Share

Kabanata 12

last update Last Updated: 2025-01-08 13:41:12

Colter POV

Tahimik kaming dalawa ni Satya habang nasa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya, nakatingin lang sa kawalan, tila malayo ang iniisip. Hindi ko maiwasang tingnan siya mula sa gilid ng aking mata. Kung tutuusin, kahit simpleng babae siya, may kakaibang bagay sa kanya na parang hindi ko maipaliwanag.

Pero hindi ako nagmadali. Hinayaan ko lang ang katahimikan, hanggang sa bigla siyang nagsalita.

“Ang hirap talaga ng buhay,” bulong niya na halos hindi ko narinig. Tila magsisimula na siyang magdrama dala nang kalasingan niya.

Pagkatapos ng ilang saglit, tumulo ang luha niya. Napatigil tuloy ako sa pagngiti. Hindi ko inasahan iyon.

“Sino bang hindi iiyak sa buhay ko?” nagsimula siyang magsalita habang pinupunasan ang mga mata. “Ang totoo, kasambahay lang ako. Sinama lang ako ng amo ko sa event na ‘to para parusahan ang mga anak niyang bruha. Breadwinner ako sa pamilya. Ang nanay ko, nagtitinda lang ng gulay sa palengke. Ang tatay ko, wala nang trabaho.”

Tahimik akong nakinig
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
LiyaCollargaSiosa
Yey, maraming salamat po. Dont worry, araw-araw may update 🫶🏻
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
wow magandang kwento... sana mag update na agad...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 13

    Satya POVNapamulagat ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa isang bintanang may kurtinang kulay champagne. Pagdilat ko nang tuluyan, napansin kong nasa isang napakagarang kuwarto ako—mas magara pa kaysa sa nakikita ko sa mga magazines o telenovela.Ang buong paligid ay parang isang palasyo. Ang higaan kong kinalalagyan ay napakalambot, may baldakin pang puti at gintong tela na tila inukit mula sa ulap. Ang kisame ay may intricate na disenyo ng mga bituin at bulaklak, na parang sinadyang ilapat ng isang master sa sining. Sa gilid ng kama, may mga side table na gawa sa marmol at ginto. May lampshade itong hugis parang korona at mamahaling relo na mukhang mas mahal pa sa buong bahay ko.Ang mga pader ng kuwarto ay gawa sa puting marmol, may accent na gintong linya, at may nakasabit pang malalaking painting na mukhang gawa ng mga sikat na pintor. Sa isang sulok, may malaking chandelier na may kristal na parang bahaghari kapag tinatamaan ng ilaw. May carpet na kulay cream na an

    Last Updated : 2025-01-09
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 14

    Satya POVPagdating ko sa bahay, agad kong sinarado ang pinto at napasandal, napapikit, at napahinga nang malalim. Parang ang bigat ng buong araw na iyon. Nasa kwarto pa rin ako ng isang trillionaire kanina lang, pero ngayon, nandito na ako sa masikip at luma kong inuuwian—isang simpleng kuwarto na may manipis na kurtina, kahoy na sahig at mga pader na bitak-bitak na.Agad akong nagbihis at nagpunta sa banyo. Tumutulo ang malamig na tubig mula sa kalawanging shower. Habang hinuhugasan ko ang katawan ko, iniisip ko kung totoo ba talaga ang lahat ng nangyari. Totoo bang nakapagsuot ako ng wedding ring na mas mahal pa sa buhay ko? Totoo bang kinasal ako kay Colter Alcazan? At ngayon, babalik ako sa buhay kong mahirap, parang walang nangyari?Pagkatapos maligo, nagbihis agad ako ng simpleng dress at itim na pantalon. Naghanda na rin ako para pumasok sa mansiyon ng mga Gabaldon, ang pamilya kung saan ako nagtatrabaho bilang kasambahay.“Kumain ka na, may natira pa atang talbos ng kamote ay

    Last Updated : 2025-01-09
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 15

    Satya POVKinaumagahan, hindi pa sumisikat nang husto ang araw, nagising ako na ang iniisip ay ang wedding ring na ibinigay sa akin ni Colter Alcazan. Kung totoo ang sinabi ni Taylin, ang singsing na iyon ay maaaring daan-daang milyon ang halaga. Isang singsing na parang nasa panaginip lang.Habang nagkakape ako sa mumunting mesa sa aming maliit na kusina, napagdesisyunan kong alamin ang totoo. Hindi ako mapakali. Gusto kong malaman kung ganoon ba talaga kahalaga ang singsing na iyon, o baka naman nagbibiro lang si Taylin. Pero paano kung totoo? Ano ang gagawin ko?Bago ako pumasok sa mansiyon ng mga Gabaldon, dumaan muna ako sa isang malaking shop ng alahas sa bayan. Alam kong doon madalas pumunta ang mga mayayaman para magpapatingin at bumili ng mga mamahaling alahas.Pagpasok ko, sinalubong ako ng isang lalaking naka-coat at tie, halatang bihasa sa ganitong uri ng negosyo. Agad siyang ngumiti.“Good morning, ma’am. How may I assist you?” tanong niya na magalang ang tono.“Ah, pwede

    Last Updated : 2025-01-10
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 16

    Satya POV Malamig ang umaga. Hindi ko pa masyadong nararamdaman ang liwanag ng araw dahil mas pinili kong magkulong sa ilalim ng lumang kumot. Naririnig ko ang mga kalansing mula sa kusina—malamang si Nanay, nagtitimpla na ng kape. “Satya! Gumising ka nga!” tawag ni Nanay mula sa pintuan ng kuwarto ko. “Bakit po?” tanong ko nang pasigaw, halos ayaw pa ring bumangon. “May naghahanap sa ‘yo! Nasa labas, magarang kotse pa ang dala! Sino ba ‘yon?” Agad akong napadilat. Magarang kotse? Sino naman ang pupunta rito sa aming bahay na halos magiba na ang bubong sa kalumaan? Napilitan akong bumangon at maghilamos. Hindi ko alam kung sino ang naghahanap sa akin, pero nakakahiya naman kung lalabas akong gusgusin. Nakihigop pa ako ng kape kay nanay bago tuluyang lumabas. “Napakatagal mong kumilos, anak. Nakakahiya sa naghihintay sa iyo sa labas,” sabi ni nanay kaya tumakbo na ako palabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay, napatigil ako nang makita ang itim na luxury car na nakaparada sa harap.

    Last Updated : 2025-01-13
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 17

    Satya POVPag-akyat namin sa ikalawang palapag ng mansiyon, dinala ako ni Terter sa isang pinto na may ginintuang hawakan. Dito ako lumabas noon nung unang gabi na makatulog ako dito. Kakaibang kaba ang naramdaman ko habang pinihit niya ang seradura. Nang bumukas ito, parang ibang mundo ang bumungad sa akin. Iba na naman ang ayos ng kuwartoz“This is your room with Boss Colter,” sabi ni Terter, kaswal na kaswal na parang hindi niya napansin ang pagkabilib ko.Napakatikas ng kuwarto, parang ginawa para sa isang hari at reyna. Ang king-sized na kama sa gitna ay may mamahaling puting bed sheets na may burda sa gilid. Sa likod nito ay isang upholstered headboard na mukhang kinuha pa sa isang museum.Napatingin ako sa chandelier na nakasabit sa kisame—hindi ko alam kung gawa ito sa diamonds, pero halos matakpan na ng kinang nito ang buong kwarto. Sa kaliwang bahagi ng silid, may malalaking bintana na may makapal at mamahaling kurtina. Ang liwanag ng araw ay pumapasok at nagpapasilaw sa mar

    Last Updated : 2025-01-13
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 18

    Satya POVKumakabog ang dibdib ko habang kausap si Terter. Ayoko siyang lokohin, pero alam kong hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. May urgency sa boses ni Madam Leonora nang tawagan niya ako kanina, kaya wala akong choice kundi sumunod.“Terter,” malumanay kong bungad habang nasa garden siya at nagdidilig ng mga halaman.“Yes, ma’am Satya? Anything you need?” tanong niya habang nakangiti.“I need to step out for a while. May bibilhin lang ako sa convenience store.”Natigilan siya. “Bibilhin? I can have someone get it for you. No need to—”“I insist,” putol ko habang pilit ang ngiti. “Gusto ko lang makalabas ng kaunti. Hindi ako magtatagal.”Pansin ko ang pag-aalangan niya pero sa huli, tumango siya. “Okay, ma’am. I’ll call the driver to take you there.”“Thank you,” sagot ko sabay bitbit ng maliit kong bag.Ang sosyal kasi magarang kotse pa ang sinakyan ko para ihatid ako sa convenience store. Huminto ang sasakyan sa harap ng convenience store, at dali-dali akong bumaba. Sinilip pa

    Last Updated : 2025-01-14
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 19

    Satya POV“Satya! Anong tagal mo diyan? Hindi ka ba marunong gumamit ng brush?” malakas na sigaw ni Rhea mula sa labas ng banyo. Kapag naglilinis ako, nakabantay siya nang nakabantay. Masaya siya na inaapi at nahihirapan ako. Mas lalong dumoble ang galit nila sa akin dahil sa binibintang ng ama nila.“Patapos na po, ma’am,” sagot ko nalang habang pilit na pinipigilan ang pagluha ko.Hawak ang toilet brush, dahan-dahan kong kinuskos ang gilid ng inidoro. Pumipintig ang likod ko sa pagod, pero tuloy lang ako. Ang amoy ng panlinis ay masyadong matapang, ngunit parang wala na akong karapatang magreklamo.Habang abala ako sa paglilinis, nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng luma kong apron. Agad kong hinugasan ang kamay ko at kinuha ang telepono. Si Terter ang tumatawag.“Hello, Terter—” naputol ko ang sasabihin ko nang mapansin ko si Rhea na nakatayo sa pintuan ng banyo. Nakapamewang siya, nakataas ang kilay at puno ng panunuya ang mukha.“Wow. Nagce-cellphone ka pa habang nasa trabaho? S

