" Lucine, ano bang gusto mong mangyari? Hindi naman kita pinaghahanap ng trabaho para pasukin ang—"
" Sarili ko po itong desisyon, sister Bella. "" Pero—"" Alam ko pong sa mansyong iyon nakatira ang pamilya ng aking ama, " aniya, " pero wala po akong balak manggulo sa kanila. Gusto ko lang po makita, makasama at makilala pa ang taong umabanduna saamin ng aking ina. Masama mo ba kung gagawin ko iyon? "Hindi agad nakapagsalita ang madre. Hindi na niya mabasa ang nasa isip ng dalagang pinalaki niya dahil bihira lang ito magpakita ng emosyon. Malapit naman sila sa isa't-isa, ngunit nagbago ang lahat nang simulan niya itong pagbawalan na hanapin ang ama dahil iyon ang huling bilhin ng ina nito sa kaniya. Alam niya ang dahilan at hindi niya iyon sinabi kay Lucine dahil masasaktan lamang ito, pero hindi naman niya inakala na ito mismo ang gagawa ng paraan para masagot ang lahat ng katanungan na matagal na nilang hindi napag-uusapan dahil akala niya, tapos na nila itong pag diskusyunan.Buong akala rin niya'y kilala na niya ang ugali nito, subalit marami pa pala siyang hindi na di-diskobre.
" May magagawa pa ba ako para mapigilan ka? " tanong ng madre saka bumalik sa pagkakaupo sa silya. " Wala akong ideya sa kung ano man ang tumatakbo sa isip mo at hirap din akong tukuyin kung ano ang nais mong mangyari sainyo ng ama mo, pero sana'y huwag kang pumasok sa isang bagay na panganib lang ang dala sayo. "
Tumango si Lucine at yumuko. " Salamat po sister Bella. Mauna na ho ako. "
Tumalikod na siya at handa na sanang lumabas nang muli siyang tawagin ng madre." Mag-iingat ka at panalangin ko na sana maging maganda ang unang araw mo sa iyong trabaho, " aniya at isang tipid na tango lang ang itinugon sa kaniya ni Lucine bago tuluyang umalis sa opisina.
Ibinaba niya ang tingin sa mesa kung saan mayroon silang larawan noong kabataan nila ng ina ni Lucine. Magkaibigan sila at parehong nangarap na pumasok sa kumbento, subalit nasira ang lahat nang umibig ito sa lalaking sa huli ay tatalikuran lang pala ang mag-ina." Lucinda, gabayan mo sana ang iyong anak. Sa dami ba naman kasi ng mamanahin sayo, iyong katigasan pa ng iyong ulo, " mahinang bigkas niya habang nagbabaliktanaw sa nakaraan kung saan buhay pa ang matalik niyang kaibigan.***
Nakatayo si Lucine sa harap ng pinto ng silid kung saan naroroon ang taong kaniyang aalagaan simula ngayong umaga. Kabado pero kailangan niya itong paamuhin at pakainin ng umagahan gaya ng ipinagbilin sa kaniya ng mayordoma.Mahigpit ang hawak niya sa bandeha sa takot na baka magaya siya sa nasaksihan niya kahapon sa kwartong ito. Humugot siya nang malalim na hangin bago ito ibuga at kumatok sa pinto.
Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses siyang kumatok at tumawag sa loob pero walang sumagot. Wala siyang nagawa kung hindi hawakan ang busol ng pinto at pihitin upang ito ay mabuksan. " Señor? " tawag niya rito pero masyadong madilim ang kwarto. Binuksan niya ang ilaw, pero halos walang pinagbago dahil tila pundi na ang ilaw kaya naman ibinaba na muna niya sa mesa ang kaniyang dala at lumapit sa bintana upang hawiin ang kurtina. Sa ginawa niya, pumasok ang sikat ng araw sa loob kaya umaliwalas." Isara mo ang kurtina. "Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang boses mula sa likod niya. Agad siyang lumingon at kagaya ng inaasahan, malamig na tingin pa rin ang sumalubong sa kaniya. Nakaupo ito sa silyang de-gulong at ang isang kamay nito ay nakahawak sa isang bagay na kadugtong ng inuupan nito at wari niya'y ang bagay na iyon ay nagbibigay ng kontrol at direksyon saan man nito gustuhin pumunta." Masyado po kasing madilim sa kwarto kaya binuksan ko ang kurtina niyo—"
" Sino ang nagbigay sa'yo ng permiso na pumasok sa kwarto ng iba? " tanong nito at may ginalaw sa sinasandalan ng kanang kamay niya upang umandar ang kinauupan nito papunta sa gawi ni Lucine. " Labas. Isama mo na rin ang pagkaing dinala mo dito. Hindi ako gutom. "
Pinagmasdan ni Lucine at kabuuan ng lalaki sa kaniyang harapan. Malalim at maitim ang mga mata nito na animo'y matagal ng walang tulog. Ang buhok nito ay nakatali kaya batid niyang ito ay mahaba, isama na rin ang bigote at balbas na masyado na ring makapal at mahaba dahilan para wala ng halos makita sa mukha nito. " Tapos ka ng pagmasdan ako? " Nabalik siya sa realidad nang marinig muli ang boses nito. " Lumabas ka na ngayon din mismo. "" Kailangan niyo pong kumain ng umagahan. Kahit tatlo hanggang limang subo lang ng kutsara, ayos na basta magkaroon ng laman ang sikmura ninyo, " aniya saka lumapit sa mesa para aysuin ang dala niyang pagkain. " Kailangan niyo ring uminom ng gamot sa tamang oras ayon na rin sa ibinilin saakin. "" Hindi ba't ikaw 'yong nanggaling dito kahapon? " tanong nito saka inikot ang inuupan niya paharap kay Lucine. " Tiyak akong alam mo ang mangyayari sa dinala mo oras na ilapit mo 'yang pagkain saakin." " Kung ganoon babalik po ako para dalhan ulit kayo ng panibago. Kung itapon niyo ulit, ganoon din ulit ang gagawin ko hanggang sa kumain kayo ng dala ko. "Hindi ito nakapagsalita ngunit mababasa naman sa mga mata nito na hindi niya nagustuhan ang naging sagot sa kaniya ng dalaga sa harapan niya." Gusto niyo ho bang subuan ko kayo? " Walang halong pagbibiro o pag uuyam dahil kitang-kita naman sa ekspresyon ng mukha ni Lucine kung gaano siya ka-seryoso sa tanong niya.
Sumilay ang sarkastikong ngiti sa labi nito. " Anong pinamumukha mo saakin? "" Wala ho akong ibig sabihin sa sinabi ko. Gusto ko lang kayo tanungin kung ayos lang sainyo na subuan kayo para lang kumain kayo. "Pinaandar nito ang silyang de-gulong palapit sa kinatatayuan ni Lucine at gamit ang kaliwang kamay niya ay marahas niyang isinagi ang pagkain sa mesa dahilan kaya ito ay nagkalat sa sahig." Pagkatapos mong ligpitin ang mga 'yan, umalis ka na. Huwag mo ng pagtangkaang umulit pa dahil nagsasayang ka lang ng oras dito. "
Walang imik na pinagmasdan ni Lucine ang sahig kung saan nagkalat ang pagkain na dinala niya. May ilang nabasag kaya nagkalat rin sa sahig ang mga bubog.
Naupo siya at sinimulan itong pulutin isa-isa. Pinanood lamang siya ng lalaking nasa harapan niya na animo'y walang pakialam sa ginawa bago nito muling paandarin ang silyang de-gulong palayo sa puwesto ni Lucine na nabubog dahil bigla na lamang may pumatak na pulang likido mula sa hintuturo nito.
***Mula sa isang madilim na silid, banayad na gumagawa ng init ang dalawang taong nagsasalo sa iisang kama. Sa kwartong ito lamang rinig ang tila musikang kumakawala sa bibig ng bawat isa. Sa bawat haplos at galaw, animo'y tinutupok ng nagliliyab na apoy ang punong-kahoy na dahilan ng pagkatas ng maraming dagta.Walang nagsasalita, sapat na ang kanilang mga galaw upang magkaroon nang malinaw na komunikasyon. Ang kanilang mga tinginan ay punong-puno ng pagnanasa at nang umabot sa sukdlan, ang isa'y naging dalawa. Parehong bumagsak sa malambot na kama at naghahabol ng hininga.
" Ibang klase ka pa rin, Venice. Patuloy mo akong ginugulat sa kaya mong gawin, " tila nang aakit na komento ni Sergio sa babaeng nasa kaniyang tabi. Niyakap niya ito at marahang dinampi-dampi ang labi sa balikat na animo'y gustong umulit pa ng isa." Saakin mo lang 'yon mararanasan at hindi mo iyon mahahanap sa ibang babae d'yan, " anito dahilan kaya natigilan si Sergio sa paglalambing at takhang tumingin kay Venice." Mahal ko, sinabi ko na sayong ka-trabaho ko lang ang babaeng nakita mo kahapon. Wala kaming relasyon, sadyang malambing lang talaga siya sa kahit na sino—"" Iba ang malambing sa malandi, Sergio. Alam ko ang mga galawan ng tulad niya. " Bumangon siya sa kama at pinulot isa-isa ang mga damit niyang nagkalat sa sahig upang suotin. " May tiwala naman ako sayo, pero sa babaeng dikit nang dikit sayo, wala. "Bumangon din si Sergio sa kama at nilapitan si Venice upang yakapin ito mula sa likod. " Huwag ka ng magalit, mahal ko. Pangako, simula ngayon ay iiwasan ko na ang babaeng 'yon. Bahala na kung ano isipin nila, ayokong mag away tayo dahil lang sa kaniya. "Tumalikod si Venice upang harapin siya. " Gagawin mo talaga 'yon? "
" Oo naman, bakit hindi? " at sa ikalawang pagkakataon, nagdikit na naman ang kanilang mga labi subalit bago pa sila ulit makarating sa kama, tatlong katok mula sa pinto ang nagpahiwalay sa kanila." Venice? Gising ka na ba? " boses ng kaniyang ina kaya dali-daling niligpit ni Sergio ang kaniyang mga damit sa sahig.
" Gising na po ako, Ma! S-sandali lang po, " maski si Venice ay natatarantang tinulungan si Sergio na magbihis at maghanap ng puwedeng pagtaguan nito hanggang sa madako ang tingin niya sa malaki niyang aparador. Doon niya ito pinatago at bago tuluyang buksan ang pinto, inayos niya ang sarili at minadaling suotin ang pantulog niyang bestida." Bakit ba tagal mong buksan? " tanong ni Victoria—ang kaniyang ina na bihis na bihis at mukhang may lakad na naman ngayong umaga.
" Ah, galing po kasi ako sa banyo, " sagot niya at pasimpleng inilagay ang buhok sa bandang leeg dahil baka makita ang mga pulang marka na ginawa ni Sergio. " Saan po pala ang lakad niyo ngayon? Bakit parang bihis na bihis kayo? "" Sa mga Laurier ang punta ko, magkikita-kita kami doon ng mga ka-amiga ko, " anito saka sumilip sa kwarto niya. " Bakit ang kalat ng kwarto mo? Hindi ba 'yan nililinis ng mga katulong natin dito? "
" Ah, ipalilinis ko po 'to mamaya. " Lumabas siya ng kwarto saka sinara ang pinto. " Bakit niyo po pala ako tinawag? "" Tama, muntik ko ng malimutan. Ang iyong Papá ay kauuwi lang galing sa kompanya at mahimbing ang tulog niya ngayon sa kwarto, ayoko siyang gisingin para lang magpaalam kaya naman mamaya, kung hanapin ako, sabihin mo kasama ko ang mga amiga ko sa mansyon ng Laurier. "Tumango na lamang si Venice bilang pagsang-ayon dahil akala niya, importante ang sasabihin sa kaniya." At isa pa pala, dalawin mo ang asawa mo sa kaniyang kwarto, " dagdag nito, " lambing-lambingin mo dahil mainit na naman ang ulo. Paligayahin mo nang magtigil sa pagbabasag ng mga plato. Nakakairita sa tainga. "Maganda ang gising ni Venice subalit nang marinig ang sinabi ng ina, nawalan na siya ng gana. Muntik na niyang makalimutan, mayroon nga pala siyang obligason bilang asawa sa taong para sakaniya ay isang pabigat at pasakit na lamang sa buhay niya.***
