A Husband's Vengeance

A Husband's Vengeance

last updateLast Updated : 2022-11-17
By:   janeebee  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
125Chapters
8.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Amadeus Hassan, isang mabait at mabuting asawa ni Venice Banville Hassan. Masaya at makulay ang kanilang pagsasama noong una subalit noong mangyari ang isang aksidente na bumawi sa kakayahan niyang makapaglakad at makapagsalita, lumabas ang totoong kulay ng kaniyang asawa at biyenan. Inapi, inalipusta at nagawa pa siyang pagnakawan ng yaman ng mga taong higit niyang pinagkakatiwalaan. Buong akala niya'y wala na siyang patutunguhan subalit nakilala niya ang dalaga na nag ngangalang Lucine Verine, isang katulong sa kanilang mansyon na nakatalagang mag-aalaga sa kaniya. Ngunit sa likod ng inosente at maamo nitong mukha, sinong mag-aakala na ito ang magiging dahilan upang makabangon sa pagkakadapa si Amadeus Hassan na handang balikan ang mga taong umapak sa kaniya at ipatikim ang ganti ng isang api.

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

Maiging pinagmamasdan ni Lucine ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin suot ang isang magarang bestida na pinili mismo ng kaniyang ama para suotin sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kulay lila na may mahabang hati sa ibaba pababa sa kaniyang kaliwang hita. Ito ay tila kumikinang lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Disenyong puso sa harapan at hapit na hapit sa kaniyang baywang ang bestida na lalong nagpaangat sa kaniya dahil sa perpekong hubog ng katawan, mala-porselanang kutis ng balat at mala anghel na mukha na tinitingala ng lahat. " Señorita Lucine, pinabababa na po kayo ng inyong ama sa salas. Aalis na raw ho kayo ngayon. " Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang tawag ng kanilang kasambahay. " Opo, pakisabi pababa na ako, " tugon niya saka muling tumingin sa harap ng salamin. Ito ang unang pagkakataon na siya'y makapagsuot ng ganitong kagarang damit at ito rin ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang magarbong okasyon na kung saan mga bigatin at kilalang personali...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Anna Doremo
maganda ...️
2023-09-27 21:40:16
1
default avatar
Corazon
salamat po,,, maganda talaga sya ,, excited po sa sunod nyong update
2022-10-27 02:08:41
3
default avatar
Corazon
update naman po pls
2022-09-22 03:48:01
4
125 Chapters
PROLOGUE
Maiging pinagmamasdan ni Lucine ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin suot ang isang magarang bestida na pinili mismo ng kaniyang ama para suotin sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kulay lila na may mahabang hati sa ibaba pababa sa kaniyang kaliwang hita. Ito ay tila kumikinang lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Disenyong puso sa harapan at hapit na hapit sa kaniyang baywang ang bestida na lalong nagpaangat sa kaniya dahil sa perpekong hubog ng katawan, mala-porselanang kutis ng balat at mala anghel na mukha na tinitingala ng lahat. " Señorita Lucine, pinabababa na po kayo ng inyong ama sa salas. Aalis na raw ho kayo ngayon. " Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang tawag ng kanilang kasambahay. " Opo, pakisabi pababa na ako, " tugon niya saka muling tumingin sa harap ng salamin. Ito ang unang pagkakataon na siya'y makapagsuot ng ganitong kagarang damit at ito rin ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang magarbong okasyon na kung saan mga bigatin at kilalang personali
last updateLast Updated : 2022-07-06
Read more
CHAPTER 01
Buong ingat na naglalakad si Lucine sa pasilyo papasok ng bahay ampunan habang bitbit ang kaniyang pares ng tsinelas. Nakaangat nang bahagya ang kaniyang talampakan mula sa lapag sa pagbabakasakaling makatulong ito upang hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay na posibleng maging dahilan upang magising ang mga tao sa loob. Patay na ang ilaw sa labas dahil sa karpiyo na ipinatutupad sa bahay ampunan na kapag sapit ng alas-diyes ng gabi, tulog na dapat ang lahat lalo na ang mga bata. " Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, " halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. Napatayo siya nang maayos at kaswal na hinarap ang madre na dismayadong nakatingin sa kaniya hawak ang lampara. " Magandang gabi ho, sister Bella. " Yumuko siya nang bahagya upang magbigay galang ngunit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng madre. " Saan ka nanggaling? Maghapon kang wala, " anito at ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kaniya. " Lucine, hindi k
