Chapter: WakasMAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: Chapter 51IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: Chapter 50"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: Chapter 49"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: Chapter 48"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: Chapter 47AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa
Last Updated: 2025-03-26