"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
View MoreUmuwi si Sloane na wala sa hulog dahil sa pag-aalala niya. Agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng mga paborito niyang maternity dress. Nanatili siya sa kwarto niya at nagmuni-muni habang hinihintay na dumating ang asawa. Alas-singko pa lang hapon kaya may dalawang oras pa siya para maghintay.Napatulala siya sa kisame habang iniisip ang naganap kanina sa salon. Hindi siya makapaniwalang kinabahan siya nang sobra dahil lang sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng dati niyang kaibigan. Hindi niya akalain na siya pa ang matatakot dito e halos mapatay niya na nga ito noong nahuli niya itong nakikipag-sex sa ex-boyfriend niya.That was different back then. Ngayong nakakasama niya na si Saint at ang magiging anak nila, pakiramdam niya ay mas nalalapit siya sa paparating na problema—lalo na ngayong parang nagpaparamdam ang babae na wala namang koneksyon sa kanilang mag-asawa.There’s this feeling inside her na sa oras na bumalik ito ay masisira ang buhay niya pati na rin ng
Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Sloane nang marinig ang pamilyar na pangalan. Napaangat siya ng tingin sa salamin ngunit hindi niya na nakita ang babae dahil inakay na ito ng isang hair stylist papunta sa isang room. Hindi niya nakita ang mukha nito kaya mas lalo itong kinabahan sa isipin na baka nga si Margaux ang pumasok.Samantala, dahil tutok si Mich sa cellphone niya at nagpapatugtog sa earphones niya, hindi niya napansin si Sloane na namumutla na para bang nakakita ng multo. Agad niya itong inabot at tinapik sa balikat.“Huy, anyare? Bakit namumutla ka dyan?” “N-narinig mo ba ‘yung pangalan ng pumasok na babae?”Kumunot ang noo ni Mich. “Sino? Hindi ko napansin, girl. Naka-earphones ako,” wika nito at bahagyang ipinakita ang tainga nito na may nakasalpak ngang earphones.Mas lalong ginapangan ng kaba si Sloane. Tumakbo sa isip niya ang iba’t ibang scenario kung sakaling si Margaux nga ang pumasok at magkita sila. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Magugulat din ang baba
Lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng naging memorable na date nila ay mas malapit na ang loob nina Saint at Sloane sa isa’t isa. Wala na ang ilang sa kanila at malaya na rin nilang naipapakita ang nararamdaman nila. Gayunpaman, hindi pa sila umaabot sa punto kung saan aaminin na nila sa isa’t isa ang pagmamahal na tinatago nila. Pareho nilang gustong sulitin ang oras na magkasama sila at huwag magmadali.Ikaapat na buwan na rin ng pagbubuntis ni Sloane kaya halatang-halata na ang baby bump niya na ikinatuwa nilang mag-asawa. Madalas na rin siyang magsuot ng maternity dresses. Bukod pa rito, hindi na rin siya gaano nakakaranas ng morning sickness at mas magana na siyang kumain kaya bibihira na lang din pumapasok si Saint sa trabaho upang mapagsilbihan ang kaniyang asawa—bagay na hindi ikinatuwa ng nanay niya.“Sweetheart, ano itong naririnig ko na hindi ka na raw gaanong pumapasok sa company? What’s happening, huh?” Nailayo ni Saint ang cellphone mula sa kaniyang tainga dahil sa stri
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso naman sila sa isa sa mga tourist spot sa Tagaytay kung saan kitang-kita ang Taal—ang Picnic Grove.Nagkakalat ang pagkamangha ni Sloane sa kaniyang mukha habang naglalakad sila sa mala-bundok na lupa sa Picnic Grove. Napakapresko ng hangin dito at malamig pa. Maraming tao sa paligid kaya buhay na buhay ang lugar. May ilang grupo ng magkakaibigan na nagsasalitan sa pagkuha ng litrato, may mga pamilyang nagpi-picnic, at may mga estudyante rin na sa tingin nila ay nagfi-field trip. Bukod pa rito, may mga naririnig din silang sigaw sa taas dahil sa mga nagzi-zipline. Napapahalakhak na lang si Sloane dahil ang iba ay nagmumura pa. Maliban sa mga taong nag-eenjoy sa tanawin ng Tagaytay, marami ring souvenir shops sa paligid tulad ng mga keychain, wooden bag, shirts, at marami pang iba. “Ang ganda, grabe…” namamanghang usal ni Sloane.Nakatitig lamang si Saint sa kaniyang asawa at sumang-ayon sa kaniyang isip.‘Maganda nga. Napakaganda.’Napapailing na
“S-saan tayo pupunta pagkatapos?” tikhim ni Sloane pagkalabas nila ng hospital. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa usapan nina Dra. Gracia at Saint.“We’ll eat first tapos saka tayo mamasyal,” ani ni Sint, pinipigilan ang ngisi.Napasimangot si Sloane sa pasimpleng panunukso ng asawa at tumango. “Saang restaurant ba? Masyado yatang maraming tourist dito ngayon, mahihirapan tayo maghanap ng free table.”Ngumisi lang si Saint dahil sa nakalatag niyang plano. Sakto naman na huminto ang isang black Sedan sa harapan nila at hinatid sila sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay dahil sa overlooking view nito sa Taal.Namamangha silang pumasok sa loob na nagmistulang kainan sa gitna ng napakalawak na hardin. Preskong-presko at malamig ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang mabangong amoy ng mga bagong dilig na halaman sa paligid.Sinalubong sila ng buong crew na ipinagtaka ni Sloane at hinatid sila sa mesa nito kung saan ito ang may pinakamagandang spot sa buong restaurant.Ang ganda n
Pagka-land ng kanilang helicopter sa helipad ng hospital kung nasaan naroon si Dra. Gracia ay dumiretso na sila sa clinic nito. Sakto namang nasa break ito kaya nakasingit ang kanilang check-up bago muling dumagsa ang mga pasyente.“Good morning, Dra. Gracia,” bati nina Saint and Sloane.“Good morning, Mr. and Mrs. Irvine. Maupo kayo.” Iminuwestra ni Dra. Gracia ang magkatabing upuan at naupo naman doon ang mag-asawa. “So, today’s your monthly check-up. How are you feeling, Mrs. Irvine?”“I’m quite well, doctora. Maayos naman po kaming nakabyahe rito,” malumanay na sagot ni Sloane.“That’s good to know dahil ginambala pa ako ng asawa mo kagabi para itanong kung pwede bang sumakay sa helicopter ang buntis,” turo ng doctor kay Saint na ngayon ay may munting ngisi. “You did that?” gulat na baling ni Sloane sa asawa.Saint casually shrugged. “Well, I have to make sure everything’s perfect if I want to take you out on a date, right?”Nag-init ang pisngi ni Sloane sa kaswal na response sa
Napanganga si Sloane nang nakangising tumango si Saint na para bang proud na proud siya. Sloane did not expect this! Akala niya naman ay simpleng date lang ang mangyayari sa kanila. Pero sino bang niloloko niya? Saint literally owns three multibillion company. Wala sa vocabulary niya ang salitang ‘simple’ at ‘mura’. “Is it safe? You know I’m pregnant!” sigaw ni Sloane dahil masyadong malakas ang tunog ng propeller ng helicopter. Lumapit sa kaniya si Saint at bumulong mismo sa tainga niya. Dama niya ang mainit na hininga nito na nagpakiliti sa kaniya. “You don’t have to worry even a single thing, Sloane. I’ve got everything covered. You just have to be beautiful and enjoy this date.” Napalunok si Sloane sa pag-init ng pisngi niya. “I-I thought we were going to a check-up?” she asked, ignoring the sensation he gave him. “We still are. Nasa Tagaytay daw si Dr. Gracia for a medical mission. Tayo na mismo ang pupunta sa kaniya.” Sloane pursed her lips and nodded. Her eyebr
