Share

Author's note

Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. 

Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon dahil baka lumabas na tino-tolerate ko 'yong mga kabit, pero sana hindi ganoon ang dating sainyo lalo na't nabasa niyo naman nang buo ang kuwento.

Muli, maraming salamat po sa pagbabasa! Sana ay suportahan niyo rin po ang iba kong nobela dahil marami pa po akong mga kuwentong nais ibahagi sainyo. Hanggang sa muli! 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Ilang araw ko din tong binasa...maganda ang story....
goodnovel comment avatar
janeebee
Hi, ngayon ko lang po nabasa 'yong comment hehe. Yes po, wala talaga silang masyadong sweet moments dahil naka-focus sa paghihiganti iyong male lead. Sa title at blurb pa lang nitong novel ay makikita na ang daloy ng story. Iyon lang po, salamat po.
goodnovel comment avatar
Jobelle Derano
sobrang haba ng story,pero wala nman maxado sweet moments si lucine at amadeus,medyo minadali na ang ending.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status