KINABUKASAN ay maagang nagising si Amelie. Mas maaga pa sa gising ni Tristan. Inuna niyang magluto ng almusal. Naka-ready na rin ang mga gamit niya.Hinintay niyang magising si Tristan para makapasok sa kuwarto nito at makaligo na. Sinubukan niyang kumatok pero hindi naman siya pinagbubuksan ni Tristan. Hindi niya alam kung sinasadya ba siya nitong dedmahin o masarap lang ang tulog.Ang kaso 6:20 na pero hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto. Seven o'clock ang pasok niya sa unang subject niya ngayong araw.Tumakbo na lang siya sa kusina at naghilamos saka nagmumog. Wala siyang choice dahil male-late na siya kung hihintayin niya pa si Tristan na magising.Buti na lang at nasa sala ang uniform niya dahil plinantsa niya iyon kagabi. Doon na siya naghubad at nagbihis. Tumingin siya sa relo, 6:40 na!"Shit!" Mas lalo siyang nataranta kaya kahit hindi pa man niya naisasara ang blouse niya ay naupo na siya para makapagsapatos. Nakayuko siya at nagmamadaling nagmedyas.Doon naman lumabas si Tr
NAKALUTO na si Amelie at na-review na niya ang mga pinag-aralan niya kanina pero wala pa rin ang asawa.Nilingon niya ang wall clock na nakasabit sa sala. Alas-onse pasado na ng gabi.Sinubukan niya na itong tawagan at i-text pero hindi naman ito sumasagot sa kaniya.Iniisip niya na lang na baka nasa meeting ito o baka kinailangang mag-over time. Ang kaso hindi naman niya mapigilang mag-alala.Nilatag na niya ang sofa bed at kinuha ang unan at comforter sa silid ni Tristan. Pinatay niya na rin ang ilaw sa sala gaya ng nakagawian niya. Nahiga na siya pero hindi naman siya makatulog.Minabuti niyang buksan na lang ang TV at manood habang hinihintay ang asawa.Nauna na siyang kumain kaya pagdating nito ay aasikasuhin na lang niya.Mag-aala-una na nang marinig niya ang doorbell. Napakunot ang noo na tumayo siya para lapitan ang pinto. Hindi naman kasi nagdo-doorbell si Tristan kapag umuuwi. May sarili itong susi at alam din nito ang passcode ng pinto.Sumilip siya sa peephole, ang nakita
NAGISING si Amelie na may mabigat na nakapatong sa kaniyang sikmura. Pakiramdam niya ay saglit pa lamang siyang nakatutulog. Mahapdi pa kasi ang mga mata niya at tumatangging magmulat dahil siguro iyon sa ginawang pag-iyak. Pinilit niyang imulat ang mga mata para alisin ang mabigat na bagay na iyon.Pero hindi lang pala sa sikmura niya may nakadagan kundi maging sa mga hita niya. At nagulat siya nang malamang ang bagay na iyon ay braso at hita pala ni Tritan. Nanigas siya nang maramdaman niya ang mainit na hanging dumadampi sa batok niya.Nakayapos sa kaniya ang asawa! Nakayakap ang braso nito sa baywang niya at ang hita nito ay nakadantay sa kaniyang hita. Nakatagilid siya at nakayakap naman ito sa kaniya mula sa likuran niya. Ang mainit na hanging tumatama sa kaniyang batok ay ang hininga ni Tristan. Nakasubsob ang mukha nito sa batok niya.Parang nagising 'ata ang buong sistema niya. Nawala ang pamimigat ng mga mata niya. Ngayon ay mulat na mulat siya at sobrang lakas ng kabog ng d
PINALOBO niya ang pisngi sabay buga ng hangin, lumikha iyon ng 'brrrr' sound. Inip na siya. Bukod doon ay kanina pa rin siyang pinapapak ng mga lamok na tuwang-tuwa 'ata sa dugo niya dahil nakakailang balik na.Malakas siyang napabuntonghininga, alas-onse na. Namimintig na ang mga hita niya sa pag-upo sa baitang ng hagdan dito sa fire exit, tagaktak na rin ang pawis niya. Tumayo siya at nag-unat. Nakangangawit ang ilang oras na pag-upo. Tagal naman kasing magsialis ng mga bisita ni Tristan, gusto na niyang mahiga dahil maaga pa rin ang alis niya bukas.Kailangan niya pa ring ayusin sa cup board ang mga pinamili niya bago siya magpahinga.Nag-ring ang cellphone niya. Ang lola niya ang tumatawag."'La?" bagot na sagot niya sa lola, 'di niya rin napigilan ang paghikab."Hello, Amelie? Nagising ba kita, apo?" tanong ng lola niya.Naupo siyang muli sa baitang ng hagdan. Kung alam lang ng lola niya na antok na siya pero 'di niya magawang matulog dahil wala siyang tutulugan. Abo't abot nga a
