Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.
“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”
“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-traffic sa kalsada. Ang dami pang hinintuang kanto no’ng driver ng jeep. Napakainit at napakausok,” reklamo niya pa.
Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Ruffa, ang baklang staff at designer niya sa kanyang boutique. “Ito, uminom ka na muna.”
Agad namang kinuha ni Aviannah ang tubig na binigay ni Ruffa saka ininom.
“Ano po bang nangyari? Nasiraan ba kayo ng sasakyan kaya nag-commute kayo?” tanong naman ni Nimfa, ang sales assistant ni Aviannah.
“Mabuti pa sana kung ganoon nga lang. Pero hindi. Bukod sa wala akong driver kanina ay may asungot pang sumira ng umaga ko!” inis na wika ni Aviannah.
Agad na nagbalik sa isipan niya ang inis niya para kay Andrei nang maalala niyang ito ang dahilan kung bakit naranasan niya ang ganoong hirap kanina sa kalsada. Wala namang masama kung mag-leave ang kanilang driver na si Mang Lito, pero naiinis siya dahil hindi man lang nito pinaalam muna sa kanya. Araw-araw ay pinagda-drive siya ni Mang Lito, kaya naiinis din siya na bakit hindi rin ito nagsabi sa kanya. O baka sadyang pakana ni Andrei ang lahat ng iyon.
“Wala po si Mang Lito? Kung ganoon, sana ay nagpasundo ka na lang sa amin,” ani Nimfa.
“Hindi ko naman kayo pwedeng abalahin na lang. Alam kong marami rin kayong ginagawa at sobrang busy rin kayo lately, para makuha ang project kina Mrs. Zhang,” tugon ni Aviannah. “Anyways, kalimutan na natin iyon. Ang mabuti pa ay magsimula na tayo ng preparation para sa meeting natin mamaya kay Mrs. Cheska Zhang.”
“Alright. Here.” Iniabot ni Ruffa sa kanya ang isang portfolio na may lamang mga sample designs para sa gustong maging wedding gown ng kanilang kliyente.
Agad namang natigilan si Aviannah nang makita ang isa sa mga designs na naroroon.
“This…” mahinang usal niya.
“Ah, ayan. Inspire siya sa gown ng Disney Princess na si Belle ng Beauty and The Beast. Nabanggit kasi ni Mrs. Zhang na favorite Disney Princess daw iyon ng kanyang anak,” saad ni Ruffa sa kanya.
Dahil doon ay may mga alaalang nagbalik sa isipan ni Aviannah.
"When she came back to the palace, she found the beast ill in his bed. She didn't want him to die and she told him she'll marry him. Beast disappeared all of the sudden and its place was taken by a beautiful prince. He told her all about a fairy enchanting him and how the spell could have only been broken by a girl falling in love with him. After her father got better, they threw a wedding and then they all lived happily ever after."
Matamis na ngumiti si Aviannah matapos mabasa ng kanyang ina ang paborito niyang libro. Ni hindi na nga niya matandaan kung ilang beses na niya nga ba itong paulit-ulit na napapabasa sa kanyang ina, dahil hindi siya nagsasawang balik-balikan ang kwento ni Beauty at ni Beast.
"I want to grow up now, so, I can meet my own Beast!" masaya at tila excited na sambit niya sa kanyang ina.
"No, Baby. Don't grow up so fast. Gusto kong maging baby lang kita nang matagal na matagal!" tugon sa kanya ng kanyang ina kasabay ng pag-ayos nito ng kumot niya.
"But I can still be your baby even if I meet my own Beast," inosenteng sabi niya sa kanyang ina.
"Hmm. Well, pwede naman iyon, pero ayaw ko pang magkaroon ng kahati sa iyo. Kaya huwag mo munang madaliin ang paglaki mo, anak. Okay?"
"Okay po, mom. I won't na po. I'll just wait for the right time na lang po to meet my own Beast," magalang na tugon niya sa ina.
"Very good, baby. I love you so much!"
"I love you too, mommy!"
Punong-puno ng pagmamahal na kinintilan siya ng halik sa noo ng kanyang ina. At maya-maya lang ay may mahihina at maliliit na pagkatok silang narinig mula sa pintuan ng kanyang silid. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang kanyang ama, na kagagaling lamang sa trabaho.
"Daddy!" masayang sambit niya kasabay ng pagbangon at pagsalubong niya ng mahigpit na yakap dito.
"Hey, baby!" Mahigpit din siyang niyakap ng ama at kinarga. Saka ito kumilos at lumapit sa kanyang ina upang gawaran ito ng isang halik sa noo. "How was my queen and my princess?" malambing na tanong pa nito sa kanila saka ito naupo sa kama niya sa tabi ng kanyang ina, habang karga-karga pa rin siya.
"We're good, dad. Mom just read me my favorite story," masiglang tugon niya sa ama.
"Really? Is it Beauty and the Beast?" tanong ng kanyang ama sa kanya na kaagad niyang tinanguan bilang pagtugon. "You really love that story, huh. Can you tell me why?"
"Because, like you and mom, someday, I want to find my own Beast. I want to find my true love."
"Pero, hindi ba kami ang true love mo ng mommy mo?"
"Yes, you are. But Beast is different. You know, dad, I want my own Prince Charming. Tulad po ni mommy, she has her own Prince Charming and that is you."
"Oh? Prince Charming naman ngayon. Ang bata-bata mo pa para sa mga ganyang bagay, anak. Saan mo ba natututunan 'yan?" tanong ng kanyang ama sa kanya.
"Prince Charming is in all the stories we've read. Right, mom?" balin niya sa kanyang ina.
"Yes, baby. But that is enough na," sabi ng kanyang ina saka siya nito kinuha mula sa kanyang ama at maingat at marahan na ibinalik at inihigang muli sa kanyang kama. "It's your bedtime na. It's time to sleep na," dagdag pa nito sa kanya.
"It's your bedtime na pala, baby. You should sleep na. Close your eyes na," saad naman ng kanyang ama sa kanya.
"Okay po, daddy, mommy!" mabait niyang tugon sa kanyang mga magulang saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.
"Good girl!" puri ng kanyang ama sa kanya saka nito inayos ang kumot sa kanya.
Pero mabilis niya ring iminulat muli ang kanyang mga mata. "I love you mommy, I love you daddy!"
"We love you too, baby!" sabay at natutuwang tugon naman sa kanya ng kanyang mga magulang, saka siya nito kinintilan ng halik sa kanyang noo at pisngi.
Matamis na ngumiti si Aviannah saka niya marahang muling ipinikit ang kanyang mga mata, at tuluyan na nga siyang hinila ng kanyang antok.
“I like this one,” mahinang usal ni Aviannah nang magbalik siya sa kanyang sarili.
“Talaga? Sa tingin mo rin ba ay magugustuhan nila ito?” masayang tanong ni Ruffa sa kanyang tabi.
“Huh? Uhm… o-oo naman. Sigurado akong magugustuhan nila ito.”
“Mabuti naman kung ganoon!” excited na wika ni Ruffa.
“Ms. Aviannah, narito pala ‘yong sales report natin for this week,” sabi naman ni Nimfa sabay abot din nito ng portfolio sa kanya.
Sinuri niya iyon at nagpatuloy sila sa kanilang meeting nang araw na iyon. Ilang oras pa ang lumipas nang makatanggap naman siya ng tawag mula sa bisitang kanina pa nila hinihintay at pinaghahandaan na makaharap, si Mrs. Cheska Zhang.
Isa ang pamilya Zhang sa kilalang pinakamatagumpay na negosyante sa kanilang siyudad. Kaya naman nang lumapit si Mrs. Cheska Zhang sa kanya upang personal na magpagawa ng wedding gown ng anak nitong babae, para sa nalalapit nitong kasal, ay hindi siya nag-atubili at inumpisahan niya agad ang pagtatrabaho.
“Magandang araw po, Mrs. Cheska Zhang,” masayang bati ni Aviannah sa kausap na nasa kabilang linya ng telepono.
“Magandang araw din sa iyo, Aviannah. Alam kong may usapan tayo ngayon na magkikita tayo sa shop mo, kaya lang ay baka hindi na ako makadaan dyan.”
Agad namang napawi ang mga ngiti sa mga labi ni Aviannah nang marinig ang sinabi ng kausap. “Huh? Uhm… ganoon po ba?”
“Ang totoo niyan ay nakatanggap kasi ako ng imbitasyon para sa party ng kapatid mo, at papunta na kami roon ngayon ng mga anak ko,” saad ni Mrs. Cheska Zhang na ikinagulat ni Aviannah.
“A-Ano po? Imbitasyon sa party ng kapatid ko?” pag-ulit niya pa dahil iniisip niyang baka naman nagkamali lamang siya ng dinig.
“Oo. Hindi ba’t kapatid mo… si Mr. Andrei Tuazon?”
Umawang ang mga labi ni Aviannah kasabay ng pagsapo niya sa kanyang noo. “Huh? Uhm…” Tila hindi niya malaman ang isasagot sa ginang.
“Kaibigan kasi siya ng aking anak na lalaki. Magkaklase sila sa Canada at sabay na dumating dito sa bansa. Ang gusto kasi ng anak ko ay dumalo kami roon dahil iniimbita rin daw kami ng iyong kapatid. Kaya naman naisip kong dumeretsyo na roon at doon na lamang tayo mag-usap ng personal para sa wedding gown ng anak kong si Charmie,” mahabang sabi ni Mrs. Cheska Zhang na ikinapikit ng mariin ni Aviannah. Ang buong akala niya ay nakalusot na siya sa kanyang ama upang hindi dumalo sa kasiyahan ng kanilang pamilya mamaya. Pero nagkakamali pala siya dahil sa dinami-dami ng pwedeng maging kaibigan ng anak ni Mrs. Cheska Zhang, ay ang kinaiinisan niya pang lalaki na si Andrei.
Nagpakawala ng marahang paghinga si Aviannah saka sumagot sa kausap. “Okay po. Sige po.”
“Okay, see you later, Aviannha.” Iyon lang at tuluyan nang naputol ang tawag.
“Anong nangyari? Okay ka lang ba? Nasaan na daw si Mrs. Cheska Zhang?” sunod-sunod na tanong ni Nimfa kay Aviannah nang maibaba nito ang telepono.
“May problema ba? Hindi ba matutuloy ang meeting mo kay Mrs. Cheska Zhang?” tanong naman ni Ruffa.
“Matutuloy ang meeting namin, pero hindi na rito,” walang buhay na tugon ni Aviannah sa dalawa.
“Huh? Kung ganoon ay saan na?” tanong ni Nimfa.
Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka sumagot. “Sa bahay… sa party ng napakagaling kong kapatid,” inis na wika niya.
“Huh?”
“Let’s go, guys,” yaya niya pa sa dalawa saka siya tuluyang kumilos upang umalis.
Mabilis na hinanap ng mga mata ni Aviannah ang taong kanyang pakay kung bakit siya naririto ngayon sa party ng lalaking kinaiinisan niya. Mula sa kanyang boutique shop kanina ay dumeretsyo na siya rito dahil importante para sa kanya ang deal sa pamilya Zhang. Pinagtrabahuhan nila ng isang buwan ng kanyang team ang project na ito kaya naman hindi siya makapapayag na hindi ito makuha.“Ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo,” sabi ni Aviannah kina Ruffa at Nimfa.“Sige, doon ako,” ani Nimfa.“Ay sige, doon naman ako sa kabila. Ang daming gwapo eh,” saad naman ni Ruffa saka ito tuluyang umalis sa harapan niya. Napailing na lamang siya saka nagpatuloy sa paghahanap.“Aviannah!” Agad na napalingon si Aviannah nang tawagin siya ng isang pamilyar na tinig.“Yaya…” usal niya pagkalingon niya.“Akala ko ay hindi ka makadadalo sa party ng kapatid mo,” lapit ni Vangie sa kanya.“Wala naman po talaga akong balak na magpunta rito.”“Eh kung ganoon ay bakit ka narito?”“Narito po kasi ngayon si Mrs.
“Oh, Aviannah, mabuti at narito ka na.”“Hi, Yaya!” nakangiting bati ni Aviannah pagkapasok nito ng gate ng kanilang mansyon.Sinulyapan naman ni Vangie ang magarang sasakyan sa labas na siyang naghatid pauwi sa alaga niya. “Sino iyong naghatid sa iyo?” tanong ni Vangie kay Aviannah habang sinusundan niya ito papasok sa loob. Dumeretsyo si Aviannah sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge at inumin.“Uhm… si Alfred po,” simpleng sagot ni Aviannah na bahagyang ikinatigil ni Vangie.“Ano? Tama ba ako ng narinig? Si Alfred ba kamo ang naghatid sa iyo rito?”“Yes, yaya. Why?”“Ah wala naman. Pero bakit ka niya hinatid? Ibig sabihin ba’y siya ang kasama mo sa maghapon?” usisa pa ni Vangie kay Aviannah.“What?”“Ang aga mo kasing umalis kanina. Pagpunta ko sa kwarto mo para alukin ka ng almusal ay wala ka na.”“I was in the shop early in the morning, yaya.”“Tapos? Paanong hinatid ka ni Alfred dito?”“Nagkita kami.”“Bakit naman kayo nagkita?”“Wait nga lang po, yaya. Bakit paran
“Y-Yes, dad,” marahang sagot ni Aviannah sa ama kasabay ng pag-iwas niya ng tingin kay Andrei.“That’s good then,” tugon ng kanyang ama sa kanya na para bang natuwa ito sa nakuhang sagot mula sa kanya.“Who’s Alfred, hon?” pagkuwan ay singit na tanong naman ni Cristy.“’Yong anak ni Mr. and Mrs. Guden.”“Oh, really? That Alfred—” Hindi itinuloy ni Cristy ang sasabihin, pero ganoon pa man ay gets na ni Aviannah kung ano ang nais nitong sabihin.Si Alfred. Ang lalaking nais na ipagkasundo sa kanya ng kanyang ama.“Yes, Alfred Guden. That’s him,” simpleng tugon naman ni Ark kay Cristy habang ngumunguya ito ng pagkain.Hirap na napalunok ng pagkain si Aviannah kasabay ng muling pagdapo ng kanyang paningin kay Andrei, na ngayon ay may mas matalim na mga tingin sa kanya. Bagay na hindi niya alam kung bakit nakapagbibigay iyon ng kakaibang pagkabog sa kanyang dibdib. Na para bang sinasabi ng mga titig nito sa kanya na may nagawa siyang pagkakasala rito.“Well, I’m glad to know that you two a
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.“Magpapakasal na kami ng Tita Cristy mo,” saad ng kanyang ama sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.Alam naman na niya ang tungkol sa plano at kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan ang girlfriend nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila may kirot pa rin sa puso niya ang bagay na iyon. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga matanggap na may iba nang nilalaman ang puso ng kanyang ama, na dapat ay ang mommy lamang niya.Alam naman iyon ng kanyang ama na hindi niya tanggap ang pagkakaroon nito ng bagong nobya. Pero tila masyado yata talagang na-in love ang daddy niya kung kaya’t nagawa nitong mas piliin ang babae na iyon kaysa sa kanya na sarili nitong anak.Marahang nilunok ni Aviannah ang nginunguya
“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.Nang matapos sa pag-aaral si Aviannah ay tinahak niya ang pagiging isang fashion designer. At kahit na isang taon pa lamang siya sa larangan na ito ay tila eksperto na siya sa ganda ng mga feedback sa kanya ng mga nagiging kliyente niya, at sa dami na rin ng nagpapagawa at nagtitiwala sa kanya. Kaya naman kahit na isang taon pa lamang siya sa ganitong larangan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang boutique. At proud na proud siya na ang lahat ng iyon ay nagmula sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap. Kahit pa ilang beses na siyang kinukumbinsi ng kanyang ama at ng kanyang madrasta na tumulong na lamang siya sa sariling negosyo ng mga ito.Para kay Aviannah, iba pa rin ang magkaroon siya ng sariling pangalan sa la
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido ng kanyang ulo habang pinakikinggan ang panenermon ng kanyang yaya Vangie sa kanya.“Oo na nga po, yaya, mali na po kami roon. Pero kasi masyado lang nagkasiyahan ang lahat kaya po ganoon,” nakapikit na sagot niya sa ginang.“Ay kahit pa, kapag alam mong hindi mo na kaya, dapat ay tumigil ka na sa pag-inom,” saad ng yaya Vangie niya sa kanya saka nito inilapag sa harapan niya ang isang mainit na sabaw. “Ito oh, maganda ito para sa may mga hangover.”“Salamat po.” Mabagal na kumilos si Aviannah upang tikman ang sabaw na hinanda ni Vangie sa kanya.“Mamaya ay pababa na ang daddy at ang tita Cristy mo. Ayusin mo ang sarili mo dahil hindi nila alam na umuwi kang lasing kagabi,” pagkuwan ay sabi
“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei. Iyon ang pinagpaplanuhan niya ng mabuti kanina, kung paano niya maiiwasan ang lalaki gayoong narito na ito ngayon sa bansa. Pero wala pang ilang minuto ang lumilipas ay kinatok siya ng kanyang ama sa kanyang silid, upang pilitin siyang sumabay sa kanila na mag-agahan.Lahat ng dahilan at palusot na sinabi niya kanina sa kanyang ama ay tila balewala. Dahil nagwagi ito sa huli at ngayon nga ay nasa hapagkainan siya, kasama at kaharap ang lalaking ayaw na talaga sana niyang makita pang muli.Deretsyo lamang siyang nakatingin sa lalaki habang mataman din naman itong nakatitig sa kanya. Na tila ba ineeksamin siya nito ng mabuti dahil ngayon na lamang siya ulit nagpakita rito pagkalipas ng limang

Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-traffic sa kalsada. Ang dami pang hinintuang kanto no’ng driver ng jeep. Napakainit at napakausok,” reklamo niya pa.Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Ruffa, ang baklang staff at designer niya sa kanyang boutique. “Ito, uminom ka na muna.”Agad namang kinuha ni Aviannah ang tubig na binigay ni Ruffa saka ininom.“Ano po bang nangyari? Nasiraan ba kayo ng sasakyan kaya nag-commute kayo?” tanong naman ni Nimfa, ang sales assistant ni Aviannah.“Mabuti pa sana kung ganoon nga lang. Pero hindi. Bukod sa wala akong driver kanina ay may asungot pang sumira ng umaga ko!” inis na wika ni Aviannah.Agad na nagbalik sa isipan niya ang inis niya para kay Andrei nang maalala niyang ito ang dahilan