    Last Updated : 2025-01-14
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 20

    Colter POV Narinig ko ang tunog ng cellphone ko habang nakaupo ako sa balcony ng condo, hawak ang isang baso ng scotch. Ang pangalan ni Damien ang nag-flash sa screen. Alam ko na agad na may nakabaang na agad siyang kabundulan na sasabihin, lalo na’t siya ang tipo ng tao na laging may iniisip na kagaguhan. Hindi ko nga alam kung bakit kumagat ako sa pusta niya. Heto, nakasal na tuloy agad ako dahil sa pustahan na iyon. Sana naman ay matinong babae ang Satya na ‘yon. Sana ay hindi ako nakakuha ng mapapangasawa na sakit sa ulo. Sinagot ko ang tawag at saka nilapat ang baso sa lamesa. “What is it, Damien?” tanong ko na halos naiinip na agad. “Colter!” sigaw niya sa kabilang linya habang ang boses niya ay parang nakainom na ng tequila. Mukhang lasing siya. “I heard the news! Congratulations on tying the knot with that woman you took home from the ball! You sly fox!” Napangisi ako, bahagyang tumango habang sinasandalan ang upuan. “Word travels fast. You’re well-informed, as usual.” “Of

    Last Updated : 2025-01-15

Latest chapter

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 26

    Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 25

    Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 24

    Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 23

    Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 22

    Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 21

    Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 20

    Colter POV Narinig ko ang tunog ng cellphone ko habang nakaupo ako sa balcony ng condo, hawak ang isang baso ng scotch. Ang pangalan ni Damien ang nag-flash sa screen. Alam ko na agad na may nakabaang na agad siyang kabundulan na sasabihin, lalo na’t siya ang tipo ng tao na laging may iniisip na kagaguhan. Hindi ko nga alam kung bakit kumagat ako sa pusta niya. Heto, nakasal na tuloy agad ako dahil sa pustahan na iyon. Sana naman ay matinong babae ang Satya na ‘yon. Sana ay hindi ako nakakuha ng mapapangasawa na sakit sa ulo. Sinagot ko ang tawag at saka nilapat ang baso sa lamesa. “What is it, Damien?” tanong ko na halos naiinip na agad. “Colter!” sigaw niya sa kabilang linya habang ang boses niya ay parang nakainom na ng tequila. Mukhang lasing siya. “I heard the news! Congratulations on tying the knot with that woman you took home from the ball! You sly fox!” Napangisi ako, bahagyang tumango habang sinasandalan ang upuan. “Word travels fast. You’re well-informed, as usual.” “Of

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 19

    Satya POV“Satya! Anong tagal mo diyan? Hindi ka ba marunong gumamit ng brush?” malakas na sigaw ni Rhea mula sa labas ng banyo. Kapag naglilinis ako, nakabantay siya nang nakabantay. Masaya siya na inaapi at nahihirapan ako. Mas lalong dumoble ang galit nila sa akin dahil sa binibintang ng ama nila.“Patapos na po, ma’am,” sagot ko nalang habang pilit na pinipigilan ang pagluha ko.Hawak ang toilet brush, dahan-dahan kong kinuskos ang gilid ng inidoro. Pumipintig ang likod ko sa pagod, pero tuloy lang ako. Ang amoy ng panlinis ay masyadong matapang, ngunit parang wala na akong karapatang magreklamo.Habang abala ako sa paglilinis, nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng luma kong apron. Agad kong hinugasan ang kamay ko at kinuha ang telepono. Si Terter ang tumatawag.“Hello, Terter—” naputol ko ang sasabihin ko nang mapansin ko si Rhea na nakatayo sa pintuan ng banyo. Nakapamewang siya, nakataas ang kilay at puno ng panunuya ang mukha.“Wow. Nagce-cellphone ka pa habang nasa trabaho? S

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 18

    Satya POVKumakabog ang dibdib ko habang kausap si Terter. Ayoko siyang lokohin, pero alam kong hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. May urgency sa boses ni Madam Leonora nang tawagan niya ako kanina, kaya wala akong choice kundi sumunod.“Terter,” malumanay kong bungad habang nasa garden siya at nagdidilig ng mga halaman.“Yes, ma’am Satya? Anything you need?” tanong niya habang nakangiti.“I need to step out for a while. May bibilhin lang ako sa convenience store.”Natigilan siya. “Bibilhin? I can have someone get it for you. No need to—”“I insist,” putol ko habang pilit ang ngiti. “Gusto ko lang makalabas ng kaunti. Hindi ako magtatagal.”Pansin ko ang pag-aalangan niya pero sa huli, tumango siya. “Okay, ma’am. I’ll call the driver to take you there.”“Thank you,” sagot ko sabay bitbit ng maliit kong bag.Ang sosyal kasi magarang kotse pa ang sinakyan ko para ihatid ako sa convenience store. Huminto ang sasakyan sa harap ng convenience store, at dali-dali akong bumaba. Sinilip pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status