Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon
Maiging pinagmamasdan ni Lucine ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin suot ang isang magarang bestida na pinili mismo ng kaniyang ama para suotin sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kulay lila na may mahabang hati sa ibaba pababa sa kaniyang kaliwang hita. Ito ay tila kumikinang lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Disenyong puso sa harapan at hapit na hapit sa kaniyang baywang ang bestida na lalong nagpaangat sa kaniya dahil sa perpekong hubog ng katawan, mala-porselanang kutis ng balat at mala anghel na mukha na tinitingala ng lahat. " Señorita Lucine, pinabababa na po kayo ng inyong ama sa salas. Aalis na raw ho kayo ngayon. " Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang tawag ng kanilang kasambahay. " Opo, pakisabi pababa na ako, " tugon niya saka muling tumingin sa harap ng salamin. Ito ang unang pagkakataon na siya'y makapagsuot ng ganitong kagarang damit at ito rin ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang magarbong okasyon na kung saan mga bigatin at kilalang personali
Buong ingat na naglalakad si Lucine sa pasilyo papasok ng bahay ampunan habang bitbit ang kaniyang pares ng tsinelas. Nakaangat nang bahagya ang kaniyang talampakan mula sa lapag sa pagbabakasakaling makatulong ito upang hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay na posibleng maging dahilan upang magising ang mga tao sa loob. Patay na ang ilaw sa labas dahil sa karpiyo na ipinatutupad sa bahay ampunan na kapag sapit ng alas-diyes ng gabi, tulog na dapat ang lahat lalo na ang mga bata. " Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, " halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. Napatayo siya nang maayos at kaswal na hinarap ang madre na dismayadong nakatingin sa kaniya hawak ang lampara. " Magandang gabi ho, sister Bella. " Yumuko siya nang bahagya upang magbigay galang ngunit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng madre. " Saan ka nanggaling? Maghapon kang wala, " anito at ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kaniya. " Lucine, hindi k
" Ano kamo? Mayroon kang trabaho? " hindi makapaniwalang tanong ni sister Bella kay Lucine na ngayon ay nasa kaniyang opisina upang ipaalam ang balitng ito. " P-paanong nangyari 'yon? Saan? Kailan pa? "" Kahapon lang po at natanggap na rin po ako agad. Ngayong umaga na rin po ang unang araw ko, " tugon niya, " Hindi po ninyo kailangan mag-alala dahil malinis po ang trabahong pinasok ko. Mag aalaga po ako ng isang taong baldado sa mansyon ng mga Hassan. "Tila lalong lumaki ang mga mata ng madre at napatayo sa kaniyang kinauupan habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga." Lucine, ano bang gusto mong mangyari? Hindi naman kita pinaghahanap ng trabaho para pasukin ang—"" Sarili ko po itong desisyon, sister Bella. "" Pero—"" Alam ko pong sa mansyong iyon nakatira ang pamilya ng aking ama, " aniya, " pero wala po akong balak manggulo sa kanila. Gusto ko lang po makita, makasama at makilala pa ang taong umabanduna saamin ng aking ina. Masama mo ba kung gagawin ko iyon? "Hindi a
Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong pumasok si Lucine sa mansyon ng Hassan at araw-araw ay laging sinusubok ang pasensya niya ng taong inaalagaan niya, dahil kung paano niya ito nakilala noong unang araw, ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Walang pagbabago, palagi pa rin mainit ang ulo. Hindi na lamang siya umiimik at iniintindi na lang ang kalagayan nito kagaya ng bilin sa kaniya ng mga madre nang malaman ang sitwasyon niya. Minsan may mga oras din naman na kalmado ito at kinakain ang mga pagkaing dinadala niya at ang gamot ay iniinom rin, subalit mangyayari lamang 'yon sa tuwing kasama nila sa kwarto ang asawa. " Pakiabot ang tubig niya, " ani Venice matapos isubo ni Amadeus ang tableta na ibinigay niya. Maingat namang kinuha ni Lucine ang isang basong tubig na nasa mesa saka iniabot ito kay Venice na marahang pinainom ang asawa ng panulak sa tabletang pinainom nila. Kinuha ni Lucine ang maliit niyang kuwaderno kung saan nakatala ang mga dapat niyang ipainom na gamot
" Señor, narito na po ang hapunan ninyo. Papasok na po ako, " rinig ni Amadeus na katok sa kaniyang kwarto at mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang mayordoma dala ang pagkain niya. Maingat na ipinatong ang bandeha sa mesa na nasa kaniyang harapan habang isa-isang inalis ang plato at baso para makapagsimula na siyang kumain. " Iyong babae... " panimula ni Amadeus saka isinara ang librong binabasa. "...nakauwi na ba siya? " " Si Lucine ho ba ang tinutukoy n'yo? " anito saka kinuha ang bandeha matapos ayusin ang mga plato at gamot na iinumin niya. " Nakauwi na ho siya kanina pa matapos kayong maihatid dito. " Hindi siya sumagot. Isang tipid na tango na lamang ang tinugon niya bago umalis sa harap niya ang mayordoma. Nang marinig ang pagsara na pinto, doon niya lang inangat ang ulo niya at tinitigan ang pagkain sa kaniyang harapan. Wala pa rin siyang ganang kumain kahit na ang nakahandang putahe ay ang paborito niyang ipaluto noon sa kusina. I
Mainit-init pa ang inihaing putahe sa mesa nang maupo si Lucine sa silya. Iyong aroma ng ulam na nasa harap niya ay s'yang lalong nagpakulo sa sikmura niya. " Pasensya na po, " nahihiya niyang saad sabay hawak sa tiyan niya. " Wala kang dapat ikahiya. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil muntik ka ng umuwi nang walang laman ang sikmura. Nakakahiya sa parte ko bilang mayordoma sa mansyon na ito, " sagot nito saka sinalinan ng tubig ang baso niya. " Sige na, kumain ka na hangga't mainit pa. Inutusan ko naman na ang isang kasambahay dito na painumin na ng gamot ang Señor. Nakapaghapunan naman na siya, hindi ba? "Tumango siya saka inangat ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding sa kusina. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas matapos niya ito pakainin ng hapunan sa silid nito at kailagan niya na lang painumin ito ng gamot bago siya umuwi subalit inimbita siya ng mayordoma na dito na maghapunan bago tuluyang umalis. " Uh, excuse me? Pwede ka bang makausap? " kapwa sila napal
Amadeus Hassan, isang mabuting tao at mapagmahal na asawa. Bilyonaryo dahil sa kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya na ipinamana sa kaniya. Nag-iisang anak kung kaya't siya lamang ang inaasahang magtutuloy ng iniwang tungkulin sa kompanya. Akala niya noong una, imposible niyang magampanan nang maayos ang iniwang posisyon ng ama, subalit nagawa niya at napagtagumpayang makilala ng buong mundo ang Hassan's Mall na ngayon ay daan-daan na ang napatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Lahat ng nakakakilala sa pangalan niya ay hanga sa pagiging matagumpay niyang negosyante. Bukod pa roon ay mayroon siyang mabait na asawa na suportado sa lahat ng ginagawa niya at biyenan na nag silbing pangalawa niyang magulang. Masasabi na nga niyang perpekto na ang buhay niya at wala na siyang hihilingin pa, subalit gumuho ang mundo niya nang maaksidente siya na naging dahilan para maging baldado siya. Doon nagsimulang magbago ang lahat at lumitaw ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya. Iyong