Satya Cordovez never imagined her simple life as a nanny could spiral into chaos overnight. It started with an invitation—an exclusive, high-society event na hindi niya dapat pinuntahan, pero sinama siya ng amo niyang mapilit. Sa unang pagkakataon, nakatikim siya ng mamahaling alak at sa sobrang saya ng gabing 'yun, she let her guard down. Lasing na lasing siya, her memories of the night a blur. Ang huling natatandaan niya ay ang mapanuksong ngiti ng isang lalaking hindi niya kilala at ang init ng kanyang tingin na tila ba siya lang ang nakikita nito sa buong kwarto. Kinabukasan, nagising siya sa isang kuwarto na napakalaki na parang kuwarto na ng isang hari. Napansin din niya na may suot na siyang wedding ring sa kanyang daliri. Sa tabi niya, naroon si Colter Alcazan, ang kilalang trillionaire na hindi lang makapangyarihan, kundi isa ring tanyag na bachelor na hinahabol ng lahat. “Good morning, Mrs. Alcazan,” bati nito sa kaniya na may confident na ngiti. “Wait, what?” Napaangat siya ng upo habang nanginginig ang boses at tinitingnan ang singsing sa kaniyang Daliri. “You’re my wife now,” sagot ni Colter, his voice dripping with authority. Satya’s life just turned into a whirlwind she wasn’t prepared for—and there was no way out.
View MoreColter POVTahimik kaming dalawa ni Satya habang nasa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya, nakatingin lang sa kawalan, tila malayo ang iniisip. Hindi ko maiwasang tingnan siya mula sa gilid ng aking mata. Kung tutuusin, kahit simpleng babae siya, may kakaibang bagay sa kanya na parang hindi ko maipaliwanag.Pero hindi ako nagmadali. Hinayaan ko lang ang katahimikan, hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Ang hirap talaga ng buhay,” bulong niya na halos hindi ko narinig. Tila magsisimula na siyang magdrama dala nang kalasingan niya.Pagkatapos ng ilang saglit, tumulo ang luha niya. Napatigil tuloy ako sa pagngiti. Hindi ko inasahan iyon.“Sino bang hindi iiyak sa buhay ko?” nagsimula siyang magsalita habang pinupunasan ang mga mata. “Ang totoo, kasambahay lang ako. Sinama lang ako ng amo ko sa event na ‘to para parusahan ang mga anak niyang bruha. Breadwinner ako sa pamilya. Ang nanay ko, nagtitinda lang ng gulay sa palengke. Ang tatay ko, wala nang trabaho.”Tahimik akong nakinig
Colter POVPagpasok ko sa event ball, bumungad agad ang mararangyang ilaw at mamahaling dekorasyon. Halos lahat ng tao dito ay mukhang galing sa mundo ng kayamanan—mga naka-designer suits at gowns na tila ipinangalandakan ang kanilang estado sa buhay. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging goal ko ngayong gabi ay siguraduhing matatalo si Damien sa pustahan namin.Halos hindi na ako makilala ng mga tao rito dahil sa bagong anyo ko. Pero pansin ko na ilan sa mga kababaihan ay nakatingin sa akin. Ilan sa mga followers ko sa social media ay tiyak na kilala at namumukhaan na ako. Lalo na ‘yung ibang mga naging ex-girlfriend ko. Gusto nilang magpapansin sa akin pero wala na ‘yung effect dahil hindi na sila welcome sa buhay ko. Iba na ang gusto ko ngayon.Isang bilyong piso ang nakataya para sa pustahan namin ni Damien at ayokong hayaan siyang manalo. Sa pustahan namin, simple lang ang usapan—kailangan makakapag-uwi ako ng isang babae mula sa event na ito, para manalo ako.Sa gilid
Satya POVSa sandaling lumapit ako sa buffet table, nanlaki ang mga mata ko sa dami ng masasarap na pagkain na nakalatag sa harap ko. May mga pagkain akong hindi pa kailanman nakita at lalo na, hindi pa natitikman. Hindi ko napigilang ngumiti nang malaki habang tinutunton ang bawat pagkain, iniisip ko kung ano ang uunahin ko."Saan ka magsisimula, Satya? Ang dami nito," bulong ko sa sarili habang kumukuha ng maliit na plato.Pagkakuha ko ng maliit na hiwa ng steak, halos matunaw iyon sa bibig ko sa unang kagat. "Ang sarap! Grabe, ganito pala ‘to kasarap," sabi ko nang pabulong na tila hindi makapaniwala. Napapikit pa ako habang nilalasap ang lasa.Naramdaman ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Sana nandito si Nanay at Tatay. Sila ang madalas kong kasama sa mga simpleng hapunan sa bahay. Sa isipan ko, iniisip kong sana natitikman din nila ang ganitong klaseng pagkain."Ang sarap siguro kung nandito si Nanay," bulong ko habang kumukuha ng mashed potato. "At si Tatay, tiyak na magugustu
Satya POVPagbukas ng pinto ng mansiyon, agad akong nakaramdam ng bigat ng mga tingin. Halos lahat ng kapwa ko kasambahay ay napalingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero para bang tumigil ang oras. Tumigil rin ako sa pinto, bahagyang nakayuko at hindi malaman kung saan ipapako ang paningin.“Aba! Si Satya ba talaga ‘yan? Parang hindi ko na siya makilala!” ang bungad ni Ate Maring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Sabi ko na eh, maganda talaga si Satya. Hindi lang halata kasi hindi siya mahilig mag-ayos,” dagdag ni Tita Linda, sabay ngiti sa akin.“Grabe, parang artista! Anong sekreto mo, Satya?” tanong naman ni Nida, ang pinakamalapit kong kaibigan sa mansiyon.“Naku, parang hindi na ikaw ang kasama namin dito sa kusina! Ang ganda mo, parang may dugong prinsesa!” sabi ni Aling Luz habang nagkukrus pa ng mga braso sa dibdib.“Siguradong mapapahiya ang magkapatid na ‘yon! Hindi nila ‘to inaasahan,” hirit ni Bert, ang driver na halatang aliw na aliw sa itsur
Satya POV"Kaya ko ba talaga 'to?" tanong ko sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ng bestfriend kong si Taylin. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang mga mangyayari sa gabing ito. Mula noong sabihin sa akin ni Madam Leonora na ako ang isasama niya sa ball, hindi ako mapakali. Isang kasambahay na pupunta sa isang marangyang pagtitipon? Parang imposible. Pero nandito na ako, kailangan kong gawin ang lahat para hindi mapahiya si Madam.Si Taylin, ang bestfriend ko mula pa noong elementary, ang una kong naisip para tulungan ako. Bukod sa anak siya ng vice mayor at sanay sa mundo ng mga mayayaman, mahilig din siyang mag-makeup at mag-ayos. Marami rin siyang makeup tools na pang-professional, kaya alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito. Ang mahal kasi magpa-makeup ngayon kaya wala akong ibang maaasahan kundi si Taylin lang.Pagdating ko sa bahay nila Taylin na pagkalaki-laki, tinanggap ako agad ng kanilang kasambahay at pinatuloy sa malak
Satya POVIsang ordinaryong umaga iyon sa mansiyon—o iyon ang akala ko. Habang nagsisimula pa lang akong magwalis sa sala, narinig ko ang malalakas na boses mula sa itaas. Tila may away na naman ang mag-iina.“Rhea! Rian! How many times do I have to tell you? Hindi kayo puwedeng umuwi ng madaling-araw!” galit na sigaw ni Madam Leonora mula sa taas ng hagdan. Napapailing si Satya kasi madalas gawin ng magkapatid iyon. Sure siyang umuwi na naman ang dalawa ng lasing.“Mama, we were just enjoying ourselves! Isang beses lang naman!” sagot ni Rhea, ang panganay.“Yeah, Mama! It’s not like we’re doing anything bad!” dagdag ni Rian, ang bunso. Mga sinungaling. Ilang beses na nilang ginagawa ‘yan. Ngayon lang sila nahuli.Napahinto ako sa pagwawalis, natatakot na baka marinig ako at mapagbuntunan ng init ng ulo ni Madam Leonora. Pero hindi ko rin maiwasang mapakinggan ang kanilang pag-aaway.“Enough!” Naputol ang kanilang pagtatalo sa malakas na sigaw ni Madam. “You two are not going to the b
Colter POVSa likod ng malaking pagbabago ko sa katawan, hitsura, at lifestyle, isang bagay ang hindi nagbago—ang pagkakaibigan namin ng bestfriend kong si Damien. Siya ang taong palaging nandiyan, walang filter kung magsalita, pero sigurado kang totoo.Ngayon, nasa penthouse siya, isang napakalaking unit sa tuktok ng isa sa pinakamamahaling condominium sa lungsod. Parang nasa sarili niyang mundo si Damien—suot ang isang silk robe, may hawak na baso ng mamahaling alak, at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window na tanaw ang buong skyline ng Garay City.“Colter, you’re late,” sabi niya nang lumingon sa akin, ang kilay niya ay nakataas.“Tch. You know I hate being rushed, Damien,” sagot ko habang inaabot ang baso ng whisky na inabot ng butler niya. Umupo ako sa malambot na leather couch at sinimulan ang gabing pagba-bonding namin.Ganito palagi ang bonding namin—isang tahimik na gabi na may mamahaling alak, magandang pelikula, at walang katapusang asaran.Habang nanonood kami ng is
Colter POVDati, pag sinabing pangalan ko, laging mayaman ang unang pumapasok sa isip ng mga tao. Trillionaire. Negosyante. Tagapagmana ng Alcazan empire. Pero hindi ko makakalimutan ang mga nakakasalamuha ko noon—mga babaeng mabilis umiwas ng tingin, mga lalaking patago ang tingin ng paghamak, at mga staff ko na halatang hindi man lang ako ma-idolize.Ngayon, ilang buwan matapos ang desisyon kong magbago, ibang-iba na ang sitwasyon.Hindi ko na sinayang ang oras. Pagbalik ko mula sa paghahabol sa scammer na iyon—kung saan halos wala akong nagawa kundi magmukhang kawawa—agad akong nagpagawa ng isang state-of-the-art gym dito sa mansion ko. Pinakamahal na equipment, imported weights at kahit sauna, meron dito. Wala akong dahilan para magpunta pa sa public gym.“Mr. Alcazan, today we’ll focus on core strength,” sabi ni Chad, ang private coach na kinuha ko. Isa siyang world-class trainer na dati pang nagtratrabaho sa mga kilalang atleta. Pero ngayon, full-time na siyang naka-assign sa ak
Colter POVMilyonaryo. Gwapo. Successful. At walang duda, pinapantasya ng halos lahat ng babaeng nakikilala ko. Pero ngayong nakaupo ako sa driver’s seat ng kotse ko, tagaktak ang pawis ko at mabilis ang tibok ng puso. Ito ay dahil may hinahabol akong lalaki—isang scammer na kumuha ng milyon-milyong piso mula sa kumpanya ko.“Damn it!” sigaw ko habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan ko. Kanina ko pa siya sinusundan, pero ang bilis ng motor niya. Paikot-ikot siya sa mga masisikip na eskinita ng lungsod habang pilit akong nilalayuan.Kinuha niya ang pera ko, pero hindi ko siya papayagang makatakas. Oo, trillionaire ako pero hindi ko ata kayang sayangin ang milyon-milyon na kinuha niya. Hindi ko palalagpasin ito.Nasa kalagitnaan ako ng paghabol nang bigla siyang lumiko sa kanan. Sa pagmamadali kong huwag siyang mawala, kinabig ko rin ang manibela pakanan, pero hindi ko napansin ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada.“Sh*t!” Napadiin ako sa preno, pero huli na. Ang isang
Satya POVNasa ikalawang palapag ako ng mansiyon ng pamilyang Galbaldon, nagpupunas ng mga antigong muwebles na hindi ko kailanman magagawang bilhin kahit buong buhay kong ipunin ang sahod ko. Sa liit ng suweldo ko bilang kasambahay, sakto lang ‘to para sa mga kailangan ng pamilya ko. Pero ganito ang buhay ko ngayon—isang hamak na yaya, katulong at punching bag ng mga anak ng amo kong sina Madam Leonora at Sir Miguel.“Hey, Satya!” sigaw ni Rian sa akin ang bunso sa magkapatid. Napalingon ako sa hagdan, hawak pa rin ang basahang basa ng furniture polish.Ang mukha ni Rian, na para bang laging nasa gitna ng isang tantrum ay masama ang tingin sa akin ngayon kaya nakaramdam agad ako ng takot.“What are you doing standing there? Do you think you're some kind of princess? Go clean my room. It's disgusting!” hiyaw niya habang ang boses ay umaalingawngaw sa buong mansiyon.“Sandali lang po, Ma’am Rian,” sagot ko habang pilit na pinapalabas ang lambing sa tinig ko kahit gusto ko nang sumigaw....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments