Share

Kabanata 9

last update Last Updated: 2025-01-07 14:31:16

Satya POV

Pagbukas ng pinto ng mansiyon, agad akong nakaramdam ng bigat ng mga tingin. Halos lahat ng kapwa ko kasambahay ay napalingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero para bang tumigil ang oras. Tumigil rin ako sa pinto, bahagyang nakayuko at hindi malaman kung saan ipapako ang paningin.

“Aba! Si Satya ba talaga ‘yan? Parang hindi ko na siya makilala!” ang bungad ni Ate Maring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

“Sabi ko na eh, maganda talaga si Satya. Hindi lang halata kasi hindi siya mahilig mag-ayos,” dagdag ni Tita Linda, sabay ngiti sa akin.

“Grabe, parang artista! Anong sekreto mo, Satya?” tanong naman ni Nida, ang pinakamalapit kong kaibigan sa mansiyon.

“Naku, parang hindi na ikaw ang kasama namin dito sa kusina! Ang ganda mo, parang may dugong prinsesa!” sabi ni Aling Luz habang nagkukrus pa ng mga braso sa dibdib.

“Siguradong mapapahiya ang magkapatid na ‘yon! Hindi nila ‘to inaasahan,” hirit ni Bert, ang driver na halatang aliw na aliw sa itsur
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 10

    Satya POVSa sandaling lumapit ako sa buffet table, nanlaki ang mga mata ko sa dami ng masasarap na pagkain na nakalatag sa harap ko. May mga pagkain akong hindi pa kailanman nakita at lalo na, hindi pa natitikman. Hindi ko napigilang ngumiti nang malaki habang tinutunton ang bawat pagkain, iniisip ko kung ano ang uunahin ko."Saan ka magsisimula, Satya? Ang dami nito," bulong ko sa sarili habang kumukuha ng maliit na plato.Pagkakuha ko ng maliit na hiwa ng steak, halos matunaw iyon sa bibig ko sa unang kagat. "Ang sarap! Grabe, ganito pala ‘to kasarap," sabi ko nang pabulong na tila hindi makapaniwala. Napapikit pa ako habang nilalasap ang lasa.Naramdaman ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Sana nandito si Nanay at Tatay. Sila ang madalas kong kasama sa mga simpleng hapunan sa bahay. Sa isipan ko, iniisip kong sana natitikman din nila ang ganitong klaseng pagkain."Ang sarap siguro kung nandito si Nanay," bulong ko habang kumukuha ng mashed potato. "At si Tatay, tiyak na magugustu

    Last Updated : 2025-01-08
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 11

    Colter POVPagpasok ko sa event ball, bumungad agad ang mararangyang ilaw at mamahaling dekorasyon. Halos lahat ng tao dito ay mukhang galing sa mundo ng kayamanan—mga naka-designer suits at gowns na tila ipinangalandakan ang kanilang estado sa buhay. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging goal ko ngayong gabi ay siguraduhing matatalo si Damien sa pustahan namin.Halos hindi na ako makilala ng mga tao rito dahil sa bagong anyo ko. Pero pansin ko na ilan sa mga kababaihan ay nakatingin sa akin. Ilan sa mga followers ko sa social media ay tiyak na kilala at namumukhaan na ako. Lalo na ‘yung ibang mga naging ex-girlfriend ko. Gusto nilang magpapansin sa akin pero wala na ‘yung effect dahil hindi na sila welcome sa buhay ko. Iba na ang gusto ko ngayon.Isang bilyong piso ang nakataya para sa pustahan namin ni Damien at ayokong hayaan siyang manalo. Sa pustahan namin, simple lang ang usapan—kailangan makakapag-uwi ako ng isang babae mula sa event na ito, para manalo ako.Sa gilid

    Last Updated : 2025-01-08
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 12

    Colter POVTahimik kaming dalawa ni Satya habang nasa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya, nakatingin lang sa kawalan, tila malayo ang iniisip. Hindi ko maiwasang tingnan siya mula sa gilid ng aking mata. Kung tutuusin, kahit simpleng babae siya, may kakaibang bagay sa kanya na parang hindi ko maipaliwanag.Pero hindi ako nagmadali. Hinayaan ko lang ang katahimikan, hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Ang hirap talaga ng buhay,” bulong niya na halos hindi ko narinig. Tila magsisimula na siyang magdrama dala nang kalasingan niya.Pagkatapos ng ilang saglit, tumulo ang luha niya. Napatigil tuloy ako sa pagngiti. Hindi ko inasahan iyon.“Sino bang hindi iiyak sa buhay ko?” nagsimula siyang magsalita habang pinupunasan ang mga mata. “Ang totoo, kasambahay lang ako. Sinama lang ako ng amo ko sa event na ‘to para parusahan ang mga anak niyang bruha. Breadwinner ako sa pamilya. Ang nanay ko, nagtitinda lang ng gulay sa palengke. Ang tatay ko, wala nang trabaho.”Tahimik akong nakinig

    Last Updated : 2025-01-08
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 13

    Satya POVNapamulagat ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa isang bintanang may kurtinang kulay champagne. Pagdilat ko nang tuluyan, napansin kong nasa isang napakagarang kuwarto ako—mas magara pa kaysa sa nakikita ko sa mga magazines o telenovela.Ang buong paligid ay parang isang palasyo. Ang higaan kong kinalalagyan ay napakalambot, may baldakin pang puti at gintong tela na tila inukit mula sa ulap. Ang kisame ay may intricate na disenyo ng mga bituin at bulaklak, na parang sinadyang ilapat ng isang master sa sining. Sa gilid ng kama, may mga side table na gawa sa marmol at ginto. May lampshade itong hugis parang korona at mamahaling relo na mukhang mas mahal pa sa buong bahay ko.Ang mga pader ng kuwarto ay gawa sa puting marmol, may accent na gintong linya, at may nakasabit pang malalaking painting na mukhang gawa ng mga sikat na pintor. Sa isang sulok, may malaking chandelier na may kristal na parang bahaghari kapag tinatamaan ng ilaw. May carpet na kulay cream na an

    Last Updated : 2025-01-09
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 14

    Satya POVPagdating ko sa bahay, agad kong sinarado ang pinto at napasandal, napapikit, at napahinga nang malalim. Parang ang bigat ng buong araw na iyon. Nasa kwarto pa rin ako ng isang trillionaire kanina lang, pero ngayon, nandito na ako sa masikip at luma kong inuuwian—isang simpleng kuwarto na may manipis na kurtina, kahoy na sahig at mga pader na bitak-bitak na.Agad akong nagbihis at nagpunta sa banyo. Tumutulo ang malamig na tubig mula sa kalawanging shower. Habang hinuhugasan ko ang katawan ko, iniisip ko kung totoo ba talaga ang lahat ng nangyari. Totoo bang nakapagsuot ako ng wedding ring na mas mahal pa sa buhay ko? Totoo bang kinasal ako kay Colter Alcazan? At ngayon, babalik ako sa buhay kong mahirap, parang walang nangyari?Pagkatapos maligo, nagbihis agad ako ng simpleng dress at itim na pantalon. Naghanda na rin ako para pumasok sa mansiyon ng mga Gabaldon, ang pamilya kung saan ako nagtatrabaho bilang kasambahay.“Kumain ka na, may natira pa atang talbos ng kamote ay

    Last Updated : 2025-01-09
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 1

    Satya POVNasa ikalawang palapag ako ng mansiyon ng pamilyang Galbaldon, nagpupunas ng mga antigong muwebles na hindi ko kailanman magagawang bilhin kahit buong buhay kong ipunin ang sahod ko. Sa liit ng suweldo ko bilang kasambahay, sakto lang ‘to para sa mga kailangan ng pamilya ko. Pero ganito ang buhay ko ngayon—isang hamak na yaya, katulong at punching bag ng mga anak ng amo kong sina Madam Leonora at Sir Miguel.“Hey, Satya!” sigaw ni Rian sa akin ang bunso sa magkapatid. Napalingon ako sa hagdan, hawak pa rin ang basahang basa ng furniture polish.Ang mukha ni Rian, na para bang laging nasa gitna ng isang tantrum ay masama ang tingin sa akin ngayon kaya nakaramdam agad ako ng takot.“What are you doing standing there? Do you think you're some kind of princess? Go clean my room. It's disgusting!” hiyaw niya habang ang boses ay umaalingawngaw sa buong mansiyon.“Sandali lang po, Ma’am Rian,” sagot ko habang pilit na pinapalabas ang lambing sa tinig ko kahit gusto ko nang sumigaw.

    Last Updated : 2024-12-30
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 2

    Colter POVAraw-araw, parang nakakasawa na ‘yung mga ginagawa ko. Weird lang kasi wala ng thrill ang buhay ko kasi kahit anong gusto ko, kayang-kaya kong makuha ko.Paulit-ulit na lang na puro meeting sa mga business kong hawak, bonding sa mga kaibigan kong nandiyan lang para sa connection, makipaglandian sa mga babaeng yaman ko lang ang gusto.Nakakainis lang isipin na kahit trilyonaryo na ako, saka pa ganito, walang sumiseryoso sa akin. Imposibleng pakinggan pero ‘yun ang totoo. Wala na akong nakikitang babae na seryosong mahalin ako. Napakatanga nila kasi ako na ‘to, Colter Alcazan, isa sa sikat na trilyonaryo sa Pilipinas, pero bakit ginagago nila ako?Ako na lang ang natitira sa pamilya Alcazan. Wala nang magulang, wala ring kapatid. Ang mga magulang ko, kinuha ng mundo sa paraang hindi makatarungan. Assassination. Pinaulanan ng bala ang sasakyan nila habang papunta sila sa isang business event. Nandito ako sa mansiyong ito noon, abala sa pakikipag-meeting sa mga shareholders, n

    Last Updated : 2024-12-30
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 3

    Satya POVNapabuntong-hininga ako habang nililingon ang mansyon ng mga Galbaldon. Parang palasyo, pero hindi kailanman nagdulot ng kasiyahan sa akin ang pagtatrabaho doon. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, matagal na akong umalis sa lugar na iyon. Napakasakit sa pakiramdam na araw-araw kang inaapakan ng mga taong akala mo’y nasa pedestal.Wala pa akong sahod ngayong linggo, pero kailangan kong magtiis. Tahimik akong naglakad palabas ng street na iyon, dala ang kaunting lakas ng loob para umuwi kahit walang dalang ulam o bigas. Habang naglalakad ako, umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ng luma kong bag.“Satya,” boses ni Papa sa kabilang linya, malungkot.“Pa, pauwi na po ako.” Subukan ko mang itago ang pag-aalala sa boses ko, alam kong ramdam niya iyon.“Anak... wala tayong bigas ngayon. Puro bayad sa utang ang kinita ng Mama mo sa palengke,” aniya. Parang bumagsak ang buong mundo ko sa sinabi niya.Napahinto ako. Muli, wala kaming kakainin n

    Last Updated : 2025-01-02

Latest chapter

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 14

    Satya POVPagdating ko sa bahay, agad kong sinarado ang pinto at napasandal, napapikit, at napahinga nang malalim. Parang ang bigat ng buong araw na iyon. Nasa kwarto pa rin ako ng isang trillionaire kanina lang, pero ngayon, nandito na ako sa masikip at luma kong inuuwian—isang simpleng kuwarto na may manipis na kurtina, kahoy na sahig at mga pader na bitak-bitak na.Agad akong nagbihis at nagpunta sa banyo. Tumutulo ang malamig na tubig mula sa kalawanging shower. Habang hinuhugasan ko ang katawan ko, iniisip ko kung totoo ba talaga ang lahat ng nangyari. Totoo bang nakapagsuot ako ng wedding ring na mas mahal pa sa buhay ko? Totoo bang kinasal ako kay Colter Alcazan? At ngayon, babalik ako sa buhay kong mahirap, parang walang nangyari?Pagkatapos maligo, nagbihis agad ako ng simpleng dress at itim na pantalon. Naghanda na rin ako para pumasok sa mansiyon ng mga Gabaldon, ang pamilya kung saan ako nagtatrabaho bilang kasambahay.“Kumain ka na, may natira pa atang talbos ng kamote ay

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 13

    Satya POVNapamulagat ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa isang bintanang may kurtinang kulay champagne. Pagdilat ko nang tuluyan, napansin kong nasa isang napakagarang kuwarto ako—mas magara pa kaysa sa nakikita ko sa mga magazines o telenovela.Ang buong paligid ay parang isang palasyo. Ang higaan kong kinalalagyan ay napakalambot, may baldakin pang puti at gintong tela na tila inukit mula sa ulap. Ang kisame ay may intricate na disenyo ng mga bituin at bulaklak, na parang sinadyang ilapat ng isang master sa sining. Sa gilid ng kama, may mga side table na gawa sa marmol at ginto. May lampshade itong hugis parang korona at mamahaling relo na mukhang mas mahal pa sa buong bahay ko.Ang mga pader ng kuwarto ay gawa sa puting marmol, may accent na gintong linya, at may nakasabit pang malalaking painting na mukhang gawa ng mga sikat na pintor. Sa isang sulok, may malaking chandelier na may kristal na parang bahaghari kapag tinatamaan ng ilaw. May carpet na kulay cream na an

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 12

    Colter POVTahimik kaming dalawa ni Satya habang nasa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya, nakatingin lang sa kawalan, tila malayo ang iniisip. Hindi ko maiwasang tingnan siya mula sa gilid ng aking mata. Kung tutuusin, kahit simpleng babae siya, may kakaibang bagay sa kanya na parang hindi ko maipaliwanag.Pero hindi ako nagmadali. Hinayaan ko lang ang katahimikan, hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Ang hirap talaga ng buhay,” bulong niya na halos hindi ko narinig. Tila magsisimula na siyang magdrama dala nang kalasingan niya.Pagkatapos ng ilang saglit, tumulo ang luha niya. Napatigil tuloy ako sa pagngiti. Hindi ko inasahan iyon.“Sino bang hindi iiyak sa buhay ko?” nagsimula siyang magsalita habang pinupunasan ang mga mata. “Ang totoo, kasambahay lang ako. Sinama lang ako ng amo ko sa event na ‘to para parusahan ang mga anak niyang bruha. Breadwinner ako sa pamilya. Ang nanay ko, nagtitinda lang ng gulay sa palengke. Ang tatay ko, wala nang trabaho.”Tahimik akong nakinig

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 11

    Colter POVPagpasok ko sa event ball, bumungad agad ang mararangyang ilaw at mamahaling dekorasyon. Halos lahat ng tao dito ay mukhang galing sa mundo ng kayamanan—mga naka-designer suits at gowns na tila ipinangalandakan ang kanilang estado sa buhay. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging goal ko ngayong gabi ay siguraduhing matatalo si Damien sa pustahan namin.Halos hindi na ako makilala ng mga tao rito dahil sa bagong anyo ko. Pero pansin ko na ilan sa mga kababaihan ay nakatingin sa akin. Ilan sa mga followers ko sa social media ay tiyak na kilala at namumukhaan na ako. Lalo na ‘yung ibang mga naging ex-girlfriend ko. Gusto nilang magpapansin sa akin pero wala na ‘yung effect dahil hindi na sila welcome sa buhay ko. Iba na ang gusto ko ngayon.Isang bilyong piso ang nakataya para sa pustahan namin ni Damien at ayokong hayaan siyang manalo. Sa pustahan namin, simple lang ang usapan—kailangan makakapag-uwi ako ng isang babae mula sa event na ito, para manalo ako.Sa gilid

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 10

    Satya POVSa sandaling lumapit ako sa buffet table, nanlaki ang mga mata ko sa dami ng masasarap na pagkain na nakalatag sa harap ko. May mga pagkain akong hindi pa kailanman nakita at lalo na, hindi pa natitikman. Hindi ko napigilang ngumiti nang malaki habang tinutunton ang bawat pagkain, iniisip ko kung ano ang uunahin ko."Saan ka magsisimula, Satya? Ang dami nito," bulong ko sa sarili habang kumukuha ng maliit na plato.Pagkakuha ko ng maliit na hiwa ng steak, halos matunaw iyon sa bibig ko sa unang kagat. "Ang sarap! Grabe, ganito pala ‘to kasarap," sabi ko nang pabulong na tila hindi makapaniwala. Napapikit pa ako habang nilalasap ang lasa.Naramdaman ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Sana nandito si Nanay at Tatay. Sila ang madalas kong kasama sa mga simpleng hapunan sa bahay. Sa isipan ko, iniisip kong sana natitikman din nila ang ganitong klaseng pagkain."Ang sarap siguro kung nandito si Nanay," bulong ko habang kumukuha ng mashed potato. "At si Tatay, tiyak na magugustu

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 9

    Satya POVPagbukas ng pinto ng mansiyon, agad akong nakaramdam ng bigat ng mga tingin. Halos lahat ng kapwa ko kasambahay ay napalingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero para bang tumigil ang oras. Tumigil rin ako sa pinto, bahagyang nakayuko at hindi malaman kung saan ipapako ang paningin.“Aba! Si Satya ba talaga ‘yan? Parang hindi ko na siya makilala!” ang bungad ni Ate Maring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Sabi ko na eh, maganda talaga si Satya. Hindi lang halata kasi hindi siya mahilig mag-ayos,” dagdag ni Tita Linda, sabay ngiti sa akin.“Grabe, parang artista! Anong sekreto mo, Satya?” tanong naman ni Nida, ang pinakamalapit kong kaibigan sa mansiyon.“Naku, parang hindi na ikaw ang kasama namin dito sa kusina! Ang ganda mo, parang may dugong prinsesa!” sabi ni Aling Luz habang nagkukrus pa ng mga braso sa dibdib.“Siguradong mapapahiya ang magkapatid na ‘yon! Hindi nila ‘to inaasahan,” hirit ni Bert, ang driver na halatang aliw na aliw sa itsur

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 8

    Satya POV"Kaya ko ba talaga 'to?" tanong ko sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ng bestfriend kong si Taylin. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang mga mangyayari sa gabing ito. Mula noong sabihin sa akin ni Madam Leonora na ako ang isasama niya sa ball, hindi ako mapakali. Isang kasambahay na pupunta sa isang marangyang pagtitipon? Parang imposible. Pero nandito na ako, kailangan kong gawin ang lahat para hindi mapahiya si Madam.Si Taylin, ang bestfriend ko mula pa noong elementary, ang una kong naisip para tulungan ako. Bukod sa anak siya ng vice mayor at sanay sa mundo ng mga mayayaman, mahilig din siyang mag-makeup at mag-ayos. Marami rin siyang makeup tools na pang-professional, kaya alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito. Ang mahal kasi magpa-makeup ngayon kaya wala akong ibang maaasahan kundi si Taylin lang.Pagdating ko sa bahay nila Taylin na pagkalaki-laki, tinanggap ako agad ng kanilang kasambahay at pinatuloy sa malak

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 7

    Satya POVIsang ordinaryong umaga iyon sa mansiyon—o iyon ang akala ko. Habang nagsisimula pa lang akong magwalis sa sala, narinig ko ang malalakas na boses mula sa itaas. Tila may away na naman ang mag-iina.“Rhea! Rian! How many times do I have to tell you? Hindi kayo puwedeng umuwi ng madaling-araw!” galit na sigaw ni Madam Leonora mula sa taas ng hagdan. Napapailing si Satya kasi madalas gawin ng magkapatid iyon. Sure siyang umuwi na naman ang dalawa ng lasing.“Mama, we were just enjoying ourselves! Isang beses lang naman!” sagot ni Rhea, ang panganay.“Yeah, Mama! It’s not like we’re doing anything bad!” dagdag ni Rian, ang bunso. Mga sinungaling. Ilang beses na nilang ginagawa ‘yan. Ngayon lang sila nahuli.Napahinto ako sa pagwawalis, natatakot na baka marinig ako at mapagbuntunan ng init ng ulo ni Madam Leonora. Pero hindi ko rin maiwasang mapakinggan ang kanilang pag-aaway.“Enough!” Naputol ang kanilang pagtatalo sa malakas na sigaw ni Madam. “You two are not going to the b

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 6

    Colter POVSa likod ng malaking pagbabago ko sa katawan, hitsura, at lifestyle, isang bagay ang hindi nagbago—ang pagkakaibigan namin ng bestfriend kong si Damien. Siya ang taong palaging nandiyan, walang filter kung magsalita, pero sigurado kang totoo.Ngayon, nasa penthouse siya, isang napakalaking unit sa tuktok ng isa sa pinakamamahaling condominium sa lungsod. Parang nasa sarili niyang mundo si Damien—suot ang isang silk robe, may hawak na baso ng mamahaling alak, at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window na tanaw ang buong skyline ng Garay City.“Colter, you’re late,” sabi niya nang lumingon sa akin, ang kilay niya ay nakataas.“Tch. You know I hate being rushed, Damien,” sagot ko habang inaabot ang baso ng whisky na inabot ng butler niya. Umupo ako sa malambot na leather couch at sinimulan ang gabing pagba-bonding namin.Ganito palagi ang bonding namin—isang tahimik na gabi na may mamahaling alak, magandang pelikula, at walang katapusang asaran.Habang nanonood kami ng is

DMCA.com Protection Status