PAKIRAMDAM ni Amelie parang ang haba na ng naitulog niya, pero pagtingin niya sa orasan ay halos tatlong oras pa lang pala siya nakatutulog.Bumangon na siya kahit mas gusto niya pang tumabi sa pagtulog kay Tristan, ang kaso tatanghaliin naman siya. Matagal ang biyahe pauwi sa kanila. Dumiretso siya sa banyo at naligo. Paglabas niya ng banyo nagulat pa siya nang makitang gising na si Tristan."Sorry, nagising ba kita?" aniya rito.Umiling lang ito at hindi na umimik. Nagkusot ito ng mga mata. Magulo ang buhok ni Tristan, pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito—parang mas nakaaakit pa nga itong tingnan sa ganoong ayos.Nagtuloy na siya sa closet dahil nakalimutan niyang magdala ng damit sa banyo, hindi naman kasi niya akalaing magigising agad si Tristan. Kipkip ang tuwalya sa katawan ay naglakad siya, dama niya naman ang paninitig ni Tristan sa kaniya na ikinailang at ikina-excite niya ng hindi niya maari. Para namang may gagawin si Tristan sa kaniya porke nakatingin ito.Tumayo
HINDI maalis ang mga mata ni Amelie kina Tristan at Dave na magkatabi sa inuman sa labas ng garden ng mga Javier. Dumating sina Drake, Bench, Carlo, at Eve kanina. Nabalitaan ng mga ito na umuwi si Tristan kaya nagpasyang magkita-kita roon. Imbis tuloy na uuwi na sila ay ipagpapabukas na lang dahil nagkayayaang uminom ang mga ito.Nagkakasiyahan ang mga ito, naroroon din si Sunny— pinaggigitnaan ito nina Eve at Dave. Napabuntonghininga siya. Hindi niya alam na nagkakilala na sina Dave at Sunny, nanliligaw na pala ang huli, hindi nito nabanggit samantalang nagkita sila kahapon sa grocery. Ni wala itong sinasabi sa kaniya na sasama ito rito sa San Simon. Nagbatian lang silang dalawa kanina, pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito para sana tanungin. Narinig niya na lang kanina sa kuwentuhan na anak si Dave ng nakabili ng lupa na ibinebenta ni Dad dito sa San Simon."Hija, bakit hindi ka maki-join sa kanila?" tanong ni Mommy Bianca na nasa likuran niya na pala."Eh . . .
TINANGHALI na ng gising si Amelie. Wala na si Tristan sa tabi niya. Agad siyang bumangon at pumasok sa banyo ni Tristan. Naligo siya roon at nakatapis na nang lumabas ng banyo, tuwalya ni Tristan ang ginamit niya na medyo basa pa, katatapos lang sigurong gamitin ni Tristan.Kahit medyo masakit ang nasa gitnang hita niya ay magaan naman ang pakiramdam niya. Nagkakalkal na siya sa backpack niya para kumuha ng damit nang pumasok si Tristan. Nakabihis na ito at mukhang handa ng umalis."Aalis na agad tayo?" masiglang tanong niya rito."Mauuna na ako," anito na agad na nag-iwas ng tingin sa kaniya.Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng pagkunot ng noo—nagtataka."Magbibihis lang ako saglit. Nakaligo naman na ako, e," aniya at basta na lang humigit ng damit sa backpack kahit pambahay naman iyon."No."Natigil na lang siya gagawing pagbibihis at napalingon rito."Ha?""Hindi ka puwedeng sumabay." Naging mailap ang mga mata ni Tristan at tila naasiwa. Lumakad ito at tinungo ang dr
KUNG anuman ang nakapagpabago sa isip ni Tristan at binigyan siya ng pagkakataon para matutunan siya nitong mahalin ay nagpapasalamat niya.Ito lang naman ang hinihiling niya. Chance. At ngayong mayroon na siya niyon ay hindi niya sasayangin. Gagawin niya ang lahat para matutuhan siyang mahalin ni Tristan at hindi na niya kailangan bitiwan ito.Alam niyang masyadong maikli ang dalawang taon pero kakayanin niya.Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. Nakahiga sila sa kama habang natatakluban ng kumot ang hubad nilang mga katawan. Mas siniksik niya pa ang sarili sa dibdib nito. Ninamnam niya ang init doon hanggang sa makatulog siya.Kagaya ng mga pangkaraniwang araw, maaga siyang nagising. Naligo na siya at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal nila. Saktong tapos na siyang magluto nang lumabas si Tristan. Nakabihis na rin ito."Good morning," bati niya rito."Good morning," ganting bati nito na ikinangiti niya."Kain na," alok niya at ipinaghila pa ito ng upuan. Naupo naman ito. Hinai
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa
NANATILI lang nakatingin si Amelie sa kisame habang nagkakagulo ang mga taong dumudulog sa kaniya. Nahawi ang mga ito nang may isang pigurang lumapit at lumuhod sa tabi niya pagkatapos ay kinandong ang ulo niya.Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at pagkahilo. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Ang unti-unting paghirap na huminga."Please, hold on . . ." ani ng lalaking may kalong-kalong sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi niya mula sa mga mata nito.Pamilyar ang tinig sa kaniya. Isang pamilyar na boses na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para paalisin ang mga namumuong luha. Nais niyang makita kung sino ang dumating. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya. At nang luminaw ang kaniyang mga mata at makita ang takot at puno ng pag-aalalang mukha ni Tristan ay may tuwang umahon sa kaniyang puso."D-Dumating ka . . ." aniya. Ngumiti kahit nahihirapan. Kanina pa niya iniisip na kung it
GUSTO niyang sumugod sa loob ng rest house ni Dave, pero mahigpit na nakahawak sa braso niya ang mommy niya na kasama niyang sumugod dito nang malaman nila kung saan dinala ng mga k-um-idnap sina Amelie at Sunny.Kasama nila ang mga pulis, ang magulang ni Dave, at si General Santisimo na kumpare ng daddy niya.Nasa loob na ang swat at dinig nila ang putukan sa loob. Halos hindi siya humihinga. Nais niyang pumasok pero nangangamba siya na baka atakihin naman ang mommy niya, isa pa'y nangako ang General na walang mangyayaring masama sa dalawang babae dahil undercontrol na ng mga ito ang sitwasyon."Si Sunny!" sigaw ng mommy nito na katabi at nakayakap sa esposo. Kasunod ito ng mga magulang niyang dumating nang makarating sa mga ito ang nangyari."Diyos ko, ang anak ko!" parang hihimataying paghihisterya ni Mrs. Rivera.Palabas si Sunny sa rest house, nakaalalay rito ang dalawang swat. Namumutla ang babae at nanginginig. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Kung ligtas si Sunny, malamang
"D-DAVE . . ." Namutla si Sunny nang makita si Dave.Maski siya'y nagulat din. Ibang-iba ang itsura ni Dave. Mahaba ang buhok nito at magulo. Makapal na rin ang balbas, mukhang ilang buwang hindi nagshe-shave ang lalaki. Namayat din ito at humumpak ang pisngi. Nanlalalim ang mga mata.Basa ang malagong buhok nito, halatang kaliligo lang. Puting long sleeve polo ang suot nito na hindi maayos ang pagkaka-tuck in sa itim na slacks, wala itong sapin sa paa."Hi, love . . . kumusta ka na?" malambing na tanong nito kay Sunny na ngayon ay unti-unti nang napapalitan ng galit ang gulat at takot na bumadha sa mukha nito kanina nang pumasok ang binata."Anong kalokohan 'to, Dave?" galit na tanong ni Sunny.Ngumiti lang si Dave. Lumuhod ito sa harapan ng kapatid niya. Ipinatong ang ulo sa kandungan ni Sunny. Nakapaling ang mukha nito sa gawi niya kaya naman kita niya ang pagod sa mukha nito. Nakapikit si Dave."I m-miss you, love . . ." garalgal ang tinig na ani Dave. Namasa rin ang pilikmata nit