Matapos itali ni Lucine ang sintas ng kaniyang sapatos, tumayo siya nang diretso upang tignan ang sariling repleksyon sa salamin. Sa tingin niya'y nakabawi na siya ng tulog kagabi kung kaya't ang pakiramdam niya ngayon at maluwag at tila handa ng sumabak sa panibagong gyera. Ibinaling niya ang tingin sa lamesita kung saan nakapatong ang dyaryong ibinigay sakaniya kagabi ng madre. May isang ulat doon na puwedeng makatulong upang siya't makatipon ng mga taong may galit kay Logan Banville. Nabasa niya na marami ng nag we-welga sa Hassan's Corporation nitong mga nakaraang linggo dahil sa hindi pagbibigay nang tamang sahod sa ilang empleyado. Kailangan niyang puntahan ang mga taong 'yon at kausapin upang mas marinig ng nakatataas ang mga d***g at reklamo ng bawat isa. Mas marami, mas lalakas ang boses nila. " Lucine, nandiyan ka pa ba? " Napatingin siya sa pinto nang marinig ang boses ni sister Bella. " Nandito pa po ako. Palabas na, " aniya saka kinuha ang dyaryo at tiniklop upang pag
Mula sa isang malaki at magarang mansyon, tila naging isang abandonadong bahay na lamang ito ngayon. Halos wala ng bubong, ang mga dingding ay sira-sira na at ang karamihan sa mga gamit sa loob ay naging abo na. " Ano ng sunod na gagawin natin ngayon? " ang tanong ni Victoria sa kaniyang asawa habang pareho nilang pinagmamasdan ang kabuuan ng nasunog na mansyon. " Halos wala na tayong natirang pera. Nabenta at nasangla ko na ang lahat ng alahas na mayroon ako kaya paano na tayo ngayon, Logan? " Hindi ito nakasagot. Malayo ang mga tingin at malalim ang iniisip. Tila ngayon lang nag po-proseso ang lahat ng mga nangyari sa kanila. Iyong pagbagsak ng kompanya, pagkasunog ng mansyon at pagkawala ng yaman nila. Hindi pumasok sa isip niya na maaaring mawala ang yaman sa ganitong paraan sapagkat si Amadeus lamang ang inisip niyang kalaban pagdating sa pagbawi ng kapangyarihan. " Kailangan nating maibenta ang kalahati ng lupaing ito, " wala sa sarili niyang sambit na kinakunot ng noo ng a
Kabadong pinagmamasdan ni Lucine ang isang sulat na ibinigay sa kaniya ni Owen kung saan nakalahad doon ang mga impormasyon at detalye na maaaring makasagot sa mga katanungan sa kaniyang isipan. Ilang oras na ang nakalipas matapos itong ibigay sakaniya at umalis din nang walang kahit na anong sinagot sa mga tanong na binuhos niya matapos nitong mag iwan ng mga katagang nagbigay sa kaniya ng pag-asa. Natatakot siyang basahin ang nilalaman sapagkat maaaring mali ang nasa isip niya, subalit mayroon siyang pakiramdam na tama ang hinala niya. Huminga siya nang malalim bago buksan ang sobre at kuhanin ang papel na nasa loob nito. Nanginginig ang mga kamay niya habang inaalis ito mula sa pagkakatupi at ang 'yong nerbyos na nararamdaman niya ay nawala nang parang bula nang makilala ang sulat-kamay ni Amadeus. Pigil hininga niyang binasa ang nilalaman.
" Sinabi ko naman sa'yo, hindi ba? Sa ganitong sitwasyon, hayaan mong ako ang kumilos o umayos. Kaya ko naman ang sarili ko, tsaka isa pa mayroon din namang guwardiya na nakabantay sa labas. Dapat hinayaan mo ng sila na ang gumawa ng paraan para solusyunan 'yong nangyari kanina, " pangaral ni Lucine kay Morris—ang guwardiyang itinalaga ni Amadeus para bantayan siya. Kahit saan siya magpunta, palagi itong naroroon maliban na lang kapag siya ay nasa loob na ng bahay ampunan. " Pasensya na talaga. Sumusunod lang ako sa utos. Ako ang mananagot kapag may mangyaring hindi maganda sainyo, " anito kaya napabuga na lamang sa hangin si Lucine bago ibalik ang tingin sa karinderya. Mag a-alas siyete na ng gabi at kailangan na nilang magsara. Hinihintay na lamang niyang matapos ang paglilinis bago sila tuluyang umuwi. " Lucine! " mula sa loob ng karinderya ay lumabas
Iika-ikang naglalakad si Janina habang nakakapit sa kanang braso ni Morriss na siyang may kasalanan kung bakit ganito ang sitwasyon ng dalaga ngayon." Hindi ko inakala na bayolente ka pala, " pangongonsensiya ni Janina saka huminto sa paglalakad upang muling silipin ang kaliwa niyang paa. " Ang sakit pa rin talaga niya. Pakiramdam ko mapuputulan ako ng paa nito kung lalakarin pa rin natin—"" Sige na, pumasan ka na. " Binawi ni Morriss ang braso niya mula kay Janina saka naupo patalikod sa harapan nito upang ipasan ang dalaga.Pigil ang ngiti ni Janina habang pinagmamasdan ang malapad nitong balikat. " Baka naman ihulog mo ulit ako kagaya kanina? "Lumingon ito sa kaniya. " Sinakal mo ako kanina kaya natural lang na ihulog kita. "" Hindi ko naman sinasadya 'yon! N
" Anong masasabi mo? Nakapili ka na ba? " tanong ni Logan kay Venice habang pinanonood itong basahin at surin ang mga papel na naglalaman ng mga kumpletong detalye patungkol sa mga lupain. " Wala kang magiging problema sa mga 'yan dahil kilala ko naman ang mga may ari n'yan. Nakausap ko na rin sila kanina at—"" Pinapunta niyo po ako nang dahil lang dito? " Nilapag ni Venice sa ibabaw ng mesa ang mga papeles na hawak niya. " Pa, mayroon na po akong napiling lote para gawin 'yong proyektong 'to. Naka-plano na ang lahat at tanging pagpayag na lang ng may-ari ang kailangan para makapagsimula na kami. "" Pero hindi ba't ilang linggo niyo ng kinakausap ang mga nakatira doon pero walang nagbabago sa mga sagot nila, " ani Logan saka pinag-krus ang mga braso. " Ilang buwan pa ba ang kailangan hintayan bago mag bago ang isip nila? "Hindi agad nakasagot si Venice, umiwas siya ng tingin at saktong tumama ito sa mga papeles na hawak niya kanina. Tatlong lupain ang maaari niyang pamilian sa mga
Sakim at pagiging gahaman sa pera at kapangyarihan. Iyon ang mga salitang mailalarawan kay Logan Banville noong ito'y nasa ilalim pa ng paghahangad ng mga bagay na madali lang niyang makuha. Isa siyang makasarili, walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya at hindi iniisip ang kaniyang pamilya. Subalit nang dahil sa sunog na tumupok sa mga pangarap niya, unti-unti siyang nagising sa kaniyang kahibangan. Natuto siyang pahalagahan ang mga bagay sa paligid niya at mga bagay na mag-aangat sa kaniya. Hindi niya nais na bumagsak at bumalik sa dati niyang buhay kung kaya't hinarap niya ang realidad niya. Nakabangon ang kompanya at nakabalik sila sa mansyon. Ang kalahating lupa na binenta nila noon upang makapagsimula ay nabawi na rin nila. Ang kanilang pangalan ay muling bumango at umingay sa mata ng publiko dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng mga tinatayo nilang negosyo. Maayos na ang lahat. Nasa kamay na niya ang mga hinahangad niya at kontrolado na rin niya ang kompanya. Maari na
Mula sa mahimbing na pagkakatulog ni Victoria, nagising siya dahil sa mga ingay na nangagaling sa labas ng silid niya. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding at nang makitang alas nuebe pa lang ng umaga, napa angil na lamang siya saka padabog na bumangon sa kama. " Distorbo sa tulog. " Naglakad siya patungo sa salamin at inalis ang maskara na nakatapal sa kaniyang mukha na nakakatulong upang maging presko at maging malambot ang balat niya. Ilang minuto siyang nasa salamin upang maglagay ng mga kung anu-anong pulbos at likido na siyang nagpapa-bata sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid. Sa kaniyang paglalakad patungong hagdan, nakita niya sa ibaba ang ilang mga taong may ipinapasok na mga kagamitan mula sa labas. Mga bagong gamit, damit, sapatos at kung anu-ano pang bagay na gamit ng mga kababaihan. " Magandang umaga po, Madame Victoria, " ang bati ng kasambahay sa kaniya nang tuluyang makababa ng hagdan. " Saan galing ang mga 'yan? " takhang tanong niya rito. " S