last updateLast Updated : 2022-07-06
Read more
CHAPTER 02
" Ano kamo? Mayroon kang trabaho? " hindi makapaniwalang tanong ni sister Bella kay Lucine na ngayon ay nasa kaniyang opisina upang ipaalam ang balitng ito. " P-paanong nangyari 'yon? Saan? Kailan pa? "" Kahapon lang po at natanggap na rin po ako agad. Ngayong umaga na rin po ang unang araw ko, " tugon niya, " Hindi po ninyo kailangan mag-alala dahil malinis po ang trabahong pinasok ko. Mag aalaga po ako ng isang taong baldado sa mansyon ng mga Hassan. "Tila lalong lumaki ang mga mata ng madre at napatayo sa kaniyang kinauupan habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga." Lucine, ano bang gusto mong mangyari? Hindi naman kita pinaghahanap ng trabaho para pasukin ang—"" Sarili ko po itong desisyon, sister Bella. "" Pero—"" Alam ko pong sa mansyong iyon nakatira ang pamilya ng aking ama, " aniya, " pero wala po akong balak manggulo sa kanila. Gusto ko lang po makita, makasama at makilala pa ang taong umabanduna saamin ng aking ina. Masama mo ba kung gagawin ko iyon? "Hindi a
last updateLast Updated : 2022-07-06
Read more
CHAPTER 03
Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong pumasok si Lucine sa mansyon ng Hassan at araw-araw ay laging sinusubok ang pasensya niya ng taong inaalagaan niya, dahil kung paano niya ito nakilala noong unang araw, ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Walang pagbabago, palagi pa rin mainit ang ulo. Hindi na lamang siya umiimik at iniintindi na lang ang kalagayan nito kagaya ng bilin sa kaniya ng mga madre nang malaman ang sitwasyon niya. Minsan may mga oras din naman na kalmado ito at kinakain ang mga pagkaing dinadala niya at ang gamot ay iniinom rin, subalit mangyayari lamang 'yon sa tuwing kasama nila sa kwarto ang asawa. " Pakiabot ang tubig niya, " ani Venice matapos isubo ni Amadeus ang tableta na ibinigay niya. Maingat namang kinuha ni Lucine ang isang basong tubig na nasa mesa saka iniabot ito kay Venice na marahang pinainom ang asawa ng panulak sa tabletang pinainom nila. Kinuha ni Lucine ang maliit niyang kuwaderno kung saan nakatala ang mga dapat niyang ipainom na gamot
last updateLast Updated : 2022-07-28
Read more
CHAPTER 04
" Señor, narito na po ang hapunan ninyo. Papasok na po ako, " rinig ni Amadeus na katok sa kaniyang kwarto at mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang mayordoma dala ang pagkain niya. Maingat na ipinatong ang bandeha sa mesa na nasa kaniyang harapan habang isa-isang inalis ang plato at baso para makapagsimula na siyang kumain. " Iyong babae... " panimula ni Amadeus saka isinara ang librong binabasa. "...nakauwi na ba siya? " " Si Lucine ho ba ang tinutukoy n'yo? " anito saka kinuha ang bandeha matapos ayusin ang mga plato at gamot na iinumin niya. " Nakauwi na ho siya kanina pa matapos kayong maihatid dito. " Hindi siya sumagot. Isang tipid na tango na lamang ang tinugon niya bago umalis sa harap niya ang mayordoma. Nang marinig ang pagsara na pinto, doon niya lang inangat ang ulo niya at tinitigan ang pagkain sa kaniyang harapan. Wala pa rin siyang ganang kumain kahit na ang nakahandang putahe ay ang paborito niyang ipaluto noon sa kusina. I
last updateLast Updated : 2022-07-30
Read more
CHAPTER 05
Mainit-init pa ang inihaing putahe sa mesa nang maupo si Lucine sa silya. Iyong aroma ng ulam na nasa harap niya ay s'yang lalong nagpakulo sa sikmura niya. " Pasensya na po, " nahihiya niyang saad sabay hawak sa tiyan niya. " Wala kang dapat ikahiya. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil muntik ka ng umuwi nang walang laman ang sikmura. Nakakahiya sa parte ko bilang mayordoma sa mansyon na ito, " sagot nito saka sinalinan ng tubig ang baso niya. " Sige na, kumain ka na hangga't mainit pa. Inutusan ko naman na ang isang kasambahay dito na painumin na ng gamot ang Señor. Nakapaghapunan naman na siya, hindi ba? "Tumango siya saka inangat ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding sa kusina. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas matapos niya ito pakainin ng hapunan sa silid nito at kailagan niya na lang painumin ito ng gamot bago siya umuwi subalit inimbita siya ng mayordoma na dito na maghapunan bago tuluyang umalis. " Uh, excuse me? Pwede ka bang makausap? " kapwa sila napal