Sa ikatlong pagkakataon, muli na namang nagkalat sa sahig ang basag na plato at baso dahil sa marahas na pagtabig ng taong sagad na ang pasensya dahil sa tagapag-alaga niya." Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko ng hindi ko kakainin ang mga pagkaing dinadala mo! " nanggagalaiting wika nito kay Lucine na may tatlong benda na sa dalari niya dahil ilang beses siyang nabubog kanina, ngunit tila wala lang ito sa kaniya dahil muli na naman siyang naupo upang linisin ang mga kalat sa sahig." Patuloy ko po itong gagawin hangga't hindi kayo kumakain, " anito habang iniipon sa bandeha ang basag na plato. " Pasensya na po, pero gusto ko lang gawin nang maayos ang trabaho ko. "" Bakit? Magkano ba ang kailangan mo? Sabihin mo saakin nang maibigay ko, umalis ka lang sa harapan ko. "Natigilan si Lucine saka sinalubong ang tingin nito. Ramdam niya kung gaano ito kainis sa presensiya niya mula pa kanina, ngunit wala siyang balak tigilan ito hanggat hindi niya nagagawa nang maayos ang pinaka unang trabaho niya." Anong nangyayari dito? " kapwa sila napatingin sa pintuan kung saan nanggaling ang boses at doon, nakita ni Lucine ang isang babae na tila isang modelo dahil sa tindig, ganda ng hubog ng katawan, kinis ng balat at makinang na kulay kahoy at mahaba nitong buhok. Si Venice Hassan, ang asawa ng lalaking inaalagaan niya at ang kaniyang kapatid sa ama. Ito ang unang beses na makita niya ito nang malapitan at masasabi niyang para itong isang prinsesa.Naglakad ito palapit sa asawa at binati sa pamamagitan ng pagdampi ng labi sa pisngi nito. " Mahal, umagang-umaga ang init na naman ng ulo mo. Huwag mo ibuntong sa kaniya ang galit, gusto ka lang naman niyang hatiran ng pagkain para kainin mo, hindi para itapon mo. "" Hindi ako gutom at wala rin akong ganang kumain, " sa pagkakataong ito kalmado na ang boses niya na siya namang kinamangha ni Lucine dahil maaari naman pala itong magsalita nang hindi sumisigaw." Pilitin mong kumain, mahal. Kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo. Tulungan mo rin ang sarili mo, naghihintay ako sa'yo. Marami pa tayong plano, hind ba? " sa boses pa lang ay halata ng nilalambing ang asawa. Sa una ay pahaplos-haplos lang ito sa balikat hanggang sa ito'y maupo mismo sa hita ng asawa upang simulang romansahin.Agad bumalik sa pagpupulot ng kalat si Lucine sa lapag at nagpanggap na walang naririnig sa paligid niya. Akala niya'y magtatagal ito pero huminto din ang mag asawa nang mapagtantong hindi lang sila ang nasa kwarto.
" Sige na, babalik ako dito mamaya, mahal ko. Maliligo lang ako at pakiusap lang, huwag mo ng itapon ang dadalhin niya. Kumain ka, " paalam ni Venice saka nilingon si Lucine. " Pakikuha na lang ulit siya ng bago sa kusina pagkatapos mo d'yan. "Tumango na lamang si Lucine saka kinuha ang walis upang sunod na linisin ang ilang butil ng kanin na nagkalat sa sahig. Ngunit laking pagtataka niya noong pagkalabas na pagkalabas ni Venice, narinig niya ang isang mahinang tawa mula sa likuran niya." Tang*na, " tila kinilabutan siya nang marinig itong magmura. Palihim niya itong nilingon at kita niya ang madilim nitong mukha at agresibong pagpunas sa bibig. " Sigarilyo naman ngayon. "Alak at sigarilyo. Iyon ang dalawang bagay na hindi gusto ng kaniyang asawa kaya tinigilan niya ang madalas na paggamit nito noong magsimula silang magsama. Subalit nitong mga nagdaang buwan, tila may malaking pagbabago sa kaniyang kabiyak at hindi siya bulag para hindi makita ang bago nitong kinahuhumalingan. Hindi siya bingi upang hindi marinig ang usap-usapan at hind rin manhid ang puso niya upang hindi maramdaman ang panlalamig ng asawa sa kaniya.
Si Amadeus Hassan, isang mabait at mabuting asawa na unti-unting dinudurog ng mga tao sa paligid niya. Isa siya sa tinitingala at ginagalang ng mga tao noon, ngunit isang alaala na lamang iyon ngayon. May kapangyarihan, ngunit tinanggalan ng kakayahan dahil sa kaniyang kalagayan.
Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong pumasok si Lucine sa mansyon ng Hassan at araw-araw ay laging sinusubok ang pasensya niya ng taong inaalagaan niya, dahil kung paano niya ito nakilala noong unang araw, ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Walang pagbabago, palagi pa rin mainit ang ulo. Hindi na lamang siya umiimik at iniintindi na lang ang kalagayan nito kagaya ng bilin sa kaniya ng mga madre nang malaman ang sitwasyon niya. Minsan may mga oras din naman na kalmado ito at kinakain ang mga pagkaing dinadala niya at ang gamot ay iniinom rin, subalit mangyayari lamang 'yon sa tuwing kasama nila sa kwarto ang asawa. " Pakiabot ang tubig niya, " ani Venice matapos isubo ni Amadeus ang tableta na ibinigay niya. Maingat namang kinuha ni Lucine ang isang basong tubig na nasa mesa saka iniabot ito kay Venice na marahang pinainom ang asawa ng panulak sa tabletang pinainom nila. Kinuha ni Lucine ang maliit niyang kuwaderno kung saan nakatala ang mga dapat niyang ipainom na gamot
" Señor, narito na po ang hapunan ninyo. Papasok na po ako, " rinig ni Amadeus na katok sa kaniyang kwarto at mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang mayordoma dala ang pagkain niya. Maingat na ipinatong ang bandeha sa mesa na nasa kaniyang harapan habang isa-isang inalis ang plato at baso para makapagsimula na siyang kumain. " Iyong babae... " panimula ni Amadeus saka isinara ang librong binabasa. "...nakauwi na ba siya? " " Si Lucine ho ba ang tinutukoy n'yo? " anito saka kinuha ang bandeha matapos ayusin ang mga plato at gamot na iinumin niya. " Nakauwi na ho siya kanina pa matapos kayong maihatid dito. " Hindi siya sumagot. Isang tipid na tango na lamang ang tinugon niya bago umalis sa harap niya ang mayordoma. Nang marinig ang pagsara na pinto, doon niya lang inangat ang ulo niya at tinitigan ang pagkain sa kaniyang harapan. Wala pa rin siyang ganang kumain kahit na ang nakahandang putahe ay ang paborito niyang ipaluto noon sa kusina. I
Mainit-init pa ang inihaing putahe sa mesa nang maupo si Lucine sa silya. Iyong aroma ng ulam na nasa harap niya ay s'yang lalong nagpakulo sa sikmura niya. " Pasensya na po, " nahihiya niyang saad sabay hawak sa tiyan niya. " Wala kang dapat ikahiya. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil muntik ka ng umuwi nang walang laman ang sikmura. Nakakahiya sa parte ko bilang mayordoma sa mansyon na ito, " sagot nito saka sinalinan ng tubig ang baso niya. " Sige na, kumain ka na hangga't mainit pa. Inutusan ko naman na ang isang kasambahay dito na painumin na ng gamot ang Señor. Nakapaghapunan naman na siya, hindi ba? "Tumango siya saka inangat ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding sa kusina. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas matapos niya ito pakainin ng hapunan sa silid nito at kailagan niya na lang painumin ito ng gamot bago siya umuwi subalit inimbita siya ng mayordoma na dito na maghapunan bago tuluyang umalis. " Uh, excuse me? Pwede ka bang makausap? " kapwa sila napal
Amadeus Hassan, isang mabuting tao at mapagmahal na asawa. Bilyonaryo dahil sa kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya na ipinamana sa kaniya. Nag-iisang anak kung kaya't siya lamang ang inaasahang magtutuloy ng iniwang tungkulin sa kompanya. Akala niya noong una, imposible niyang magampanan nang maayos ang iniwang posisyon ng ama, subalit nagawa niya at napagtagumpayang makilala ng buong mundo ang Hassan's Mall na ngayon ay daan-daan na ang napatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Lahat ng nakakakilala sa pangalan niya ay hanga sa pagiging matagumpay niyang negosyante. Bukod pa roon ay mayroon siyang mabait na asawa na suportado sa lahat ng ginagawa niya at biyenan na nag silbing pangalawa niyang magulang. Masasabi na nga niyang perpekto na ang buhay niya at wala na siyang hihilingin pa, subalit gumuho ang mundo niya nang maaksidente siya na naging dahilan para maging baldado siya. Doon nagsimulang magbago ang lahat at lumitaw ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya. Iyong
Maligamgam na tubig ang lumalabas mula sa hawak ni Lucine na ipinaaambon niya sa katawan ng lalaking nakaupo sa silya. Marahan niyang sinasabunan ang bawat parte ng katawan nito, pilit binabaliwala ang titig ni Amadeus sa kaniya na tila sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi niya alam kung bakit siya ngayon nakakaramdam ng pagkailang gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na gawin niya ito sa pasyenteng inaalagaan. Itinigil niya ang ginagawa matapos mabanlawan ang katawan nito ng tubig. Inangat niya ang ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Segundo ang lumipas bago niya maibuka ang bibig niya. " Mayroon ba kayong gustong sabihin? " tanong niya saka ibinalik ang hawak niyang sabon sa lalagyan. " Nagtataka lang ako dahil parang normal na sa'yo ang makakita ng hubad na katawan ng lalake, " anito, " Kung tama ang pagkakatanda ko, ito ang unang beses na pumasok ka sa ganitong trabaho. " " Sa katunayan, noong una ay kinabahan ako pero dahil parte ito ng trabaho ko, kailangan ko
Huling hapunan. Iyon ang pakiramdan ni Amadeus habang kaharap ang mahabang mesa na puno ng mga putaheng paborito niya. " Kay tagal na rin pala simula noong mag salo-salo tayo isang hapag kainan. " Nakangiting wika ni Logan habang ang mga mata ay nakapako sa kaniya. " Anong masasabi mo? Hindi ka ba natutuwa sa aming hinanda? Kagaya ng sabi ko, ngayon na lang ulit tayo magsasalo-salo sa iisang mesa pero bakit parang hindi ka masaya? " " Papà, sa tingin ko naninibago lang si Amadeus dahil ilang buwan din siyang kumakain nang mag-isa sa kwarto niya, " mungkahi naman ni Venice na nasa kanang bahagi niya, kaharap ang ina at ama. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. " Mahal, mayroon bang problema? Mayroon ka pa bang ibang putahe na gusto mong ipaluto? Sabihin mo lang. " " Tama, huwag kang mahiya. Ituring na rin natin itong isan
Madaling araw pa lang, mulat na ang mga mata ni Amadeus habang pinagmamasdan ang pagbukang liwayway ng kalangitan mula sa balkonahe na kaniyang kinalalagyan. Maganda ang panahon, ang mga ibon ay malayang nagsisiliparan sa itaas at nagsisimulang mag ingay hudyat na panibagong pakikipagsapalaran na naman ang kailangan lagpasan ngayong araw. Binaba niya ang tingin mula sa balkonahe kung saan nagsisimula ng magwalis sa harapan at magdilig ng mga halaman ang ilang kasambahay. Dito siya mismo sa pwesto na ito naghintay sa pagdating ni Lucine kahapon at ngayon ay ito pa rin ang pwesto niya subalit wala na siyang hinihintay pa. Kagabi rin mismo matapos malaman na nakalaya na ang dalaga, agad din siyang nag desisyon na tanggalin ito sa trabaho. Hindi niya gustong idamay pa ang ibang tao sa gulo ng pamilyang ito, lalo na't nababatid niyang nagsisimula ng kumilos ang biyenan niya para kalabanin siya. " Señor, narito na po ang umagahan niyo, " rinig niyang boses ng mayordoma matapos nitong kum
Mabilis na binawi ni Owen ang kaniyang kamay kasama ang baril na itinutok ni Amadeus sa sariling noo bago umatras palayo dito. " Pasensya na pero hindi ko kayo magagawang sundin, " anito saka inalis ang magasin para sana tanggalan ng bala pero wala itong laman. Inangat niya ang tingin kay Amadeus na may kakaibang ngisi sa mukha habang nakatingin sa kaniya. " Mas mabuti ng makasiguro, " anito saka pinaandar ang silyang de gulong patungo sa pintuan ng balkonahe. " Tatapatin na kita, kailangan ko ng tulong mo, Goslin. Kailangan kong makaalis dito sa impyernong ito bago ko maisagawa ang lahat ng mga pina-plano ko. " " Nakahanda akong tulungan kayo, " walang pag aalinlangang sagot nito saka pumwesto sa likuran ni Amadeus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang papel na binigay niya kanina. " Ano bang pina-plano niyo? May ipagagawa ba kayo agad saakin ngayon? " " Ang una mong kailangang gawin ay mabigyan ng proteksyon si Lucine Verine. Humanap ka ng mapagkakatiwalaang tao upang mabantay
Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon
Hindi na halos makita ni Morriss ang mukha ni Janina dahil sa malaking palumpon ng mga kulay pulang rosas na hawak nito. " Bati na tayo? " may lambing na tanong ni Morriss, umaasa na ngumiti na ang asawa kahit na hindi niya ito halos makita. " Huwag ka ng magtampo. Hindi ko naman kasi nakalimutan ang anibersayo ng kasal natin. Ikaw lang ang nag isip noon. " Binaba ni Janina ang palumpon ng rosas sa mesang nasa harap nila saka ito tumayo ay pumamewang sa kaniya. " Huwag mo akong idaan sa bulaklak, Morriss. Alam mo naman na tuwing sasapit ang ala-dose ng hating-gabi, doon natin isini-celebrate 'yong anniversary natin 'di ba? Tatlong taon na natin 'yon ginagawa kaya dapat alam mo na 'yon. Aminin mo na lang kasi na nakalimutan mo. " " Hindi ko nakalimutan, Janina. Maniwala ka, " ani Morriss, " Oo aaminin ko, hindi kita nasamahan sa pagsalubong ng anibersayo natin kaninang madaling araw pero hindi ibig sabihin noon ay nawala sa isip ko ang tungkol dito. " Ipinag-krus ni Janina ang bra
Halos liparin na ni Amadeus ang pasilyo ng ospital kung saan dinala si Lucine. Wala siyang pakialam kung may masagi siyang mga tao sa paligid niya sa kagustuhang makita at malaman kung ano ang kalagayan nito. Hindi niya gustong paniwalaan ang sinabi ni Venice. Ayaw ito tanggapin ng utak niya dahil hangga't hindi niya ito nakikita, wala siyang kahit na sinong paniniwalaan. " Nasa Emergency room na po siya. Maghintay na lang po kayo dito sa waiting area, " pigil ng nars kay Amadeus nang magtangka itong pumasok sa pinto ng silid kung saan naroroon si Lucine. " Kailangan ko siyang makita... " Hinihingal niyang saad saka hinawakan sa magkabilang balikat ang nars. " Pakiusap, hayaan niyo akong makita siya..." " Pasensya na po, pero hindi pa po kayo puwedeng pumasok sa loob. Hintayin niyo na lang po ang paglabas ng Doctor dito, " saad ng nars. Nais pang magpumilit ni Amadeus subalit may humawak sa kaniyang balikat, si Owen at kasama nito si Morriss. " Señor, hintayin na lang natin na l
Walang nagbabantay na guwardiya sa labas noong pumasok ang sasakyan ni Amadeus. Hindi man niya batid kung paano nagawang makapasok ni Logan nang hindi dumadaan sa butas ng karayom, may kutob naman siyang mayroon itong kinasabwat sa loob kaya ganoon na lamang ito nakapuslit nang walang kahirap-hirap. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Amadeus nang makarating sa tapat ng mansyon. Hindi na siya nag abalang iparada pa ito sa garahe dahil sa pagmamadaling makaabot sa eksaktong oras na ibinigay sa kaniya ni Logan. " Señor... " Sumalubong ang lahat ng mga kasambahay kay Amadeus nang makapasok ito sa pintuan. Lahat ay nababalot ng takot ang mga mukha, walang magawa kung hindi manatiling tahimik upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. " Nasaan siya? " tanong ni Amadeus, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng sala at napako ang kaniyang tingin sa sahig nang makitang may basag-basag na gamit. " N-nasa loob po siya ng komedor..." sagot ng isang kasambahay na siyang unang tinutukan ng bar
" Señorita, hindi ho ba't kotse 'yon ng Señora Venice? " saad ng drayber ni Lucine sabay turo sa isang pamilyar na sasakyang lumiko sa looban. Kumunot ang noo ni Lucine, kabisado niya ang pasikot-sikot sa bayan nila at sa loobang pinasukan ng kotse ni Venice, alam niyang lugar ito ng isang inabandunang gusali. " Sundan po natin, " ani Lucine, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Malapit na sila sa bahay ampunan ngunit nais niyang alamin kung anong dahilan ng pagpunta ni Venice sa lugar na wala namang halos katao-tao. Mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan habang lihim na sumusunod sa kotseng pagmamay-ari ni Venice. Ilang sandali lang ay huminto ito sa isang bakanteng lote. Inabangan ni Lucine na may bumaba ngunit ilang minuto na ang nakalipas, nanatili ang sasakyan kung saan ito huminto. Wala siyang nakikitang tao sa paligid, walang lumalapit sa kotse o lumalabas mula rito. Binaba ni Lucine ang tingin sa plaka upang masigurong ito nga ang kotse ni
Nakababa ang tingin ni Lucine sa tiyan ni Venice na nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya maalis ang tingin rito, ngayon lamang niya napansin ang umbok sa tiyan nito dahil sa damit nitong suot na tila kumo-korte sa katawan dahil sa kanipisan. " Ano ba ang sasabihin mo saakin? " tanong ni Venice, ipinag-krus ang mga braso habang hinihintay ang sasabihin ni Lucine. " Kasi ako wala namang sasabihin sa'yo, kaya magsalita ka na bago pa kita layasan. "Binalik ni Lucine ang tingin sa mga mata ni Venice. " Mahal mo ba si Amadeus? "Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Venice. " Anong klaseng pagtatanong 'yan Lucine? Ganiyan ka pa ka-desperadang sirain muli ang relasyon namin? "" Napakarami mong sinabi. Isa lang ang tinanong ko at oo o hindi lang ang isasagot mo, " walang ekspersyong wika ni Lucine dahilan upang mawala ang mapanuyang hitsura sa mukha ni Venice. " At huwag mong isisi saakin kung bakit nagkaganiyan kayo ni Amadeus. Ikaw ang sumira sa relasyon niyong dalawa bago pa ako pumas
" Kumusta naman ang paninirahan mo rito? " tanong ni Don Caruso habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay na pagmamay-ari niya. " Mahigit isang taon ko na rin itong hindi napupuntahan. Ngayon na lang ulit ito nabuksan dahil kailangan kong patuluyin ang isang kaibigan. "Ngumiti si Logan, tumayo mula sa silya dala ang kaniyang tsaa. Katatapos lamang nilang mag umagahan at busog na busog siya dahil minsan na lamang sa isang linggo kung makakain siya ng masarap-sarap na ulam. " Maganda ang bahay na ito, Don Caruso. Wala akong nakikitang kalapit na bahay kaya hindi ako nahihirapang makagalaw. Malaya akong nakalalabas kung kailan ko gustuhin. "" Dahil malayo ito sa siyudad. Ang buong lupain din ito ay pag-aari ko kaya walang ibang bahay ang puwedeng itirik dito maliban na lang kung mayroong permiso ko, " ani Don Caruso at nang dumapo ang tingin sa lamesita, napangisi siya nang makita ang dalawang baril na binigay niya. " Mukhang may pinaghahandaan ka na? Nakakasiguro ka bang hindi
" Ate Lucine! " Masayang sinalubong ng mga bata si Lucine nang makita nila itong naglalakad papasok sa bakuran ng bahay ampunan. Hindi nila napigilan ang mga sariling yakapin si Lucine at sabay-sabay na nagsalita upang ito'y kumustahin. " Mga bata, dahan-dahan lang. Huwag niyong ipitin si ate Lucine niyo, " awat naman sa kanila ni Aling Josie. " Magandang tanghali po, Aling Josie. Pasensya na po sa biglaang pagpunta ko, " ani Lucine dahil mukhang nasa kalagitnaan ang mga bata ng isang aktibidad nang pumasok siya sa bakuran. Inabot niya ang supot na dala na naglalaman ng mga prutas na binili niya. " Nasaan po pala si Sister Bella? Nandito po ba siya ngayon? " " Nasa simbahan siya ngayon. Hintayin mo na at pabalik na rin 'yon dito mayamaya lang, " anito saka nagpasalamat sa mga prutas na dinala ni Lucine. Pinadala niya ito sa mga bata na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Binalik ni Aling Josie ang tingin kay Lucine. " Siya nga pala, gusto kong humingi ng pasensya sa'yo. Naipit
Hindi alam ni Janina kung tatayo na lang ba siya magdamag sa harap ng bahay nina Morriss o papasok siya at gawin ang dating gawi kung saan tuwing linggo, maghapon siyang mananatili sa bahay ni Morriss upang makasama ito. " Huwag na lang kaya? " tanong ni Janina sa sarili, agad siyang tumalikod subalit hindi humakbang ang kaniyang mga paa paalis dahilan upang bumalik ulit siya sa pagkakaharap sa bahay at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Nandiyan kaya siya sa loob? " " Nandito kami sa labas. " Napalingon si Janina sa kaliwang bahagi niya kung saan narinig ang isang hindi pamilyar na boses. Nakita siya si Owen, kasama si Morriss na tila hindi inaasahan na makita siya sa harap ng bahay. " Mukhang ngayon pa lang kayo uuwi? " Nagtatakang tanong ni Janina, saka napatakip sa ilong niya. " Amoy alak rin kayo. " " Ah, pasenya na. Nakainom lang pero hindi kami lasing, " sagot ni Owen saka tinapik sa balikat si Morriss. " Sige na, ipasok mo na 'to sa loob. Kailangan niya n