Nangangailangan si Sapphire ng malaking halaga upang maoperahan sa puso ang kanyang ina kaya tinanggap niya ang alok ng kanyang ama, ang maging substitute bride. Ayaw kasi ng half-sister niyang si Fiona na magpakasal sa isang bilyonaryo na lumpo na nga, bulag pa at masama pa daw ang ugali. Aanhin daw ni Fiona ang pagiging bilyonaryo nito kung hindi niya ito maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil nga pabagsak na rin ang kumpanya ng kanilang ama ay kailangan isa sa kanila ay magpakasal dito. Napatunayan nga ni Sapphire na masungit si Kaiden sa ilang linggong pananatili sa bahay nito. Pero inintindi na lang iyon ni Sapphire dahil sa kalagayan nito. Noong una nga ay nagalit pa ito dahil alam ni Kaiden na hindi siya ang dapat niyang papakasalan. Pinagbintangan pa siya ni Kaiden na pera lang at apelyido ang habol nito sa kanyang pamilya. Pero hindi sumuko si Sapphire hanggang sa unti-unti niya nakilala si Kaiden, napagtanto niyang isa itong mabuting tao at asawa sa kanya. Ngunit dito naman dadating ang iba't ibang pagsubok na susubok sa kanilang pagiging mag-asawa. Mga lihim na akala nila ay maibabaon na nila sa lupa. Malalampasan kaya nina Sapphire at Kaiden ang mga ito? O tuluyan na magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na hahantong sa pagkawasak nito.
View MoreNapayuko na lang si Sapphire dahil labis na ang hiya na kanyang nararamdaman. Ang kagustuhan niyang hindi makaagaw ng atensyon ay ginagawa naman ni Fiona. Magsasalita pa sana si Fiona pero dumating naman ang kanilang daddy.“Fiona, kanina ka pa hinahanap ng mommy mo,” pagdadahilan ng daddy nila pero halata naman na galit ang tingin nito kay Fiona.“Daddy, kinakausap ko pa ang kapatid ko at kinikilala ko lang ang naging asawa niya, right Sapphire?” tanong ni Fiona pero mas lalo siyang nainis sa kanyang kapatid dahil hindi ito sumagot.“Hayaan na lang muna natin sila, Fiona sa isang araw naman ay sa atin sila bibisita gaya ng napag-usapan. Mauna ka na sa lamesa natin,” bulong nito kay Fiona habang nakatingin kay Kaiden na nakaupo sa wheelchair nito. Walang nagawa si Fiona sa sinabi ng kanilang daddy pero bago siya umalis ay may ibinibulong pa siya kay Sapphire pero rinig naman ni Hunter dahil magkatabi sila.“Tandaan mo ito, hindi ka magiging masaya. Babawiin ko ang dapat na sa akin,” g
"Ipinagkasundo tayo ng ating magulang kaya naman hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," diretsong sagot ni Sapphire kay Kaiden kahit na nasaktan ito sa tanong nito kanina."Paano ako maniniwala sa isang kagaya mo?" masungit na sagot ni Kaiden. Natatandaan niya kasi si Sapphire noong nasa bar ito at sumasayaw."Ganyan ba talaga kayo? Ang dali niyo naman husgahan ang kagaya ko," sagot ni Sapphire.Bahagyang natigilan naman si Kaiden nang marinig niya ang bakas na nasaktan si Sapphire dahil sa kanyang sinabi pero agad ding nawala ang pag-aalala niya para sa dalaga na ngayon ay asawa na niya. Hindi na nakasagot si Kaiden kay Sapphire dahil narinig nila ang hiyawan ng mga bisita.""Mabuhay ang bagong kasal!" isang pekeng ngiti naman ang namutawi sa labi nina Kaiden at Sapphire nang batiin sila ng mga bisita nila habang papalabas na sila sa labas ng simbahan.Parehas silang ayaw na mapahiya ang kanilang pamilya kaya naman nagkukunwari sila na masaya. Habang si Fiona ay hindi makapaniwala
"Anong kaguluhan 'to?" tanong ng ama nila sa kanilang dalawa."Pa, si Sapphire kasi nahuli kong tatakas!" hindi makapaniwala si Sapphire sa sinabi ng kanyang kapatid na si Fiona. Hindi na talaga ito nagbago."Totoo ba ang sinabi ng kapatid mo Sapphire?" tanong ng ama ni Sapphire at nagmadaling bumaba ng hagdanan saka siya hinawakan ng mahigpit sa braso."Pa, nasasaktan ako," pilit inaalis ni Sapphire ang kamay ng kanyang ama pero mas lalo lang itong humigpit at nakita niya ang nanlilisik na tingin ng kanyang ama sa kanya."Sagutin mo ako!""Hindi po, pupuntahan ko lang naman si lolo para sabihin sa kanya na ikakasal na ako. Pa, masama na po bang dalawin ang puntod ni lolo?" pinipigilan ni Sapphire ang huwag umiyak dahil natatakot siya sa kanyang ama.Hindi naman ito ganoon sa kanya dati. Nang marinig ng ama nila ang paliwanag ni Sapphire ay bigla itong natauhan at binitiwan siya."P-pasensya ka na anak. Marami lang talaga iniisip ang papa ngayon. Hindi ko naman intensyon na saktan ka,