last updateLast Updated : 2022-08-02
Read more
CHAPTER 06
Amadeus Hassan, isang mabuting tao at mapagmahal na asawa. Bilyonaryo dahil sa kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya na ipinamana sa kaniya. Nag-iisang anak kung kaya't siya lamang ang inaasahang magtutuloy ng iniwang tungkulin sa kompanya. Akala niya noong una, imposible niyang magampanan nang maayos ang iniwang posisyon ng ama, subalit nagawa niya at napagtagumpayang makilala ng buong mundo ang Hassan's Mall na ngayon ay daan-daan na ang napatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Lahat ng nakakakilala sa pangalan niya ay hanga sa pagiging matagumpay niyang negosyante. Bukod pa roon ay mayroon siyang mabait na asawa na suportado sa lahat ng ginagawa niya at biyenan na nag silbing pangalawa niyang magulang. Masasabi na nga niyang perpekto na ang buhay niya at wala na siyang hihilingin pa, subalit gumuho ang mundo niya nang maaksidente siya na naging dahilan para maging baldado siya. Doon nagsimulang magbago ang lahat at lumitaw ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya. Iyong
last updateLast Updated : 2022-08-03
Read more
CHAPTER 07
Maligamgam na tubig ang lumalabas mula sa hawak ni Lucine na ipinaaambon niya sa katawan ng lalaking nakaupo sa silya. Marahan niyang sinasabunan ang bawat parte ng katawan nito, pilit binabaliwala ang titig ni Amadeus sa kaniya na tila sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi niya alam kung bakit siya ngayon nakakaramdam ng pagkailang gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na gawin niya ito sa pasyenteng inaalagaan. Itinigil niya ang ginagawa matapos mabanlawan ang katawan nito ng tubig. Inangat niya ang ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Segundo ang lumipas bago niya maibuka ang bibig niya. " Mayroon ba kayong gustong sabihin? " tanong niya saka ibinalik ang hawak niyang sabon sa lalagyan. " Nagtataka lang ako dahil parang normal na sa'yo ang makakita ng hubad na katawan ng lalake, " anito, " Kung tama ang pagkakatanda ko, ito ang unang beses na pumasok ka sa ganitong trabaho. " " Sa katunayan, noong una ay kinabahan ako pero dahil parte ito ng trabaho ko, kailangan ko
last updateLast Updated : 2022-08-04
Read more
CHAPTER 08
          Huling hapunan. Iyon ang pakiramdan ni Amadeus habang kaharap ang mahabang mesa na puno ng mga putaheng paborito niya.   " Kay tagal na rin pala simula noong mag salo-salo tayo isang hapag kainan. " Nakangiting wika ni Logan habang ang mga mata ay nakapako sa kaniya. " Anong masasabi mo? Hindi ka ba natutuwa sa aming hinanda? Kagaya ng sabi ko, ngayon na lang ulit tayo magsasalo-salo sa iisang mesa pero bakit parang hindi ka masaya? "   " Papà, sa tingin ko naninibago lang si Amadeus dahil ilang buwan din siyang kumakain nang mag-isa sa kwarto niya, " mungkahi naman ni Venice na nasa kanang bahagi niya, kaharap ang ina at ama. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. " Mahal,  mayroon bang problema? Mayroon ka pa bang ibang putahe na gusto mong ipaluto? Sabihin mo lang. "   " Tama, huwag kang mahiya. Ituring na rin natin itong isan
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
CHAPTER 09
Madaling araw pa lang, mulat na ang mga mata ni Amadeus habang pinagmamasdan ang pagbukang liwayway ng kalangitan mula sa balkonahe na kaniyang kinalalagyan. Maganda ang panahon, ang mga ibon ay malayang nagsisiliparan sa itaas at nagsisimulang mag ingay hudyat na panibagong pakikipagsapalaran na naman ang kailangan lagpasan ngayong araw. Binaba niya ang tingin mula sa balkonahe kung saan nagsisimula ng magwalis sa harapan at magdilig ng mga halaman ang ilang kasambahay. Dito siya mismo sa pwesto na ito naghintay sa pagdating ni Lucine kahapon at ngayon ay ito pa rin ang pwesto niya subalit wala na siyang hinihintay pa. Kagabi rin mismo matapos malaman na nakalaya na ang dalaga, agad din siyang nag desisyon na tanggalin ito sa trabaho. Hindi niya gustong idamay pa ang ibang tao sa gulo ng pamilyang ito, lalo na't nababatid niyang nagsisimula ng kumilos ang biyenan niya para kalabanin siya. " Señor, narito na po ang umagahan niyo, " rinig niyang boses ng mayordoma matapos nitong kum
last updateLast Updated : 2022-08-06
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status