Handa ka bang ipagpalit ang iyong kalayaan para sa iyong pamilya na kahit kailan ay hindi ka itinuring na isa sa kanila? Si Xanthia Altaraza ay ipinagkanulo ng kanyang sariling pamilya at ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay naging mabait at masuyo sa kanya ang kanyang asawa. Hindi namalayan ni Xanthia na nahulog na ang loob niya rito. Ngunit, dahil sa pagkabunyang ng isang malaking sikreto ng kanyang pagkatao ay itinakwil siya ni Fabio Allegri. Lumipas ang mga taon ay muling bumalik si Xanthia, upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na doon ang lalaking dati na niyang minahal. Inalok niya itong muli ng isang kasunduan. Ano kaya ang mangyayari sa labanan ng galit at pagmamahal sa kanyang puso?
View MoreChapter 8"Xanthia, make sure na mag iinvest si Fabio sa kompanya. " Sabi sa akin ni daddy ng makaupo ako sa hapag. "Kaya ko nga siya papakasalan, hindi ba? " "Yeah, of course." Tumatango tangong sabi pa nito. "Ah, siya nga pala... Kukuhanin ko ang perang ng studio ko. I mean, ng ibinenta niyong studio ko. Sa akin naman iyon, kaya dapat lang nasa akin din mapunta ang pera. "Napatingin naman silang lahat sa akin. " Masyado yatang lumalaki ang ulo mo, Xanthia. " Iling sa akin ni Mommy. " Baka nakakalimutan mo, hindi ka makakatapos kung hindi dahil sa amin. " Nang uuyam na sabi pa niya. " Hmm, pinagtrabahuhan ko naman po iyon. Hindi ba? " Nakatitig na sabi ko. They treated me like a maid in this house. Walang sariling mga damit at gamit. Lahat ng iyon ay mga pinaglumaan ni Ate Xyler. Nang makatapos ako ay saka ko lang nabilhan ang sarili ko. " Wala ka sa posisyon para sabihan kami ng ganyan. Ngayon lumalabas ang totoong ugali ng anak mo, Xantino. Dapat talaga ay hindi na ako pum
Chapter 7 "He's Fabio Allegri. Ang mapapangasawa ko." I smiled coldly at them. Nakita ko naman ang hindi makapaniwalang reaksiyon ng dalawa. "This can't be... You're lying, Xanthia! " Galit na sabi sa akin ni Ate. "I'm Fabio Allegri. Totoo ang sinasabi ni Xanthia, I'm here to officially tell you that I'm going to marry her." Napatitig naman ako sa mukha ni Fabio. Sobrang seryoso at misteryoso niya. "Anong nangyayari dito? " Dumating din si daddy kaya napabuntong hininga na lamang ako. "Dad, she's lying! Kumuha pa talaga siya ng lalaking magpapanggap na si Don Allegri." Sumbong agad ni Ate Xyler kay Daddy. "Why would she lie, Ms. Altaraza? " Nakangising tanong ni Fabio sa aking kapatid. "Come in, Fabio. Let's talk." Marahas naman na napalingon si Mommy kay Daddy. "Tinawagan na ako kanina ni Mr. Zeres. Sinabi niyang sekretarya lamang siya ni Fabio." Paliwanag ni Mommy kay Daddy. "No... No... No... " " Ano bang problema mo? Hindi ba at may Martin ka na? " Sarkastikong
Chapter 6"Hindi ka ba marunong ngumiti? Baka ayawan ka ng matanda kapag nakita niyang ganyan ang mukha mo." Natatawang pang aasar sa akin ni Ate Xyler ng makita niya ang ayos ko ngayon.I'm wearing a simple white dress. Nakapusod din ang mahaba kong buhok. May ipinasuot pa sa akin na alahas si Mommy at ang kabilin bilinan niya ay huwag ko itong iwawala dahil mas mahal pa ito sa buhay ko.I look like a doll...Lifeless."Xanthia, make sure na magugustuhan ka ni Don Allegri. " Napatango na lamang ako kay Daddy. Base sa nalaman ko ay hindi pa rin nila nakikita ang lalaking iyon. Palagi kasing ang sekretarya nito ang nakakausap nila.Hindi ko alam kung ano ang buong istorya kung paano nila nakuha ang loob ng lalaki. Ayaw rin kasi iyong sabihin sa akin ni Mommy.Malalaman ko rin naman iyon...Kung may plano sila ay ako rin...Ipinahatid ako ni Daddy sa isang mamahaling hotel. Nakakalulang tingnan dahil sa laki noon.Pagkababa ko ay agad akong pumasok sa loob."Reservation, Ma'am? " "Mr
