" Kumusta naman ang paninirahan mo rito? " tanong ni Don Caruso habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay na pagmamay-ari niya. " Mahigit isang taon ko na rin itong hindi napupuntahan. Ngayon na lang ulit ito nabuksan dahil kailangan kong patuluyin ang isang kaibigan. "Ngumiti si Logan, tumayo mula sa silya dala ang kaniyang tsaa. Katatapos lamang nilang mag umagahan at busog na busog siya dahil minsan na lamang sa isang linggo kung makakain siya ng masarap-sarap na ulam. " Maganda ang bahay na ito, Don Caruso. Wala akong nakikitang kalapit na bahay kaya hindi ako nahihirapang makagalaw. Malaya akong nakalalabas kung kailan ko gustuhin. "" Dahil malayo ito sa siyudad. Ang buong lupain din ito ay pag-aari ko kaya walang ibang bahay ang puwedeng itirik dito maliban na lang kung mayroong permiso ko, " ani Don Caruso at nang dumapo ang tingin sa lamesita, napangisi siya nang makita ang dalawang baril na binigay niya. " Mukhang may pinaghahandaan ka na? Nakakasiguro ka bang hindi
Nakababa ang tingin ni Lucine sa tiyan ni Venice na nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya maalis ang tingin rito, ngayon lamang niya napansin ang umbok sa tiyan nito dahil sa damit nitong suot na tila kumo-korte sa katawan dahil sa kanipisan. " Ano ba ang sasabihin mo saakin? " tanong ni Venice, ipinag-krus ang mga braso habang hinihintay ang sasabihin ni Lucine. " Kasi ako wala namang sasabihin sa'yo, kaya magsalita ka na bago pa kita layasan. "Binalik ni Lucine ang tingin sa mga mata ni Venice. " Mahal mo ba si Amadeus? "Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Venice. " Anong klaseng pagtatanong 'yan Lucine? Ganiyan ka pa ka-desperadang sirain muli ang relasyon namin? "" Napakarami mong sinabi. Isa lang ang tinanong ko at oo o hindi lang ang isasagot mo, " walang ekspersyong wika ni Lucine dahilan upang mawala ang mapanuyang hitsura sa mukha ni Venice. " At huwag mong isisi saakin kung bakit nagkaganiyan kayo ni Amadeus. Ikaw ang sumira sa relasyon niyong dalawa bago pa ako pumas
" Señorita, hindi ho ba't kotse 'yon ng Señora Venice? " saad ng drayber ni Lucine sabay turo sa isang pamilyar na sasakyang lumiko sa looban. Kumunot ang noo ni Lucine, kabisado niya ang pasikot-sikot sa bayan nila at sa loobang pinasukan ng kotse ni Venice, alam niyang lugar ito ng isang inabandunang gusali. " Sundan po natin, " ani Lucine, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Malapit na sila sa bahay ampunan ngunit nais niyang alamin kung anong dahilan ng pagpunta ni Venice sa lugar na wala namang halos katao-tao. Mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan habang lihim na sumusunod sa kotseng pagmamay-ari ni Venice. Ilang sandali lang ay huminto ito sa isang bakanteng lote. Inabangan ni Lucine na may bumaba ngunit ilang minuto na ang nakalipas, nanatili ang sasakyan kung saan ito huminto. Wala siyang nakikitang tao sa paligid, walang lumalapit sa kotse o lumalabas mula rito. Binaba ni Lucine ang tingin sa plaka upang masigurong ito nga ang kotse ni
Walang nagbabantay na guwardiya sa labas noong pumasok ang sasakyan ni Amadeus. Hindi man niya batid kung paano nagawang makapasok ni Logan nang hindi dumadaan sa butas ng karayom, may kutob naman siyang mayroon itong kinasabwat sa loob kaya ganoon na lamang ito nakapuslit nang walang kahirap-hirap. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Amadeus nang makarating sa tapat ng mansyon. Hindi na siya nag abalang iparada pa ito sa garahe dahil sa pagmamadaling makaabot sa eksaktong oras na ibinigay sa kaniya ni Logan. " Señor... " Sumalubong ang lahat ng mga kasambahay kay Amadeus nang makapasok ito sa pintuan. Lahat ay nababalot ng takot ang mga mukha, walang magawa kung hindi manatiling tahimik upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. " Nasaan siya? " tanong ni Amadeus, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng sala at napako ang kaniyang tingin sa sahig nang makitang may basag-basag na gamit. " N-nasa loob po siya ng komedor..." sagot ng isang kasambahay na siyang unang tinutukan ng bar
Halos liparin na ni Amadeus ang pasilyo ng ospital kung saan dinala si Lucine. Wala siyang pakialam kung may masagi siyang mga tao sa paligid niya sa kagustuhang makita at malaman kung ano ang kalagayan nito. Hindi niya gustong paniwalaan ang sinabi ni Venice. Ayaw ito tanggapin ng utak niya dahil hangga't hindi niya ito nakikita, wala siyang kahit na sinong paniniwalaan. " Nasa Emergency room na po siya. Maghintay na lang po kayo dito sa waiting area, " pigil ng nars kay Amadeus nang magtangka itong pumasok sa pinto ng silid kung saan naroroon si Lucine. " Kailangan ko siyang makita... " Hinihingal niyang saad saka hinawakan sa magkabilang balikat ang nars. " Pakiusap, hayaan niyo akong makita siya..." " Pasensya na po, pero hindi pa po kayo puwedeng pumasok sa loob. Hintayin niyo na lang po ang paglabas ng Doctor dito, " saad ng nars. Nais pang magpumilit ni Amadeus subalit may humawak sa kaniyang balikat, si Owen at kasama nito si Morriss. " Señor, hintayin na lang natin na l
Hindi na halos makita ni Morriss ang mukha ni Janina dahil sa malaking palumpon ng mga kulay pulang rosas na hawak nito. " Bati na tayo? " may lambing na tanong ni Morriss, umaasa na ngumiti na ang asawa kahit na hindi niya ito halos makita. " Huwag ka ng magtampo. Hindi ko naman kasi nakalimutan ang anibersayo ng kasal natin. Ikaw lang ang nag isip noon. " Binaba ni Janina ang palumpon ng rosas sa mesang nasa harap nila saka ito tumayo ay pumamewang sa kaniya. " Huwag mo akong idaan sa bulaklak, Morriss. Alam mo naman na tuwing sasapit ang ala-dose ng hating-gabi, doon natin isini-celebrate 'yong anniversary natin 'di ba? Tatlong taon na natin 'yon ginagawa kaya dapat alam mo na 'yon. Aminin mo na lang kasi na nakalimutan mo. " " Hindi ko nakalimutan, Janina. Maniwala ka, " ani Morriss, " Oo aaminin ko, hindi kita nasamahan sa pagsalubong ng anibersayo natin kaninang madaling araw pero hindi ibig sabihin noon ay nawala sa isip ko ang tungkol dito. " Ipinag-krus ni Janina ang bra
Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon
Maiging pinagmamasdan ni Lucine ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin suot ang isang magarang bestida na pinili mismo ng kaniyang ama para suotin sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kulay lila na may mahabang hati sa ibaba pababa sa kaniyang kaliwang hita. Ito ay tila kumikinang lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Disenyong puso sa harapan at hapit na hapit sa kaniyang baywang ang bestida na lalong nagpaangat sa kaniya dahil sa perpekong hubog ng katawan, mala-porselanang kutis ng balat at mala anghel na mukha na tinitingala ng lahat. " Señorita Lucine, pinabababa na po kayo ng inyong ama sa salas. Aalis na raw ho kayo ngayon. " Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang tawag ng kanilang kasambahay. " Opo, pakisabi pababa na ako, " tugon niya saka muling tumingin sa harap ng salamin. Ito ang unang pagkakataon na siya'y makapagsuot ng ganitong kagarang damit at ito rin ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang magarbong okasyon na kung saan mga bigatin at kilalang personali