-bar.”
Kaagad na naramdaman ni Aviannah na tila ba sandaling huminto sa pagtibok ang puso niya dahil sa balitang nalaman mula sa kanyang yaya. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng maraming taon, ay muling nagbalik ang taong ayaw na sana niyang makitang muli.
“P-Pero… paanong sinundo niya ako kagabi?” nauutal na tanong niya.
“Kagabi kasi tumawag sa akin si Sandra. Sinabi niyang ipasundo ka na kay Lito dahil nga nakainom ka. Eh sakto namang nasa harap ko no’n ang kuya mo. Kaya nalaman niya.”
“Tapos?”
“Tapos sinabi niyang siya na lang daw ang susundo sa iyo. Hiningi niya sa akin ‘yong address ng resto-bar na binigay ni Sandra.”
Hirap siyang napalunok matapos matuklasan ang lahat ng iyon mula kay Vangie. Lalo ring tumindi ang sakit ng ulo niya dahil pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Pero kahit na isa at kahit na ano ay wala siyang maalala. Kaya naman hindi niya maiwasang hindi mainis ng lubusan sa kanyang sarili.
“Ano? Wala ka pa rin ba talagang maalalang kahit na ano?” tanong pa ni Vangie sa kanya.
“Wala po talaga akong maalala, yaya—” Sandali siyang natigilan. “Pero sandali, siya rin po ba ang nagdala sa akin sa kwarto?”
“Oo siya rin. Eh hindi naman kasi kita kayang buhatin. Masakit na ang mga tuhod ko.”
Muling umawang ang mga labi niya sa mga karagdagang impormasyon na kanyang nalaman. Parang sa isang iglap ay gusto niyang bumuka ang lupa para kainin siya nito dahil sa labis na kahihiyan. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na pwede siyang malasing ng ganoon kalala, ay ‘yong kagabi pa!
“Pero huwag ka nang mag-alala pa. Dahil tulad nga ng sinabi ko ay hindi naman alam ng daddy mo at ng tita Cristy mo na lasing ka kagabi. Hindi sinabi ng kuya Andrei mo sa kanila—”
“Please, yaya, stop calling him na kuya ko,” pagkuwan ay mabilis na putol niya kay Vangie. Bakas ang pagkainis at pagkairita sa kanyang mukha. “Hindi ko siya kuya.”
“Anong hindi? Anak siya ng tita Cristy mo. Asawa ng daddy mo. Kaya kapatid mo siya. Kuya mo siya—”
“Urgh!” Agad siyang tumayo at mabilis na tinalikuran si Vangie.
“Kita mo itong batang ito. Napakapilya at spoiled talaga. Saan ka pupunta? Ubusin mo itong sabaw at pagkatapos ay mag-almusal ka rito!”
Narinig niyang sabi ni Vangie na siyang binalewala niya at sa halip ay mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid upang doon makapagtago. Anytime kasi ay baka lumabas si Andrei at magkita silang dalawa. Bagay na ayaw niyang mangyari.
“Okay. Kailangan kong umisip ng paraan,” pagkausap niya pa sa kanyang sarili pagkadating niya sa loob ng kanyang silid. “Wala akong kahit na anong maalala kagabi, it means, baka tulog ako the whole time kagabi no’ng dumating siya at inuwi ako. Tama. If that’s the case, for sure ay wala akong kahit na anong nasabi sa kanya. Well, dapat lang. Dapat lang talaga na wala akong nasabing kahit na ano sa kanya!” mahabang pagkausap niya sa kanyang sarili.
Maya-maya pa ay agad niyang naisipang tawagan ang kaibigang si Sandra.
“Hello, Avie? How are you? Kumusta ang pakiramdam mo? Hangover for sure—”
“Sandra! Tell me, anong nangyari kagabi?” mabilis na putol niya sa kaibigan pagkasagot nito ng tawag niya.
“Huh? Oh… well…”
“You know who picked me up last night, right?”
“Y-Yeah... it’s him, Avie.”
Humigit siya ng malalim na paghinga. “So, it’s true. Yaya Vangie is telling the truth.”
“Well, shock din talaga ako kagabi. Kung alam ko lang na dumating siya kahapon, hindi na sana ako tumawag kay Yaya Vangie para ipasundo ka. Sana ay pinahatid na agad kita kay Alfred. I’m sorry, Avie—”
“No, no, no, it’s okay. I mean… wala ka namang kasalanan kung siya ang sumundo at nag-uwi sa akin kagabi.”
Narinig niya ang malalim na paghinga ni Sandra mula sa kabilang linya saka ito muling nagsalita. “So, how are you now?”
“Masakit ang ulo ko and worst is… wala akong kahit na anong maalala mula nang magpass-out ako kagabi sa resto-bar.”
“Really? Kahit ‘yong… sinabi mo sa kanya… hindi mo rin maalala?” marahang tanong ni Sandra sa kanya na agad niyang ikinataranta.
“What?! Wait! What did I say to him?!”
“Uhm…”
“Come on, Sandra! Tell me! Anong sinabi ko sa kanya?! Anong nangyari kagabi noong sinundo niya ako?”
At nang mga sandaling iyon ay ikinuwento nga ni Sandra sa kanya ang mga nangyari kagabi nang sunduin siya ni Andrei.
“You? What are you doing here?” malalim na tanong ni Alfred kay Andrei nang huminto ito sa tapat nito.
Bumaba ang tingin ni Andrei sa natutulog na si Aviannah na naroon pa rin sa table.
“I’m here to pick up my sister,” seryosong sagot pa nito.
“A-Andrei! Kailan ka pa dumating?” singit na tanong ni Sandra.
“Kanina lang,” simpleng sagot naman ni Andrei kay Sandra saka ito nagsimulang humakbang patungo kay Aviannah. Pero agad itong natigilan nang harangin ito ni Alfred.
“Wait. Ako na ang maghahatid sa kanya.”
“What? Bakit kailangan mo pa siyang ihatid? Eh sinusundo ko na nga siya—”
“Alam mo kung bakit,” mabilis na putol ni Alfred kay Andrei.
“What?”
“Alam mong ayaw ka niyang makita.”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kapaligiran nang mga oras na iyon. At napukaw lamang iyon nang marahang bumangon si Aviannah mula sa pagkakayupayop sa table.
“Avie! Are you alright?” lapit ni Sandra kay Aviannah.
“I need to go home now,” nakapikit na sabi ni Aviannah.
“Yes, we will go home now. Let’s go,” ani Sandra saka nito marahang inalalayan sa pagtayo si Aviannah.
Agad namang lumapit si Alfred upang tulungan si Sandra, habang nananatiling tahimik na nakatitig lamang si Andrei kay Aviannah.
Pero bago pa man makahakbang ang mga ito ay humarang na si Andrei sa daraanan ng mga ito.
“You’re coming with me,” seryosong sabi ni Andrei kay Aviannah kahit pa nakapikit lamang ito at wala sa sariling katinuan dahil sa labis na kalasingan.
“I said that I will be the one to take her home—”
“I already said that my sister is coming with me,” Andrei cut off what Alfred was saying.
Pumalatak si Alfred sa sinabi ni Andrei. “You’re sister, huh.”
“Yes. She’s my sister anyway. Do you have a problem with that?” maangas na sabi naman ni Andrei kay Alfred.
Sa huli ay hindi na nga nakapalag pa si Alfred at hinayaan na nitong kuhanin ni Andrei si Aviannah.
Marahang nagmulat ng mga mata si Aviannah nang hawakan siya ni Andrei. Nakagat naman ni Sandra ang ibabang labi niya dahil sa kaba, na baka anong gawing eksena ng lasing niyang kaibigan kapag nalaman nitong nasa harap niyo ngayon ang lalaking ayaw nitong makita.
“Oh, wait!” ani Aviannah saka ito tumitig kay Andrei. “Why do you look familiar?”
“Really?” seryosong balik na tanong ni Andrei kay Aviannah.
“Yes. You look like… someone I know.”
“And what’s his name?”
“I don’t say bad words,” tugon ng lasing na si Aviannah. Wala itong kamalay-malay na kausap na niya ang lalaking sinabi niyang ayaw na niyang makita pang muli.
“Bad words na lang pala para sa iyo ang pangalan ko,” dismayadong saad naman ni Andrei. “Do you hate him? ‘Yong kamukha ko,” pagkuwan ay sabi niya pa kay Aviannah.
“Yeah. I hate him. I really. Really. Really. Hate him. And I don’t want to see his face anymore,” matigas na tugon naman ni Aviannah saka ito muling nawalan ng malay dahil sa labis na pagkahilo at kalasingan.
“And yeah, that’s it. That’s the whole story. Nang mawalan ka na ulit ng malay ay binuhat ka na niya sa sasakyan niya,” saad ni Sandra kay Aviannah matapos maikuwento rito ang nangyari kagabi nang sunduin ito ni Andrei.
Mariing napapikit ng mga mata si Aviannah kasabay ng pagtutop nito sa noo.
“Hello? Avie? Are you still there?” pagkuwan ay tanong ni Sandra mula sa kabilang linya.
“Yeah. I’m still here. I just can’t believe na nasabi ko ang mga iyon kagabi,” marahang tugon ni Aviannah sa kaibigan.
“Grabe rin ang kaba ko kagabi nang magsalita ka sa kanya. Pero hindi na rin kasi kita nagawang pigilan pa.”
“It’s okay, Sandra.” Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka muling nagsalita, “sa tingin ko mas mabuti na rin na nasabi ko ang mga iyon kagabi.”
“Huh?”
“Eh kasi ‘di ba? Totoo naman ang lahat ng iyon. Totoo namang galit ako sa kanya at… totoo rin na ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”
“Eh anong gagawin mo ngayon… kung nandyan na siya ulit sa inyo?”
“Eh ‘di aalis ako,” deretsyong sagot ni Aviannah sa tanong ni Sandra.
“What? Aalis ka?”
“Oo. Aalis ako. Kung dito siya titira… ako naman ang aalis. Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan,” desididong sagot niya.
“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei. Iyon ang pinagpaplanuhan niya ng mabuti kanina, kung paano niya maiiwasan ang lalaki gayoong narito na ito ngayon sa bansa. Pero wala pang ilang minuto ang lumilipas ay kinatok siya ng kanyang ama sa kanyang silid, upang pilitin siyang sumabay sa kanila na mag-agahan.Lahat ng dahilan at palusot na sinabi niya kanina sa kanyang ama ay tila balewala. Dahil nagwagi ito sa huli at ngayon nga ay nasa hapagkainan siya, kasama at kaharap ang lalaking ayaw na talaga sana niyang makita pang muli.Deretsyo lamang siyang nakatingin sa lalaki habang mataman din naman itong nakatitig sa kanya. Na tila ba ineeksamin siya nito ng mabuti dahil ngayon na lamang siya ulit nagpakita rito pagkalipas ng limang
Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-traffic sa kalsada. Ang dami pang hinintuang kanto no’ng driver ng jeep. Napakainit at napakausok,” reklamo niya pa.Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Ruffa, ang baklang staff at designer niya sa kanyang boutique. “Ito, uminom ka na muna.”Agad namang kinuha ni Aviannah ang tubig na binigay ni Ruffa saka ininom.“Ano po bang nangyari? Nasiraan ba kayo ng sasakyan kaya nag-commute kayo?” tanong naman ni Nimfa, ang sales assistant ni Aviannah.“Mabuti pa sana kung ganoon nga lang. Pero hindi. Bukod sa wala akong driver kanina ay may asungot pang sumira ng umaga ko!” inis na wika ni Aviannah.Agad na nagbalik sa isipan niya ang inis niya para kay Andrei nang maalala niyang ito ang dahilan
Mabilis na hinanap ng mga mata ni Aviannah ang taong kanyang pakay kung bakit siya naririto ngayon sa party ng lalaking kinaiinisan niya. Mula sa kanyang boutique shop kanina ay dumeretsyo na siya rito dahil importante para sa kanya ang deal sa pamilya Zhang. Pinagtrabahuhan nila ng isang buwan ng kanyang team ang project na ito kaya naman hindi siya makapapayag na hindi ito makuha.“Ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo,” sabi ni Aviannah kina Ruffa at Nimfa.“Sige, doon ako,” ani Nimfa.“Ay sige, doon naman ako sa kabila. Ang daming gwapo eh,” saad naman ni Ruffa saka ito tuluyang umalis sa harapan niya. Napailing na lamang siya saka nagpatuloy sa paghahanap.“Aviannah!” Agad na napalingon si Aviannah nang tawagin siya ng isang pamilyar na tinig.“Yaya…” usal niya pagkalingon niya.“Akala ko ay hindi ka makadadalo sa party ng kapatid mo,” lapit ni Vangie sa kanya.“Wala naman po talaga akong balak na magpunta rito.”“Eh kung ganoon ay bakit ka narito?”“Narito po kasi ngayon si Mrs.
“Oh, Aviannah, mabuti at narito ka na.”“Hi, Yaya!” nakangiting bati ni Aviannah pagkapasok nito ng gate ng kanilang mansyon.Sinulyapan naman ni Vangie ang magarang sasakyan sa labas na siyang naghatid pauwi sa alaga niya. “Sino iyong naghatid sa iyo?” tanong ni Vangie kay Aviannah habang sinusundan niya ito papasok sa loob. Dumeretsyo si Aviannah sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge at inumin.“Uhm… si Alfred po,” simpleng sagot ni Aviannah na bahagyang ikinatigil ni Vangie.“Ano? Tama ba ako ng narinig? Si Alfred ba kamo ang naghatid sa iyo rito?”“Yes, yaya. Why?”“Ah wala naman. Pero bakit ka niya hinatid? Ibig sabihin ba’y siya ang kasama mo sa maghapon?” usisa pa ni Vangie kay Aviannah.“What?”“Ang aga mo kasing umalis kanina. Pagpunta ko sa kwarto mo para alukin ka ng almusal ay wala ka na.”“I was in the shop early in the morning, yaya.”“Tapos? Paanong hinatid ka ni Alfred dito?”“Nagkita kami.”“Bakit naman kayo nagkita?”“Wait nga lang po, yaya. Bakit paran
“Y-Yes, dad,” marahang sagot ni Aviannah sa ama kasabay ng pag-iwas niya ng tingin kay Andrei.“That’s good then,” tugon ng kanyang ama sa kanya na para bang natuwa ito sa nakuhang sagot mula sa kanya.“Who’s Alfred, hon?” pagkuwan ay singit na tanong naman ni Cristy.“’Yong anak ni Mr. and Mrs. Guden.”“Oh, really? That Alfred—” Hindi itinuloy ni Cristy ang sasabihin, pero ganoon pa man ay gets na ni Aviannah kung ano ang nais nitong sabihin.Si Alfred. Ang lalaking nais na ipagkasundo sa kanya ng kanyang ama.“Yes, Alfred Guden. That’s him,” simpleng tugon naman ni Ark kay Cristy habang ngumunguya ito ng pagkain.Hirap na napalunok ng pagkain si Aviannah kasabay ng muling pagdapo ng kanyang paningin kay Andrei, na ngayon ay may mas matalim na mga tingin sa kanya. Bagay na hindi niya alam kung bakit nakapagbibigay iyon ng kakaibang pagkabog sa kanyang dibdib. Na para bang sinasabi ng mga titig nito sa kanya na may nagawa siyang pagkakasala rito.“Well, I’m glad to know that you two a
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.“Magpapakasal na kami ng Tita Cristy mo,” saad ng kanyang ama sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.Alam naman na niya ang tungkol sa plano at kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan ang girlfriend nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila may kirot pa rin sa puso niya ang bagay na iyon. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga matanggap na may iba nang nilalaman ang puso ng kanyang ama, na dapat ay ang mommy lamang niya.Alam naman iyon ng kanyang ama na hindi niya tanggap ang pagkakaroon nito ng bagong nobya. Pero tila masyado yata talagang na-in love ang daddy niya kung kaya’t nagawa nitong mas piliin ang babae na iyon kaysa sa kanya na sarili nitong anak.Marahang nilunok ni Aviannah ang nginunguya
“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.Nang matapos sa pag-aaral si Aviannah ay tinahak niya ang pagiging isang fashion designer. At kahit na isang taon pa lamang siya sa larangan na ito ay tila eksperto na siya sa ganda ng mga feedback sa kanya ng mga nagiging kliyente niya, at sa dami na rin ng nagpapagawa at nagtitiwala sa kanya. Kaya naman kahit na isang taon pa lamang siya sa ganitong larangan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang boutique. At proud na proud siya na ang lahat ng iyon ay nagmula sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap. Kahit pa ilang beses na siyang kinukumbinsi ng kanyang ama at ng kanyang madrasta na tumulong na lamang siya sa sariling negosyo ng mga ito.Para kay Aviannah, iba pa rin ang magkaroon siya ng sariling pangalan sa la

“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido ng kanyang ulo habang pinakikinggan ang panenermon ng kanyang yaya Vangie sa kanya.“Oo na nga po, yaya, mali na po kami roon. Pero kasi masyado lang nagkasiyahan ang lahat kaya po ganoon,” nakapikit na sagot niya sa ginang.“Ay kahit pa, kapag alam mong hindi mo na kaya, dapat ay tumigil ka na sa pag-inom,” saad ng yaya Vangie niya sa kanya saka nito inilapag sa harapan niya ang isang mainit na sabaw. “Ito oh, maganda ito para sa may mga hangover.”“Salamat po.” Mabagal na kumilos si Aviannah upang tikman ang sabaw na hinanda ni Vangie sa kanya.“Mamaya ay pababa na ang daddy at ang tita Cristy mo. Ayusin mo ang sarili mo dahil hindi nila alam na umuwi kang lasing kagabi,” pagkuwan ay sabi