"Ang hina talaga ng utak mo Sapphire. Palibhasa ay hindi ka nakatapos," pangungutya ni Fiona sa kanya. "Ikaw ang magiging substitute ko.""Ang talino mo talaga anak," proud na sabi ni Leida sa anak nitong si Fiona."Wala akong panahon Fiona dyan. Hindi iyan ang ipinunta ko dito. Papa," maluha-luhang lumapit si Sapphire sa kanyang ama kaya napasimangot si Fiona at Leida doon."Hihingi nanaman ng pera yan! Naku! Parehas lang sila ng ina niya," masungit na sabi ni Leida."Pwede tumigil muna kayong mag-ina?" pakiusap ng ama nila Sapphire kaya umirap si Leida."Pa, ang inay nasa ospital po. Kailangan jiya po madala sa Maynila para maoperahan at ma-heart transplant," walang kemeng sabi ni Sapphire."Sabi na nga ba eh!" sagot nmaan ni Leida at sinamaan naman siya ng tingin ni Fiona."Magkano ba ang kailangan mo Sapphire?" tanong ng kanyang ama."H-humigit kumulang tatlong milyon po," nahihiyang sabi ni Sapphire."What? Pa, masyadong malaki iyon! Sumusobra ka na talaga Sapphire. Porket alam m
"A-ano po?" hindi makapaniwalang tanong ni Sapphire, kinakabahan na din siya sa mga oras na 'to."Are you deaf? Ang sabi ko maghubad ka. Isa-isa mong tanggalin ang suot mo." Masungit at bossy na sabi ng isang lalake.Hindi alam ni Sapphire ang gagawin. Alam naman niya na ito ang kanyang pinasok pero hindi pa rin pala talaga siya handa na maghubad sa harap ng mga lalakeng ito. Pero sa kabilang banda ay naiisip niya ang walang malay niyang ina na nasa ospital pa din."Naiinip na kami!" sigaw nong lalake."Chill bro, tinatakot mo si ganda eh," rinig naman ni Sapphire na sabi ng isa pang lalake. "Sige na miss, do your work and wag mo na pansinin ang pinsan ko.""Trabaho naman nila ang maghubad," sabi nong masungit na lalake at tila natauhan si Sapphire doon. Sobrang baba pala talaga ng tingin nito sa mga nagtratrabaho dito."H-hindi ko ho magagawa ang pinapagawa niyo, sorry," sabi ni Sapphire at bumaba siya sa stage at noong malapit na siya sa pintuan ay may humawak sa kanya."Hindi ka pw
Kabanata 1"Ate Sapphire, si nanay hinimatay po! T-tulong po ate!" Rinig na sigaw ng kapatid ni Sapphire mula sa kanilang kusina."Bakit anong nangyari? Nay!" tawag ni Sapphire sa kanilang ina ngunit hindi ito sumasagot. Agad niyang dinaluhan ang kanyang ina at muling tinawag. "Nay!"Kakauwi lang ni Sapphire galing job interview pero sa kasawiang palad ay hindi siya natanggap. Pagkatapos ay ito pa ang madadatnan niya sa kanilang bahay. Sa totoo lang ay hindi pa siya nagtatanghalian kaya naman nakakaramdam na siya ng hilo at sakit ng ulo."Nagluluto lang kami ni inay pagkatapos ay bumili lang po ako ng mantika. Pagbalik ko ay nadatnan ko na po siyang walang malay dito. A-ate ano po ang gagawin natin?" natataranta at mangiyak-ngiyak na sabi ni Adelia."Halika, isugod na natin si inay sa ospital. Magmadali na tayo." Kalmado man magsalita si Sapphire ay sa loob niya ay natataranta na siya pero hindi niya ito pwede ipakita kay Adelia. Siyam na taong gulang palamang ito at alam niyang kapag
Kabanata 1"Ate Sapphire, si nanay hinimatay po! T-tulong po ate!" Rinig na sigaw ng kapatid ni Sapphire mula sa kanilang kusina."Bakit anong nangyari? Nay!" tawag ni Sapphire sa kanilang ina ngunit hindi ito sumasagot. Agad niyang dinaluhan ang kanyang ina at muling tinawag. "Nay!"Kakauwi lang ni Sapphire galing job interview pero sa kasawiang palad ay hindi siya natanggap. Pagkatapos ay ito pa ang madadatnan niya sa kanilang bahay. Sa totoo lang ay hindi pa siya nagtatanghalian kaya naman nakakaramdam na siya ng hilo at sakit ng ulo."Nagluluto lang kami ni inay pagkatapos ay bumili lang po ako ng mantika. Pagbalik ko ay nadatnan ko na po siyang walang malay dito. A-ate ano po ang gagawin natin?" natataranta at mangiyak-ngiyak na sabi ni Adelia."Halika, isugod na natin si inay sa ospital. Magmadali na tayo." Kalmado man magsalita si Sapphire ay sa loob niya ay natataranta na siya pero hindi niya ito pwede ipakita kay Adelia. Siyam na taong gulang palamang ito at alam niyang kapag...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments