Chapter 2
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Namamaga pa rin ang pisngi ko dahil sa nangyari kagabi. Maaga akong aalis ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin sa studio ko. Mabuti na lang din at nagkaroon ako ng malaking ipon upang mabili iyon. Palagi kasing sinisira noon ni Ate Xyler ang mga ipinipinta ko... "Good morning, Ma'am. Ang aga niyo po ngayon." Bati sa akin ni Manong guard. "Morning din po. May ginagawa rin po kasi ako ngayon kaya maaga ako." Ngiti ko lamang sa kanya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagpipinta. Ni hindi ko na namalayan na tanghali na rin pala. " Busy ka, girl? " Napalingon ako sa taong nasa likod ko. "Solana, you're here! " Patiling sabi ko sa kanya. Akmang yayakap ako sa kanya ng pigilan niya ako. "Bago damit ko, bakla! " Tili niya na ikinatawa ko. She's Solana Mortiz. Kaibigan ko siya simula ng mag highschool ako. "Gaga ka! Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka rito? " Tanong ko sa kanya habang hinuhubad ang suot kong apron. "Nah, I want to surprise you! Sorry, hindi ako nakauwi kahapon. Wala tuloy ako, birthday mo pa naman. " Guilty na sabi niya. "Ano ka ba? It's okay! I know, busy ka rin. " Nakangiting sabi ko sa kanya. She's a runaway model kaya palagi rin siyang wala. " Kanina ka pa ba? " Tanong ko pa sa kanya. " 30 minutes na. " Nakangiting sabi niya sa akin. " Huh? That long? " " Yes, girl! Masyado ka kasing busy , hindi na kita inabala. I don't want you to lose focus. " Magaang ngiti ang iginawad niya sa akin. Isa siya sa mga sumuporta ng magbukas ang ng sarili kong gallery at nitong studio ko. " Thank you. " Sinserong sabi ko. " Your cheeks are swollen. Nakagat ka ba ng dinosaur? " Taas kilay na sabi niya. Nagsimula naman akong magkwento sa kanya. "Your sister is really a bitch, Xanthia. Kapatid mo ba talaga ang babaeng iyon? " Natawa naman ako sa itsura niya. Simula ng makilala ko siya ay siya na lagi ang nagpoprotekta sa akin. Palagi rin kasi akong nabubully sa school noon dahil kay Ate Xyler. " Hindi ko naman alam na ipapakasal pala siya sa matandang lalaki. Hindi ko rin naman kilala kung sino. Kagabi ko nga lang nalaman." Napabuntong hiningang sabi ko. "Serves her right! Karma niya iyon dahil sa pambubully niya sayo. Masyado ka kasing mabait kaya inaabuso ka na nila. Damn, girl! You need to stand on your own! " " They are my family, Solana..." " But they are not treating you like one. Sa mga nagdaang taon? May naaalala ka ba na itinuring ka nilang pamilya? Kahit nga ang mommy mo ay palaging kumakampi sa magaling mong kapatid. " She scoffed. " Let's just not talk about it. Kumain na lang tayo, treat mo." Nakangiting sabi ko sa kanya na ikinailing niya. " Tsk. Budol ka talaga. Halika na nga lang." Irap niya na ikinatawa ko. Me and Solana are really opposite. Siya iyong tipo na hindi magpapaapi kanino man. Dinala ako ni Solana sa isang mamahaling restaurant. "Wala kang kasamang bodyguard? " I asked. Dahil kasi sa kasikatan niya ay may mga taong gusto ring magtangka sa buhay niya. "Nandiyan lang sila. Don't worry." She smiled. Nang makapasok kami ay may mangilan ngilan ring tao ang naroroon. Ngunit ang pumukaw sa atensiyon ko ay ang dalawang tao na kumakain habang nagtatawanan sa may bahaging dulo ng restaurant. Mukhang hindi rin nila kami napansin kaya naman hinila ko kaagad si Solana. "Ouch. Bakit ba, Xanthia? " "Oh, god... Bakit sila magkasama? " Hindi mapakaling sabi ko. "Ano ba yon? " Kunot noong tanong niya. "Si Martin at ate... Nasa loob sila." Napalunok na sabi ko. " What the?! Seryoso ka ba? " Nagpumilit pa siyang pumasok sa loob ngunit pinigilan ko na siya. " Huwag na. Baka may pinag uusapan lang silang importante." "I know you're innocent but you are not dumb, Xanthia Keona!" Inis na sabi niya sa akin. " Tsk, come here. Hintayin natin sila sa kotse. " Inis pa ring sabi niya. " Teka, anong gagawin natin? " "Malamang susundan! We need to know kung saan pa sila pupunta." Sana mali ang iniisip ko... "Xanthia..." Solana warned me. Napansin ko ang pagdurugo ng ilalim ng kuko ko dahil sa pag ooverthink. "Sorry... I just..." Fuck, i don't know what to say. "Calm down, you bitch. Nasasaktan mo na naman ang sarili mo." She hissed. Lumipas pa ang kalahating oras at lumabas na ang dalawa. Nakahawak pa sa braso ni Martin si Ate Xyler habang nagtatawanan pa sila. " Fuck. They are cheating on you, Xanthia!" "No... Hindi magagawa sa akin ni Martin iyon. " Hindi makapaniwalang sabi ko. No... Hindi ko kaya. " Xanthia Keona, wake up! Damn it. " Naiyak na lamang ako dahil doon. I can't accept it! No, not him... Please. " Let's follow them. " Sabi ko kay Solana. May tinawagan siya bago pinaandar ang kotse niya. "Dito ang condo niya." Maliit na boses na sabi ko. "Let's go." Hila hila ako ni Solana hanggang makasakay kami sa elevator. "Huwag na lang kaya? " "We need to find the truth, kahit na isinasampal na iyon sa atin." Inis na sabi niya. "Magdoorbell ka na." Sabi niya ng marating namin ang pintuan ng unit ni Martin. Nakailang doorbell pa ako ng magbukas ang pinto. "Hindi ka ba makapaghintay, may ginagawa pa ang mga tao dito! " Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ate Xyler. Siya ang bukas ng pintuan at nakasuot na lamang siya ng roba. "Babe, bakit ang taga... Xanthia." Namutla si Martin ng makita ako sa tapat ng pintuan. " Let's break up. I hope you are happy, Ate Xyler. " Malamig na sabi ko. "Oh, of cour..." Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay malakas ko siyang sinampal. "How dare you, you little wench! " Galit na duro niya sa akin. Nang akmang hihigitin niya ang buhok ko ay inawat siya ni Solana. Iniharang niya sa mukha ni ate Xyler ang cellphone niya. " Subukan mo para sikat na kayong dalawa bukas. " Sabi ni Solana kay ate. " Tsk, as if na matatakot ako diyan." Ate Xyler scoff. "Tumigil ka na, Xyler. Let's talk later, Xanthia. Please." Pagak naman akong napatawa dahil sa sinabi ni Martin. "No. I don't talk to cheaters like you. Go, fuck her up. I'm done with you." Malamig na sabi ko na mukhang hindi nila inaasahang lahat. "Let's go, Solana. Sapat na ang nakita natin.Chapter 3Tahimik kaming bumalik ni Solana sa Studio ko. Mukhang tinitimbang din niya ang mga sasabihin niya. "Let's just meet some other time, Solana. Sorry." "Just call me , Xanthia. Promise, uuwi ako agad." Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. "Thank you, Sol." Tumango naman siya sa akin at saka tuluyang umalis. Fuck, I need space. Buong magdamag akong umiyak dahil sa nangyari. Hindi ko na rin nagawang umuwi dahil doon. Sa aking studio na ako nagpalipas ng gabi. Pinatay ko rin ang cellphone ko para walang makacontact sa akin. Sobrang sakit... Ngayon ko lang naisip na matagal ng gusto ni Martin ang kapatid ko. FLASHBACK"Love, hindi ba natin isasama ang ate mo? " Bungad agad na tanong sa akin ni Martin. "Huh? Bakit naman natin siya isasama sa date natin? Isa pa, hindi rin naman siya sasama. Ang alam ko may date din siya ngayon." Malumanay na sabi ko kay Martin. "Ah." Hindi ko alam kung bakit biglang tumamlay ang nobyo ko. Para siyang wala sa sarili. "Xanthia, for
Chapter 4"Really? Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para magsalita pa? " Hindi ko na napigilan ang galit ko. " Xanthia! " Saway sa akin ni Daddy. " How dare you?! " Galit ding sabi ni Mommy. Sila ate naman ay halatang nagulat dahil sa sinabi ko. " What? Anong ginawa ko? Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung bakit ako nagkakaganito? Bakit ko aayusin ang problemang hindi naman ako gumawa? That woman! Your favorite daughter? I just caught her with Martin. " Galit na sabi ko. " Oh, god! Anong kabaliwan yan? Xantino, pagsabihan mo iyang anak mo." "That's not true! " Iling naman ni Ate Xyler. "Dad, she's lying." "Xanthia." Saway sa akin ni Daddy. "Ayan, nandiyan ang ebidensiya." Itinapon ko sasahig ang cellphone ko at pinulot naman iyon ni daddy. Kitang kita ang mukha ng dalawa na magkasama at parehong nakaroba. "No... No, dad! That's fake! Edited. Huwag kayong maniwala sa kanya." Mukhang maiiyak na si ate sa kaba. "You know it's not edited. " Malamig na sabi ko. Kinuha naman
Chapter 5Kinabukasan ay maagang umalis si Solana, may aasikasuhin pa raw siya kaya naman nauna na siya. "Ma'am Xanthia." Bungad sa akin ng isa sa mga tauhan ni daddy ng makalabas ako ng studio. Wala akong balak umuwi ngayon sa bahay at plano kong magpunta sa isang Expo. " What are you doing here? " Malamig na tanong ko rito. "Pinapasundo kayo ng daddy ninyo." Seryosong sabi naman nito sa akin. "Sabihin mo sa kanya ay hindi ako uuwi ngayon. Mag usap na lang kami sa ibang araw. " Akmang lalampasan ko na siya ng hawakan niya ako sa braso. " Pasensiya na, Ma'am. Napag utusan lang kami. " " Bitawan mo ako! Ano ba? " Pilit akong nagpumiglas ngunit hindi ako binitawan ng lalaki. " Shit! Ano ba?! Let me go! " Mas malakas sila sa akin. Apat silang tauhan ni daddy na pilit akong isinakay sa sasakyan. "Such a disappointment." Dismayadong sabi ni daddy habang umiiling. Basta na lamang ako binitawan ng tauhan niya ng marating namin ang bahay. "I don't want to talk to you, Dad. Kahit sino
Chapter 6"Hindi ka ba marunong ngumiti? Baka ayawan ka ng matanda kapag nakita niyang ganyan ang mukha mo." Natatawang pang aasar sa akin ni Ate Xyler ng makita niya ang ayos ko ngayon.I'm wearing a simple white dress. Nakapusod din ang mahaba kong buhok. May ipinasuot pa sa akin na alahas si Mommy at ang kabilin bilinan niya ay huwag ko itong iwawala dahil mas mahal pa ito sa buhay ko.I look like a doll...Lifeless."Xanthia, make sure na magugustuhan ka ni Don Allegri. " Napatango na lamang ako kay Daddy. Base sa nalaman ko ay hindi pa rin nila nakikita ang lalaking iyon. Palagi kasing ang sekretarya nito ang nakakausap nila.Hindi ko alam kung ano ang buong istorya kung paano nila nakuha ang loob ng lalaki. Ayaw rin kasi iyong sabihin sa akin ni Mommy.Malalaman ko rin naman iyon...Kung may plano sila ay ako rin...Ipinahatid ako ni Daddy sa isang mamahaling hotel. Nakakalulang tingnan dahil sa laki noon.Pagkababa ko ay agad akong pumasok sa loob."Reservation, Ma'am? " "Mr
Chapter 7 "He's Fabio Allegri. Ang mapapangasawa ko." I smiled coldly at them. Nakita ko naman ang hindi makapaniwalang reaksiyon ng dalawa. "This can't be... You're lying, Xanthia! " Galit na sabi sa akin ni Ate. "I'm Fabio Allegri. Totoo ang sinasabi ni Xanthia, I'm here to officially tell you that I'm going to marry her." Napatitig naman ako sa mukha ni Fabio. Sobrang seryoso at misteryoso niya. "Anong nangyayari dito? " Dumating din si daddy kaya napabuntong hininga na lamang ako. "Dad, she's lying! Kumuha pa talaga siya ng lalaking magpapanggap na si Don Allegri." Sumbong agad ni Ate Xyler kay Daddy. "Why would she lie, Ms. Altaraza? " Nakangising tanong ni Fabio sa aking kapatid. "Come in, Fabio. Let's talk." Marahas naman na napalingon si Mommy kay Daddy. "Tinawagan na ako kanina ni Mr. Zeres. Sinabi niyang sekretarya lamang siya ni Fabio." Paliwanag ni Mommy kay Daddy. "No... No... No... " " Ano bang problema mo? Hindi ba at may Martin ka na? " Sarkastikong
Chapter 8"Xanthia, make sure na mag iinvest si Fabio sa kompanya. " Sabi sa akin ni daddy ng makaupo ako sa hapag. "Kaya ko nga siya papakasalan, hindi ba? " "Yeah, of course." Tumatango tangong sabi pa nito. "Ah, siya nga pala... Kukuhanin ko ang perang ng studio ko. I mean, ng ibinenta niyong studio ko. Sa akin naman iyon, kaya dapat lang nasa akin din mapunta ang pera. "Napatingin naman silang lahat sa akin. " Masyado yatang lumalaki ang ulo mo, Xanthia. " Iling sa akin ni Mommy. " Baka nakakalimutan mo, hindi ka makakatapos kung hindi dahil sa amin. " Nang uuyam na sabi pa niya. " Hmm, pinagtrabahuhan ko naman po iyon. Hindi ba? " Nakatitig na sabi ko. They treated me like a maid in this house. Walang sariling mga damit at gamit. Lahat ng iyon ay mga pinaglumaan ni Ate Xyler. Nang makatapos ako ay saka ko lang nabilhan ang sarili ko. " Wala ka sa posisyon para sabihan kami ng ganyan. Ngayon lumalabas ang totoong ugali ng anak mo, Xantino. Dapat talaga ay hindi na ako pum
Chapter 9"Ah... It's because I have a boyfriend before, Fabio. But, now? I'm single and free." Kabadong tumawa si ate Xyler. Single and free? Matapos nila akong lokohin ni Martin? Oh, god. She's really a bitch. Nagpatuloy na ako sa aking pagbaba sa hagdan nang nakakuyom ang aking kamay. " Xanthia." Tawag ni Fabio sa pangalan ko. Nakatayo na siya at titig na titig sa akin. "Sorry, natagalan." Hinging paumanhin ko sa kanya. I tried to normalize my voice. "It's fine. " Sabi niya at saka lumapit sa akin. "I will marry Xanthia, Mr. Altaraza. I will make that happen." Dama ko naman na natigilan si Ate Xyler, ganun din si Mommy. Mukhang hindi nila parehong inaasahan ang sinabi ni Fabio. "If you say so, Hijo. Just don't forget our deal." "Yes, Mr. Altaraza." Magalang na sagot ni Fabio. " Are you ready? " Baling nito sa akin. "Yeah, let's go." Ngiti ko sa kanya. "Enjoy, Xanthia. Hindi rin iyan magtatagal." Kindat sa akin ni Ate Xyler. Hinawakan ako sa bewan ni Fabio at saka hinapit
Chapter 10"Xanthia! " Ang ingay naman ng lalaking iyon. Tsk. "Di ka pa ba tapos? " Padabog akong lumabas ng aking kwarto. "Bakit ba ang aga aga ay ang ingay mo? " Nakasimangot na tanong ko sa kanya. "Malelate na tayo." "Kasalanan ko? " Taas kilay na tanong ko sa kanya. "Umaga na tayo umuwi kanina. Pwede mo naman kasi akong iwanan dito. " Maktol ko sa kanya. Mag iisang linggo na rin ako dito sa bahay ni Fabio at palagi niya akong isinasama sa mga meetings niya. Katulad kahapon, galing kami sa Cebu at madaling araw na kami nakabalik. " Sa office lang tayo today, Xanthia. " Napabuntong hiningang sabi niya. Hindi ko pa rin gaanong maayos ang pagpipinta ko dahil sa pagiging busy namin ni Fabio. " Iwanan mo na lang ako sa susunod, Fabio. Nagiging pabigat lamang ako sa mga meeting mo. " Sabi ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng bahay. "Sino namang may sabi sayo niyan? Mas gusto kong kasama kita kapag aalis ako." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "At bakit? "
Chapter 28Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si Ma'am Tessa. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "You! You're ruining my son's life." Galit na duro niya sa akin. Sa likod niya ay nakatayo si Ate Xyler na matagumpay na nakangiti. "Look at this shit! Anong kalokohan ang ginagawa niyo ng anak ko? Ha? Damn it! Ilang taon kong inalagaan ang pangalan ko sa industriya at ito lang pala ang sisira sa akin!" Nanggagalaiting dagdag pa niya. "So, it's just about you, all along." Malamig na sabi ni Fabio. Hindi ko napansin ang pagbaba niya sa hagdan. Mukhang natigilan rin si Ma'am Tessa dahil sa tono ni Fabio. "Fabio! Anong ginawa mo, ha? " "What are you doing here? Why are you with her? " Tanong pa ni Fabio rito. " She's Xyler, siya ang fiancee mo. " Maarte namang lumapit si Ate Xyler kay Fabio. " Don't touch me. " Napaatras naman sa takot si Ate. " Mom, I told you already... Damn it. " Nauubusan ng pasensiyang sabi ni Fabio sa mo
Chapter 27XYLER'S POV"Mom! " Iyak ko kay mommy pagkauwi ko sa bahay. "What the hell? Anong nangyari sayo, Xyler? May nanakit ba sayo? " Yumakap ako kay Mommy habang umiiyak. "Xanthia! That girl. He kissed Fabio in front of me, Mom! Oh, god! Akala ko ba ay ako na ang papakasalan ni Fabio? Bakit ganito ang nangyayari? Mom! Do something! " Histerikal na sabi ko. We can't let this happen! No, I can't! Damn it. Hindi pwedeng maging masaya siya! " Calm down, Xyler. Huwag kang mag alala, ngayon lang iyon. Okay? Just wait." "I can't wait, anymore! Mom! " Sigaw ko. Malakas akong sinampal ni Mommy na ikinatigil ko. " Collect yourself, little brat! Anong sabi ko sayo? Gumagawa na kami ng paraan. Just wait a little more, Xyler. Wala kang ginusto na hindi ko ibinigay sayo. " Sabi sa akin ni mommy habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Mabilis naman akong napatango dahil doon. " Freshen up, mag ayos ka. Pupunta tayo ngayon sa bahay ng mga Allegri. " Seryosong sabi niya sa akin.XANTHIA'S
Chapter 26"Are you sure about this, Xanthia? Paano kung isinumbong ka na niya sa mga magulang mo? Masisira lahat ng nasimulan mo." Nag aalalang sabi sa akin ni Fabio. "Don't worry, baby. I know her... Gagawin niya ang lahat para sa anak niya. He's graduating, after all." Masuyo kong niyakap si Fabio. Nagiging softy na siya pagdating sa akin. It's a good sign. " At least, isama mo ako... Ayokong may mangyaring masama sayo." Halik niya sa buhok ko. "Nah, kasama ko naman si Axel. Isa pa, ayokong malaman nila na tinutulungan mo ako. You're my last ace, baby. I don't want them to know about you. " Malambing na sabi ko sa kanya. " Xanthia... ""Q Pumasok ka na sa opisina mo. Magluluto ako mamaya ng hapunan natin, anong gusto mo? " Pag iiba ko ng usapan. " Sinigang, please. " Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. " Okay, your wish is my command. " Kindat ko s akanya. " Baby, iniiba mo ang usapan." Ungot niya. " Walang mangyayaring masama , Fabio. I promise. "Nang pumayag siya ay
Chapter 25"Xanthia? Oh, god! Ikaw nga! " Nagulat ako ng lumapit sa amin si Aliyah. " Ah, hi! " Naiilang na sabi ko. Naging kaklase ko si Aliyah noong Highschool ako. " Still the timid, Xanthia. Kumusta? Welcome to my resto. "" This is yours? Pinsan mo si Fabio? "" Huh? Si Kuya? Wait, hindi mo alam? Pinakilala ko siya sayo noon. " Natatawang sabi niya. Nauna akong pumasok sa Restaurant dahil may nalimutan daw sa kotse si Fabio. Hindi ko alam na si Aliyah pala ang pinsan niya. "Oh..." Natulalang sabi ko. Hindi ko maaalalang pinakilala niya sa akin si Fabio. "Kuya! Naririto ka rin? " Mukhang nagulat din si Aliyah ng makita niya ang pinsan niya. "She's Xanthia, remember her? " Ngiti ni Aliyah kay Fabio. "Ah, ang totoo niyan, Aliyah... Magkasama kami ni Fabio." Mahinang sabi ko sa kanya. Mas lalo naman siyang naguluhan dahil doon. "What? How..." "She's my fiancee now, Aliyah." Mas lalo namang nanlaki ang mata sa amin ni Aliyah ng sabihin iyon ni Fabio. "What the? " "Tsk." Ma
Chapter 24"How's your day, baby? " Bungad sa akin ni Fabio ng makauwi siya. Ginabi na rin kasi siya dahil sa pagiging abala niya sa opisina. "Okay lang naman. Ikaw ba? " I smiled. "Namiss ka." Malambing na yakap niya sa akin. "Nagpunta si dad sa Gallery..." Panimula ko. "And? " "Siyempre, ang walang katapusang 'Huwag mo ng pakasalan si Fabio'." Tawa ko sa kanya. "Tsaka, tama ka. Na-meet ko kanina si Crizela Aragon. I'll play along, Fabio. " "With me by your side, okay? Tell me, everything. I don't want you to do something dangerous." Malumanay na sabi niya. "Opo, Mr. Genie." "Oh, c'mon! Baby will do, Xanthia." Mas lalo naman akong natawa dahil sa sinabi niya. "Ah, siya nga pala, mayroon akong lakad sa Batangas. Gusto sana kitang isama." "Kelan ba? I'll clear my schedule, Fabio." Mabilis na sabi ko. "Next week pa naman, baby. Day off ako bukas, let's go shopping? Date? " "Hm, pwede naman." "Nice. Let's eat na and then I'll eat you after." Mapaglaro siyang kumindat sa ak
Chapter 23"Dad, you're here. " Gulat na sabi ko ng dumating isang umaga si Daddy sa Aurum. "I'm just checking on you, Xanthia." Seryosong sabi nito. " Oh, okay, dad. " Maikling sagot ko. Napabuntong hininga na lamamg ako, hindi pa ako tinatawagan ni Manang Minerva. Tsk, baka may nasabi siya kila daddy. I texted Axel. 'Axel, asikasuhin mo na iyong tungkol kila Tirso. ''Copy, Madam. 'Reply pa nito. "I want to talk to you about your wedding." " What about it, dad? " Seryosong tanong ko. " Gusto kong umatras ka na, Xanthia. You don't need to do this anymore. Ako na ang bahalang makipag usap sa mga Allegri. " Seryosong sabi niya sa akin. " Why? " Maikling tanong ko."Damn! Hindi tumitigil ang nanay mo sa pangungulit sa akin. It's making me sick, Xanthia! So, just drop this marriage, okay? " He commanded me. How can I do that? E, kasal na kami ni Fabio sa papel? FLASHBACK" Ingat ka pag uwi, Solana. Salamat sa pagpunta. Axel, magdahan ka pagdadrive, okay? "Ipinapahatid na kasi
Chapter 22XANTINO'S POV" Ano ng gagawin mo ngayon? Akala ko ba ay ayaw na ayaw mong maging masaya ang batang iyon. Xantino, mababaliw na si Xyler dahil sa stress." Galit na sabi sa akin ni Mirabel. Simula ng makilala nila ang totoong Allegri ay hindi na rin ako tinigilan ng mag-ina. " Mirabel, pwede bang pagpahingahin niyo muna ako? Kakauwi ko lamang galing trabaho! Damn it." Padaskol kong tinanggal ang suot kong neck tie. "Kasalanan mo naman kasi ang lahat ng ito! Kung hindi lang sana..." "Kung hindi lang sana , ano? Ibabalik mo na naman ba ang nakaraan? Ha? Hindi ka pa ba nagsasawa diyan? Ginawa ko naman ang lahat para maitama iyon."Sigaw ko sa kanya. " Sa tingin mo ba ay magkakaganito ako kung hindi ka nambabae at nagka anak sa labas? " Duro niya sa akin. Napailing na lamang ako dahil doon. " Let me remind you, Mirabel... Ikaw ang unang sumira sa akin noon. So, don't bring this up kung ayaw momg mas masira tayo! Damn it! I'm so tired of this shit! Huwag ka na ring mag al
Chapter 21"Baby, he's Axel. Siya ang makakasama mo rito, siya na rin ang magiging driver mo. Pwede mo ring sa kanya ipakisuyo ang mga bagay na kailangan mo, kasama na roon ang tungkol sa pamilya mo." Pakilala ni Fabio sa akin sa lalaking kasama niya. "Good morning, Ma'am. " Bati nito sa akin. "Good morning, just call me Xanthia." Ngiti ko rito. "Babalik na muna ako sa office, baby. Sabay tayo mag-lunch? " Malambing na sabi niya sa akin. "Okay. " Pagpayag ko sa kanya. Nang makaalis siya ay sinimulan ko na rin ang trabaho ko. " Ah, Axel. Maupo ka na lang muna diyan. Sabihin mo lang kay Bea kung may kailangan ka. Sa office muna ako." Paalam ko rito. "Yes, Ma'am. Salamat" "Xanthia na lang." "Baka mapagalitan ako ni Fabio." "Fabio, huh? Close pala kayo." Ngiti ko. "Yeah. He's a friend of mine." " Sa firm ka ni Ezren nagtatrabaho? " "Yes. Kilala mo na rin pala siya." Maikling sabi niya. "Yep. Boyfriend siya ng kaibigan ko." "Oh, the model." Tumango naman ako sa kanya. Inab
Chapter 20"Dito na kayo matulog, Fabio. " Sabi ng daddy ni Fabio. Sumunod sila sa amin dito sa basement."Hindi na, dad. Uuwi na rin kami ni Xanthia. " Malumanay na sabi naman ni Fabio."Ako na ang bahala sa mommy mo. Sa isang linggo tayo pupunta sa bahay nila Xanthia. Hija, 0asensiya ka na sa mommy ni Fabio. Nabigla lang iyon" "Okay lang po, Sir. " Maliit akong ngumiti sa kamya ngunit tinawanan niya lamang ako."Call me dad. Ikakasal na kayo ng anak ko, no need for formalities like that." Tumango naman ako sa kanya."Salamat po, d...dad." nauutal na sabi ko."Huwag mo ng isipin iyon ,Xanthia. Balik ka rito kapag may libre kang oras." Ngiti rin sa akin ni Mama Alicia." Opo, salamat po, Mama. " Yumakap ako sa kanila at saka kami umalis ni Fabio. " Baby, pasensiya ka na sa nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na darating si Mom. "" Okay lang, mahalaga rin naman na malaman niya ang tungkol sa pagpapakasal natin. " Nakangiting sabi ko. " Siya pala ang mommy mo, palagi ko siyang napap