MY CHEATING HEART

MY CHEATING HEART

last update最終更新日 : 2025-03-26
作家:  Rawra1441たった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel16goodnovel
評価が足りません
57チャプター
74ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Third-Person POV

Drama

Rebel

Hate to Love

Revenge

Pregnant

Desperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at galit na galit na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang napatayo at takot na napaatras ng galit na lumapit ito sa kanya. Agad na pinisil nito ang panga niya. "Magpapakasal ako sa 'yo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na naisipan mo akong idamay ako sa kagagahan mo!" Nagngangalit ang panga nito at nanlilisik ang mga mata. Kahit takot at nasasaktan hindi niya maiwasang sumaya. Magpapakasal ito sa kanya! Well, magsasama sila sa impiyerno, till death to their part.

もっと見る

最新チャプター

無料プレビュー

Simula

SimulaMULING sinulyapan ni Amelie si Tristan. Tulog na tulog ito habang nakahiga sa kama niya. Paniguradong bukas na ang gising nito dahil sa valium na hinalo niya sa ininom nito kanina. Wala na itong anumang saplot sa katawan at tanging kumot na lang ang nakatabing sa pagkalalaki nito.Huminga muna siya nang malalim bago sinimulan ang plano niya.Nilapitan niya ang shoulder bag niya saka inilabas doon ang botelya na naglalaman ng dugo ng baboy. Ipinapuslit niya iyon kay Tere kanina.Lumapit siya sa kama. Pilit iniiwasan ang nakabuyangyang na katawan ni Tristan para hindi siya ma-distract sa dapat gawin.Ekspertong nilahiran niya ng dugo ang puting bedsheet. Bahagya niya iyong kinalat na hindi mahahalatang sadyang inilagay lang iyon.Isinara niya na ang botelya at ibinalik sa bag niya. Sunod ay hinaltak niya ang strap ng suot niyang damit at winarak ang bandang harapan saka iyon hinubad, pagkatapos niyon ay basta na lang ibinato sa kung saan. Ganoon din ang ginawa niya sa suot na ski...

トレンド

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

コメント

コメントはありません
57 チャプター
Simula
SimulaMULING sinulyapan ni Amelie si Tristan. Tulog na tulog ito habang nakahiga sa kama niya. Paniguradong bukas na ang gising nito dahil sa valium na hinalo niya sa ininom nito kanina. Wala na itong anumang saplot sa katawan at tanging kumot na lang ang nakatabing sa pagkalalaki nito.Huminga muna siya nang malalim bago sinimulan ang plano niya.Nilapitan niya ang shoulder bag niya saka inilabas doon ang botelya na naglalaman ng dugo ng baboy. Ipinapuslit niya iyon kay Tere kanina.Lumapit siya sa kama. Pilit iniiwasan ang nakabuyangyang na katawan ni Tristan para hindi siya ma-distract sa dapat gawin.Ekspertong nilahiran niya ng dugo ang puting bedsheet. Bahagya niya iyong kinalat na hindi mahahalatang sadyang inilagay lang iyon.Isinara niya na ang botelya at ibinalik sa bag niya. Sunod ay hinaltak niya ang strap ng suot niyang damit at winarak ang bandang harapan saka iyon hinubad, pagkatapos niyon ay basta na lang ibinato sa kung saan. Ganoon din ang ginawa niya sa suot na ski
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 1
NALAGLAG siya sa kama, una ang mukha. Doon na naputol ang panaginip niya. Sayang mahahalikan na sana niya si Tristan kaso nalalag naman siya sa higaan. Buwisit talaga!Sa panaginip niya na nga lang nakakalampungan si Tristan bitin pa.Inis na hinimas niya na lang ang mukhang nasaktan. Kasabay naman niyon ang malakas na pagkatok sa pintuan niya."Amelie! Amelie, gumising ka na. Nag-text na ang mama mo, papunta na raw!" sigaw ni Manang Josie sa labas ng pintuan ng kuwarto niya.Napaungol na lang siya. Gusto niya pa namang balikan ang pagtulog baka sakaling madugtungan pa ang panaginip niya."Amelie!" muling sigaw ng matandang katulong."Oo na ho! Gising na 'ko!" sigaw niya rin pabalik, hindi rin naman kasi ito titigil sa kasisigaw sa labas ng kuwarto niya hangga't hindi nito nasisiguro na gising na siya."Bilisan mo na!" ani pa nito."Oho!" sagot niya para lang tigilan na siya ni Manang Josie saka kakamot-kamot na tumayo na. Nag-inat muna siya ng katawan bago tinungo ang banyo.Mabilis
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 2
"HI, Tita!" bati niya sa mommy ni Tristan na nakaupo sa dining table. Nakasuot ito ng pink pastel na dress at may pulang apron. Nakapusod ang buhok nito at may ilang hibla ang nakakalat sa batok nito.Hindi niya maiwasang mamahangha kay Tita Bianca. Mukha siyang anghel, napakaamo ng mukha niya, ganoon din ang tinig niya.Minsan nahihiling niya na sana siya na lang ang mommy niya."Hello, Amelie!" Nakangiting nilingon siya nito habang abala pa rin sa ginagawa.Lumapit siya sa tabi nito at nakiusyoso sa ginagawa."Ano 'yan, Tita?" curious na tanong niya. May mga hiniwang saging na saba, kamoteng ube, at kamoteng kahoy. Mayroon ding isang tasang sago. Sa harap naman nito ay giniling na malagkit na bigas. Pumipiraso ito at binibilog saka inilalagay sa bandehado."Bilo-bilo?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya, bigla siyang na-excite."Ginataang bilo-bilo," nakangiting sagot nito."Puwede po akong tumulong?" Nag-puppy eyes pa siya rito. Nakangiti naman itong tumango."Wash your hand fir
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 3
"OKAY ka na ba talaga, Amelie?"Nakasunod sa akin si Sunny, pero hindi ko siya pinapansin. Kanina pa siya tanong nang tanong kung ayos lang ako."Oo, ayos lang ako. Puwede ba, Sunny? Umuwi ka na nga!" Binuksan niya ang pinto ng bahay ng lola niya na hindi nililingon si Sunny."I-I'm sorry—""Tss! Umuwi ka na, puwede?" Inis niyang hinarap si Sunny dahil napipikon na siya.Bakit ba kinukulit siya nito at hindi na lang umuwi? Sinabi na nga niyang okay na siya, nangungulit pa rin.Napayuko si Sunny dahil sa pagsinghal niya. Bigla naman siyang nakonsensiya dahil sa nagawa, pero pinigil niya ang sarili na lapitan ito at aluin. Naiinis kasi siya. Naiinis siya na nakikita itong nagiging malapit kay Tristan. Nakararamdam siya ng takot. Maganda si Sunny, 'di hamak na mas maganda sa kaniya at nakikita niyang nakikita iyon ni Tristan.Kinagat niya na lang ang pang-ibabang labi niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay ng lola niya na hindi man lang inaaya sa loob si Sunny."Oh, Amelie? Parang
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 4
"HINDI ka ba nasaktan?" tanong sa kaniya ni Drake habang naglalakad sila. Nakaagapay ito sa kaniya habang nakasunod naman sila sa likuran nina Tristan at Sunny.Nakalagay sa likod ni Sunny ang kamay ni Tristan, inaalalayan ito sa paglalakad habang mahinang nagbubulungan ang dalawa."Sila na ba?" tanong niya kay Drake na hindi pinansin ang tanong nito sa kaniya kanina.Nagkibit-balikat naman ito."Ewan. Hindi namin alam kung ano'ng score sa kanilang dalawa. Bakit? Selos ka?" nanunudyong tanong nito sa kaniya.Lumabi siya at inirapan ito.Siyempre . . . Bulong niya sa isip. Pero hindi niya isinatinig dahil alam niyang tutudyuin lang siya ni Drake. Dapat talaga hindi na lang siya sumabay sa mga ito, hindi niya pa kasama si Tere dahil sinundo ito ng kuya niya."Alam mo, hindi ko akalain na ipagtatanggol mo si Sunny roon sa grupo nina Melody," anito na nakapagpalingon sa kaniya."Kapatid ko siya, malamang na tulungan ko siya kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ikaw ba kapag nakita mong gi
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 5
"ANG ganda mo, Amelie," papuri sa kaniya ni Sunny. Hindi siya umimik at tinitigan lang ang sarili sa salamin.Naka-messy bun ang buhok niya at may mga hiblang nakakawala sa kaniyang tainga. Manipis lang ang makeup niya, pero dark na red lipstick ang pinalagay niya. Gumanda nga siya, ang kaso . . . mas maganda pa rin ang kapatid niya. Pareho sila ng gown na suot. Isang tube cocktail dress. Kulay itim na maraming sequins ang sa kaniya samantalang baby pink naman ang kay Sunny.Nagmukha itong dalaga, bumagay sa kulay ng gown ang kutis ng balat nito. Malambot at mala-sutla."Maganda ka rin, Miss Sunny," ani ng baklang kumare ng stepmother niya na nag-ayos sa kanilang dalawa. Mayuming ngumiti ang kapatid niya. Maski ang pagngiti nito ay nakahahalina. Lihim siyang napabuntonghininga at isinuot na ang black na three-inches heels niya."Tulungan na kita," ani Sunny at yumuko sa harap niya. Nakaupo kasi siya sa harap ng dresser. Hindi niya na ito nasaway dahil inagaw na nito sa kaniya ang sapa
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 6
NANG sumunod na pasukan ay nalungkot siya. Wala na kasi si Tristan sa school nila. Tapos sa Manila pa ito nag-aral ng college. Do'n na rin ito magbo-board dahil hussle kung uuwi pa ito araw-araw.Ang nagbibigay lakas na lang sa kaniya ay ang araw ng Sabado at Linggo kung saan uuwi si Tristan.Doon niya na lang ito nakikita. Madalas sa nakakasabay niya ito sa agahan. Pero madalas itong wala. Lagi nitong kasama si Sunny. Sa tingin niya may relasyon na ang dalawa pero hindi lang umaamin.Mas okay na rin na hindi pa umaamin ang dalawa dahil alam niyang masasaktan lang siya nang sobra kapag nalaman niya ang totoo. Mas madaling magpanggap at paniwalain ang sarili sa bagay na gusto niyang paniwalaan kaysa harapin ang katotohanan na may ugnayan na ang kapatid niya at ang lalaking mahal niya."Amy, puwede mo bang gisingin si Tristan? Ang alam ko kasi may lakad siya ngayon at nagpapagising nang maaga, hindi ko naman maiwan itong whini-whisk ko dahil baka 'di ko makuha ang consistency na gusto k
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 7
HINDI na siya bumalik sa loob, dumaan siya sa pool side at dirediretso nang lumabas sa bahay ng mga Rivera. Nanginginig ang mga kamay niya at tuhod kaya nagpasya na lang siya na tumuloy sa bahay ng lola niya na katapat lang ng bahay ng mga Rivera.Napagbuksan siya ng lola niya. "Tapos na ang party?" tanong nito at tumanaw pa sa likuran niya."Hindi pa po," mahinang tugon niya at pumasok na sa loob."Oh, bakit umuwi ka na?""Pagod na po kasi ako, e," katwiran niya. "Akyat na ako sa taas, 'La," paalam niya at hindi na niya ito inantay na makasagot, nagtuloy-tuloy na siya sa hagdanan at pumasok sa kuwarto niya.Nahiga siya sa kama na hindi man lang nagpapalit ng damit. Namaluktot siya roon habang yakap-yakap ang unan niya. Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Ang gusto lang naman niya ay mapansin siya ni Tristan, pero paano pa iyon mangyayari kung nagmamahalan na ito at ang kapatid niya?Agawin mo si Tristan . . .Sulsol ng isang bahagi ng utak niya.Bumangon siya at naupo sa kama. Walang
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 8
"TIGILAN mo nga 'yan! Para kang tanga!" sita ni Tere sa kaniya sabay hila ng kamay niya palayo sa bibig niya. Kanina niya pa nginangatngat ang mga kuko niya dahil sa sobrang kaba. Habit niya iyon lalo na kapag tensiyonado siya.Tumingin siya sa relo, mag-iisang oras ng late sa kasal nila si Tristan. Kanina pa kompleto ang entourage at inip na naghihintay sa labas ng simbahan.Maski siya ay inip na inip na rin kanina pa. Nakontak naman daw kanina ito ng mommy nito at sinabing na-traffic lang daw. Pinanghawakan niya iyon. Inisip niya na lang na baka na-traffic lang talaga si Tristan."Darating pa ba ang groom mo?" tanong ni Tere sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya dahil si Sunny ang tumayong maid of honor—sa kagustuhan ng kaniyang daddy.Ayaw niya sana dahil ayaw niya nang budburan ng asin ang sugat na nilikha niya rito, pero masyado siyang masaya dahil ikakasal na siya kay Tristan kaya hindi na niya pinansin ang kapatid. Mukha rin namang wala itong planong tumutol dahil sumang-ayon ito
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
Chapter 9
NAG-INIT ang mukha ni Amelie nang mapag-isa sila ni Tristan sa hotel suite nila.Maganda ang suite. May overlooking view ng city. Malaki ang kama at napapalibutan ng mga rose petals. Nagkalat din sa paligid ang mga maliliit na scented candle. Dim ang ilaw kaya napaka-romantic ng ambience.Hindi niya maiwasang kiligin. Sa katunayan napakabilis ng tibok ng puso niya sa isiping dalawa lang sila ni Tristan suite na ito.Matagal niyang pinangarap at in-imagine ang magiging ganap sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Marami na siyang nabasa at napanood kung paano paligayahin ang isang lalaki sa kama. Kaya kahit virgin siya at never been touch and never been kissed ang drama niya hindi naman siya inosente sa mga ganoong bagay.Nagtanggal na ng suit si Tristan at necktie. Lumapit ito sa center table kung saan mayroong bote ng wine na nakalubog sa bucket ng yelo. Binuksan nito iyon at nagsalin saka mabilisang nilagok.Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.Bahagya lang siyang sinulyapan
last update最終更新日 : 2025-03-26
続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status