Mainit-init pa ang inihaing putahe sa mesa nang maupo si Lucine sa silya. Iyong aroma ng ulam na nasa harap niya ay s'yang lalong nagpakulo sa sikmura niya.
" Pasensya na po, " nahihiya niyang saad sabay hawak sa tiyan niya.
" Wala kang dapat ikahiya. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil muntik ka ng umuwi nang walang laman ang sikmura. Nakakahiya sa parte ko bilang mayordoma sa mansyon na ito, " sagot nito saka sinalinan ng tubig ang baso niya. " Sige na, kumain ka na hangga't mainit pa. Inutusan ko naman na ang isang kasambahay dito na painumin na ng gamot ang Señor. Nakapaghapunan naman na siya, hindi ba? "
Tumango siya saka inangat ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding sa kusina. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas matapos niya ito pakainin ng hapunan sa silid nito at kailagan niya na lang painumin ito ng gamot bago siya umuwi subalit inimbita siya ng mayordoma na dito na maghapunan bago tuluyang umalis.
" Uh, excuse me? Pwede ka bang makausap? " kapwa sila napalingon sa gilid nang marinig ang isang mahinahong boses. Si Venice habang nakangiti sa kaniya. " Limang minuto lang. May gusto lang sana akong itanong. "
Binalot ng katanungan ang isip ni Lucine pero wala siyang magawa kung hindi ang tumayo at iwan muna saglit ang pagkain na nakahanda na sana niyang kainin.
Sinundan niya si Venice palabas ng kusina at habang sila'y naglalakad sa pasilyo, huminto na lang ito bigla at sa pagkakataong ito, hinarap s'ya nang wala ng ngiti sa labi nito.
" Tatapatin na kita, may relasyon ba kayo ng asawa ko? "
Pakiramdam niya'y nabingi ang magkabila niyang tainga. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o mainis sa tanong na hindi niya alam kung saan nito nakuha.
" Anong klaseng relasyon po ba ang ibig niyong sabihin? " balik niya, " Ako po ang caregiver ng asawa niyo. Ako po ang nag aalaga at nag aasikaso sa kaniya dahil iyon po ang trabahong pinasok ko rito. Iyon po ba ang sagot na hinahanap ninyo? "
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Diretso ang mga tingin nito sa kaniya na animo'y binabasa ang nasa utak niya.
" Nagtataka lang kasi ako dahil sa ilang pagbabagong nakikita ko sa kaniya, " anito, " hindi s'ya sanay nang wala ako sa tabi niya. Hindi siya kumakain o umiinom ng gamot kapag hindi ako ang kasama niya, pero nitong mga nagdaang araw, pansin kong mas nagiging komportable na siya sa ibang tao at nagagawa na niya ang mga bagay na hindi naman niya ugali noon. "
Nagsalubong ang kilay ni Lucine. " Pasensya na po pero bakit pakiramdam ko, hindi kayo masaya sa mga improvement ng asawa niyo? Hindi ba't dapat matuwa kayo dahil nakakakain na siya nang tatlong beses sa isang araw? Nakakainom na rin siya ng gamot sa tamang oras nang hindi kayo naabala. Hindi po ba magandang balita 'yon sainyo? "
Natahimik ito at umiwas ng tingin sakaniya. Bumaba naman ang tingin ni Lucine sa leeg at balikat nito dahil sa ilang marka ng kataksilan.
" Wala po kayong dapat ikabahala," aniya saka binalik ang tingin nito sa mata. " Marunong po akong rumespeto ng relasyon ng mag-asawa. Hindi po ako 'yong klase ng babae na mababa ang lipad. "
Kitang-kita niya sa mga mata ni Venice na tinamaan ito sa sinabi niya dahilan para lalo itong hindi makapagsalita. Malikot ang mga mata at hindi na makatayo nang tuwid sa harap niya.
" Mayroon pa po ba kayong sasabihin? " tanong niya.
" W-wala na...wala na akong itatanong pa. " Piilit itong ngumiti sakaniya. " Sige na, makakaalis ka na. Kalimutan mo na lang 'yong mga tinanong ko at huwag mo na lang sana banggitin ito sa iba lalo na sa asawa ko. "
Tumango siya, ngunit bago pa siya makaalis sa kinatatayuan niya, si Venice ang naunang tumalikod at naglakad palayo. Napailing na lang siya nang mapagtanto ang nangyaring tila pagbaliktad ng sitwasyon nila. Hindi siya makapaniwala na maaakusahan siya sa isang kasalanang hindi naman niya ginagawa dahil si Venice mismo ang gumagawa ng kasalanang ibinibintang sa kaniya.
" Sinabi ko naman sa'yo, hindi ba? Huwag tayong magpakampante. Pinabalik na niya dito 'yong doktor na nag t-therapy sa kaniya noon, kaya ibig sabihin dapat na tayong kabahan. Anong malay natin, baka may mga pina-plano siyang laban saatin? " Napalingon siya sa likuran nang marinig ang boses na nanggagaling sa hindi kalayuan.
" Huminahon ka, Victoria. Hindi mo kailangan mataranta nang ganiyan dahil wala rin namang mangyayari kung bumalik 'yong doktor na nag aasikaso sa kaniya. Wala na silang magagawa kay Amadeus, lumpo na 'yan habangbuhay, " hindi siya puwedeng magkamali, boses ito ng kaniyang ama at pakiwari niya'y papunta ang mga ito sa gawi niya kaya agad siyang humanap ng pagtataguan habang pinakikinggan ang pinaguusapan ng mag-asawa.
" Paano ka naman nakakasiguro? Iyong tagapag alaga nga niya, ilang linggo nang naririto kaya ibig sabihin, bumubuti na ang kalagayan ni Amadeus. Hindi na nga ako nakakarinig ng sigaw o kung anu-anong nakakairitang tunog na nanggagaling sa silid niya. Umiinom na rin siya ng gamot kaya ibig sabihin, desidido na siyang makapaglakad ulit, Logan. Ano ngayon ang gagawin natin? "
" Wala tayong gagawin, Victoria. "
" Anong ibig mong sabihin? Hahayaan mo na lang siyang gumaling at bawiin ang lahat ng hawak mo ngayon? "
" Iyan ang sinisiguro kong hindi mangyayari saatin, " sa pagkakatong ito, malinaw ng naririnig ni Lucine ang boses ng kaniyang ama at ng asawa nito sapagkat malapit na ang mga ito sa gawi kung saan siya nagtatago.
" Bakit? Mayroon ka na bang plano? " tanong ni Victoria at nang huminto sa paglalakad si Logan, huminto rin ito.
" Iyong isa sa mga gamot na iniinom niya, hindi iyon kasama sa mga nireseta sa kaniya ng doktor noon. Mayroong isa doon na sa halip na gumaling ang mga binti niya, lalong lalala ang lagay niya, kaya wala kang dapat ikabahala. Dapat nga'y matuwa ka pa dahil sinisimulan na niyang inumin ang mga gamot niya, " pagmamalaki ni Logan na nagpatindig balahibo kay Lucine. Pakiramdam niya ay may kung anong sumabog sa utak niya para yumanig amg mundo niya.
Gusto niyang masuka sa mga marinig. Hindi niya inakala na ang amang nais niyang makita at makasama ay isa pa lang kriminal.
***
" Bakit mo ginawa 'yon? " hindi maipinta ang hitsura ni Amadeus habang nakatingin kay Lucine na hanggang ngayon ay naghahabol ng hininga.
" Pasensya na kung nabigla kayo, pero hayaan niyo po akong magpaliwanag, " anito saka ibinaling ang tingin sa kasambahay na kagaya ni Amadeus ay nabigla rin sa nangyari. " Hindi ko alam kung mayroon kayong alam kung bakit ako nagkakaganito pero gusto kong dumito muna kayo para marinig ang mga sasabihin ko. "
Nagtataka man, sunod-sunod itong tumango.
" Salamat." Binalik ni Lucine ang tingin kay Amadeus na salubong pa rin ang kilay. Humugot siya nang malalim na hininga bago ipaliwanag ang sarili niya. " Pasensya na po ulit kung hindi niyo nagustuhan ang inasal ko, pero may gusto akong sabihin sainyo tungkol sa mga medisina niyo. Narinig ko kasi na ang isa sa mga gamot na iniinom niyo ay hindi para gumaling kayo. Mayroong gamot dito na lalong magpapalala sa sitwasyon at puwedeng umabot sa punto na tuluyan na akong maging lumpo. "
Unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Amadeus. Hindi mo makita ang pagkagulat, sa halip, pagkadismaya ang nakaukit sa mukha nito na tila ba inaasahan na niyang mangyayati ito.
Binaling ni Lucine ang tingin sa kasambahay. " Sabihin niyo, may alam ba kayo dito? "
Agad itong umiling. " W-wala akong alam tungkol sa bagay na 'yan. Hindi ko alam na mayroong ganoong klaseng gamot ang nakahalo sa mga gamot ng Señor. "
" Saan mo nalaman ang bagay na 'yan? " tanong ni Amadeus.
" Narinig ko po..." Napalabi siya, nagdadalawang isip kung itutuloy niya ang sagot niya. "...narinig ko pong pinaguusapan ito ng biyenan niyo. "
" Ano pang narinig mo? " ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sakaniya na pati kaluluwa niya ay ramdam ang mga titig na iyon.
Napalunok siya. Ramdam niya ang galit sa mga mata na ngayon lang niya nakita. Mas matindi ito kumpara sa mga araw na binabalibag ang mga pagkaing dinadala niya. Bumalik ang kaniyang takot subalit kailangan niyang sabihin ang mga nalaman niya dahil kung hindi niya gagawin 'yon, para na rin siyang kasabwat sa krimeng ito.
" Hindi nila gusto ang ideya na gumaling ang mga binti niyo, " aniya, " at natatakot silang bawiin niyo ang mga bagay na hawak nila ngayon oras na makapaglakad na kayo. Hindi po ako sigurado kung ano ang tinutukoy nila pero sa tingin ko, mahalaga rin sainyo ang bagay na 'yon gayong iniisip nila na babawiin niyo po ito sakanila."
Hindi agad nakapagsalita si Amadeus. Tila pino-proseso pa ng utak niya ang mga narinig kay Lucine. Isa sa mga dahilan kung bakit niya itinatapon noon ang mga pagkaing dinadala sa kaniya at ang gamot na pilit pinaiinom sa kaniya ay dahil sa bagay na ito. Nagsimula ito sa pakiramdam at paghihinala dahil simula noong umiinom siya ng mga gamot niya, batid niya sa sarili na hindi bumubuti ang lagay niya at kadalasan pa'y mas nararamdaman niya ang pagsakit ng kaniyang binti dahilan para itigil niya ang pag-inom ng mga medisina.
Hinala niya lamang ito noon pero hindi niya akalaing tama ang sinasabi ng isip niya tungkol sa mga taong nagkukunwaring nagmamalasakit subalit lihim na pinapatay siya.
" Ikaw. " Tinignan ni Amadeus ang kasambahay na kasama nila ngayon sa silid. " Sigurado ka bang wala kang alam sa bagay na 'to? "
" Señor, wala po akong alam sa bagay na 'yan. Ipinapangako ko po sainyo, hindi ko po alam ang mga balak ng Doña at Don sainyo—"
" Kung ganoon, wala kang pagsasabihan tungkol sa bagay na 'to. Kalimutan mo ang mga narinig mo kung gusto mong magtagal sa trabaho mo, " aniya, " pero oras na traydorin mo ako, sisirain ko ang buhay mo pati na rin ang buong pamilya mo. "
Gumuhit ang takot nito sa mukha. " Señor—"
" Kung wala ka talagang alam sa bagay na ito, patuloy kang mag trabaho dito sa mansyon, " pagpapatuloy ni Amadeus, " pero kung kasabwat ka nila, mas mabuti pang umalis ka na at huwag na huwag mong ipapakita ang mukha mo saakin o kahit na sinong myembro ng pamilya mo. Huwag mo kong susubukan. "
Nanginginig itong tumango-tango bago ito tuluyang paalisin ni Amadeus sa silid. Hindi niya gustong pagbantaan ito subalit sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya puwedeng ipakita ang kahinaan niya lalo na't hindi na niya alam kung sino ang kaaway at kakampi sa mismong pamamahay niya.
" Maraming salamat sa pagsabi saakin, " aniya kay Lucine saka pinaandar ang silyang de gulong palapit sa basurahan kung saan naroroon ang mga gamot na itinapon ng dalaga. " Makakuwi ka na. "
Si Lucine naman ngayon ang hindi makapagsalita. Hindi niya mabasa ang nasa isip ni Amadeus dahil sa pagiging kalmado nito matapos ng mga sinabi niya.
" Ano pong pwede kong maitulong sainyo? " tanong niya kaya muling napalingon si Amadeus sa gawi niya.
" Wala. Wala kang kailangang gawin. "
" Pero mayroong pagbabanta sa buhay niyo at biyenan niyo pa ang kalaban niyo dito, " may diing wika niya saka nilapitan si Amadeus. " Hindi ko po kayang manahimik at magpanggap na walang alam. Hayaan niyo po sanang tulungan ko kayo—"
" Kung sabihin kong pumatay ka ng tao, gagawin mo? "
Saglit na natigilan si Lucine. " Kung gagawin ko po 'yon, wala na rin po tayong pinagkaiba sa mga kriminal na gaya nila. "
Sumilay ang ngisi sa labi ni Amadeus dahil sa sagot nito.
" Kung ganoon, anong kaya mong gawin para matulungan ako? "
" Handa po akong magsilbing mga paa n'yo, " may paninindigang sagot ni Lucine na sa mga sandaling ito, desidido ng tulungan ang taong nasa kaniyang harapan. Iyong pangungulila niya sa ama, napalitan ng pagkamuhi at pandidiri. Hindi niya lubos maisip na ang amang tinitingala niya ay kayang gumawa ng krimen mapasakamay lang ang ninanais nito.
Amadeus Hassan, isang mabuting tao at mapagmahal na asawa. Bilyonaryo dahil sa kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya na ipinamana sa kaniya. Nag-iisang anak kung kaya't siya lamang ang inaasahang magtutuloy ng iniwang tungkulin sa kompanya. Akala niya noong una, imposible niyang magampanan nang maayos ang iniwang posisyon ng ama, subalit nagawa niya at napagtagumpayang makilala ng buong mundo ang Hassan's Mall na ngayon ay daan-daan na ang napatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Lahat ng nakakakilala sa pangalan niya ay hanga sa pagiging matagumpay niyang negosyante. Bukod pa roon ay mayroon siyang mabait na asawa na suportado sa lahat ng ginagawa niya at biyenan na nag silbing pangalawa niyang magulang. Masasabi na nga niyang perpekto na ang buhay niya at wala na siyang hihilingin pa, subalit gumuho ang mundo niya nang maaksidente siya na naging dahilan para maging baldado siya. Doon nagsimulang magbago ang lahat at lumitaw ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya. Iyong
Maligamgam na tubig ang lumalabas mula sa hawak ni Lucine na ipinaaambon niya sa katawan ng lalaking nakaupo sa silya. Marahan niyang sinasabunan ang bawat parte ng katawan nito, pilit binabaliwala ang titig ni Amadeus sa kaniya na tila sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi niya alam kung bakit siya ngayon nakakaramdam ng pagkailang gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na gawin niya ito sa pasyenteng inaalagaan. Itinigil niya ang ginagawa matapos mabanlawan ang katawan nito ng tubig. Inangat niya ang ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Segundo ang lumipas bago niya maibuka ang bibig niya. " Mayroon ba kayong gustong sabihin? " tanong niya saka ibinalik ang hawak niyang sabon sa lalagyan. " Nagtataka lang ako dahil parang normal na sa'yo ang makakita ng hubad na katawan ng lalake, " anito, " Kung tama ang pagkakatanda ko, ito ang unang beses na pumasok ka sa ganitong trabaho. " " Sa katunayan, noong una ay kinabahan ako pero dahil parte ito ng trabaho ko, kailangan ko
Huling hapunan. Iyon ang pakiramdan ni Amadeus habang kaharap ang mahabang mesa na puno ng mga putaheng paborito niya. " Kay tagal na rin pala simula noong mag salo-salo tayo isang hapag kainan. " Nakangiting wika ni Logan habang ang mga mata ay nakapako sa kaniya. " Anong masasabi mo? Hindi ka ba natutuwa sa aming hinanda? Kagaya ng sabi ko, ngayon na lang ulit tayo magsasalo-salo sa iisang mesa pero bakit parang hindi ka masaya? " " Papà, sa tingin ko naninibago lang si Amadeus dahil ilang buwan din siyang kumakain nang mag-isa sa kwarto niya, " mungkahi naman ni Venice na nasa kanang bahagi niya, kaharap ang ina at ama. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. " Mahal, mayroon bang problema? Mayroon ka pa bang ibang putahe na gusto mong ipaluto? Sabihin mo lang. " " Tama, huwag kang mahiya. Ituring na rin natin itong isan
Madaling araw pa lang, mulat na ang mga mata ni Amadeus habang pinagmamasdan ang pagbukang liwayway ng kalangitan mula sa balkonahe na kaniyang kinalalagyan. Maganda ang panahon, ang mga ibon ay malayang nagsisiliparan sa itaas at nagsisimulang mag ingay hudyat na panibagong pakikipagsapalaran na naman ang kailangan lagpasan ngayong araw. Binaba niya ang tingin mula sa balkonahe kung saan nagsisimula ng magwalis sa harapan at magdilig ng mga halaman ang ilang kasambahay. Dito siya mismo sa pwesto na ito naghintay sa pagdating ni Lucine kahapon at ngayon ay ito pa rin ang pwesto niya subalit wala na siyang hinihintay pa. Kagabi rin mismo matapos malaman na nakalaya na ang dalaga, agad din siyang nag desisyon na tanggalin ito sa trabaho. Hindi niya gustong idamay pa ang ibang tao sa gulo ng pamilyang ito, lalo na't nababatid niyang nagsisimula ng kumilos ang biyenan niya para kalabanin siya. " Señor, narito na po ang umagahan niyo, " rinig niyang boses ng mayordoma matapos nitong kum
Mabilis na binawi ni Owen ang kaniyang kamay kasama ang baril na itinutok ni Amadeus sa sariling noo bago umatras palayo dito. " Pasensya na pero hindi ko kayo magagawang sundin, " anito saka inalis ang magasin para sana tanggalan ng bala pero wala itong laman. Inangat niya ang tingin kay Amadeus na may kakaibang ngisi sa mukha habang nakatingin sa kaniya. " Mas mabuti ng makasiguro, " anito saka pinaandar ang silyang de gulong patungo sa pintuan ng balkonahe. " Tatapatin na kita, kailangan ko ng tulong mo, Goslin. Kailangan kong makaalis dito sa impyernong ito bago ko maisagawa ang lahat ng mga pina-plano ko. " " Nakahanda akong tulungan kayo, " walang pag aalinlangang sagot nito saka pumwesto sa likuran ni Amadeus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang papel na binigay niya kanina. " Ano bang pina-plano niyo? May ipagagawa ba kayo agad saakin ngayon? " " Ang una mong kailangang gawin ay mabigyan ng proteksyon si Lucine Verine. Humanap ka ng mapagkakatiwalaang tao upang mabantay
Wala namang nangyayari sa itaas ngunit ang mga mata ni Lucine ay nakapako sa kisame. Ang isip ay lumilipad at binabalikan ang naging usapan nila ng sekrataryo ni Amadeus na hanggang ngayon ay bumabagabag sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang alalahanin ni Amadeus gayong ito mismo ang nasa panganib ang buhay. Mula sa kaniyang pagkakahiga sa kama ay bumangon siya. Patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay ampunan. Tahimik na rin ang paligid at kuliglig na lamang ang naririnig niya. Dala ang lampara na nakapatong sa kaniyang lamesita, lumabas siya ng silid at nagtungo sa beranda. Sinalubong siya nang malamig na simoy ng hangin. " Gabi na, saan ka pupunta? " Gulat siyang napalingon sa likuran nang marinig ang pamilyar na boses. " Ah, dito lang po ako, sister. Magpapahangin lang, " aniya saka naupo sa bangko na nasa gilid niya. Binuksan naman ni sister Bella ang ilaw sa beranda at naupo sa tabi niya. " Hindi ka makatulog, tama ba? Anong gumugulo sa isip
Matapos itali ni Lucine ang sintas ng kaniyang sapatos, tumayo siya nang diretso upang tignan ang sariling repleksyon sa salamin. Sa tingin niya'y nakabawi na siya ng tulog kagabi kung kaya't ang pakiramdam niya ngayon at maluwag at tila handa ng sumabak sa panibagong gyera. Ibinaling niya ang tingin sa lamesita kung saan nakapatong ang dyaryong ibinigay sakaniya kagabi ng madre. May isang ulat doon na puwedeng makatulong upang siya't makatipon ng mga taong may galit kay Logan Banville. Nabasa niya na marami ng nag we-welga sa Hassan's Corporation nitong mga nakaraang linggo dahil sa hindi pagbibigay nang tamang sahod sa ilang empleyado. Kailangan niyang puntahan ang mga taong 'yon at kausapin upang mas marinig ng nakatataas ang mga d***g at reklamo ng bawat isa. Mas marami, mas lalakas ang boses nila. " Lucine, nandiyan ka pa ba? " Napatingin siya sa pinto nang marinig ang boses ni sister Bella. " Nandito pa po ako. Palabas na, " aniya saka kinuha ang dyaryo at tiniklop upang pag
Mula sa isang malaki at magarang mansyon, tila naging isang abandonadong bahay na lamang ito ngayon. Halos wala ng bubong, ang mga dingding ay sira-sira na at ang karamihan sa mga gamit sa loob ay naging abo na. " Ano ng sunod na gagawin natin ngayon? " ang tanong ni Victoria sa kaniyang asawa habang pareho nilang pinagmamasdan ang kabuuan ng nasunog na mansyon. " Halos wala na tayong natirang pera. Nabenta at nasangla ko na ang lahat ng alahas na mayroon ako kaya paano na tayo ngayon, Logan? " Hindi ito nakasagot. Malayo ang mga tingin at malalim ang iniisip. Tila ngayon lang nag po-proseso ang lahat ng mga nangyari sa kanila. Iyong pagbagsak ng kompanya, pagkasunog ng mansyon at pagkawala ng yaman nila. Hindi pumasok sa isip niya na maaaring mawala ang yaman sa ganitong paraan sapagkat si Amadeus lamang ang inisip niyang kalaban pagdating sa pagbawi ng kapangyarihan. " Kailangan nating maibenta ang kalahati ng lupaing ito, " wala sa sarili niyang sambit na kinakunot ng noo ng a
Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon
Hindi na halos makita ni Morriss ang mukha ni Janina dahil sa malaking palumpon ng mga kulay pulang rosas na hawak nito. " Bati na tayo? " may lambing na tanong ni Morriss, umaasa na ngumiti na ang asawa kahit na hindi niya ito halos makita. " Huwag ka ng magtampo. Hindi ko naman kasi nakalimutan ang anibersayo ng kasal natin. Ikaw lang ang nag isip noon. " Binaba ni Janina ang palumpon ng rosas sa mesang nasa harap nila saka ito tumayo ay pumamewang sa kaniya. " Huwag mo akong idaan sa bulaklak, Morriss. Alam mo naman na tuwing sasapit ang ala-dose ng hating-gabi, doon natin isini-celebrate 'yong anniversary natin 'di ba? Tatlong taon na natin 'yon ginagawa kaya dapat alam mo na 'yon. Aminin mo na lang kasi na nakalimutan mo. " " Hindi ko nakalimutan, Janina. Maniwala ka, " ani Morriss, " Oo aaminin ko, hindi kita nasamahan sa pagsalubong ng anibersayo natin kaninang madaling araw pero hindi ibig sabihin noon ay nawala sa isip ko ang tungkol dito. " Ipinag-krus ni Janina ang bra
Halos liparin na ni Amadeus ang pasilyo ng ospital kung saan dinala si Lucine. Wala siyang pakialam kung may masagi siyang mga tao sa paligid niya sa kagustuhang makita at malaman kung ano ang kalagayan nito. Hindi niya gustong paniwalaan ang sinabi ni Venice. Ayaw ito tanggapin ng utak niya dahil hangga't hindi niya ito nakikita, wala siyang kahit na sinong paniniwalaan. " Nasa Emergency room na po siya. Maghintay na lang po kayo dito sa waiting area, " pigil ng nars kay Amadeus nang magtangka itong pumasok sa pinto ng silid kung saan naroroon si Lucine. " Kailangan ko siyang makita... " Hinihingal niyang saad saka hinawakan sa magkabilang balikat ang nars. " Pakiusap, hayaan niyo akong makita siya..." " Pasensya na po, pero hindi pa po kayo puwedeng pumasok sa loob. Hintayin niyo na lang po ang paglabas ng Doctor dito, " saad ng nars. Nais pang magpumilit ni Amadeus subalit may humawak sa kaniyang balikat, si Owen at kasama nito si Morriss. " Señor, hintayin na lang natin na l
Walang nagbabantay na guwardiya sa labas noong pumasok ang sasakyan ni Amadeus. Hindi man niya batid kung paano nagawang makapasok ni Logan nang hindi dumadaan sa butas ng karayom, may kutob naman siyang mayroon itong kinasabwat sa loob kaya ganoon na lamang ito nakapuslit nang walang kahirap-hirap. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Amadeus nang makarating sa tapat ng mansyon. Hindi na siya nag abalang iparada pa ito sa garahe dahil sa pagmamadaling makaabot sa eksaktong oras na ibinigay sa kaniya ni Logan. " Señor... " Sumalubong ang lahat ng mga kasambahay kay Amadeus nang makapasok ito sa pintuan. Lahat ay nababalot ng takot ang mga mukha, walang magawa kung hindi manatiling tahimik upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. " Nasaan siya? " tanong ni Amadeus, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng sala at napako ang kaniyang tingin sa sahig nang makitang may basag-basag na gamit. " N-nasa loob po siya ng komedor..." sagot ng isang kasambahay na siyang unang tinutukan ng bar
" Señorita, hindi ho ba't kotse 'yon ng Señora Venice? " saad ng drayber ni Lucine sabay turo sa isang pamilyar na sasakyang lumiko sa looban. Kumunot ang noo ni Lucine, kabisado niya ang pasikot-sikot sa bayan nila at sa loobang pinasukan ng kotse ni Venice, alam niyang lugar ito ng isang inabandunang gusali. " Sundan po natin, " ani Lucine, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Malapit na sila sa bahay ampunan ngunit nais niyang alamin kung anong dahilan ng pagpunta ni Venice sa lugar na wala namang halos katao-tao. Mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan habang lihim na sumusunod sa kotseng pagmamay-ari ni Venice. Ilang sandali lang ay huminto ito sa isang bakanteng lote. Inabangan ni Lucine na may bumaba ngunit ilang minuto na ang nakalipas, nanatili ang sasakyan kung saan ito huminto. Wala siyang nakikitang tao sa paligid, walang lumalapit sa kotse o lumalabas mula rito. Binaba ni Lucine ang tingin sa plaka upang masigurong ito nga ang kotse ni
Nakababa ang tingin ni Lucine sa tiyan ni Venice na nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya maalis ang tingin rito, ngayon lamang niya napansin ang umbok sa tiyan nito dahil sa damit nitong suot na tila kumo-korte sa katawan dahil sa kanipisan. " Ano ba ang sasabihin mo saakin? " tanong ni Venice, ipinag-krus ang mga braso habang hinihintay ang sasabihin ni Lucine. " Kasi ako wala namang sasabihin sa'yo, kaya magsalita ka na bago pa kita layasan. "Binalik ni Lucine ang tingin sa mga mata ni Venice. " Mahal mo ba si Amadeus? "Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Venice. " Anong klaseng pagtatanong 'yan Lucine? Ganiyan ka pa ka-desperadang sirain muli ang relasyon namin? "" Napakarami mong sinabi. Isa lang ang tinanong ko at oo o hindi lang ang isasagot mo, " walang ekspersyong wika ni Lucine dahilan upang mawala ang mapanuyang hitsura sa mukha ni Venice. " At huwag mong isisi saakin kung bakit nagkaganiyan kayo ni Amadeus. Ikaw ang sumira sa relasyon niyong dalawa bago pa ako pumas
" Kumusta naman ang paninirahan mo rito? " tanong ni Don Caruso habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay na pagmamay-ari niya. " Mahigit isang taon ko na rin itong hindi napupuntahan. Ngayon na lang ulit ito nabuksan dahil kailangan kong patuluyin ang isang kaibigan. "Ngumiti si Logan, tumayo mula sa silya dala ang kaniyang tsaa. Katatapos lamang nilang mag umagahan at busog na busog siya dahil minsan na lamang sa isang linggo kung makakain siya ng masarap-sarap na ulam. " Maganda ang bahay na ito, Don Caruso. Wala akong nakikitang kalapit na bahay kaya hindi ako nahihirapang makagalaw. Malaya akong nakalalabas kung kailan ko gustuhin. "" Dahil malayo ito sa siyudad. Ang buong lupain din ito ay pag-aari ko kaya walang ibang bahay ang puwedeng itirik dito maliban na lang kung mayroong permiso ko, " ani Don Caruso at nang dumapo ang tingin sa lamesita, napangisi siya nang makita ang dalawang baril na binigay niya. " Mukhang may pinaghahandaan ka na? Nakakasiguro ka bang hindi
" Ate Lucine! " Masayang sinalubong ng mga bata si Lucine nang makita nila itong naglalakad papasok sa bakuran ng bahay ampunan. Hindi nila napigilan ang mga sariling yakapin si Lucine at sabay-sabay na nagsalita upang ito'y kumustahin. " Mga bata, dahan-dahan lang. Huwag niyong ipitin si ate Lucine niyo, " awat naman sa kanila ni Aling Josie. " Magandang tanghali po, Aling Josie. Pasensya na po sa biglaang pagpunta ko, " ani Lucine dahil mukhang nasa kalagitnaan ang mga bata ng isang aktibidad nang pumasok siya sa bakuran. Inabot niya ang supot na dala na naglalaman ng mga prutas na binili niya. " Nasaan po pala si Sister Bella? Nandito po ba siya ngayon? " " Nasa simbahan siya ngayon. Hintayin mo na at pabalik na rin 'yon dito mayamaya lang, " anito saka nagpasalamat sa mga prutas na dinala ni Lucine. Pinadala niya ito sa mga bata na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Binalik ni Aling Josie ang tingin kay Lucine. " Siya nga pala, gusto kong humingi ng pasensya sa'yo. Naipit
Hindi alam ni Janina kung tatayo na lang ba siya magdamag sa harap ng bahay nina Morriss o papasok siya at gawin ang dating gawi kung saan tuwing linggo, maghapon siyang mananatili sa bahay ni Morriss upang makasama ito. " Huwag na lang kaya? " tanong ni Janina sa sarili, agad siyang tumalikod subalit hindi humakbang ang kaniyang mga paa paalis dahilan upang bumalik ulit siya sa pagkakaharap sa bahay at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Nandiyan kaya siya sa loob? " " Nandito kami sa labas. " Napalingon si Janina sa kaliwang bahagi niya kung saan narinig ang isang hindi pamilyar na boses. Nakita siya si Owen, kasama si Morriss na tila hindi inaasahan na makita siya sa harap ng bahay. " Mukhang ngayon pa lang kayo uuwi? " Nagtatakang tanong ni Janina, saka napatakip sa ilong niya. " Amoy alak rin kayo. " " Ah, pasenya na. Nakainom lang pero hindi kami lasing, " sagot ni Owen saka tinapik sa balikat si Morriss. " Sige na, ipasok mo na 'to sa loob. Kailangan niya n