Maagang nagising si Sloane dahil sa katok sa kaniyang kwarto. Pupungas-pungas niya itong binuksan at bumungad sa kaniya ang fresh na fresh na mukha ni Saint.“Hey…” Saint hoarsely whispered, in awe of his wife’s morning look. “Get up. Aalis na tayo mamaya.”“Alright. Baba ka na, susunod lang ako,” inaantok na usal ni Sloane at muling isinara ang pinto upang dumiretso sa banyo. Nagsipilyo lang siya at naghilamos bago ipinusod ang buhok. Samantala, sumandal lang sa railing si Saint at nakahalukipkip na hinintay si Sloane na lumabas. Namamangha pa rin siya sa mala-dyosang ganda kahit na kagigising pa lang. Natutuwa naman siya dahil unti-unti nang nagiging visible ang bump sa tiyan ng asawa ngayong nasa ikatlong buwan na ito ng pagbubuntis.Anim na buwan na lang ay lalabas na ang anak nila at maibibigay niya na lahat ng gusto nito. Ngunit anim na buwan na lang din ay mawawalay na sa kaniya si Sloane.Parang kinukurot ang puso niya sa isiping mawawala na naman ang kulay sa malaki niyang b
Natahimik ang kabilang linya. Hindi agad sumagot si Mich dahil pinapakiramdaman niya si Sloane.“Inlove ka na sa kaniya ‘no?” tanong ni Mich ngunit alam niya naman na ang sagot.As expected, hindi sumagot si Sloane. Napakagat siya ng labi at napayuko dahil hindi niya alam ang isasagot niya.O baka alam niya na nga talaga. Ayaw niya lang aminin sa sarili niya dahil natatakot siya. Natatakot siyang hindi maibalik sa kaniya ang pagmamahal na ibibigay niya. Natatakot siyang sumugal ulit.Natatakot siya… na baka iwanan na naman ulit siya.At mas natatakot siya na baka hindi niya na kayanin sa oras na mangyari ulit ‘yun.“Huwag mong pigilan ang sarili mo, girl. Let yourself fall in love again,” bulong ni Mich, nakumpirma ang kaniyang tanong.Tahimik na tumulo ang mga luha ni Sloane. Napasinghot siya nang mahina.“Natatakot ako eh…” nanginig ang boses niya. “Paano kung hindi naman pala parehas ang nararamdaman namin sa isa’t isa? P-paano kung… maiwan na naman ulit ako?”Humikbi si Sloane. Hi
Fuck, babe…” ungol ng babae. Ungol ng bestfriend ni Sloane na si Margaux. “Deeper!”Nag-unahan na tumulo ang kaniyang mga luha at nanginginig na lumapit sa pinto. Mas lalo namang naging klaro ang mga boses.“Damn, love… you’re really good at this…” It was Lawrence’s voice. Her boyfriend.Hindi na napigilan ni Sloane ang nag-uumapaw na galit sa kaniyang dibdib at sinipa niya ang pinto nang sobrang lakas. Bumukas ito at napasigaw sa gulat ang traydor na babae.“Malandi ka!” galit na galit na sigaw niya.Nanlilisik ang mga mata, pumunta siya sa kaibigan niya at sinabunutan ito. Kinaladkad niya ito pababa mula sa pagkakapatong sa katawan ng boyfriend niya at pinagsasampal ito. Halos mapaiyak sa sakit ang babae dahil hindi niya maiwasan ang kamay ni Sloane na halos lumipad na sa sobrang galit. Tila naman ay nanigas ang lalake sa kinauupuan kaya napatitig lamang siya sa dalawang babae.“Anong ginawa ko sa ‘yo para traydurin ako nang ganito?!” nanginig ang boses ni Sloane habang patuloy sa ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments