NAUNA siyang magising kay Tristan. Nakita niya ang lalaki na natutulog sa sofa at ang laptop nito ay nakapatong sa center table.Hindi na siya nilalagnat kahit medyo nanghihina pa siya. Tumayo na siya at nagpunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo.Alas-otso na ng umaga at kumakalam na ang sikmura niya. Nagdesisyon siyang mag-order na ng pagkain nilang dalawa.Pagkatapos um-order ay lumapit siya sa sofa kung saan nakahiga si Tristan. Naupo siya sa kaharap nitong center table at malayang pinagmasdan ang asawa.Bahagyang nakaawang ang mapupulang labi nito. Mahaba at malantik ang pilikmata nito, maganda rin ang korte ng makapal nitong kilay na bumagay sa mga mata nito.Iyon nga 'ata ang asset ni Tristan. Napangiti siya at hindi niya na napigil ang sarili na haplusin ang mukha nito. Makinis ang balat ni Tristan, mas makinis pa 'ata sa balat niya.Sana kapag nagkaanak sila ay maging kamukha nito.Pero agad napawi ang saya niya at malungkot siyang napangiti.Hindi pa sila dapat magkaana
NASA lobby na siya ng hotel nang dumating sina Tere at Kuya Travis para sunduin siya. Agad na niyakap siya ni Tere."Ayos ka lang ba talaga?" tanong nito sa kaniya. Kinuha naman ni Kuya Travis ang maleta niya. Nginitian siya nito at niyakap."Oo nga," natatawang tugon niya sa kaibigan. "Siya nga pala, doon niyo na lang ako sa bus stop ihatid—""No, Amelie, ihahatid ka na namin sa condo ni Tristan," putol ni Kuya Travis sa sasabihin niya. Seryoso ang mukha nito. Minsan lang magseryoso si Kuya Travis kaya alam niya na hindi siya makahihindi rito.Sumakay sila sa kotse ni Kuya Travis. Magkatabi ito at si Tere sa unahan habang mag-isa naman siya sa backseat. Dumaan pa sila sa drive thru at nag-take out ng pagkain. Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan kaya kahit papaano ay nalibang siya sa biyahe. Pinag-uusapan nila noong mga bata pa sila ni Tere at nakikita ni Kuya Travis na takbo nang takbo sa kalsada nang walang mga sapin sa paa."Tapos ang iitim niyo pa," natatawang kantiyaw ni Kuya Tr
"ANO'NG g-ginagawa mo rito?" hawak ang dibdib na tanong niya."Ikaw. Ikaw ang ano'ng ginagawa mo rito?" balik tanong nito. Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay.Napakamot siya sa kilay niya. "Dito nakatira ang asawa ko."Isang dangkal 'ata ang itinaas ng kilay ni Drake. "Sino?""Si Tristan!" Pinandilatan niya ito. Alam naman niyang alam nito kung sino ang napangasawa niya. Alam naman ng lahat ng kabarkada ni Tristan sa San Simon na nagpakasal sila."Eh, bakit nandito ka?""A-Ano k-kasi . . ." Nahihirapan siyang mag-isip ng idadahilan. Nahihiya naman siyang umamin. "N-Naglilinis pa kasi siya sa taas, a-ayaw niyang makasinghot ako ng alikabok kasi ano, e. Ahmm . . .""Amelie, galing ako sa taas. Nag-iinuman kami ro'n at hindi naglilinis."Nakagat niya ang pang-ibabang labi nito. Napahiya siya. Bakit ba hindi niya naisip na isa ito sa mga bisita ni Tristan?"Tara!" aya bigla ni Drake sa kaniya."Ha?""Kape tayo." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.Napalabi siya at napatingin sa mga
INIINIT ni Amelie ang ulam na niluto niya kaninang tanghali nang pumasok sa kusina si Tristan. Nakaligo na ito. Sando at short ang suot nito, bahagya pang basa ang buhok."Hi!" masiglang bati niya sa asawa, pero para itong walang nakita at narinig.Dumiretso lang ito sa ref at kumuha ng bottled water."Gusto mo ng kape?" alok niya rito. Tiningnan lang siya nito pero hindi sumagot. Naupo si Tristan sa lamesa. Napangiti siya. Lumapit siya sa coffee maker at gumawa ng kape para kay Tristan. Inilapag niya iyon sa harap nito. Wala siyang natanggap na pasasalamat pero sapat na para sa kaniya na dinampot ni Tristan ang tasa at ininuman. "Maluluto na 'yong iniinit ko, kain na tayo."Binalikan niya ang niluluto. Pinatay niya na ang gas. Kumuha siya ng mga pinggan nila at kutsara. Namili siya kahapon ng mga kitchen wares dahil kulang sa mga ganoon ang condo ni Tristan."Kain na," aniya at siya pa ang nagsandok ng pagkain para sa lalaki.Gutom na rin siguro kaya hindi na umimik at tahimk na kina
NAGISING si Tristan ng alanganing oras. Nakaramdam siya ng uhaw. Binuksan niya ang lampshade sa tabi niya. Alas-dos na ng madaling araw ayon sa alarm clock niya.Tumayo siya at lumabas ng silid. Nais niyang kumuha ng tubig sa kusina.Patay ang ilaw sa sala pero bukas naman ang nasa kusina, iyon ang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa sala.Kita niya si Amelie na nakahiga sa sofa bed niya. Nakatalukbong ito ng kumot. Napasimangot siya at nilagpasan ito.Dumiretso na siya sa kusina. Maliit lang naman ang kusina niya. Hindi niya naman kasi iyon ginagamit. Madalas na take out food lang ang kinakain niya o kaya'y nagdadala si Sunny ng lutong ulam na ito mismo ang nagluto.May kirot na dumaan sa kaniyang puso nang maalala ang dating kasintahan. Huling nakausap niya ito ay ang gabi ng honeymoon niya. Pinilit niyang makipagkita sa kaniya si Sunny. Pumayag ito at nagtungo sila sa park.Nakiusap siya rito na lumayo na lang sila. Ilang beses niya iyong ginawa bago pa ang kasal nila ni Amelie pero
NAGISING si Amelie na masakit ang lalamunan at parang may buhangin ang mga mata. Masakit din ang ulo niya at bahagya siyang nahihilo. Nilalagnat nga pala siya. Bago siya tuluyang makatulog kagabi ay nanginginig na siya sa lamig at parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Hindi na niya alam kung paano siya nakatulog sa ganoong estado.Ang hirap pa lang magkasakit na malayo sa mga magulang. Walang nag-aasikaso at tumitingin kung—Natigilan siya nang pag-ikot niya ng higa ay may ulo siyang nakapa. Napakurap-kurap siya. 'Di kaya mataas pa rin ang lagnat niya at nagdedeliryo na siya kaya parang nakikita niya si Tristan na nakayukyok sa sofa bed kung saan siya nakahiga?Para makasiguro ay sinundot niya ang pisngi nito. Malambot, makinis, at mainit. Mabilis na binawi niya ang kamay at itinakip sa bibig para pigilin ang malakas na pagsinghap. Sunod niyang kinurot ay ang pisngi niya. Masakit! Ibig sabihin hindi siya nananaginip. Sinalat niya ang sarili. Mainit pa siya pero mukhang sinat na lang
KINABUKASAN ay maagang nagising si Amelie. Mas maaga pa sa gising ni Tristan. Inuna niyang magluto ng almusal. Naka-ready na rin ang mga gamit niya.Hinintay niyang magising si Tristan para makapasok sa kuwarto nito at makaligo na. Sinubukan niyang kumatok pero hindi naman siya pinagbubuksan ni Tristan. Hindi niya alam kung sinasadya ba siya nitong dedmahin o masarap lang ang tulog.Ang kaso 6:20 na pero hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto. Seven o'clock ang pasok niya sa unang subject niya ngayong araw.Tumakbo na lang siya sa kusina at naghilamos saka nagmumog. Wala siyang choice dahil male-late na siya kung hihintayin niya pa si Tristan na magising.Buti na lang at nasa sala ang uniform niya dahil plinantsa niya iyon kagabi. Doon na siya naghubad at nagbihis. Tumingin siya sa relo, 6:40 na!"Shit!" Mas lalo siyang nataranta kaya kahit hindi pa man niya naisasara ang blouse niya ay naupo na siya para makapagsapatos. Nakayuko siya at nagmamadaling nagmedyas.Doon naman lumabas si Tr
NAKALUTO na si Amelie at na-review na niya ang mga pinag-aralan niya kanina pero wala pa rin ang asawa.Nilingon niya ang wall clock na nakasabit sa sala. Alas-onse pasado na ng gabi.Sinubukan niya na itong tawagan at i-text pero hindi naman ito sumasagot sa kaniya.Iniisip niya na lang na baka nasa meeting ito o baka kinailangang mag-over time. Ang kaso hindi naman niya mapigilang mag-alala.Nilatag na niya ang sofa bed at kinuha ang unan at comforter sa silid ni Tristan. Pinatay niya na rin ang ilaw sa sala gaya ng nakagawian niya. Nahiga na siya pero hindi naman siya makatulog.Minabuti niyang buksan na lang ang TV at manood habang hinihintay ang asawa.Nauna na siyang kumain kaya pagdating nito ay aasikasuhin na lang niya.Mag-aala-una na nang marinig niya ang doorbell. Napakunot ang noo na tumayo siya para lapitan ang pinto. Hindi naman kasi nagdo-doorbell si Tristan kapag umuuwi. May sarili itong susi at alam din nito ang passcode ng pinto.Sumilip siya sa peephole, ang nakita
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa
NANATILI lang nakatingin si Amelie sa kisame habang nagkakagulo ang mga taong dumudulog sa kaniya. Nahawi ang mga ito nang may isang pigurang lumapit at lumuhod sa tabi niya pagkatapos ay kinandong ang ulo niya.Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at pagkahilo. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Ang unti-unting paghirap na huminga."Please, hold on . . ." ani ng lalaking may kalong-kalong sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi niya mula sa mga mata nito.Pamilyar ang tinig sa kaniya. Isang pamilyar na boses na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para paalisin ang mga namumuong luha. Nais niyang makita kung sino ang dumating. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya. At nang luminaw ang kaniyang mga mata at makita ang takot at puno ng pag-aalalang mukha ni Tristan ay may tuwang umahon sa kaniyang puso."D-Dumating ka . . ." aniya. Ngumiti kahit nahihirapan. Kanina pa niya iniisip na kung it
GUSTO niyang sumugod sa loob ng rest house ni Dave, pero mahigpit na nakahawak sa braso niya ang mommy niya na kasama niyang sumugod dito nang malaman nila kung saan dinala ng mga k-um-idnap sina Amelie at Sunny.Kasama nila ang mga pulis, ang magulang ni Dave, at si General Santisimo na kumpare ng daddy niya.Nasa loob na ang swat at dinig nila ang putukan sa loob. Halos hindi siya humihinga. Nais niyang pumasok pero nangangamba siya na baka atakihin naman ang mommy niya, isa pa'y nangako ang General na walang mangyayaring masama sa dalawang babae dahil undercontrol na ng mga ito ang sitwasyon."Si Sunny!" sigaw ng mommy nito na katabi at nakayakap sa esposo. Kasunod ito ng mga magulang niyang dumating nang makarating sa mga ito ang nangyari."Diyos ko, ang anak ko!" parang hihimataying paghihisterya ni Mrs. Rivera.Palabas si Sunny sa rest house, nakaalalay rito ang dalawang swat. Namumutla ang babae at nanginginig. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Kung ligtas si Sunny, malamang
"D-DAVE . . ." Namutla si Sunny nang makita si Dave.Maski siya'y nagulat din. Ibang-iba ang itsura ni Dave. Mahaba ang buhok nito at magulo. Makapal na rin ang balbas, mukhang ilang buwang hindi nagshe-shave ang lalaki. Namayat din ito at humumpak ang pisngi. Nanlalalim ang mga mata.Basa ang malagong buhok nito, halatang kaliligo lang. Puting long sleeve polo ang suot nito na hindi maayos ang pagkaka-tuck in sa itim na slacks, wala itong sapin sa paa."Hi, love . . . kumusta ka na?" malambing na tanong nito kay Sunny na ngayon ay unti-unti nang napapalitan ng galit ang gulat at takot na bumadha sa mukha nito kanina nang pumasok ang binata."Anong kalokohan 'to, Dave?" galit na tanong ni Sunny.Ngumiti lang si Dave. Lumuhod ito sa harapan ng kapatid niya. Ipinatong ang ulo sa kandungan ni Sunny. Nakapaling ang mukha nito sa gawi niya kaya naman kita niya ang pagod sa mukha nito. Nakapikit si Dave."I m-miss you, love . . ." garalgal ang tinig na ani Dave. Namasa rin ang pilikmata nit