Halos liparin na ni Amadeus ang pasilyo ng ospital kung saan dinala si Lucine. Wala siyang pakialam kung may masagi siyang mga tao sa paligid niya sa kagustuhang makita at malaman kung ano ang kalagayan nito. Hindi niya gustong paniwalaan ang sinabi ni Venice. Ayaw ito tanggapin ng utak niya dahil hangga't hindi niya ito nakikita, wala siyang kahit na sinong paniniwalaan. " Nasa Emergency room na po siya. Maghintay na lang po kayo dito sa waiting area, " pigil ng nars kay Amadeus nang magtangka itong pumasok sa pinto ng silid kung saan naroroon si Lucine. " Kailangan ko siyang makita... " Hinihingal niyang saad saka hinawakan sa magkabilang balikat ang nars. " Pakiusap, hayaan niyo akong makita siya..." " Pasensya na po, pero hindi pa po kayo puwedeng pumasok sa loob. Hintayin niyo na lang po ang paglabas ng Doctor dito, " saad ng nars. Nais pang magpumilit ni Amadeus subalit may humawak sa kaniyang balikat, si Owen at kasama nito si Morriss. " Señor, hintayin na lang natin na l
Hindi na halos makita ni Morriss ang mukha ni Janina dahil sa malaking palumpon ng mga kulay pulang rosas na hawak nito. " Bati na tayo? " may lambing na tanong ni Morriss, umaasa na ngumiti na ang asawa kahit na hindi niya ito halos makita. " Huwag ka ng magtampo. Hindi ko naman kasi nakalimutan ang anibersayo ng kasal natin. Ikaw lang ang nag isip noon. " Binaba ni Janina ang palumpon ng rosas sa mesang nasa harap nila saka ito tumayo ay pumamewang sa kaniya. " Huwag mo akong idaan sa bulaklak, Morriss. Alam mo naman na tuwing sasapit ang ala-dose ng hating-gabi, doon natin isini-celebrate 'yong anniversary natin 'di ba? Tatlong taon na natin 'yon ginagawa kaya dapat alam mo na 'yon. Aminin mo na lang kasi na nakalimutan mo. " " Hindi ko nakalimutan, Janina. Maniwala ka, " ani Morriss, " Oo aaminin ko, hindi kita nasamahan sa pagsalubong ng anibersayo natin kaninang madaling araw pero hindi ibig sabihin noon ay nawala sa isip ko ang tungkol dito. " Ipinag-krus ni Janina ang bra
Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon
Maiging pinagmamasdan ni Lucine ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin suot ang isang magarang bestida na pinili mismo ng kaniyang ama para suotin sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kulay lila na may mahabang hati sa ibaba pababa sa kaniyang kaliwang hita. Ito ay tila kumikinang lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Disenyong puso sa harapan at hapit na hapit sa kaniyang baywang ang bestida na lalong nagpaangat sa kaniya dahil sa perpekong hubog ng katawan, mala-porselanang kutis ng balat at mala anghel na mukha na tinitingala ng lahat. " Señorita Lucine, pinabababa na po kayo ng inyong ama sa salas. Aalis na raw ho kayo ngayon. " Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang tawag ng kanilang kasambahay. " Opo, pakisabi pababa na ako, " tugon niya saka muling tumingin sa harap ng salamin. Ito ang unang pagkakataon na siya'y makapagsuot ng ganitong kagarang damit at ito rin ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang magarbong okasyon na kung saan mga bigatin at kilalang personali
Buong ingat na naglalakad si Lucine sa pasilyo papasok ng bahay ampunan habang bitbit ang kaniyang pares ng tsinelas. Nakaangat nang bahagya ang kaniyang talampakan mula sa lapag sa pagbabakasakaling makatulong ito upang hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay na posibleng maging dahilan upang magising ang mga tao sa loob. Patay na ang ilaw sa labas dahil sa karpiyo na ipinatutupad sa bahay ampunan na kapag sapit ng alas-diyes ng gabi, tulog na dapat ang lahat lalo na ang mga bata. " Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, " halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. Napatayo siya nang maayos at kaswal na hinarap ang madre na dismayadong nakatingin sa kaniya hawak ang lampara. " Magandang gabi ho, sister Bella. " Yumuko siya nang bahagya upang magbigay galang ngunit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng madre. " Saan ka nanggaling? Maghapon kang wala, " anito at ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kaniya. " Lucine, hindi k
" Ano kamo? Mayroon kang trabaho? " hindi makapaniwalang tanong ni sister Bella kay Lucine na ngayon ay nasa kaniyang opisina upang ipaalam ang balitng ito. " P-paanong nangyari 'yon? Saan? Kailan pa? "" Kahapon lang po at natanggap na rin po ako agad. Ngayong umaga na rin po ang unang araw ko, " tugon niya, " Hindi po ninyo kailangan mag-alala dahil malinis po ang trabahong pinasok ko. Mag aalaga po ako ng isang taong baldado sa mansyon ng mga Hassan. "Tila lalong lumaki ang mga mata ng madre at napatayo sa kaniyang kinauupan habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga." Lucine, ano bang gusto mong mangyari? Hindi naman kita pinaghahanap ng trabaho para pasukin ang—"" Sarili ko po itong desisyon, sister Bella. "" Pero—"" Alam ko pong sa mansyong iyon nakatira ang pamilya ng aking ama, " aniya, " pero wala po akong balak manggulo sa kanila. Gusto ko lang po makita, makasama at makilala pa ang taong umabanduna saamin ng aking ina. Masama mo ba kung gagawin ko iyon? "Hindi a
Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong pumasok si Lucine sa mansyon ng Hassan at araw-araw ay laging sinusubok ang pasensya niya ng taong inaalagaan niya, dahil kung paano niya ito nakilala noong unang araw, ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Walang pagbabago, palagi pa rin mainit ang ulo. Hindi na lamang siya umiimik at iniintindi na lang ang kalagayan nito kagaya ng bilin sa kaniya ng mga madre nang malaman ang sitwasyon niya. Minsan may mga oras din naman na kalmado ito at kinakain ang mga pagkaing dinadala niya at ang gamot ay iniinom rin, subalit mangyayari lamang 'yon sa tuwing kasama nila sa kwarto ang asawa. " Pakiabot ang tubig niya, " ani Venice matapos isubo ni Amadeus ang tableta na ibinigay niya. Maingat namang kinuha ni Lucine ang isang basong tubig na nasa mesa saka iniabot ito kay Venice na marahang pinainom ang asawa ng panulak sa tabletang pinainom nila. Kinuha ni Lucine ang maliit niyang kuwaderno kung saan nakatala ang mga dapat niyang ipainom na gamot
" Señor, narito na po ang hapunan ninyo. Papasok na po ako, " rinig ni Amadeus na katok sa kaniyang kwarto at mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang mayordoma dala ang pagkain niya. Maingat na ipinatong ang bandeha sa mesa na nasa kaniyang harapan habang isa-isang inalis ang plato at baso para makapagsimula na siyang kumain. " Iyong babae... " panimula ni Amadeus saka isinara ang librong binabasa. "...nakauwi na ba siya? " " Si Lucine ho ba ang tinutukoy n'yo? " anito saka kinuha ang bandeha matapos ayusin ang mga plato at gamot na iinumin niya. " Nakauwi na ho siya kanina pa matapos kayong maihatid dito. " Hindi siya sumagot. Isang tipid na tango na lamang ang tinugon niya bago umalis sa harap niya ang mayordoma. Nang marinig ang pagsara na pinto, doon niya lang inangat ang ulo niya at tinitigan ang pagkain sa kaniyang harapan. Wala pa rin siyang ganang kumain kahit na ang nakahandang putahe ay ang paborito niyang ipaluto noon sa kusina. I