Chapter 5Kinabukasan ay maagang umalis si Solana, may aasikasuhin pa raw siya kaya naman nauna na siya. "Ma'am Xanthia." Bungad sa akin ng isa sa mga tauhan ni daddy ng makalabas ako ng studio. Wala akong balak umuwi ngayon sa bahay at plano kong magpunta sa isang Expo. " What are you doing here? " Malamig na tanong ko rito. "Pinapasundo kayo ng daddy ninyo." Seryosong sabi naman nito sa akin. "Sabihin mo sa kanya ay hindi ako uuwi ngayon. Mag usap na lang kami sa ibang araw. " Akmang lalampasan ko na siya ng hawakan niya ako sa braso. " Pasensiya na, Ma'am. Napag utusan lang kami. " " Bitawan mo ako! Ano ba? " Pilit akong nagpumiglas ngunit hindi ako binitawan ng lalaki. " Shit! Ano ba?! Let me go! " Mas malakas sila sa akin. Apat silang tauhan ni daddy na pilit akong isinakay sa sasakyan. "Such a disappointment." Dismayadong sabi ni daddy habang umiiling. Basta na lamang ako binitawan ng tauhan niya ng marating namin ang bahay. "I don't want to talk to you, Dad. Kahit sino
Chapter 4"Really? Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para magsalita pa? " Hindi ko na napigilan ang galit ko. " Xanthia! " Saway sa akin ni Daddy. " How dare you?! " Galit ding sabi ni Mommy. Sila ate naman ay halatang nagulat dahil sa sinabi ko. " What? Anong ginawa ko? Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung bakit ako nagkakaganito? Bakit ko aayusin ang problemang hindi naman ako gumawa? That woman! Your favorite daughter? I just caught her with Martin. " Galit na sabi ko. " Oh, god! Anong kabaliwan yan? Xantino, pagsabihan mo iyang anak mo." "That's not true! " Iling naman ni Ate Xyler. "Dad, she's lying." "Xanthia." Saway sa akin ni Daddy. "Ayan, nandiyan ang ebidensiya." Itinapon ko sasahig ang cellphone ko at pinulot naman iyon ni daddy. Kitang kita ang mukha ng dalawa na magkasama at parehong nakaroba. "No... No, dad! That's fake! Edited. Huwag kayong maniwala sa kanya." Mukhang maiiyak na si ate sa kaba. "You know it's not edited. " Malamig na sabi ko. Kinuha naman
Chapter 3Tahimik kaming bumalik ni Solana sa Studio ko. Mukhang tinitimbang din niya ang mga sasabihin niya. "Let's just meet some other time, Solana. Sorry." "Just call me , Xanthia. Promise, uuwi ako agad." Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. "Thank you, Sol." Tumango naman siya sa akin at saka tuluyang umalis. Fuck, I need space. Buong magdamag akong umiyak dahil sa nangyari. Hindi ko na rin nagawang umuwi dahil doon. Sa aking studio na ako nagpalipas ng gabi. Pinatay ko rin ang cellphone ko para walang makacontact sa akin. Sobrang sakit... Ngayon ko lang naisip na matagal ng gusto ni Martin ang kapatid ko. FLASHBACK"Love, hindi ba natin isasama ang ate mo? " Bungad agad na tanong sa akin ni Martin. "Huh? Bakit naman natin siya isasama sa date natin? Isa pa, hindi rin naman siya sasama. Ang alam ko may date din siya ngayon." Malumanay na sabi ko kay Martin. "Ah." Hindi ko alam kung bakit biglang tumamlay ang nobyo ko. Para siyang wala sa sarili. "Xanthia, for
Chapter 2Kinabukasan ay maaga akong nagising. Namamaga pa rin ang pisngi ko dahil sa nangyari kagabi. Maaga akong aalis ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin sa studio ko. Mabuti na lang din at nagkaroon ako ng malaking ipon upang mabili iyon. Palagi kasing sinisira noon ni Ate Xyler ang mga ipinipinta ko... "Good morning, Ma'am. Ang aga niyo po ngayon." Bati sa akin ni Manong guard. "Morning din po. May ginagawa rin po kasi ako ngayon kaya maaga ako." Ngiti ko lamang sa kanya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagpipinta. Ni hindi ko na namalayan na tanghali na rin pala. " Busy ka, girl? " Napalingon ako sa taong nasa likod ko. "Solana, you're here! " Patiling sabi ko sa kanya. Akmang yayakap ako sa kanya ng pigilan niya ako. "Bago damit ko, bakla! " Tili niya na ikinatawa ko. She's Solana Mortiz. Kaibigan ko siya simula ng mag highschool ako. "Gaga ka! Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka rito? " Tanong ko sa kanya habang hinuhubad ang suot kong apron. "Nah, I wa
Chapter 1"Happy birthday,love! " Malaki ang pumaskil na ngiti sa labi ko ng biglang dumating ang nobyo kong si Martin. "Love, you're here." Excited na sabi ko. Mabilis kong tinanggap ang pumpon ng mga rosas na bigay niya, pati na rin ang isang paper bag mula sa isang kilalang brand. "Surprise." Natatawang sabi niya. "Thank you so much, Martin." Sinserong sabi ko. Sa wakas, may maganda ring nangyari ngayong kaarawan ko. Dalawang taon ko ng nobyo si Martin, dalawa lamang sila na nakakaalala ng kaarawan ko."Hijo, naririto ka pala." Bungad sa kanya ni daddy ng makita siya nito sa sala. "What's the occasion, Martin? " Segunda naman sa kanya ni Mommy. Mabilis naman akong napatungo dahil doon. Hindi ko na maalala kung kailan nila ako binati sa araw ng kaarawan ko. Masyadong malayo ang loob nila sa aking dalawa. "Po? It's Xanthia's 24th birthday today." May pagtataka man ay ngumiti pa rin sa kanila si Martin. Pareho namang natigilan ang dalawa. Unang nagsalita si mommy"Oh, yes. Of c
Chapter 1"Happy birthday,love! " Malaki ang pumaskil na ngiti sa labi ko ng biglang dumating ang nobyo kong si Martin. "Love, you're here." Excited na sabi ko. Mabilis kong tinanggap ang pumpon ng mga rosas na bigay niya, pati na rin ang isang paper bag mula sa isang kilalang brand. "Surprise." Natatawang sabi niya. "Thank you so much, Martin." Sinserong sabi ko. Sa wakas, may maganda ring nangyari ngayong kaarawan ko. Dalawang taon ko ng nobyo si Martin, dalawa lamang sila na nakakaalala ng kaarawan ko."Hijo, naririto ka pala." Bungad sa kanya ni daddy ng makita siya nito sa sala. "What's the occasion, Martin? " Segunda naman sa kanya ni Mommy. Mabilis naman akong napatungo dahil doon. Hindi ko na maalala kung kailan nila ako binati sa araw ng kaarawan ko. Masyadong malayo ang loob nila sa aking dalawa. "Po? It's Xanthia's 24th birthday today." May pagtataka man ay ngumiti pa rin sa kanila si Martin. Pareho namang natigilan ang dalawa. Unang nagsalita si mommy"Oh, yes. Of c...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments